Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

KABANATA 5 - Girl In Red

Chapter 5

SERENITY LIEN GUSTAVON

Ilang araw ang lumipas tuloy tuloy nang nawawala ang mga sugat ko sa katawan. May pinainom sakin si Blaze nung natutulog ako nung unang ligtas niya sakin para hindi ako makaramdam ng kahit anong sakit.

Napansin ko din na maraming mga bampira ang nag pupuntahan dito para mag bigay ng prutas, pagkain okaya mga rigalo.

"Noel, bakit ang daming nag bibigay ng mga ano ano?" Bulong ko sakanya dito sa may hagdanan, dahil pinapanood naming dalawa si Blaze na kausapin ang mga bisita nya.

"Oonga pala, may pista kasi. Hindi ko na sabi sayo. Kaya simula kahapon ay madami nag bibigayan." Sagot niya sakin ng pabulong din. Napatango ako at bumalik sa pag nonood sakanyang bisita.

"Salamat muli sa mga dinala niyo dito. Isang karangalan." Pag papaalam ni Blaze habang hawak hawak nya ang isang bag.

"Mayayaman yan dito, nirerespeto din sila." Bulong sakin ni Noel.

"Sana ay makita ka naming muli sa palasyo." Ngiting sabi nung bisita kay Blaze. Hindi ko nakikita ang mukha ni Blaze dahil naka talikod siya.

"Paalam Melice." Tumango si Blaze at sinara ang pinto.

Saglit siyang tumayo sa pinto at hinagis sa sofa ang isang bag kaya nag laglagan ang mg prutas sa sahig. Napanganga ako dahil sa ginawa niya.

"Nakakapagod makipag pekean." Ang sabi niya at kumuha ng isang bimpo sa kaniyang bulsa at pinunas sa kamay niya.

Dirediretsyo siyang pumunta sa kusina. At narinig ko ang pag bukas ng gripo. Nanlaki ang mata ko dahil sa ginawa niya, napalingon naman ako sa tabi ko at wala na dun si Noel. Nandun na pala siya sa sofa at kumuha ng mansanas.

Kakagat sana siya pero bigla may isang boses na nag salita.

"Kainin mo kung gusto mo matapos ang buhay mo." Natigil si Noel dun at binksak nalang ang mansanas sa sahig.

Grabeng mga nilalang ito.

Bumaba ako at pumunta kay Noel, sakto naman ang pag babalik ni Blaze dito.

"Serenity, pakilinis." Kumunot ang aking noo dun.

"Ano? Wag moko utusan!"

"Sinabi ko yun sa mabuting paraan, kaya yun ay isang kahilingan, kaya kung maari ay linisin mo ang mga basurang manasanas na yan." Napangisi naman ako.

"Humihiling ang isang kinatataasan sa isang hampas lupa?" Ngising asar ko naman sakaniya kaya siya naman ang kumunot ang noo.

Narinig ko naman ang tawa ni Noel dahil dun.

"Linisin mo na lang! At itapon mo." Sabay talikod niya at alis. Napailing nalang ako habang tumatawa dahil dun.

Sinunod ko nalang siya at nakita ko si Noel na umalis at sinara ang pinto. Kaya sinimulan ko nalang ang inuutos niya sakin.

Kinuha ko ang paper bag at pinulot ko ang mga natapon, pumunta ako sa likod ng bahay para itapon.

Tumingin ako sa likod, kaliwa at kanan. Para makita kung may nanonood ba sakin. Kumuha ako ng isa sa mga mansanas at hinugasan ito sa loob. Lumabas ulit ako para hindi ako makita ni Blaze. Diba pinag bawalan kasi si Noel ni Blaze.

Napaka ganda ng kulay ng mansanas na ito, ano namang kaya nakakamatay sa prutas na ito? Ano yun snow white. Natawa maman ako sa sarili kong sinasabi sa utak ko.

Kakagat na din sana ako pero bigla na nawala sa kamay ko ang masanas at malakas na bumukas ang pinto kaya bumaksak ako sa damo dun.

Nagulat ako sa galit na mukha ni Blaze at ang kaniyang pulang pulang mata.

Nitong mga nakaraang araw ay iniiwasan ko talagang magalit si Blaze dahil natatakot ako sakaniya. Hindi ito biro dahil tuwing nakikita ko siyang nagagalit ay parang gusto ko umalis at wag siyang makita, para akong nakakakita ng isang halimaw pero si Blaze padin yun.

"Hindi mo ba ako narinig kanina!? Sabi ko kapag kinain yan ay mamatay! Hindi kaba marunong sumunod? Hindi ba marunong umintindi ang isang pulubi? Gusto mo sa wikang ingles pa! Mas lalo mong hindi maiintindihan."

Bukod sa nakakatakot siyang magalit ay nakakasakit ang mga salitang binibitawan niya sa tuwing nagagalit siya.

Hindi ko maiwasang masaktan sa lumalabas sa bibig niya wala akong magawa kundi tumulo ang luha.

Hindi ako makapag salita, lahat ng tapang ko sa tuwing nagagalit siya ay nawawala.

Bigla nalang tumulo ang aking luha ko, bumaling ako sa kaniyang mata na unti unti nang nawawala ang pag kapula. Ang presensya ay gumaan na.

Umalis siya sa kinatatayuan niya at kinuha ang mga mansanas nahulog ulit at agad inilagay sa basurahan. Agad agad siyang tumalikod at umalis pero tumigil siya.

Tumayo ako at sinundan siya ng tingin, napansin ko ang kamay niyang naka kuyom at agad na ulit umalis. Uminom ako ng tubig, ang lakas ng tensyon na yun, nakakatakot talaga siya.

Nagulat ako dahil may biglang kumatok sa pinto agad ko inayos ang sarili ko, pero hangang ngayon ay malakas padin ang pag kabog ng aking puso dahil sa eksena kanina.

Huminga ako ng malalim bago siya pag buksan ng pinto. Pag bukas ko ay isang napaka gandang babae na may pulang labi, makinis, naka pulang dress na bagay na bagay sa kaniyang kagandahan.

Saglit akong natulala.

"Hmm, sino ka?" Tanong sakin na dapat ako ang mag tatanong sa mabuting paraan.

Sasagot sana ako pero nag salita nanaman siya. "Katulong?" Tumawa siya ng konti. "Nag aarkila pala ng katulong si Blaze."

Pag tapos nun ay dirediretsyo siyang pumasok sa loob, napairap ako at sinara nalang ang pinto. Humarap ako sakaniya na nakaupo na ngayon sa sofa at inaayos ang kaniyang buhok.

"Pakitawag nga si Blaze." Utos sakin.

"Huwag mo siyang utusan." Nanlaki ang mata ko sa lalaking pababa ngayon sa hagdanan. Dumaan siya sakin at narinig ko ang kaniyang bulong.

"Kakababa kolang kanina baba na naman." Reklamo niya pero mahina lang na sabi.

Pumunta siya dun sa babae. "Anong kaylangan mo?"

"Para makita ka lang Blaze, dumating kasi dito ang mga magulang ko at nasabi nila sakin na nandito ka." Umupo si Blaze sa isang upuan.

"Ayun lang?"

"Syempre, para na din sa plano nating pag papakasal." Nanlaki ang mata ko dahil dun, wow may ganito ganito pala sila.

"Sa tingin mo ba ay mag papakasal ako sa babae na ang intensyon ng kanilang magulang ay patayin ako?" Serysosong tanong ni Blaze.

"Mag tanan tayo."

"Kahit hindi nila intensyon na mawala ako, hindi padin ako mag papakasal sa babaeng hindi ko minamahal." Napayuko yung magandang babae at huminga ng malalim.

"Hamak na ako ang pinaka maganda sa bayan natin, bakit hindi mo ako magustuhan? Kinababaliwan ka ng karamihan ng kababaihan. Mas maganda ako sakanila at mas mayaman." Depensa naman nung babae.

Kaya pala hindi siya magustuhan ni Blaze ay mayabang at mataas ang tingin sa sarili, may mas maganda pa sakaniya sa bayan na ito ano. Wala naman masama dahil may confidence ka sa sarili mo pero wag mo naman idown ang iba.

"Pasensya na, bumalik ka na lang sa bayan at mag saya sa pista." Patawad ni Blaze at sabay silang tumayo ni babae.

Nung dumaan ang babae sa harap ko ay sinamaan niya ako ng tingin. Tumigil siya at muling hinarap si Blaze.

"Ito ba ang nobya mo?"

Tinignan ko si Blaze at nakakunot ang kaniyang noo.

Bigla siyang sinabunutan ang likod ng aking buhok kaya napatingala ako dahil dun.

"Aray!"

"Malandi ka!"

"Pia!" Sigaw naman ni Blaze at lumapit dito para awatin ang babae na ito.

"Ikaw ang malandi!" Laban ko naman.

Baka mag dugo ang sugat ko.

Dalawang kamay niya ang sabunot niya sakin. Kaya sinipa ko siya at dahil dun ay natumba siya.

"Umalis ka na Pia, kinausap na kita ng maayos. Umalis kana." Inis na sabi ni Blaze.

Mabilis na umalis si Pia dahil sa kahihiyan. Napahawak ako sa aking ulo at masakit talaga yun. Napatingin ako sa Blaze na nag aalala sakin. Wow for the first time sis-

Pag tingin ko sa aking kamay ay may dugo sa aking kamay mula sa sugat ko sa ulo. Tumayo lahat ng aking balahibo at napa baling ng tingin kay Blaze.

Pulang pula ang mata niya...dahil sa aking dugo.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro