KABANATA - 21 For Her
TW: DEATH
Chapter 21
SERENITY LIEN GUSTAVON.
Huling araw, hindi ako makatulog walang antok na dumadapo sa akin.
Umaga na pala at hindi ko namalayan. Narinig ko naman ang mga nag sasalita at nakinig ako.
"Maraming dadalo sa momento mamaya, masasaksihan nila ang isang Melice na mamatay dahil lamang sa isang hampas lupa." Rinig ko, kausap niya si Blaze. Bumilis ang tibok ng aking puso umupo naman ako at lumapit para mas marinig pa.
"Salamat dahil nagawa kong mag lingkod sa kaharian." Anas naman ni Blaze. Nadudurog na naman ang puso ko. "Maari ba na ang ginawa na lamang ng ama ni Noel ang gamitin natin sakaniya?" Tanong ni Blaze.
"Oo naman, pero Blaze." Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang tubig sa mata ko. "Papapiliin kita muli. Hawak ko ang kaso na ito. Mahalaga ka sa kaharian. Papapiliin kitang muli—" Pinutol siya ni Blaze na mas lalo ko pa kinadurog.
"Buo na ang desisyon ko Heneral. Ako ang mamatay." Hindi na nanaman napigilan ng mata ko ang mag buhos ng sandamakmak na luha.
"Blaze, kaya ko ipag takip sa bayan mo at sa mga naka alam ang sikreto mo." Sandaling katahimikan ang naganap.
"Kung inaakala mo Heneral, na gusto ko na mamatay dahil dun. Nag kakamali ka."
"Talaga bang ibibigay mo ang buhay mo sa taong 'yun?!" Inis naman na tanong ng Heneral. "Nakakadismaya ka Blaze. Papanoodin ko ang kamatayan mo."
Rinig na rinig ko ang dimasayang yapak paalis ng Heneral, tinago ko ang mukha ko para hindi nila ako mapansin.
Pero isang lalaking nakatayo sa harap ng kulungan. Nakikita ko ang anino niya kaya naman agad ko siyang nilingon.
Umupo siya, pinasok niya ang kamay niya at pinunasan ang luha ko. "Tahan na. Sa oras na dadalin kana palabas, may ibibigay sa 'yo si Noel na isang sulat galing sa akin." Mas lalong sumasakit ang lahat.
Mayamaya ay makakaalis na ako sa mundong ito, at mawawala na din si Blaze.
"P-pero dapat pinili mo akong mamatay."
"Hindi mo nais mamatay." Mahinahon niyang sagot.
"Handa akong mamatay para sa 'yo." Natigil siya at tumayo kaya tumayo din ako baka sa pag kakataon na ito ay mapigilan ko siya.
"Blaze—" Tinalikuran niya lamang ako at umalis. Hindi ko pa natutuloy ang sasabihin ko pero inalisan na niya agad ako. Napakapit ako ss rehas at napatingin sa sahig.
Nanglalabo ang mata ko dahil sa tubig sa mata ko. Huminga ako ng malalim, ganito pala talaga kasakit. Unang beses ko mag mahal ng ganito.
Ilang oras ang makalipas, ay pinuntahan ako ni Noel. Dala niya ang ginawa ng Tatay niya at isang papel.
Nasa isang silid lang kami, naririnig ko padin ang mga tao sa labas, hinawi ko ang kurtina para tignan pero agad ako pinigilan ni Noel.
"Huwag na." Agad ko naintindihan at dahan dahan na binaba ang kamay. Pinapunta kami dun para makapag handa, lalabas kami kapag kumatok na ang susundo sa amin.
Hangang sa may kumatok na nga, paaalisin muna ako bago mawala si...Blaze.
Nag lalakad kami palabas ng loob ng palasyo nang matanaw ko ang marami na namang nandito.
Nakita ko ang nakatali na kamay ni Blaze sa kabilang bahagi ng palasyo at pababa din sila, marami siyang kasamang mga kawal at Heneral. Bumagal ang pag lakad ko, pinag mamasdan ko siya. At napatingin naman ako sa nag kukumpulan na mga bampira at gamit para sa kamatayan ni Blaze. Tuluyan na akong napatigil sa pag lalakad dahil dun kaya tinignan ako ng masama ng kawal.
"P-pwede ko ba siya makausap kahit ngayon lang?" Tanong ko.
Umiling naman ang kawal at pinalakas ako pero hindi ako nag patinag.
"Serenity, tara na." Aya sa akin ni Noel pero hindi ako nakinig. Ihahakbang ko na sana ang aking paa palayo pero agad ako sinuntok ng kawal sa aking tyan sanhi ng aking pag kahina. Napalunod naman ako agad dun.
Agad din naman ako tinulungan ni Noel at inalalayan ako. "Ano ba naman 'yan, huwag niyo namang abusin." Anas ni Noel sa mga kawal at nag patuloy kami sa pag baba.
"Noel, si Blaze." Ngiyak ko kay Noel habang nakasakay kami sa kalesa.
Ang huli kong kita kay Blaze ay nakatayo siya sa may parang stage kasama ang kagamitan na gagamitin sakaniya sa kaniyang kamatayan.
"Shhh." Anas ni Noel at iniliin niya ang ulo ko sakaniyang balikat at hinimas ang aking likod para gumaan ang dibdib.
Rinig ko ang kampana, hudyat na sisimulan na ang gagawin nila kay Blaze kaya mas lalo ako nadurog.
Nasa gubat na kami, tulala ako, wala ako sa sarili hangang sa tumigil kami. Kinuha ni Noel ang bote na nasa kaniyang bulsa, at binuksan ito kasama na ang papel na inilagay niya sa aking bulsa at nasa mainagat na lalagyanan pa.
"Serenity, maraming salamat dahil nakilala kita. Alam ko na ang pakiramsam na merong nakakabatang kapatid, at matapang na kaybigan na katulad mo. At alam ko na masaya din si Blaze at nakilala ka niya." Pinilit niya akong ngumiti at hinila naman nya ako palapit sakaniya para yakapin.
"Sana mag kita tayong muli." Njyakap ko siyang pabalik kahit nanlalambot ang buong katawan ko na yun.
"Maraming salamat din. Marami din akong bagay na natutunan sayo." Humigpit ang pag kakayakap niya sa akin.
Hangang sa natapos na at ininom ko na ang likido na yun. Nakaramdam ako ng pag kahilo, matinding pag kahilo.
Sigurado ako na ano mangoras ay wala na si Blaze. Wala na siya.
Ito na ang aking huling sulyap sa kakaibang kulang ng kalangitan, halimaw na pumapalibot sa akin.
Unti unti nag dilim ang paningin ko.
Nagising ako, nasa isang malambot na kama ako, isang pamilyar na puting sala.
"Tawagin mo ang mga magulang." Utos ng isang lalaking boses.
Una ko siyang nakita na may inilista ss papel, at sunod sunod kong narinig ang nag aalala at masayang boses ng mga pamilyar na boses ng mga magulang ko.
"Serenity, jusko po." Sabi ni Mama at agad ako niyakap nito.
Mayamaya naman ay kinausap na ako ng pulis dahil nawala daw ako ng ilang bwan.
"Anong huli mong naalala bago ka mapunta sa hospital ngayon?" Tanong ko nito sa akin. At binigay sa akin ang isang maliit na kahon na nang galing daw sa bulsa ko. "Hindi pa namin nabubuksan."
Kusang kinuha ng kamay ko yun.
"Wala akong naalala."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro