Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

KABANATA 18 - Blaze Melice

Chapter 18

SERENITY LIEN GUSTAVON

"Pasensya na sa nakita mo kanina, mukhang alam mo na kung paano magalit si Blaze." Pag hihingi ng patawad ni Noel sa akin.

"Ano ba kasi ang problema? Anong nalaman nila?" Huminga ng malalim si Noel at napakamot pa ng kaniyang ulo.

"Ganito kasi."

"Bukod sa pinatay ng mga katulad mo ang kaniyang Ama, isa rin siyang. Half blood."

Bigla naman sumulpot si Blaze sa harap namin at parehas kami nagulat.

Si Blaze ay isang halfblood, pinandidirian niya ang sarili niya dahil dito. Pero siya naman ay may taglay na lakas at kayang kaya ang mga pure vampire. Kaso lang nga ay gusto niya talaga maging pure blooded, kinahihiya niya ang kaniyang Ina at mas lalo niyang kinahihiya ito nung pinatay ng mga tao ang Ama niya. Nasa mundo padin ng mga tao ang nanay ni Blaze at buhay pa.

Ngayon ay ayaw na sakaniya ng mga tao dahil sa nalaman nila. Hindi namin alam kung saan nag mula ang balitang nag sasabing Halfblood si Blaze.

Nang lumabas kami ni Noel para bumili ng mga ilang pang gamot kay Blaze ay pangalan na ni Blaze ang nangungunang usapin.

Halfblood, hindi ako makapaniwala na hinangaan ko siya.

Grabe, kung ako ang nasa pusisyon niya ngayon ay papatayin ko na talaga ang sarili ko.

"Pinalakas ni Blaze ang sarili niya, hangang makamit na niya ang pinaka malakas niyang sarili. Kaya hindi inisip ng karamihan na isang halfblood si Blaze." Napakagat ako ng labi.

Halfblood lang si Blaze, pero kung magalit ay parang kakainin ka na ng buhay.

Ayan ang kwento ni Noel sa akin, kilalang kilala niya si Noel dahil mula pag kabata palang ay kilala na nila ang isa't isa dahil mag kamag anak sila.

Pinuntahan ko si Blaze sa kwarto niya at nakita ko siyang naka tingin lang sa bintana, tatawagin ko sana siya kaso nag salita na siya.

"Paano ko matutupad ang pangako mo na gumawa ng pamilya dito, kung ang nasasakupan ko ay pinandidirihan na ako?" Tanong niya sa akin.

Mas lalong ayokong umalis, gusto kong icomfort araw araw si Blaze, hindi madali sakaniya ito. Biglaan ang lahat.

"Kaylangan mo balak umalis?" Tanong niya at hindi bumabaling sa akin. "Ayokong ihatid ka. Si Noel na ang bahala sayo. Kaykangan bago pumjnta dito ang mga kawal. Wala ka na dito." Napalunok ako.

"A-ayoko pang umalis—"

"Huwag kang maawa sa akin. Maawa ka sa sarili mo. Pinag sisisiksikan mo ang sarili mo sa mundong hindi ka naman dapat manirahan." Malungkot ko siyang tinignan at hindi na lang nag salita at muling sinara ang pinto.

Huminga ako ng malalim at dumiretsyo sa kwarto ko.

Tumulo ng luha ko habang tinitignan ang mga nakatagong gamit dito. Sunod sunod ang pag patak nito. Bakit ako umiiyak?

Napatingin ulit ako sa bote, hindi ko naman maalala lahat kapag nainom ko na yan, hindi ko na maalala si Blaze. Hindi ko maaalala na mag papakamatay siya sa oras na lisanin ko na ito. Mas lalo namang tumulo ang luha ko dahil sa iniisip ko.

Ilang minuto ang lumipas, may nag bukas ng pinto. Akala ko si Noel pero si Blaze pala.

"Handa ka na umalis?" Hindi ako tumingin sakaniya. "Umalis kana, alam ko naman na pinandidirian mo din ako—"

"Hindi naman ako katulad nila."

"Bakit mo ba nararamdaman sa kin yan, hindi mo dapat maramdaman yan. Itigil mo." Huminga ako ng malalim, hindi ko din naman alam na mag kakaron ako ng ganitong mararamdaman sakanya.

"Ewan ko." Ang tanging nasabi ko nalang.

Hangang sa hindi ko na naramdaman ang presensya niya at sinara ko na ng tuluyan ang pinto.

Mayamaya makakatulog na sana ako nang makarinig ako ng sumisigaw na babae, at alam ko kung kaninong boses ito. Kay Neya na boses.

"Pakiusap. Hindi ko alam! Hindi ko alam ang pinag sasabi niyo. Wala akong alam!" Nag mamakaawa ito at tumingin ako sa bintana.

Nanlaki naman ang mga mata ko nang makita ko na bitbit siya ng dalawang kawal, palabas sa kagupatan mukhang nag hahabulan silang tatlo.

"Kapag hindi mo sinabi! Mamatay ka din!" Anas naman ng kawal at dali dali akong bumaba. Bubuksan ko na sana ang pinto kaso lang naalala ko. Kapag nalaman ng mga kawal kung sino ang nag tago sa akin ay mamatay din.

Anong gagawin ko, mamatay si Neya.

Agad naman akong pumunta kay Blaze para sabihin ito pero mukhang alam na niya, dahil nakatingin din siya sa bintana niya.

"Bukas na bukas, aalis kana."

"Pero paano si Neya? Mamatay siya—"

"Wag mo isipin si Neya, sassbihin ko ang lahat sa kawal at wag kana masyadong mag isip dahil mawawala na din naman sa utak mo kapag—kapag n-nawala ka na dito." May punto siya pero bakit naman kaylangan mangyari ang ganito.

Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko, tinignan naman niya ako ng matamis. Nanibago tuloy ako.

"Gusto ko malaman mong—"

"Blaze! Serenity!" Natigil kaming dalawa ni Blaze nang narinig namin ang boses ni Noel. Binitawan niya ang kamay ko at pinuntahan si Noel at sumunod naman ako.

"Alam na nila na si Serenity ang tao." Nanlamig naman ang buo kong katawan. "Tsaka, ang mga lobo ang nag pakalat ng ito. Pinatalsik din nila si... ang puting lobo." Kumunot naman ang noo ni Blaze.

"Ano? Sabi ko na." Lalabas sana si Blaze kaso agad namin siyang pinigilan.

"S-si Neya, naka kulong. Papunta na dito ang mga kawal. Kumakalat na din sa buong bayan." Namilog naman ang mga mata ko. Hunarap sa akin si Blaze at nilapitan niya ako. 

"K-kaylangan mo na umalis." Pinigil ko siya. Hindi ako nag pahila. Pero nahila niya padin ako, dinala naman niya ako sa kwarto ko at kinuha ang mga gamit.

"Sandali Blaze."

"Aalis ka o mamatay ka?!" Giit niya.

Napaatras naman ako nang isigaw niya sa akin yun. Ayoko na maging maarte.

Napatingin naman ako sa ibaba nang marinig ang malakas na katok ng kawal sa labas.

"Melice!" Nag katinginan kami ni Blaze dahil dun.

"Melice! Ilabas mo na ang nilalang na yan." Narinig ko ang pag kawasak ng pinto, mas lalo bumilis ang tibok ng puso ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro