Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

KABANATA 14 - Death

Chapter 14

SERENITY LIEN GUSTAVON

"Wala kang kawala Melice!" Sigaw nanaman niya, binangga kami ng isa niyang kasama kaya parehas kami natumba, tumilapon ako sa isang puno habang si Blaze at tumilapon din kasunod ko.

Patakbo na sanang lalapit samin ang dalawang kalaban ngunit tumalon si Noel sakanila at sinugod ito.

Kitang kita ko kung paano sila mag gulong gulong sa lupa, at may tumamang palaso naman sa kinakabalan ni Noel sa kaniyang buntot kaya mas lalo itong napalayo.

"Tara na!" Sigaw ni Blaze at inakay ulit ako, kahit napaka sakit ng aking likod ay sinubukan ko pading tumayo.

Napatingin ako sa likod ko at nag sisimulang lumaban ang mga tinawag ni Noel, limang lalaki lamang ang dumating. Nag paikot ikot lamang siya at nag tago kami sa isang malaking puno nung hindi na namalayan ng mga kalaban na nakatago kami.

Rinig ko ang mga sigawan nila at sigawan ng mga kalaban kaya mas lalo akong kinabahan.

"Serenity, dito ka lang." Para bang nag dadalawang isip pa siya sa desisyon niya na iwan ako dito. "Tutulong ako."

Bigla may nag hagis samin ng isang palaso at ang mga pana nito, napatingin ako kay Noel siya ang nag bato nito.

Binuhat ako ni Blaze at inilagay sa itaas ng puno. Pero bago pa man siya maka alis ay pinigilan ko siya.

"Blaze, gusto kita." Para bang tumigil ang mundo nung sinabi ko yun sakaniya. "Mahal kita..."

Kumunot ang noo niya at napatingin sa mga nag lalaban, napaatras siya sakin.

"M-mag ingat ka dyan." Agad siyang bumaba at mabilis na tumakbo papunta sa kalaban.

Gusto ko lang yun sabihin sakaniya, basta ngayong gabi ay tanggap ko na kung manatay man ako! Bahala na!

Sumunod ako ng tingin sakanila at hinanda ang palaso ko, bumilis ang pag tibok ng aking puso nung nakita ko siyang nakikipag laban, ang iba ay ginagamit ang abilidad nila at ang iba ay may palaso at espada.

Bumwelo naman ako para tirahin sila.

Hindi pwedeng nanonood lang ako dito. Bumwelo ako, pinikit ko ang aking isang mata at tinama sa isang lobo na susugurin ang isang lalaki patalikod na nakikipag laban.

Sapul sa mata!

Agad naman ako nag tago sa dahon pag tapos ko gawin ang bagay na yun. Napahinga ako ng malalim, kahit pito lamang sila ay malakas ang mga ito.

Laban sa ilang lobo at mamaya ay darating pa ang iba, hindi sinasasdya na napa atras ako sa sanga kaya nahulog ako pero swerte dahil napakapit ako sa isa pang sanga at tumalon na paibaba.

Ayokong maging pabigat sa gulong ginawa ko, kaylangan may gawin din ako.

Nakita ko kung paano masugatan ang isang kasama namin sa balikat! Napangiwi ako dahil dun, kung may mamatay man samin ngayon ay habang buhay ko sisisihin ang aking sarili.

Nakita ko pa ang isa na nasugatan sa hita, at sa mukha, kaya bumwelo ulit ako para tirahin yun ng palaso.

Handa na sana nung isang lobo na ikalmot sa mukha nung lalaking bampira pero mabilis ang palaso ko at nataamaan ang lobo sa bandang kamay nito at tumalsik sa lupa, may ilan na din na nag backout samin dahil sa labis na sugat sa katawan at ganun din ang mga kalaban.

Nakita ko si Noel na nakikipag habulan sa isang lobo, kitang kita ko kung paano niya suntukin ito at tumilapon sa ere, pero hindi natinag ang lobo sa suntok ni Noel.

Habang si Blaze ay pula ang mata, baksak na ang mga lobo na nakakatapat niya at sawakas ay nakatapat niya ang pinuno, may ngisi sa bibig nito. Hindi matutulungan si Blaze ng kasmaa namin dahil abala din sa pakikipag laban.

Natumba si Blaze at balak nang sugurin ng kalaban.

Huminga ako ng malalim at muling bumwelo para muling tumira, sa pangatlong tira ko ay masyado akong napabilis kaya wala itong tinamaan.

Napatingin ang dalawang mag kalaban sa akin, nanlaki ang mata ko, gusto ko lang tulungan si Blaze dahil kahit siya ay may sugat na din sa katawan.

Napangisi sakin ang pinuno at tumakbo papunta sakin.

"Serenity!" Sigaw ni Blaze at agad na tumayo para pigilan ang anyong lobo na pinuno. Kitang kita ko pa kung paano ito nanlaban kay Blaze at tumalsik si Blaze ng kaonti.

Tumakbo palapit sakin ang pinuno, kaya tumakbo din ako, ito na ang katapusan ko, mamatay na ako dito. Tanggap kona tanggap kona!

Alam ko na malayo pa ang pinuno na lobo, pero may biglang sumugod sakin dahil dun ay mag pa gulong gulong kami sa lupa. Nag sanhi ito ng sugat sugat sa aking katawan.

Kahit hinang hina na ay sinubukan ko pading tumayo, napaatras naman ako at nawalan ng balanse nang makita ko ang anyo niyang lobo! Ito yung kalaban na may asul na mata at kulay puti.

"W-wag kang lalapit!" Kabado kong tanong at nawala na sakin ang palaso.

Mas lalo akong kibahan nung nawala ang kanyang anyong lobo at napapikit nalamang ako at tuluyang tinanggap ang aking kamatayan.

"W-wag kang matakot, hindi kita sasaktan." Isang malambot na boses pero halata na isa ding matapang.

Saglit akong naguluhan at minulat ang aking mga mata. "Ano?"

"Tutulungan kita." Tinayo niya ako at tinignan ako na nakakaawang tingin, asul din ang kaniyang mga mata.

Hindi ako nakapag salita.

"Ayoko sa grupo namin, matagal ko na gustong umalis. Mapag kakatiwalaan mo ako, pangako." Hindi padin ako nakapag salita.

Kumuha siya ng bato at sinugatan ang sarili niya. Napaatras naman ako.

"Sawang sawa na ako sa pag patay ng mga inosenteng buhay, pero may kapalit ang pag tulong ko sayo." Napalunok ako at napatingin sa umagos nyang dugo. Pinunasan ko ang dugo na tumutulo sa aking ulo, pinilas niya ang kaniyang damit at ibinigay sakin.

"Ito, p-para hindi mangamoy ang iyong dugo, kapag mas lalong tumulo yan ay mawawalan ng bisa ang gamot mo."

Mukhang mapag kakatiwalaan naman siya, mukhang mabait siya.

"A-anong kapalit?"

"S-sabihin mo kay Noel, m-mahal ko siya." Namilog ang mga mata ko dahil dun. Sandali, anong namamagitan sakanilang dalawa?

Napalunok naman ako, at agarang tumango. "M-maasahan mo ako." Tumakbo siya paalis dito at naging anyong lobo na ulit.

Maya maya ay narinig ko ang kanilang alulong at sunod sunod na mabibigat na takbo paalis ang narinig ko. Sinubukan kong tumaas para makapunta sakanila ngunit natigil ako sa boses na narinig ko.

"Serenity!" Ang boses ni Blaze.

Tumakbo siya papunta dito ng buong lakas niya, agad niya akong niyakap nung pagkapunta palang niya dito.

"Hindi ako makapaniwala na kaya mo ang kalaban na yu---" Hindi pa man niya natutuloy ang sasabihin niya ngunit bigla siyang bumaksak sa lupa.

Napatingin ako sa kamay ko na punong puno ng dugo, sakaniyang dugo kaya agad akong napaluhod at sinalo siya.

"B-blaze, u-umuwi na agad tayo, gagamutin kita." Nanginginig kong sabi at pinilit siyang tumayo pero mabigat siya.

"H-hindi na."

Umiling iling ako at pinilit padin siyang tinayo, marami siyang sugat at sigurado ako na galing ito dun sa pinuno.

"B-blaze, hindi. T-tara na. Noel!" Sigaw ko pero wala nang lalakas ang boses ko dahil parehas na kaming nanghihinang dalawa.

Kinuha ko ang patalim na nahulog mula sa bulsa niya, pag kakuha ko nun ay pinigil niya ang aking kamay.

"Pumunta kana kanila Noel." Nag hahabol siya ng hininga. "L-linisin mo muna ang dugo mo sa katawan, sumama ka na kanila Noel at iwan mo na ako dito. A-ayaw mo pang mamatay diba?" Umiling iling naman ako at patuloy padin ang pag tulo ng aking luha.

"H-hindi, w-wag kang mamatay Blaze, hindi kakayanin ng konsensya ko kapag nawala ka, kapag may nawala isa satin. Lalo na ikaw." Ngumiti siya at isang tunay na ngiti..

"Maiinom mo naman ang mahika, makakalimutan mo din ako." Umiling ako at nag patuloy na itayo siya.

"Makasarili ako, hindi ko inisip, hindi ako nag iisip." Ang sabi ko naman, tinaas ni Blazw ang kaniyang kamay upang punasan ang aking luha.

"Naiintindihan kita Serenity, gusto kong iligtas ka, gusto kong makaalis ka ng buhay dito. Pinangako ko sa sarili ko yun."

"Pero sabi mo hindi ka mamatay sa isang hampas lupang katulad ko.." Bumaksak ang kamay niya sa lupa.

Hindi, hindi maari ito, ayoko mang mamatay pero handa akong mamatay para sayo.

Kinuha ko na ng tuluyan ang patalim at sinugatan ang aking kamay, tinapat ko sa bibig niya ang tumutulong dugo mula sa aking kamay.

Kung hindi man gumana ang aking dugo para bumalik ka, parehas na tayong mamatay kapag naamoy nila ang aking dugo. Mamatay ako kasama mo.

Tulo lang ng tulo ang aking luha at hinawakan ang kaniyang pisngi at inaalis ang dumi dito.

"Mahal kita..."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro