KABANATA 11- Kiss Without Feels
Chapter 11
SERENITY LIEN GUSTAVON
"Isasama mo ako?" Tarnta kong tanong.
"Tangina, oo!" Inis nyang sagot at binawi ko ang kaniyang pag kakahawak sa kamay ko.
"Ayoko nga! Baka mamaya may makakita pa sakin dyan ano!" Kinuha nya ulit ang kamay ko at inilapit ang mukha ng isa't isa.
"Hangang nandito ako, walang mangyayaring masama sayo." Gigil nyang sabi at nag lakad na kami paalis sa byan.
Gusto daw ako makita ng papa ni Noel, konting kembot nalang kasi ay makaka alis na ako dito. Pero katulad nung nasabi ko, nag dadalawang isip ako na umalis dito, sa pinag samahan namin ni Blaze ay ayoko syang mamatay.
Gabi na kasi tapos masukal pa ang dinadaanan naming dalawa oo kaming dalawa lang, hangang sa napunta kami sa isang street lamp ewan ko kung anong tawag dyan.
"Sandali-" Binitawan nya ang kamay ko, at hindi nya sinasadya na matanggal ang singsing na pumoprotekta sa buong pag katao sa mundong ito.
Napa nga nga ako at sinubukan na hablutin yun, nakuha naman ni Blaze agad habang naka luhod sya ay sinuot nya agad sakin, napaka bilis ng lahat pati na din ang aking puso, mabuti nalang ay mabilis ang pag kilos nya.
"Hmmm."
Mabilis man ang kilos nya, mabilis padin ata maka amoy ang mga bampira. Nag katinginan kaming dalawa dahil sa boses na narinig namin.
Nakaluhod lang sakin si Blaze at hawak padin ang kamay ko.
"Aba! Nag pula ang mata ko? Hay nako kaylangan kona ata mag pagamot." Napatingin ako kay Blaze.
"Lasing sya, hindi nya alam ang ginagawa nya." Ang sabi nya at tsaka tumayo.
"Oy! Nakita kita ah! Pinapakasalan mo yang babae na yan, sana makarating ako sa kasal nyo!" Lasing niyang sabi samin pero hindi padin nakampante ang loob ko dun.
Unti unti nawawala ang lalaking lasing sa dilim.
"Nararamdaman ko padin sya, hinihintay nya tayong mag halikan." Bulong ni Blaze.
"Ano!"
"Shhh! Nararamdaman ko presensya nya." Ang sabi nya sakin. "Sumagot ka sa halik ko." Nanlaki ang mata ko at bigla nya akong hinalikan. Nag dadalawang isip ako, pero sumagot padin ako sa pagkahalik nya sakin, naramdaman ko ang pag kapula ng aking pisngi sa sandaling yun.
Nakarinig kami ng palakpak at muling lumabas ang lalaki, mukha syang binata, mas matanda kami.
"Masaya ako para sainyo." Ang sabi nito at nilagpasan kaming dalawa. Napatingin ako sa likod ko habang nag lalakad kami paalis.
"Sila lang ang nakita kong balisa ang mga mukha kapag inaaya sa pakasalan." Nag iwas ako ng tingin. Pero bumaling ulit ako ng tingin sakaniya.
Muling kumabog ang puso ko sa sobrang kaba, naka ngisi siya sakin at biglang pumula ang kaniyang mga mata. At biglang tumakbo ng napaka bilis.
"B-blaze." Tawag ko sa pangalan ni Blaze. Kabado talaga ako.
Hangang sa nakapunta kami sa bahay ng papa ni Noel, inaantok na ako pero nilalabanna ko padin. At ayoko matulog, baka hindi na ako magising dahil pinatay na pala ako. Selfish na kung selfish, ayokong mamatay.
"Magandang babae." Komento niya sakin, kahit ilang oras na ang nakalipas ay kabado padin ako.
"Madaming ganito sa palasyo, pero sila lang ang maaring mag pagamit nito, kaya kung maari, isekreto natin ito." Napatango ako, nakita ko ang kaniyang hinahalo, kulay violet, matagal daw talaga ang proseso nyan.
Ginagamitan pa ng mahika, pero pang habang buhay naman at hindi napapanis. Nag bayad ng malaki si Blaze para dito.
Nasa labas kami ng bahay ni Noel.
"Ano na pag tapos ng pag alis ko dito?" Ang tanong ko sakaniya.
"Mag papakamatay ako." Nanlamig ang buong sistema ko.
"Seryoso kaba?" Nag aalala kong tanong sakaniya.
"Matagal ko nang gustong gawin, pero dumating ka. Hinahadlangan mo ang mga plano ko." Masungit nyang sabi sakin. Napabuntong hininga nalamang ako.
"Ayoko humingi ng pasensya. Mabuti nga ay nabubuhay ka pa."
"Kung ikaw, gusto mo mabuhay. Ako gusto ko na mamatay, hindi tayo parehas ng pag iisip, wala kang alam sa mundo na ito dahil isa kang hampas lupa." Binigyan ko lang sya ng tamad na tingin.
"Ano ba kasi ang dahilan kung bakit mo gusto mawala?" Tanong ko.
"Dahil ayoko kung anong meron ako." Walang emosyon siyang paliwanag.
Hindi na ako nag tanong pa, alam kong magagalit siya sakin kapag binuka ko pa ng isang beses ang bibig ko.
Tumalikod siya at bumalik sa loob, kaylangan nila ng dugo ng tao para mas mabilis ang pag gawa at nakapag bigay na ako, nandito ako mag isa sa rooftop kumbaga ng papa ni Noel, masarap ang simoy ng hangin, walang pulusyon.
Pinikit ko ang aking mga mata, at biglang pumasok sa emahinasyon ko ang ngisi at ang pulang mata nito, nawala bigla ang aking saya, baka naman hindi talaga siya lasing at alam ang nangyayari, ipasarasal ko na mag shut up challange siya.
Pumasok ako sa loob, at naabutan ko sila na nag tatawanan kaya bumalik nalang ulit ako sa labas at nag pahingin nalang mag isa.
Medyo magubat nga ang bahay ng papa ni Noel, nasa bandang gubat pa, syempre isa siyang mahikero, ganun daw dapat.
Napapaisip din ako na, baka hanap na sila ng hanap sakin, ano na kaya ang mga kaganapan dun. Sus! Baka wala naman silang pakielam sakin, baka nag kakantahan lang sila dun, nihindi ko na nga alam kung sabado naba hindi ko na alam ang araw ngayon, basta umaga gabi, umaga gabi lang.
Napapikit nalang ako, ano kayang pinag uusapan nila Blaze dun sa loob, ayoko makisali baka usapan nilang bampira yan.
Kinaumagahan, nagising ako na naka unan sa hita ni Blaze, hindi ko pa masyadong nakukuha sa utak ko pero shuta naka unan ako sa hita nya, dahan dahan kong inupo ang sarili ko at napasampal ng noo ng mahina, bakit ako napunta sa hita nya.
Hindi ko siya ginising at hinayaan nalang na matulog, lumayo ako sakaniya at pumunta sa lamesa kung nasaan si Noel.
"Oh, gising ka na. Kumain kana tapos pwede na tayong umuwi." Sabi niya at napatango naman ako, napatingin ako kay Blaze na mahiming padin na natutulog, naalala ko tuloy ng halik naming dalawa.
Ang lambot ng labi nya!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro