Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

KABANATA 10 - Be Brave

Chapter 10

SERENITY LIEN GUSTAVON

Nakakatakot, basta gusto ko na talagang umuwi sa pinangalingan ko, binibigyan ako ni Noel ng magagandang salita para ako ay kumalma pero wala din. Ayoko pa talagang mamatay e, may mga bagay pa akong hindi nagagawa sa buhay ko.

Napahinga ako ng malalim sa mga naiisip kong bagay ngayon, makakaligtas ba ako sa mundong ito?

Mamatay na siguro ako dito, hindi na dapat ako umasa na makaka alis ako ng buhay dito. Mas lalo akong natatakot, mas lalo akong minumulat ng reyalidad ng mundong ito.

Bwan ang lumipas at wala naman masasamang nangyari, hindi rin ako lumalabas ng bahay ni Blaze dahil natatakot ako sa posibleng mangyari sakin. Pero kung ano man ang mangyari ay kaylangan ko padin tanggapin.

"Serenity, wag ka mag aalala, hangang buhay kaming dalawa ni Blaze mabubuhay kadin. Makaka labas ka sa mundo na ito ng bahay." Paalala sakin ni Noel dahil nitong mga nakaraang araw ay bigla bigla nalang akonh umiiyak dahil kakaisip ng posibleng mangyari.

"Sige na Noel, tignan mo na ang ginagawa ng Ama mo, ako na bahala sakaniya." Ang sabi ni Blaze kay Noel. Ang akala ko ay lalapit ang loob namin sa isa't isa ay para bang mas lalo lumaki ang hate nya sakin dahil sa kaartehan ko.

Umupo siya sa harap ko.

"Serenity, kumalma ka. Alam kong ayaw mong mamatay. Pero kaylangan mo mag tiwala sakin." Tumigil ako sa pag iyak.

"Kay Noel lang ako may tiwala, wala akong tiwala sayo." Alam kong masama ang tingin nya sakin ngayon.

"Ano?"

"Oo, wala akong tiwala sayo." Humarap ako sakaniya at pinunasan ang mga luha. "paano ako mag kakatiwala kung ang sama sama mo sakin." Napairap siya.

"Aalis ka din naman dito sa oras na makumpleto na ng Ama ni Noel ang mahika para sayo, ayoko naman na maging mabait tayo sa isa't isa kapag umalis ka ay-" Hindi nya tinuloy ang sasabihin nya.

Tumigil ang pag iyak ko, masyado na akong praning, pero normal lang naman siguro ma praning dahil may gusto pumatay sayo at gusto ka pang kainin!

"Ayaw mong mamatay diba? Mag tiwala ka sakin!" Marahas nyang sigaw sakin.

"Wag mo akong sigawan!" Laban ko naman sakanya at nakita ko ang pag irap ng mga mata nya. Tumayo siya at iniwan akong nag iisip isip pa dito.

Lumipas ang mga bwan, walang mga lobo na dumadalaw dito tuwing gabi kaya nakampante naman ako dahil dun.

Nandito ako sa likod ng bahay at tahimik na nag didilig ng halaman. Ang gagandang klase nito at bago lang sa paningin ko. Pero may isa pang magandang paningin sa mata ko.

Si Blaze, ewan ko ba. Gusto nya na mamatay tas mag rereklamo sya sakin na bakit daw ako nandito e ako nga ang top 1 na dahilan na magiging panganib ang buhay nya, ang kaso ayaw nya mamatay sa isang hampas lupa na katulad ko. Natatawa ako kapag naiisip ko yun, pero ano ba dapat ang ikatawa ko sa pangyayari na yun. Ayaw nya sakin.

Pero nasa iisang bahay kami at pinoprotektahan ako.

Oo, gusto ko siya, hindi ko alam kung ano ang dahilan, pero alam kong hindi talaga sya masamang tao, hindi sya ganyan, isa lang akong tao kaya ganyan siya sakin.

Natutuwa ako sa tuwing naalala ko ang masungit nyang pag mumukha, umupo ako dito sa may upuan at pinag masdan ang mga bulaklak na masinagan ng araw, kumikinang sila na parang tubig. Napapakalma ako nito. Napangiti ako dahil sa nakikita ko ngayon.

Pero alam kong wala nang mas sasaya pa sa mukha ko kapag nakabalik ako samin. Isa lang si Blaze sa mga karanasan ko, kahit makalimutan ko sya at makaalis sa lugar na ito, alam kong hindi sya maalis sa puso ko.

Pumasok ako sa loob, may nakita akong mga tao, este bampira.

"Magandang araw Melice, gusto ko lamang ibalita sayo na may mga natagpuan na gamit ng isang tao sa gubat, naniniwala ako na nandito padin ang tao na yun at hindi pa nakaka alis." Ang sabi nung isang malaki ang katawan at para syang kawal may kasama syang tatlong lalaki.

Kulay bronze ang kulay ng suot ng tatlong kawal na nasa likod nya at silver naman ang sakanya.

"Ano ba ang maitutulong ko?" Tanong ni Blaze ng buong tapang, para bang wala syang tinatago na tao sa bahay nya.

"Malapit ka kasi sa gubat Melice, may naamoy kaba? Wala rin kasi nahanap o naamoy ang iba samin sa gubat, miski sa bayan ay wala silang naamoy kahit isang bango nito, baka iyong kinain at sinolo na..." Ngumisi si Blaze sa Heneral.

"Alam mo, kung gaano ko kaayaw sa mga tao kaya bakit mo ako pag bibintangan na na kinain ko?" Tumawa ng konti ang Heneral.

"Iniisip ko lamang, dahil ikaw ang natatanging bampira na na nakatira malapit dito sa gubat." Sumeryoso ang tingin ni Blaze sa Heneral.

"Mas mataas ako sayo Gura, dapat nga ay mag pasalamat ka pa sakin dahil tinatawag kitang Heneral kahit hindi naman karapat-dapat sayo, mas mataas ako sayo Gura, wala kang karapatan na pag bintangan ako o pag isipan ng mga bagay na yan." Seryoso nyang sabi at nawala bigla ang ngiti nitong si Heneral.

"Pasen-"

"Wala akong pakielam sa patawad mo Gura, umalis ka na at hanapin ang taong hinahanap mo." Padabog na umalis ang kawal na yun.

Gaano ba talaga kataas si Blaze sa Heneral na yun? Bakit hindi na sya bumabalik sa palasyo, dahil balak na nya mag pakamatay.

Kwento nga sakin ni Noel, plano mag pakamatay ni Blaze nung mga panahon na nakita nya ako. Kaso hindi natuloy dahil may gusto nya iligtas pa ang isang buhay, kaya ngayon nabubuhay siya kasama ako, dahil sakin buhay pa sya ngayon.

Masaya kaya mabuhay! Pero wag lang sa mundong ito at isa ka pang tao!

Umalis si daw si Blaze ng matagal na panahon sa palasyo, para mag pakamatay, ayoko siyang mamatay, alam ko habang nandito ako ay hindi sya mag papakamatay, paano kapag umalis ako, baka mag pakamatay siya, nag sisimula na akong mag dalawang isip...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro