KABANATA 1 - Danger
TW: bugbog
CHAPTER 1
SERENITY LIEN GUSTAVON
Mabilis, mapanganib, gintong mga mata ang humahabol sa akin. Hihinga sana ako ng tulong dahil naligaw ako sa napaka laking gubat dito. Hindi ko alam kung nasaan na ako, basta ang alam ko ay patuloy lang akong tumatakbo. Naririnig ko padin ang mabibigat na takbo ng nilalang na humahabol sakin. Sa pag ka desperada kong mahanap ang isang kasama ko, napunta na ako dito at nawala na sa napaka lawak na gubat. Napag alaman ko nalang na plinano nila akong walain sa gubat para sa vlog nila sa YouTube, prank.
Tulo ng tulo ang luha ko, alam kong ito na ang katapusan ko. Takot ako sa kamatayan. Ayoko pang mamatay. Hindi ko na kaya tumakbo, ramdam ko na ang sakit ng mga paa ko. Pero hindi ako titigil kaka takbo. Umaasa ako na matatakasan ko ang nilalang na ito.
Pero sa kamalasan ko nga naman ay nadapa ako sa isang bato. Napatingin ako sa likod ko habang naka dapa ako, mahapdi lang ang tuhod ko pero wala namang sugat dahil sa dahon ako natumba.
Isang ngisi ang nakita ko sa labi niya. Bumilis ang tibok ng puso ko nung bigla siyang naging tao. Ayoko pang mamatay, ayoko mamatay. Ayoko. Ayoko. Ayoko.
"May pag kain nanaman ako." Ngising sabi niya habang palapit ng palapit sakin. Nung nakalapit na siya ay bigla niya kinuha ang aking leeg, tinaas niya ako gamit ang isang kamay lang sa ere. Malakas ang nilalang na ito. Wala akong takas, talagang mamatay na talaga ako.
Pumikit ako ng hawakan ng isang kamay niya ang aking pisngi. "Pagkain kita, ngunit isa kang magandang tao. parang hindi ko kakayanin marinig ang masasakit mong sigaw habang unti unti kitang kinakain."
Hinawakan ko ang kaniyang kamay na nakahawak sa aking leeg. Hindi na ako makahinga.
"Bitawan mo ako!"
Hinagis niya ako sa isang puno, ang laki ng punong yun. Pakiramdam ko ay naharak ang aking likod dahil dun. Ang taas din kaya agad ako nahulog sa lupa, nabagok ang aking ulo. Ang sakit. Pakiramdam ko ay nag lalabasan na ang mga dugo ko sa katawan.
Minulat ko ng konti ang aking mata kahit malabo ang nakikita ko. Palapit na sakin ng palapit yung lalaking gusto akong patayin.
Bigla nalang may mabilis na nilalang ang sinugod siya, mula sa likod ko. Nag pa gulong gulong ang dalawang nilalang hangang mag ayaw sila. Yun nalang ang naalala ko bago ako mawalan ng malay.
Malamig, at masakit padin. Pero malambot.
Minulat ko ang mga mata ko, umaasang panaginip lang ang lahat ng nangyari sa akin. Nagising ako, pag mulat ko ng mata ko ay kayumangi na kulay ang nakita ko
Kahoy...
Tumingin ako sa kaliwat kanan, kaka ibang lugar ang nakikita ko. Lampara sa isang bakuan, at walang gamit na silid. Napatingin ako sa binatana kulay kahel ang kalangitan. Panigurado ay nasa 2nd floor ako ng bahay na ito. Kung kanino mang bahay ito. Napatingin ako sa kamay ko na madaming benda. May gumamot sakin. Napa upo ako at inalis ang kumot na naka balot sakin. Inangat ko ang damit ko, may benda din sa aking bandang tyan.
Pero hangang tyan lang. Kumunot ang aking noo, at napa yakap sa sarili ko.
Nagulat ako at biglang bumukas ang pinto, yakap yakap ko padin ang sarili ko. Hindi lang mga benda ang napansin ko. Pati na din ang short at damit ko. Napatingin ako sa lalaking pumasok sa kwarto kung nasaan ako ngayon. Matangkad, basta gwapo siya. Matikas din ang kaniyang katawan at naka T-shirt lang siya ng itim at naka jeans.
Pero masungit ang pag mumukha niya, nanatili akong yakap ang sarili ko. Nahimasmasan ako nung nag salita siya.
"Gising ka na din sakawas." Kumunot ang aking noo dahil dun.
"S-sandali, sino ka!" Kabadong sigaw ko sakaniya. Hindi nag bago ang mukha niya at nanatiling masungit.
"Hindi ka ba manlang mag papasalamat kasi niligtas kita sa kapamahakan?" Malamig na tanong niya naka natahimik ako. Napansin ko ang sugat sa kamay niya, at kalmot din sa kabilang kamay.
I feel bad.
"S-salamat." Hiyang sabi ko sakaniya at nag iwas ng tingin. Nasugatan pa siya dahil sakin.
"Aalis ka dito, sa oras na gumaling na yang mga sugat mo. Dadalhin ka ni Noel sa pinanggalingan mo." Naguluhan ako sa sinabe niya. "Bumaba kana, may pagkain dun." Malamig niyang utos sakin at umalis. Hindi na din niya sinara ang pinto.
Huminga ako ng maluwag, sino kaya itong lalaking ito. Kaka ibang kahoy ang ginamit. Hindi pamilyar sakin ang mga bagay na nakikita ko. Napa lunok ako at sumunod dun sa lalaki.
Kumunot ang noo ko, kasabay nun ang pag kirot ng ulo ko. Napailing nalang ako.
Masyadong makipot ang daan pababa. Ibang iba talaga ang kahoy na ginamit sa bahay na ito. Pag kababa ko ay nakkamangha, dahil ayos na ayos ang mga gamit. May isang painting pa na nakasabit sa bintana. Tapos may isa din kwarto dito. Napansin ko naman ang isa pang hagdanan pababa, edi 3rd floor pala ito. Bumaba ako at sumalubong sakin ang hapagkainan.
May naka handa na na pagkain, goods na sa dalawang tao ang naka handa, napatingin ako sa lalaking kumakain ng tinapay at dahan dahan akong tinignan.
Napatigil ako sa may hagdanan. Binalik niya ang tingin niya sa tinitigna niya kanina at nag salita.
"Ano pang hinihintay mo? Kumain kana para mag karon ka ng lakas, para naman maka alis kana agad dito." Malamig niyang sabi at hindi na ako muli pang tinipuhan ng tingin.
Mas lalo pa ako nahiya dahil dun, pero tama siya kaylangan ko kumain para maging malakas, niyaya niya ako kumain e.
Habang nakain kaming dalawa ay wala siyang umik, napatingin ako sa mata niya na parang nag pipigil. Sa kamay niya na mahigpit ang kapit sa baso. Sa mukha niyang-
"Huwag mo akong titigan, ang swerte naman ng isang mababang nilalang na katulad mo para tignan ang perpekto kong mukha." Napa irap ako at nag iwas ng tingin.
Bukod sa gwapo ay masungit din pala. Tsaka bakit ba niya ako tinatawag na nilalang at masyado na siya sa mga tagalog. Napatingin ako sa kamay ko na may sing sing na kulay pula. Nag taka ako kung ano yun. Balak ko sana tanggalin pero bigla nabasag ang basong hawak nung masungit na lalaki kasabay ang galit na tono ng boses niya.
"Huwag mong tanggalin yan!" Galit niyang sigaw sakin kaya kusa kong inalis ang isa kong kamay sa isa ko pang kamay. Nakatayo siya ngayon at mapanganib ang kaniyang mga tingin.
Napatingin ako sa lalaking ito, nabasag niya ang baso gamit ang kamay niya. Napatingin ako sa bubog na nasa lapag hangang sa lamesa, at sa mukha niya. Tumingin ako sa likod at bukas ang pinto. Napalunok ako at agad umalis sa kinauupuan ko at agad ba tumakbo palabas sa pinto kahit masakit pa ang katawan ko.
Pero huli na, bigla sumara yung pinto. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil nararamdaman ko na ang presensya nya na malapit sakin.
"H-indi ka tao!" Hirap kong sabi habang nakatalikod sakaniya. Mas bumilis ang tibok ng puso ko nung alam ko na nasa likod ko na talaga siya.
"K-kakainin mo din ba ako?" Utal kong tanong at halos mangiyak na ako.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro