Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

097 - Pre Finale





          "I LIKE YOUR WAY OF PROPOSING, CERLANCE ZODIAC," aniya sa kabila ng pagluha.

          Ngumiti si Cerlance na tulad niya'y may luha rin sa mga mata. "Nag-aalala akong baka may maalala kang hindi maganda kung direkta kong itatanong sa iyo. But admit it, it's way personal. Isn't it?"

           Tumango siya. "I have moved on now, Cerlance. For almost two years, I did nothing but move forward."

           "If that's the case then..."

           Humarap ito sa kaniya na tila ba silang dalawa lang ang naroon. At habang yakap-yakap nito sa bisig ang anak, at habang nakatunghay ang ina niya sa kanila, ay madamdaming nagtanong si Cerlance ng,

           "Shellany Marco, I may not be worthy of you... but would you please marry me?"

          Butterflies rushed in. But she wouldn't make this easy for him.

           Nagpahid siya ng mga luha bago itinaas ang mukha at nagtanong ng, "Why would I accept your proposal, Cerlance? Dahil ba may anak ka sa akin?"

          "No." Sumeryoso ito. "Because in the past eighteen months, I dreamed of nothing but to see you and hold you again. I dreamed of seeing you walk in the aisle while I wait at the altar. At sa loob ng mahabang panahong iyon ay dinala ko sa dibdib ko ang inggit kay Knight sa pag-aakalang siya ang kasama mo ngayon. I have been miserable, Shellany. And I am begging you to please take me out of my misery." Maingat na inalis ni Cerlance ang kamay na nakaalalay sa ulo ni Rafi saka masuyong hinaplos sa kaniyang pisngi. "I love you, Shellany. Irrespective of how you feel for me at the moment, I'm still gonna stand by and be there for you and Rafi. I will make you love me, too—even if it takes me a lifetime. Hindi naman siguro ako mahirap mahalin?"

           Sandali siyang natigilan sa madamdaming pahayag ni Cerlance. Kumakabog nang malakas ang kaniyang dibdib. Ang kaniyang sikmura ay tila pinipiga.

           All that was because she was so happy she could not believe such happiness existed.

           Makalipas ang ilang sandali ay napangiti siya, tumingkayad, at hinalikan sa mga labi si Cerlance sa harap ng nakatunghay niyang ina.

           The kiss was so brief, and yet, it was filled with many promises. Her promises to him.

           Matapos ang maiksing halik na iyon ay muli niya itong tinitigan nang diretso sa mga mata at nag-umpisang magpaliwanag,

           "I didn't choose Knight that time, Cerlance. I stayed in his house but it didn't mean I chose him. Pinili kong manatili roon at paalisin ka dahil ayaw kitang saktan at patuloy na gamitin para makalimot. I thought you deserve better than just be a rebound. I set you free because I didn't want you to be stuck by someone like me. At ang sabi sa akin lagi ni Mama—kung mahal ko raw ang tao, wala akong ibang iisipin kung hindi ang kaligayan nito, at wala akong ibang gugustuhin kung hindi ang mapabuti ito. I love you already, that's why I chose to let you go so you could find someone better; someone you deserve. At hindi ako 'yon. Hindi ang tulad ko. Kahit masakit at mahirap, I set you free."

          "You mean—"

          "I loved you then, and I still love you now, Cerlance. I won't be missing you so bad kung hindi?"

          Napangiti ito sa naging sagot niya. And it seemed like she had just given him the answer he wanted to hear.

           Sa gulat niya'y ibinaba nito ang kamay na humahaplos sa pisngi niya kanina saka iyong ipinulupot sa bewang niya. "I don't have a ring yet, but I promise to buy you one pronto. We're gonna get married at the Mayor's Office tomorrow, so be ready."

          She nodded her head, lips stretched up for a wide smile. "At ang church wedding?'

           "Next year."

           Nagsalubong ang mga kilay niya. "Bakit sa susunod na taon pa ang simbahan?"

          "One of my brothers are gonna get married in two days. Nag-aalala akong baka naniniwala sa pamahiin ang nanay ko na bawal ikasal ang magkapatid sa kaparehong taon."

           "Oh, there's such thing?"

           "Hindi mo alam?"

           Nagkibit-balikat siya. "Well, wala naman akong kapatid kaya alam kong hindi magiging problema iyon. Unless gusto mong mauna, we can arrange for that." She wrinkled her nose and added, "But it's okay. I'll wait til next yewt year. Kompiiyansa naman akong hindi ka mawawala. Hawak ko buhay mo kaya umayos ka."

          Banayad na natawa si Cerlance at akma siyang hahalikang muli nang marinig nila ang tinig ni Kelvin sa hindi kalayuan.

           "Do you see it, Ivan? Success ang plano!"

           Bahagya silang kumawala sa isa't isa at nilingon ito. Doon ay nakita nilang hawak-hawak ni Kelvin ang cellphone na nakatutok sa kanila. Si Ivan na nasa video call ay pumapalakpak sa sobrang tuwa. May sinasabi ito pero hindi niya marinig dahil nasa likuran nito ang dati niyang boss na si Moriss Jacobs at ang asawa nitong Filipina. They were cheering, too.

           "Ang dami mong kakampi. Nakakatakot magloko."

          Natatawang ibinalik niya ang tingin kay Cerlance. "Having cold feet now?"

          He looked her in the eye, smirked, and said, "Never, Shellany."

           Pakiramdam niya'y umunat at humaba ang buhok niya sa naging sagot ni Cerlance. At akma sana niya itong pormal nang ipakikilala sa ina nang makalapit si Kelvin at nagsumiksik sa eksena.

           "You two really are so perfect for each other. Ang ganda ng footage na nakuha ko from the time he kissed you up until Ivan and the team greeted you. Sayang lang at kailangan nang magpaalam ni Iva; he just got promoted so he's really busy."

           Si Cerlance ay hinagod ng tingin si Kelvin, at nang may mapansin ay kinunutan ng noo.

          "By the way, Kelvin. I noticed you've lost weight."

          Taas-noong sumagot si Kelvin. "I became vegan. Six months na."

          "Kaya nakipag-hiwalay sa syota niyang French, eh. Inaayawan na rin pati de kalibreng karne at British hotdog," ani Shellany bago siya sinulyapan si Cerlance. "If you know what I mean..."

          Nanlaki ang mga mata ni Kelvin. "Gaga!"

          She and Cerlance chuckled. Ang mama naman niya na nasa unahan nila'y napailing. "O siya, hali na kayo't didilim na maya-maya. Cerlance, ano ba ang gusto mong ulam at ipagluluto kita?"

          Bago pa makasagot si Cerlance ay inunahan na ito ni Kelvin,

          "De kalibreng karne ni Shellany, Tita."

          "Hoy!" sabay na suway ng mag-ina na ikina-tawa na lang ni Cerlance.


TO BE CONTINUED...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro