096 - Pampered Forever
PAREHO SILANG NAGKAGULATAN NG MAMA NIYA. Napatitig siya kay Cerlance, ang mama naman niya'y natulala.
"Cerlance..." aniya, hindi na maka-isip ng sasabihin. It was like a proposal, but not really.
And it was the most unromantic yet sincere proposal she had ever—
Natigil siya sa pag-iisip nang magpatuloy sa pagsasalita si Cerlance. Ang tingin nito'y nasa ina pa rin niya.
"I can't propose directly to Shellany, nag-aalala akong baka hindi niya magustuhan matapos ang hindi magandang karanasan sa dati niyang kasintahan. This is why I am asking you directly, Ma'am. Could you please allow me to marry your daughter? I promise, I wouldn't make her cry, nor regret meeting me."
Napakurap ang mama niya, natulala sa mga sinabi ni Cerlance. At nakita niya iyon kaya natawa siya.
Tawa siya nang tawa habang may luha sa mga mata, habang si Rafi naman na nasa bisig niya ay iyak pa rin ng iyak.
Sabay na napatingin sa kaniya ang mama niya at si Cerlance.
"Ano'ng nakakatawa, Shellany?" suway ng mama niya sa Ilocano. "Natatawa ka ba dahil alam mong kaunti lang ang naintindihan ko sa sinabi niya kaya hindi ako makasagot?"
Lalo siyang natawa sa sinabi ng nanay niya. At lalong nakakatawa dahil sinabi iyon ng mama niya sa salitang Ilocano kaya hindi iyon naintindihan ni Cerlance.
Parehong may language barrier ang dalawa, at siya lang ang nakaiintindi sa sinasabi ng mga ito.
"Oh! Ikaw na bata ka talaga, may anak na't lahat-lahat ay hindi pa rin tumatanda ang isip!" patuloy na suway ng mama niya sabay hampas sa braso niya.
She giggled and said, "Sabi ko kasi sa inyo ay manood ng maraming English movies para napa-practice ninyo ang—"
"Tse! Iyang tatay ng anak mo ang atupagin mo!" Muli nitong hinarap si Cerlance na ngayon ay nakatitig kay Rafi na patuloy sa pag-ligalig. "Tunay nga ang sabi ni Kelvin; kamukha ka ni Rafi."
Nahinto siya sa pagtawa nang marinig ang sinabi ng ina. She had no idea that Kelvin was speaking to her mother about Cerlance.
Inilipat naman niya ang tingin kay Cerlance, at napangiti siya nang makita sa anyo nito na tila may nais gawin habang nakatitig sa anak. Hindi na siya nagsayang pa ng panahon. She knew what to do.
Lumapit siya kay Cerlance at sinabing. "Here. Hold her."
Napatitig si Cerlance sa kaniya. May pananabik at pangambang dumaan sa anyo nito. "Paano kung... mabitiwan ko siya? Paano kung lalo siyang umiyak?"
"Hindi natin malalaman kung hindi mo susubukan?"
Magkahalos pag-aatubili at pananabik ang nasa anyo nito nang ibalik ang tingin kay Rafi na namumula na ang matambok na pisngi sa pag-iyak. Maingat niyang ibinigay ang anak sa ama nito, at si Cerlance ay hindi alam kung sa papaanong paraan ito hahawakan lalo at nagliligalig si Rafi at ayaw paawat sa pag-iyak.
"Hawakan mo sa likod at siguraduhin mong nakasuporta ang braso mo sa mga binti niya para hindi mo siya mabitiwan," aniya hanggang sa tuluyan niyang maibigay ang anak sa ama nito.
Si Rafi ay lalong lumakas ang iyak, at si Cerlance ay hindi alam ang gagawin kaya napayuko ito at dinampian ng halik sa ibabaw ng ulo ang anak. He was so worried and she could see it on his face. Tila rin ito iiyak at mukhang makikisabay pa kay Rafi.
Subalit...
Makalipas ang ilang segundo ay unti-unting huminto sa pag-iyak si Rafi at tumingala upang titigan ang may hawak dito. Si Cerlance naman ay niyuko rin si Rafi at nakipagtitigan sa anak.
And the world seemed to stop for the both of them.
CERLANCE WAS STARING at the same grey eyes he sees every day in the mirror. The very same shade of grey. But not only that. While looking at Rafi, Cerlance's thoughts went back to the old photo his Ma Felicia put in a frame and placed in the living room of the ancestral house. Bawat isa sa kanilang magkakapatid ay mayroong larawan noong unang dumating sila sa buhay ng pangalawang mga magulang. Naka-display ang mga larawang iyon sa malaking glass-covered shelf sa sala ng bahay nila sa Asteria. And every time he was back home, he would always stare at that old picture, trying so hard to remember what his life was before he was placed in the care of his Ma Felica and Pops Arc. But he was just a toddler back then, and had no memory of his biological parents, or the riot that killed them.
At ang batang siya sa larawang iyon ay nakikita niya ngayon kay Rafi.
She was... his spitting image. His girl version.
And right there and then he knew... that he would give his life just to protect this little girl in his arms.
"People say she probably has a foreign dad because of her eyes."
Ibinalik niya ang tingin kay Shellany nang marinig ang sinabi nito. Nakangiti ito habang pinagmamasdan ang silang dalawa ni Rafi.
Muli niyang binalingan ang anak na hindi maawat sa pagtingin sa kaniya.
"Sa tingin ko ay nagtataka siya kung sino ka kaya ganiyan makatingin sa'yo," sabi pa ni Shellany. "Ganiyan siya lagi kapag may bagong nakikilala."
He said nothing and continued to lovingly gaze at his daughter.
Yes, his daughter.
There was no doubt, not an ounce.
Kahit hindi pa niya nakikita ang anyo ni Rafi kanina ay alam na niya... kompirmado niya... na anak niya ito.
"She's beautiful, Shellany..." usal niya makaraan ang ilang sandali.
He forgot the last time he cried, and he had already forgotten what it was like. But now... it seemed like he was going down that road. His throat constricted, his eyes watered.
"She is, Cerlance..." sang-ayon ni Shellany na tulad niya'y gumaralgal na rin ang tinig.
"She... got your curly hair and skin color, but she looks exactly just like me when I was her age. My mother would be thrilled to see her..." Ibinalik niya ang tingin kay Shellany. "Is everyone happy to have her here?"
"Oh, everybody loves her, Cerlance. Hindi lang namin ni Mama, hindi lang nina Kelvin at Ivan, pero pati na rin ang halos lahat ng tauhan namin sa farm. She is everybody's little princess."
Tumango siya, ang tingin ay nanlalabo na. "And she's gonna be daddy's little queen. I'm gonna protect her with my life, I promise you that, Shellany."
Hindi na nakasagot pa si Shellany nang makita ang dahan-dahang paghilig ng ulo ni Rafi sa balikat niya. Kahit siya ay natigilan at napayuko nang maramdaman ang pagdampi ng ulo ng anak sa kaniyang kanang balikat. Then, he saw his little girl peacefully closed her eyes, wrapped her little arms around his neck, and fell asleep in his arms.
He was overjoyed.
Kahit si Shellany at ang ina nito na kanina pa nakatunghay ay naiyak sa tuwa.
"Rafi never acted this way towards anybody," Shellany explained while wiping her tears. "Sa iyo pa lang."
"She's gonna be pampered by me forever, Shellany..."
And for the first time in forever, he teared up. At ang luhang iyon ay bumagsak sa maumbok na pisngi ni Rafi na ikina-kiliti nito kaya pinong napahagikhik habang ang mga mata'y nakapikit pa rin.
"She is gonna be daddy's little girl."
Tumango si Shellany at hinawakan sa likod ang anak upang hagurin.
Ibinalik niya ang pansin dito, at sa tinig na puno ng panunuyo ay,
"Please, Shell. Please allow me to be part of your and Rafi's lives."
TO BE CONTINUED...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro