Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

095 - Stepping Up To The Plate





      "BUMALIK AKO SA BANANA BEACH NANG ARAW NA IYON sa pag-asang makita kita roon. Hindi ko naisip na aalis ka kaagad," aniya matapos ang mahabang salaysay sa mga nangyari noong araw na iyon.

      "I... travelled back to Manila right away," mahinang sagot ni Cerlance. Gulat sa mga narinig. Ang tingin ay nasa kay Rafi na hine-hele pa rin ng ina niya. There was something in his eyes that made her tear up, too.

      Realization.

      Alam niya kung ano ang tumatakbo sa isip nito.

      He already knew.

      "Matapos kong umalis sa bahay bakasyonan na iyon ay tumawag ako kay Ivan gamit ang telepono ng resort. I told him everything, at nagsisisigaw ang bakla sa galit. Itinakwil niya si Dabbie bilang pinsan nang araw na iyon. Then, I called Kelvin and told him what I learned. He had the same reaction as Ivan. At simula nang araw na iyon ay itinakwil na rin niya bilang kapatid si Knight. The day after, Kelvin flew to meet me at the resort. I cried so hard in his arms; he was there for me the first day until... today. Simula noon ay sumama na siya sa akin saan man ako magpunta. He felt sorry for what his brother did to me, at sa tulong niya ay kinausap namin ang mga magulang nila. Sinabi ko sa kanila ang mga nalaman ko, at kahit wala akong ebidensya ay sa akin sila naniwala. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa pagitan nina Knight at ng mga magulang niya, Kelvn wouldn't tell me dahil wala na raw siyang pakealam. At ganoon din ako.

          Since then, Kelvin and I became even closer. Kumuha pa nga kami ng unit— kaming tatlo ni Ivan. We have a three-bedroom unit in Tagaytay, pero kinailangan kong... umalis sa trabaho at bumiyahe patungo rito sa Ilocos matapos ma-ospital ni Itay. Sa loob ng isang taon ay dito na ako nanirahan kasama si Mama. I helped her run the farm. Kay tatay ang Raphaello farm na nadaanan mo sa unahan, negosyo niya iyon magmula pa noong binata siya. Madalas na dumalaw sina Ivan at Kelvin sa akin dito, tulad ngayon. Kelv is here. Hindi na rin ako makaalis dito dahil... as you can see, I have a child now."

          Tumango si Cerlance. Ang tingin ay nanatili kay Rafi.

          Si Shellany ay napatingin din sa anak na hindi na magkamayaw sa pag-iyak. Tila lalo itong naging iritable.

          "Sorry," she said. "Ganiyan siya kapag inaantok. No matter who holds her, she would never stop crying until she fell asleep. Kahit ako pa ang humawak sa kaniya, hindi siya tatahimik."

          "How old is she?"

          "Nine months."

          Doon pa lang nagbawi ng tingin si Cerlance at niyuko siyang muli. His eyes were hopeful.

          And she knew what it meant. Alam niyang kahit hindi niya sabihin, alam na ni Cerlance.

          He could basically do Math, obviously.

          "I heard her call someone Dada on the phone earlier. Who was it?"

          She couldn't help but chuckle. "That was Ivan. She calls him Dada, minsan ay Ninang Dada."

          "Oh."

          "Rafi is a smart little girl. She could already speak a few words and could count from one to ten. Ang sabi ni Mama ay hindi ganoon ang ibang bata. She is stubborn, too. I think minana niya sa akin."

        Tumango si Cerlance at ibinalik ang tingin kay Rafi na lalong lumakas ang iyak.

        Napatingin din siya sa anak, hindi na matiis. Kailangan na niyang saklolohan ang mama niya na mukhang napapagod nang aluin ang apo.

        "Do you want to meet her?" aniya bago tiningalang muli si Cerlance.

        Matagal itong tahimik na nakatitig kay Rafi bago sumagot. "Why, Shellany?"

        Why.

        And she knew what it meant.

        Muli siyang napabuntonghininga. "I couldn't face you. Nahiya ako sa ginawa kong pagtaboy sa iyo noong araw na iyon. Pinaalis kita at piniling manatili sa lugar na iyon kasama si Knight. Ginawa ko iyon matapos kitang pakinabang; saan pa ako kukuha ng kapal ng mukha para harapin ka at sabihing... buntis ako. May anak ka sa akin."

        Cerlance took a deep breath and said, "Irrespective. You should have told me." Then, he shifted his head back to her. "Because I never hated you , Shellany. Kahit na hindi mo piniling sumama sa akin noong araw na iyon, hindi ako nagtanim ng sama ng loob. It was tough, and I was miserable, but never did I despise you for not choosing me. Afterall, wala akong ipinangako sa'yong panghahawakan mo."

        "Cerlance, I..."

        "It's okay. Knight must have played tricks on you, kaya nagbago ang isip mo. Pero masaya na rin akong hindi ka na nagsayang pa ng panahon sa kaniya, dahil kinagabihan pa lang ay nalaman mo na kung ano ang totoo. I am proud of you for doing what you did the next morning. There was no point confronting him—an evil man would never change no matter what you say."

        Nanikip ang kaniyang lalamunan, nanlabo ang kaniyang paningin. Cerlance just knew what to say at times like this. Kinakain siya ng konsensya niya at inasahan niyang makarinig ng panunumbat mula rito. But no. Cerlance chose kindness. He chose to speak kind words that she never expected to receive. Afterall, she deserved all the hate.

        "At naiintindihan ko, Shellany, kung bakit hindi mo ako pinuntahan matapos mong malaman ang kondisyon mo. You needed healing—for yourself. You needed to take yourself back up again after what Knight did to you, after what we've been through. Just now, naisip kong baka kaya hindi mo ako pinili noon ay dahil tulad nga ng sinabi mo noong araw na iyon... nasasaktan ka pa rin dahil sa mga nangyari, at na hindi mo kailangan ng isa pang lalaki na gugulo sa sistema mo. I never promised you anything, that's why I totally understand why I wasn't chosen."

        Lalong nanikip ang kaniyang lalamunan; tila pinamunuan ng buhangin.

        "But we're here now, Shellany," Cerlance added softly, with a light, reassuring smile on his face. "And I beg you to please not shoo me away this time."

        Sa kabila ng nanlalabong mga mata ay tiningala niya ito. Naninikip ang kaniyang lalamunan pero kay gaan ng pakiramdam niya. Para siyang nakasakay sa trent na matagal na dumaan sa madilim na tunnel, at ngayon ay may nababanaag nang liwanag mula sa dulong bahagi na tinutumbok niyon.

        "Rafi... deserves to meet her father, and I won't deny her of that," she answered in a shaky voice.

        Muling pumulupot ang isang braso ni Cerlance sa bewang niya, at mahigpit siyang kinabig. His embrace felt like home, and that was when her tears started to fall.

        "I am taking the full package back to Manila, Shellany."

        Napasinghot siya. "What... do you mean?"

          "Babalik ako sa Maynila nang hindi lang bitbit ang balitang may anak na. I am going back with you and Rafi."

          Lalo siyang naiyak kaya hindi na siya sumagot pa. Ini-hilig niya ang ulo sa dibdib nito.

          "You are not going to push me away, Shellany. And even if you did, I will stay. Most especially now that I have a child with you." Ibinalik ni Cerlance ang tingin kay Rafi na ngayon ay buhat-buhat ng lola at naglalakad patungo sa kanila. Muli siya nitong niyuko, masuyong pinahiran ang luha sa kaniyang pisngi. "Please don't cry. Ayaw kong isipin ng mama mo na pumunta ako rito para paiyakin ka."

          Natawa siya sa sinabi nito. Bahagya siyang humiwalay upang magpahid ng mga luha. At bago pa man siya makapagsalitang muli ay tuluyan nang nakalapit ang mama niya sa kanila.

          "Hay naku, Shellay. Hinahanap ka," anito sa salitang Ilocano.

          Bumitiw si Cerlance sa kaniya at doon ay kaagad niyang kinuha ang anak sa ina. Patuloy pa rin sa pag-iyak si Rafi tulad ng inasahan niya. At habang karga-karga niya ang umiiyak na anak ay ipinakilala niya si Cerlance sa ina. "Ma, ito po si—"

          "Naku, sinabi na ni Kelvin." Hinarap nito si Cerlance, seryoso ang mukha. "Ano'ng plano mo sa anak at sa apo ko?"

          "Ma..." suway niya. Her mother wasn't always like this. Her mother was always kind and softspoken, pero dahil ilang gabi siya nitong nahuhuling umiiyak sa nakalipas na mga buwan ay naisip marahil nitong sadya siyang pinabayaan ni Cerlance. Thus, her actions towards him.

           Si Cerlance ay seryosong hinarap ang mama niya. "Maam, my name is Cerlance Zodiac. I came here because I was told that this is just another business trip. I was not prepared that this trip was gonna change my life—and I am not complaining. Masaya akong narito ako at nalaman ko ang totoo. Gusto kong magpasalamat sa paggabay ninyo kay Shellany habang wala ako upang panindigan ang responsibilidad ko. But you can take it easy now. I am going to step up to the plate. Please allow me to marry your daughter."


TO BE CONTINUED...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro