094 - The Truth Behind His Lies
SHELLANY BLINKED IN SHOCK. Hindi nito alam kung tama ang narinig o nakaringgan lang—dahil sa nakalipas na mga isa't kalahating taon, wala siyang ibang inisip kung hindi ang lalaking ito.
Did he really ask me if he could kiss me?
Why would he want to kiss me?
Did he... miss me, too?
Lord. Please. I have been lonely long enough. I made a big mistake when I let him go, but could you please allow it this time?
"Shellany."
Napakurap siya nang pukawin ni Cerlance ang diwa niya.
"H-Huh?"
"Can I?"
His voice was so soft as he pleaded to kiss her. At sino siyang Diyosa para ipagkait iyon?
Bago pa niya napigilan ang sarili ay tumango siya. And that was what Cerlance was only waiting for. Her consent.
He stepped closer, curled his arm around her waist, and leaned on her. She shut her eyes to stop her tears from falling and waited with her breath stuck somewhere in her throat for the touch of his lips on hers.
At parang nagbagsakan ang lahat ng bituin sa langit nang dumampi ang mga labi ni Cerlance sa kaniya. His lips were firm and cool filled with longing. Ang kamay nitong nasa kaniyang likuran ay humagod, tila nagpapahiwatig na maayos na—o magiging maayos ang lahat. Ang isang kamay naman nito'y masuyo nitong inihawak sa kaniyang pisngi, smoothing his fingertips along the corners of her lips, feathering them upward into a smile.
She couldn't help but whimper beneath his touch.
She missed him.
Oh, she terribly did.
Hindi niya alam kung kailan pa pinlano ni Ivan ang pagpapapunta kay Cerlance doon, pero gusto niyang magpasalamat dahil kahit papaano ay napawi ang lungkot na ilang buwan niyang ikinubli sa dibdib. If it wasn't for her daughter, baka muli na naman siyang nalugmok sa kalungkutan.
Baka muli na naman niyang ginawa sa sarili ang ginawa noong iniwan siya ni Knight sa harap ng altar.
Matagal na niyang gustong kausapin si Cerlance; he was easy to find. Pero hindi niya magawa dahil nag-aalala siyang baka nakausad na ito at wala nang pakialam sa kaniya. At hindi niya ito masisi kung sakali.
She chose Knight that day. She turned her back on Cerlance and let him go. Kahit pa naging maayos ang paghihiwalay na iyon ay alam niyang wala siyang karapatang harapin itong muli upang... ipaalam ang mga nangyari sa buhay niya.
"Do you know how much I ache for this, Shellany?" he whispered between kisses. Ang kamay nitong nakayakap sa kaniyang likuran ay humihgpit pa. "I ache for this every day of my life in the past eighteen months. I have missed you... so bad I could die."
Itinaas niya ang mga kamay at hinawakan ito sa mukha. She then moved her head away—just enough so she could look him in the eye.
"Maniniwala ka ba kapag sinabi kong ganoon din ang naramdaman ko?"
Hindi ito sumagot. Nanatili lang na nakatitig sa kaniyang mga mata.
And oh, how she missed looking at those deep gray eyes.
It's been a while... pero kahit minsan ay hindi niya nakalimutan ang damdaming hatid niyon sa tuwing napapatitig siya sa mga mata nito.
Huminga siya nang malalim. Yumuko. "Maiintindihan ko kung hindi, Cerlance. After all... hindi ikaw ang pinili ko."
"Ano'ng nangyari sa pagitan ninyo ni Knight, Shellany?"
Muling umangat ang tingin niya rito, at nang makita ang determinasyon sa mga mata nitong malaman ang totoong nangyari ay napabuntong hininga siya at banayad na humiwalay rito. Napalingon siya sa direksyon ng ina kasama si Rafi. Her daughter was still crying, and her mother was doing her best to calm the baby.
Ganoon palagi si Rafi sa tuwing inaantok. She would cry until she fell asleep. Kahit sino pa ang may hawak. Iiyak lang ito at iiyak hanggang sa makatulog.
"It was messier than I expected, Cerlance."
"Yes, obviously. Dahil kung ang pagbabasehan ko ay ang sinabi ni Kelvin kanina, I could tell something messy had happened between the two of you. But why, Shell? What have gone wrong?"
"He... lied to me."
Nanatiling tahimik si Cerlance, hinintay na dugtungan niya ang mga sinabi.
And she did.
Sa mahinahong tinig ay inumpisahan niyang sabihin dito ang mga nangyari—magmula noong araw na pumili siya sa pagitan ng dalawa.
MAINGAT NA BINUKSAN NI SHELLANY ANG PINTO NG GUEST ROOM upang hindi makalikha ng ingay. It was past two in the morning and she didn't want to wake up Knight who occupied the room next to her.
Hindi siya makatulog at kailangan niya ng sariwang hangin. Kung may alak sa kusina ay baka uminom din siya ng ilang shots para antokin.
Maingat niyang inisara ang pinto nang tuluyang makalabas at tahimik na naglakad pababa ng hagdan. Hindi siya makatulog sa dami ng iniisip at sa bigat ng pakiramdam. She didn't like this place. She didn't feel safe and secured. Pakiramdam niya'y may kulang. Pakiramdam niya'y... dinala ni Cerlance ang kalahati ng pagkatao niya sa pag-alis nito nang hapong iyon.
Gusto niyang iyakan ang nangyari sa araw na iyon pero alam niyang hindi iyon makatutulong kaya pilit niyang inalis si Cerlance sa isip at ipinahinga ang utak. She and Knight had spoken during dinner, pero hindi tungkol sa mga nangyari kung hindi tungkol sa mga magulang nito. Sumagot-dili siya, at naramdaman iyon ni Knight kaya hindi na ito nagpumilit na palawigin ang usapan.
Pagdating niya sa baba ay kaagad siyang naglakad patungo sa kusina. Kukuha lang siya ng isang shot ng whiskey kung mayroon, bago siya lalabas patungo sa hardin.
Nasa gitna na siya ng paglalakad patungo sa kusina nang mahinto matapos marinig na tila may nagsasalita mula sa loob.
Nagsalubong ang mga kilay niya, at sandaling nakaramdam ng takot sa pag-aalalang baka may nanloob sa bahay. Dahil wala namang ibang tao roon maliban sa kanila ni Knight at sa matandang katulong.
Si Knight kaya?
Kung si Knight man ang naroon, bakit hindi ito nagbukas ng ilaw? At bakit pabulong itong nagsasalita?
Mas nanaig ang kuryosidad. At kahit may bahagyang kaba siyang nararamdaman ay itinuloy niya ang paglapit sa pinto ng kusina. Huminto siya sa gilid niyon at sumandal sa pader. Then, she peeked and saw Knight standing at the open back door, his back on hers. May hawak itong cellphone na nakatutok sa kanang tenga.
Nagsalubong ang mga kilay niya. Ang kaba sa dibdib sa pag-aakalang may nanloob sa bahay ay tuluyang nalusaw.
Who are you talking to, you sneaky bastard? she thought to herself.
"Galit na galit si Papa dahil sa pag-iwan ko kay Shellany sa altar sa puntong inalisan niya ako ng mana," ani Knight sa kausap.
Lalong nagsalubong ang mga kilay niya.
Siya ang topic ng usapan.
"My father wants Shellany to be his daughter-in-law. At kung hindi raw si Shellany ang makakatuluyan ko'y hindi niya ako pamamahanan. Pero alam kong sinabi niya lang iyon para balikan ko si Shellany at isalba ang pamilya namin sa kahihiyan. Marami silang mga kaibigan na inimbitahan sa kasal at naging usap-usapan daw kami sa buong bayan matapos ang ginawa kong iyon."
Sandaling natahimik si Knight, nakinig sa sinasabi ng kausap.
You deserves it, Knight Perez, aniya sa isip.
"Sh*t. I tried to make up his mind, but he wouldn't listen. Ang bahay-bakasyonan dito sa Tagum ay sa akin dapat niya ipamamana, ang bahay naman sa Guimaras ay ang kay Kelvin ibibigay habang ang nasa Tacloban ay ibinebenta na. Ililipat niya kay Kelvin ang lahat ng ari-arian nila ni Mama kung hindi ako makikipag-ayos kay Shellany. And that's the problem."
Muli itong natahimik upang pakinggan ang sinasabi ng kausap.
Then... Knight spoke again.
"No, it's not like that, babe. Hindi por que susundin ko na si Papa ay si Shellany na kaagad ang pinipili ko. Ikaw pa rin at ang magiging anak natin ang mahalaga sa akin ngayon."
She couldn't help but gasp. Pero bago pa siya lumikha ng ingay ay mabilis na niyang tinakpan ng dalawang kamay ang bibig.
You lying son-of-a-gun! sigaw niya sa isip. Gusto niya itong sugurin pero pinigilan niya ang sarili.
"Give me a few months more, babe. Kapag nagpakasal kami ni Shellany ay ililipat ni Papa sa pangalan ko ang bahay dito sa Tagum. Once it happened, I'll sell this property and buy a new house for us in Baguio. Just give me a few months—" Nahinto ito na tila pinutol ng kausap ang sinasabi. He listened again.
Until...
"Yes, I will still marry her. But she now has a trauma at hindi niya gustong magpakasal sa simbahan. That works for us. May kaibigan akong pastor, sa kaniya kami magpapakasal. Kay daling i-forge ang mga dokumento, Dabbie. Hindi ko ire-rehistro ang kasal namin. Maraming paraan para hindi maging legal ang kasal namin. Just leave this to me, okay? Just look after yourself. I don't want anything to happen to you and the baby."
Nanlaki ang kaniyang mga mata.
Dabbie.
She could not believe it.
Bagaman hindi sila ganoon ka-close tulad ng closeness nila ni Ivan, ay nagtiwala siyang totoo ang pagkakaibigan mayroon sila ni Dabbie.
But that woman betrayed her! At ngayon ay hindi siya naniniwalang isang malaking pagkakamali— isang beses na pagkakamali lang— ang nangyari sa pagitan nito at ni Knight tulad ng sinabi sa kaniya ng gunggong!
Ah! F*ck you both! gusto niyang isigaw, pero alam niyang hindi ito ang tamang panahon para gawin iyon.
"Yes, babe. I will make sure of that. Sa'yo pa rin ako uuwi. Aayusin ko lang ang sitwasyon namin ni Shellany, at kapag naibenta na ang bahay ay nakahanda akong putulin ang koneksyon ko sa pamilya ko. Para sa iyo at sa magiging anak natin. And that is a promise."
Sa nagpupuyos na dibdib ay umalis siya sa kinatatayuan at bumalik sa itaas.
Gusto niyang pasalamatan ang kung ano man ang nagtulak sa kaniya upang bumaba at magtungo roon.
Mahal pa rin siya ng langit kahit papaano.
She now has a solid reason to move forward. Sapat na ang mga narinig niya.
Kinabukasan, bago pa man tuluyang magbukangliwayway ay umalis siya sa bahay na iyon bitbit ang kaniyang maleta. She walked until she reached the highway. And while she walked away from where Knight was, her chest had somehow lighten up.
Not fully, pero kahit papaano ay nabawasan ang bigat sa kaniyang pakiramdam sa pag-alis niyang iyon. Ngayon ay naiintindihan na niya kung bakit mahalaga ang closure sa pagtatapos ng relasyon. This was the closure she needed; to know the truth. And she was relieved.
Sa wakas ay natapos na ang misyong ito. Sa wakas ay nasagot na rin ang mga agam-agam niya. Ito ang mali na naramdaman niya kahapon nang marinig ang paliwanag ni Knight. She knew something was missing as he exlained his side. And that missing part was the truth.
Alam niyang kalaunan ay tuluyang gagaan ang pakiramdam niya. She knew everything would be alright. She knew she wouldn't cry for that a**hole again.
Now, she has just one more thing to do.
And that was to move forward.
TO BE CONTINUED...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro