093 - The Answer He Wanted To Hear
"WHAT?" Manghang bulalas ni Cerlance. Hindi mapigilan ang pagkairitang bumangon sa dibdib. "Why would he do that?"
"Why not?" tanong pa ni Kelvin saka ibinaba ang mga kamay. "It's high time for you to—"
"Shut up, Kelv. Don't say another word."
Ibinalik niya ang tingin kay Shellany nang marinig ang sinabi nito. She was facing Kelvin, giving the guy a warning glare. Lalo siyang naguluhan. Si Kelvin ay narinig niyang nagpakawala nang malalim na buntonghininga.
"Ivan and I thought that before this month's end, you and Mr. Zodiac should meet to talk about stuff. Alam mo na, we are your only true friends and we want the best for you—" Nahinto si Kelvin sa pagsasalita nang marahas niya itong hinarap.
"Nasaan ang delicadeza ninyong dalawa para gawin ito? Wala na ba kayong pagsasaalang-alang sa asawa ni Shellany? And to think her husband is your fu.cking brother!"
F*ck Ivan and Kelvin. Wala siyang alam sa takbo ng iniisip ng mga ito, pero nawawalan siya ng respeto sa mga taong nangingialam sa buhay nang may buhay. Bakit hindi na lang hayaan ng mga itong manahimik si Shellany? Base sa nakita niya kanina ay mukhang masaya si Shellany at ang anak nito. They were even videocalling Knight kung nasaang lupalop man ng bansa ito naroon ngayon!
Masakit at mahapdi na nga ang sugat niya, binudburan pa ng asin ng mga ito!
"What?" si Kelvin matapos marinig ang sinabi niya. Sandali itong natigilan bago bumulalas ng tawa.
Naguguluhang ibinalik niya ang tingin kay Shellany na sinapo ang ulo sa pagkapahiya.
Lalo siyang naguluhan. Pero bago pa may namuong ideya sa utak niya ay muli nang nagsalita si Kelvin.
"Oh, that's right. I used to have a brother, and his name was Knight. Pero matagal ko na siyang itinakwil, at para sa akin ay nag-iisa na lang akong anak ng mga magulang ko." Muli itong natawa. "Shellany, marami kayong kailangang pag-usapan ng poging ito. And you better explain to him what I meant about Knight's current status in my life because I won't talk anymore. Pupunta na ako sa loob para magluto ng hapunan." Humakbang ito patungo sa gate at nakangisi siyang nilampasan. Tumabi ito kay Shell at muli siyang hinarap. "Catch you later, Mr. Zodiac. And please join us for dinner; ako ang cook ngayong gabi at—"
Natigil ito sa pagsasalita nang takpan ni Shellany ang bibig ni Kelvin. Ang tingin niya ay dumapo sa singsing na nasa kamay nito, at nakita rin iyon ni Kelvin kaya inalis nito ang kamay ni Shellany saka muling nagsalita.
"Oh, don't worry about the ring." Itinaas nito ang kamay ni Shellany. "Ang singsing na iyan ay sa ama ni Shellany. He passed away six months ago, at iniwan kay Shellany ang singsing. Mag-usap na nga kayo." Bago pa man nahampas ni Shellany si Kelvin ay tuluyan na itong nakalayo.
Sumunod ang tingin ni Cerlance kay Kelvin na patakbong tinungo ang porch. Doon sa porch ay nakita niya ang matandang babaeng karga-karga na ang batang kasama ni Shellany kanina. Ang bata ay nakahilig sa balikat nito. Nakita rin niya ang sandaling pag-uusap nina Kelvin at ng babae, hanggang sa manlalaki ang mga mata ng babae at ibinalik ang tingin sa kaniya.
Gulung-gulo ang isip niya. Muli niyang hinarap si Shellany.
"What is Kelvin talking about? Why did Ivan send me here?"
Nagpakawala nang mahabang paghinga si Shellany, niyakap ang sarili saka muli siyang tiningala. "Hindi ko masasagot ang tungkol kay Ivan, pero... nakahanda akong sagutin ang mga tanong mo. That's... all I could do for you matapos mong bumiyahe ng halos sampung oras dahil sa kagagawan ni Ivan."
Ask you questions?
I don't know what to ask. All I know is I terribly missed you and that I wanted to hug and kiss you right here and now.
Pero... hindi ko alam kung may karapatan akong gawin iyon.
Si Shellany, nang wala pa ring naririnig na tanong mula sa kaniya ay muling nagsalita.
"You... bought a new car..." anito, ang tingin ay nasa itim na Mercedes G-Wagon na nakaparada sa likod ng lumang owner type jeep.
Nilingon niya rin iyon. "Yeah, I did. The old car I was using is in my brother's garage. Ginagamit ko na lang kapag may personal na mga lakad. This one here is the one I use for business."
"W-Why?"
Ibinalik niya ang tingin dito. Si Shellany ay nakatitig na ring muli sa kaniya. "Why what?"
"Bakit hindi mo na ginagamit ang kotseng iyon?"
Matagal bago siya nakasagot. "It was filled with bittersweet memories that I sometimes refuse to remember."
Sa mahabang sandali ay namagitan ang katahimikan sa kanilang dalawa. Ang tanging maririnig lang ay ang marahang pag-iyak ng batang babae na inaalo ng matandang may hawak dito.
Si Shellany ay tila sandaling nawala ang pansin sa anak dahil hindi nito naririnig ang pag-iyak ng bata. Not until the toddler's cry got louder. Napalingon ito roon, at nakita niya ang pag-senyas ng may edad na babae na okay lang at ito na ang bahala.
Tumango si Shellany at ibinalik ang tingin sa kaniya. "By the way, 'yon nga pala ang nanay ko. Tinutulungan niya akong alagaan ang... anak ko."
Muli niyang sinulyapan ang may edad nang babae na pilit na pinatatawa ang apo.
"What is your daughter's name?" tanong niya habang ang tingin ay nasa mag-lola pa rin.
"Rafi. It's short for Raphiella. Kinuha ko mula sa pangalan ng tatay ko."
Doon niya muling hinarap si Shellany. "Nakikiramay ako sa pagkawala ng tatay mo."
Bahaw na ngumiti si Shellany. "Thanks, Cerlance. Matagal na siyang may sakit at hindi naging maganda ang sitwasyon ng kalusugan sa nakalipas na mga taon. He was happy to meet his grand daughter, kahit papaano ay naging masaya siya sa mga huling araw niya."
He just nodded and stared at her radiant face. The weight gain looked great on her. And her skin was glowing. He liked how her skin got darker compared before; hindi na niya kailangan pang hulaan na madalas itong magpaaraw kaya nag-iba ang kulay nito. Shellany's skin color suits her; he wondered why so many Filipina women didn't like their brownish skin when in fact, it was the sexiest color in the universe?
Hindi niya napigilan ang pagpapakawala ng malalim na paghinga sa mga itinatakbo ng isip.
"How have you been, Shellany?"
Napatingin ito sa kaniya. Maraming damdamin ang nakapaloob sa mga mata nito; damdaming hindi nya kayang bigyan ng pangalan. Damdaming pamilyar sa kaniya. At isa sa mga iyon ay nararamdaman din niya.
Longing.
"I'm... okay. Thanks for... asking."
"Yes, you look okay." Muli niya itong sinuri ng tingin. Not the way he used to do, but full of admiration and respect. "You look fabulous. You have gotten weight, and it looks so good on you. Motherhood became you. You are... beautiful."
He swore he saw tears in her eyes before she was able to look away to hide them from him. Pilit itong ngumiti.
"You haven't changed at all. Alam mo pa rin kung papaano palambutin ang puso ng babaeng malungkot."
"Sinasabi mo bang malungkot ka?"
Yumuko ito. "With Rafi around, my loneliness is bearable."
Muling namayani ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Matagal itong nakatungo lang, habang siya'y nanatiling nakapako ang tingin sa mukha nito.
Until...
"Are you married?"
He prayed to hear the answer he wanted to hear.
Nanatiling nakayuko si Shellany upang ikubli ang namumuong luha sa mga mata. At habang nakayuko ay umiling ito. "No. Never have been."
Dahan-dahan niyang pinakawalan ang paghingang pinigilan habang naghihintay ng sagot. At sa ginawa niyang iyon ay tila gumaan din ang kaniyang dibdib. Tila may nag-angat ng malaking batong pasan-pasan niya. At tila biglang naghilom ang sugat na sa halos dalawang taon ay kinimkim niya.
After a while, he let out a tender smile.
"Can I kiss you then?"
TO BE CONTINUED...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro