091 - Up To North
EIGHTEEN MONTHS LATER...
"One of your brothers is getting married and you're still not gonna attend it? Parte ka pa ba ng pamilyang ito, Lance?"
Damn it.
Iyon lamang ang mga salitang naisip ni Cerlance matapos marinig ang sinabi ng nakatatandang kapatid na si Quaro sa kabilang linya. He was driving to north of Luzon to pick up a new client when his phone rang. He answered it after seeing his brother's name on the screen, put him on speaker and listened to his rambling.
"I am busy," sagot niya matapos huminahon. Umiinit ang ulo niya sa tuwing pinapagalitan siya ng mga kapatid kapag hindi na naman nakasisipot sa mga party ng pamilya— most especially to engagements and weddings.
F*ck it, but one of his brothers have gotten married last year, tapos ngayong taon naman ay may isa pang susunod. That made them four married men in the family now. And sh*t, he was envious. At napipikon siya kaya hindi siya sumisipot sa mga kasal ng mga kapatid. Unang kasal na hindi niya sinipot ay noong kina Phillian at Calley. He just sent them gifts before flying to Thailand for a vacation. Isang buwan sya sa Thailand at nang makauwi ay dumiretso siya sa Asteria upang bisitahin ang ina. Isang linggo siya sa Asteria bago umuwi sa sariling apartment. After which time, he became busy with travel bookings. Nang sumunod na taon ay isa na naman sa mga nakababata niyang kapatid ang nagpakasal. He wasn't busy during that time but he didnt show up. Idinahilan niyang may sakit siya. Kinabukasan, umagang-umaga ay dumating sa apartment niya ang ina kasama ang kasambahay nilang si Aling Patty.
Nakahinga ang ina niya nang maluwag malamang wala siyang sakit, at doon ay sinabi niya rito ang dahilan kung bakit hindi siya sumipot.
He hated seeing his brothers happy with their lives, habang siya ay miserable at nag-iisa.
His mother, as usual, understood his feelings and supported him. Sinabi niya rito kung ano ang nangyayari sa kaniya, at simula niyon ay hindi na siya nito pinilit na pumunta sa mga pagdiriwang ng pamilya.
And then, now this.
May isa na namang natisod ang Diyos ng Pagpapakasal. One of the Zodiac brothers have met his fate and was marrying his soulmate.
Damn it.
Ano ba ang ginawa niyang kasalanan sa langit at pinagkakaitan siyang maging masaya?
Sa loob ng mahigit isang taon ay sinubukan niyang buksan ang pinto, naghanap ng babaeng kakasamahin sa buhay, but all those women failed to impress his heart.
Damn it.
Fucking shit.
Baka karma na ito sa kaniya dahil noon ay doble-doble ang mga babaeng ikina-kama niya. Dahil noon ay pati mga kasintahan ng mga kapatid niya'y tinatalo niya.
Tama nga ang sabi ni Caprionne noon.
Kasalanan nina Quaro at Phillian ito.
Them settling down and having their perfect family made him feel so envious he also wanted his own now.
At noong sa tingin niya'y nahanap na niya ang para sa kaniya, saka naman sila pinaglaruan ng tadhana.
Damn it. Damn it. Damn it.
"Are you listening to me, Cerlance?"
Ibinalik niya ang pansin sa nasa kabilang linya. "I'm still here. I'm driving, so can we talk some time later?"
"Noong tinawagan kita dalawang araw na ang nakararaan ay ganiyan din ang sinabi mo. What, beinte-cuatro oras kang nagmamaneho?"
"Quaro—"
"Listen to me, Cerlance. Taurence is getting married in two day's time. Kahit si Viren na ilang taong hindi umuwi ay uuwi para daluhan ang kasal ni Tau. Dumating ka sa pagkakataong ito, don't disappoint your brother on his wedding day." Then, the call ended.
"Fuck it." He growled before snatching his phone off the dashboard and tossing it to the backseat. napipikon siya kapag umaastang panganay si Quaro.
Well, Quaro was indeed the eldest.
But still.
Ayaw niyang minamandohan siya nito.
F*ck that wedding. F*ck Taurence.
Inis niyang tinapakan ang accelerator upang pabilisin ang pag-takbo ng sasakyan. Patungo siya sa isang malawak na farm sa Ilocos kung saan niya susunduin ang isang kliyente. The client wanted to be collected and brought back to Manila. Marami itong mga pribadong papeles at gamit na dadalhin, at dahil wala raw itong driver's license ay nagpasiyang magpasundo na lang gamit ang serbisyo niya.
Dapat ay ang assistant niyang si Coy ang ipadadala niya sa area, subalit matapos niyang matanggap ang invitation letter galing kay Taurence ay nasira na naman ang mood niya kaya siya na ang umalis.
Yes, he now had an assistant driver/transporter. Anim na buwan na ang nakararaan nang kumuha siya ng isang staff dahil dumarami na ang nagiging kliyente nila. He bought two new cars using the money his father left to him. Plano niyang bumili ng isa pa at kumuha ng dalawa pang regular drivers para mabigyan niya ng pagkakataong makapagpahinga ang sarili sa susunod na buwan. Kapag natapos niya ang garaheng ipinapagawa niya kay Caprionne ay saka siya kukuha ng dalawa pang sasakyan.
Ang ginamit niyang pera ay ang perang plano niya sanang ibili ng bahay sa tuktok ng burol, but that was canceled because things went south.
Ibinalik niya ang pansin sa harapan nang may makitang intersection. Binagalan niya ang pagpapatakbo; may mga tumatawid na tricycle mula sa kabilang lane kaya kailangan niyang mag-menor. Nang marating ang intersection ay tuluyan niyang pinahinto ang sasakyan, at habang nakahinto siya ay sinipat niya ang GPS na nakapatong sa dashboard. The GPS device indicated that he was close to his destination. He travel for almost eight hours to get to this destination. He had stopped twice already all the way through. Ang sabi ng kliyente niya nang makausap niya ito sa telepono ay maaari siyang manatili sa bahay ng mga ito ng buong gabi, at bukas ng umaga na sila bibiyahe pabalik ng Maynila.
Sinulyapan niya ang oras sa suot na relo. Twenty minutes past five o'clock. Tamang-tama, maya-maya pa'y bababa na ang araw.
Ibinalik niya ang tingin sa harapan nang makarinig ng busina sa likuran ng kotse siya. Sinulyapan niya ang rearview mirror at nakita ang pampasaherong jeep sa likuran. Nalipat ang tingin niya sa harapan, at nang makitang wala nang dumaraang sasakyan sa kabilang lane ay pinaandar na niyang muli ang kotse.
He continued to drive for another five minutes until he reached the destination. May sangang daan papasok sa isang farm na tinatawag na 'Raphaello'. That was his destination. Ang sabi ng kliyente niya'y pumasok siya sa sangang daan pagdating niya sa crossing. Sa dulo ng sangang daan na iyon naroon ang dalawang palapag na bahay na nakapintura ng puti. Bago niya marating ang bahay ay madadaanan daw muna niya ang malawak na Raphaello farm. That was a precise information and he appreciated that.
Sinunod niya ang instruction na ibinigay sa kaniya. He drove for another five minutes before he saw the farm. Malawak na taniman ng tobacco, at sa kabilang panig niyon ay malaking manukan. Sa katapat na lupa sa kabilang panig ng kalsada ay palayan. The place reminded him of their place in Asteria. Mas malawak nga lang siguro ang sa kanila.
Itinuloy pa niya ang pagmamaneho hanggang sa marating niya ang dulo ng kalsada. Ang pinaka-dulo ay ang dalawang palapag na bahay na nakapintura ng puti, pati ang bubong. May gate sa harapan na gawa sa malapad na kahoy, may namumulaklak na tanim sa gilid, at may naka-paradang owner truck jeep sa harapan.
He parked at the back of the jeep. Bahagya na niyang napansin ang taong nakaupo sa porch ng bahay. Pinatay niya ang makina ng sasakyan, inalis ang seatbelt na nakakabit sa katawan at dumukwang sa backseat upang hanapin ang cellphone na ni-itsa niya roon kanina. Nang mahanap ay kaagad siyang bumalik sa pagkakaupo.
He ignored the text messages from Quaro and his other brothers. Kaagad siyang nagtungo sa contact section at hinanap ang numero ng kliyente niya.
Morris Jacobs. He was a Canadian guy who had a multimedia company in the Philippines. He dialled his number and waited for him to pick up his call.
After four rings, the guy answered.
"Hey, Mr. Zodiac. Have you reached your destination yet?"
"I have. I'm outside the gate."
"OK, cool. I am not in the area so just go in and look for the owner of the house. Her name is Melba."
Gusto niyang itanong kung nasaan ito at bakit iba ang pangalan ng owner ng bahay, pero hindi na kasama sa serbisyo niya iyon. He took his car key and went out of the car. Bitbit ang cellphone at susi ng kotse ay naglakad siya patungo sa gate. Nakabukas iyon, at mula roon sa gate hanggang sa bahay ay sampung metro ang layo. May matandang babae na nakaupo sa isang kawayang papag sa porch, nakatagilid ito kaya hindi siya kaagad na napansin. Sa tabi nito ay may nakaupong batang babae na sa hula niya'y isang taong gulang pa lang.
He was about to enter the gate and introduce himself to the lady when suddenly, someone familiar got out of the front door.
He stood on his ground.
His heart tumbled.
Shellany?
TO BE CONTINUED...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro