Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

090 - Brainwashed Pt 2




    "HOW DARE YOU! Hindi ko siya ginawang panakip-butas—"

    "Yes, you did, Shell. Dahil sinabi mong dumating siya sa panahong akala mo'y katapusan mo na. You used him to forget about me, did you not?"

    "No, I did not!"

    "You used him to forget about the pain and loneliness that I've caused you. You used him to make you feel special. Ano pa ang tawag doon kung hindi panakip-butas, Shellany?"

    "H'wag mo akong pagmukhaing masama rito dahil kung mayroon mang masama sa ating dalawa ay ikaw iyon, Knight Perez—"

    "Hindi ko sinabing masama ka, Shellany. Ang sinabi ko lang ay gumamit ka ng ibang lalaki para sandaling mawala sa isip mo ang hinanakit na mayroon ka sa akin. Ginamit mo lang siya, kaya h'wag mong sabihin sa akin na kaya hindi mo na ako matanggap ay dahil nariyan siya. H'wag kang magbulag-bulagan, Shell. Nasabik ka lang marahil dahil pinakitaan ka niya ng mabuti at ipinaramdam sa 'yong espesyal ka. But he isn't really the man you wanted to be with. He just happened to be there at the time you needed someone; h'wag mong ipagkamaling may espesyal na damdamin ka na para sa kaniya. "

    Natahimik siya. Gusto niyang sampalin si Knight sa paglalason sa utak niya.

    At dahil sa pananahimik niya'y nagpatuloy ito. "Sinabi mong hindi siya tulad ko. That's just the first sign to identify that you are in a rebound relationship, Shellany. You rushed ito having a relationship with him without emotional connection because you thought he was different and that he put more effort than I did. You also clearly said that he saved you from loneliness and depression, which also means that you disposed of all the negative energy you had from me to him; hindi ba toxic ang ganoon? You went into having a special bond with him without allowing yourself to undergo natural healing first. But just because of what, Shell? Because you wanted to run away from the pain I've caused you, isn't it?"

    She shook her head, unable to defend herself.

    Because in a way, Knight was right. He hit the right spot.

    She used Cerlance to get through her loneliness. She used him to somehow forget about her pain and suffering. At kung hindi dahil dito ay baka hanggang ngayon... para pa rin siyang luka-luka tulad ng kung paano siya nitong datnan sa condo unit niya.

    At kung hindi siya pinatulan ni Cerlance, ay baka nanatili siyang nakalugmok sa mga alaala ni Knight.

    In a way... talagang ginamit niya si Cerlance.

    And in a way, alam niyang iyon talaga ang ginawa niya, ayaw lang niyang aminin sa kaniyang sarili.

    "Do you understand now, Shellany? You used him as a rebound. Hindi ka ba naaawa do'n sa tao? I'm sure he has no idea that he is being used?"

    She gritted her teeth in annoyance. She just wanted Knight to stop talking already.

    But... he did not.

    He continued to play with her mind.

    "Ano sa tingin mo ang mararamdaman niya kapag nalaman niyang iyon ang naging papel niya sa buhay mo nitong nakalipas na mga araw, Shellany?"

    "Wala kang alam sa samahang mayroon kami, Knight."

    "You're right, pero hindi na mahalaga iyon, Shellany. Sa pananahimik mong iyon ay para mo na ring kinompirma na totoo ang mga sinabi ko."

    Hindi siya sumagot. Hindi niya kayang pasubalian ang sinabi nito.

    Huminga nang malalim si Knight, lumapit, at masuyo siyang hinawakan sa magkabilang mga braso. His face softened again. Oh, how good of an actor he was!

    "Shellany, sa nakikita ko'y nasasaktan ka pa rin dahil sa mga ginawa ko sa'yo, and I really am sorry for that. But you have to stop doing what you're doing to this poor man. Dahil kung nasasaktan ka pa rin at nagagalit sa mga ginawa ko sa'yo, ibig sabihin ay hindi ka pa rin nakausad. At hindi ka pa handang magmahal muli. It would be unfair to this man if you stayed with him while you try to run away from the mess I made. Don't drag him into this, Shellany. Allow this man to save himself. And I know you know what I mean."

    Yes. She knew what he meant.

    And she didn't want to admit it, but Knight successfully defeated her by changing her mind.

    Humugot siya nang malalim na paghinga. At ilang sandali pa ay...

    "Please, Shell. You can't continue using this guy. It would be unfair to him." Para siyang lantang gulay na walang nagawa nang kabigin siya nito at yakapin. "Just give me another chance, Shell. Think about it. At least you know that I love you regardless. And I will change for you. Kapag tinanggap mo akong muli ay magpapakasal tayo bukas na bukas din. Kung hindi mo gusto sa simabahan, may kilala akong pastor. And then, after getting married, we'll fly to my parents and seek for their guidance. My parents wanted to see you again..."

    Gusto niya itong itulak, pagsasampalin, sigawang muli, sabunutan. Pero matapos ang mga sinabi nito na nagpamulat sa kaniya kung paano siya naging makasarili at kung paano niya walang habas na ginamit si Cerlance para isalba ang sarili sa kalungkutan ay tila na siya nawalan ng lakas. Kaya naman hinayaan niyang yakapin siya ni Knight kahit na nasusura siya. Kahit na nabu-buwisit siya.

    Sa mahabang sandali ay nakayakap lang ito sa kaniya. At nang sa wakas ay sa tingin niya, may bumalik na kaunting lakas sa kaniya, ay saka pa lang niya itinaas ang kamay upang banayad na itulak palayo si Knight.

    Muli siyang nagpakawala nang malalim na paghinga bago tumalikod. "Kukunin ko lang ang mga gamit ko."


*

*

*


    "SHELL? LET'S GO INSIDE."

    Nagpakawala muna siya nang malalim na paghinga bago nilingon si Knight. Hindi niya namalayan ang paglapit nito. Ang buong atensyon niya ay nasa sasakyang ni Cerlance, at hindi niya inalis ang tingin mula roon hanggang sa tuluyang nawala sa kaniyang paningin ang alikabok na iniwan niyon sa daan.

    Si Knight ay lumapit at huminto nang ilang dipa. He let out a light smile. "Thank you for giving me this chance—"

    "I'm staying for the night. Gusto kong pag-isipan ang mga gagawin ko sa buhay ko kaya hiling ko'y bigyan mo ako ng space."

    Sandali itong natahimik bago tumango. "That's totally fine with me, Shell. I will spend the rest of my life proving to you that giving me this second chance is the best choice you ever made in your entire life."

    Hindi na siya nagsalita pa. Lumingon siyang muli sa daan upang bigyan ng isa pang sulyap ang dinaanan ng kotse ni Cerlance. At habang naroon ang pansin niya'y muling nagsalita si Knight.

    "How and where did you meet that guy?"

    Tinapunan niya ng masamang tingin si Knight. "His name is Cerlance. Not that guy. Utang na loob mo sa kaniya na makita akong buhay pa rin hanggang ngayon. Dinampot niya ako sa impyernong pinagdalhan mo sa akin."

    Napabuntong-hininga ni Knight, at siya nama'y muling ibinalik ang tingin sa maalikabok na daan.

    "Remind me to thank him when we meet him again," anito makaraan ang ilang sandali.

    "You won't meet him again, Knight. Because you and I are not going to cross paths with him again. Let's make sure of that."

    "Because if not, what, Shellany?"

    She turned to him and gave him an empty gaze. "I'll leave you and crawl back to him."

    Hindi niya alam kung sakit o inis ang nakita niya sa mga mata ni Knight, mabilis nitong naikubli iyon tulad kanina. He was good, so good, at hiding his real emotions.

    Humakbang na siya pabalik sa loob, intentionally leaving her suitcase. Pilit siyang nagpakawala ng ngiti nang makita ang matandang katiwala na pasalubong sa kaniya.

    Si Knight ay hinila ang maleta niya at sumunod na rin. Nahinto silang pareho nang magsalita ang papasalubong na kasambahay. Nakakunot ang noo,

    "Saan na pumunta ang asawa mo?"

    She opened her mouth to tell the old lady that her husband had to leave first when Knight beat her off,

    "Pinauwi ko ng Maynila, Manang."

    "Ha? Unsa man?"

    "Mahabang kwento, h'wag na nating pag-usapan." Hinawakan siya ni Knight sa siko at inalalayang pumasok sa loob. "Let's go inside, Shell. I'll bring you to the guest room."

    Hindi na siya umalma at nagpaakay na lang dito.





TO BE CONTINUED...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro