Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

089 - Brainwashed Pt 1




          SA NANLALABONG MGA MATA ay sinundan ni Shellany ng tingin ang kotse ni Cerlance na papalayo. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman. Habang lumalayo ang sasakyan ay tila bumibigat nang bumibigat ang kaniyang dibdib.

          She could not believe it. She never expected to say goodbye to him and end up regretting it.

          She didn't want to say those words, she didn't want him to go. But she had to. She had to shoo him away.

          Wala siyang planong tanggaping muli si Knight. Wala siyang planong makipagbalikan. He lied to Cerlance.

    And he did that because she wanted him to find someone better. He deserved someone better. Hindi tulad niya na ginawa itong panakip-butas.

          Habang pinagmamasdanan ang paglayo ng sasakyan ni Cerlance ay bumalik sa kaniyang isip ang ilan pa sa mga pinag-usapan nila ni Knight kanina.

    "Will you have me back, Shell?"

      Naguguluhang binawi niya ang kamay mula rito. "Saan ka kumukuha ng lakas ng loob para itanong sa akin iyan? Hindi mo talaga alam kung papaano mo akong sinira noong panahong iniwan mo ako sa ere? Ano'ng tingin mo sa akin? Uto-uto?"

     "Alam kong nasaktan kita, Shell, at nakahanda akong bumawi. I promise you, you will never cry again."

     "Talagang hindi. Dahil hindi ko hahayaang makalapit kang muli sa akin." Tumayo na siya at hinarap ito. Si Knight ay nanatiling nakaupo at nakatingala sa kaniya. "I have loved you, Knight. Ibinigay ko sa iyo ang lahat. Wala akong itinira sa sarili ko na isang malaking pagkakamali dahil nawalan ako ng respeto sa sarili ko matapos kitang mahalin. Salamat na rin na hindi natuloy ang pagpapakasal natin, dahil kung sakali ay baka pagsisisihan ko 'ang desisyong pakasalan ka habangbuhay."

          Tumayo ito. "I suffered, too, Shelly. Sa loob ng ilang linggo ay kinain ako ng pagsisisi at depression. Kaya ako pinuntahan ng mga dati kong kaibigan dito at niyayang umakyat ng bundok ay para tulungan akong makapag-isip-isip at umalis sa madilim kong silid. I have never stopped thinking of you. Nasasaktan akong isipin na nasasaktan ka." Hinawakan siya nito sa magkabilang braso. "Sa loob ng mahigit isang taon na naging tayo, ni minsan ay hindi kita binigyan ng dahilan para magselos. I was faithfull to you until I made a mistake that I regret up to this day. Pero hindi ko na maibabalik ang araw na iyon, Shell. Hidni ko na mababago ang nangyari. Pero alam mo kung ano ang kaya kong baguhin? Ang kinabukasan. I promise you, Shell, that I will never be the same a**hole I was before. I will be better for you... and for our future family. Kung may babae man akong gustong makasama sa habang buhay ay ikaw iyon."

      You are so convincing... she thought. Pero hindi mo na mabibilog ang ulo ko, Knight.

    "Para patunayan sa'yo na ikaw talaga ang mahal ko at na handa akong mag-umpisang muli kasama ka, pakasalan mo ako, Shell. Dito sa Tagum. Tomorrow."

    Natigilan siya.

    He can't be serious!

    "Ginagawa mong laro ang pagpapakasal, Knight Perez!" Sa inis niya'y tinabig niya ang kamay nito kasunod ng malakas na pagsampal. Si Knight ay napabaling sa kanan sa ginawa niya. "Bakit ba ganiyan ka, Knight? Hindi mo ba naisip na isang malaking bangungot ang ipinaranas mo sa akin nang bigla mo akong iniwan sa ere noon? Binigyan mo ako ng trauma. Sa tuwing nakaririnig ako ng kasal, o engagement, o proposal, or even the word church— para akong sinusunog! Now I can't go inside the church to pray dahil ang laging pumapasok sa isip ko ay ang ginawa mong kawalanghiyaan sa akin. I stood there at the altar and waited for you the whole afternoon. Umasa akong magbago ka ng isip at biglang susulpot para sabihing sandali kang natakot pero nakahanda nang ituloy ang kasal. Walang ginawa ang nanay ko noong araw na iyon kung hindi umiyak sa tabi ko. Ang tatay ko ay halos atakehin sa puso dahil sa'yo! I lost my touch with reality during that time, I thought my life was gonna end. Tapos ngayon ay sasabihin mo ito? Ang kapal ng mukha mo!"

    "Shellany—"

    "No! Kahit lumuhod ka pa ay hindi na kita tatanggapin pang muli." Itinaas niya ang mukha. "Lalo pa nang malaman ko ang dahilan kung bakit mo ako pinagmukhang tanga sa harap ng mga bisita."

    "I apologise for what I did, Shellany." Ang tinig nito ay gumaralgal na sandaling nagpatigil sa kaniya. She had never seen him cry. Ever. So this was overwhelming for her to see. "Hindi rin naging madali sa akin ang lahat. But now, I am ready to commit myself to you. I am ready to give it another try—"

    "At ikaw pa ang may ganang sabihin 'yan? Ikaw na nga itong nanakit, ikaw pa ang magbibigay ng pangalawang pagkakataon?"

    "That's not what I meant—"

    "That's how it appears to me!"

    "Shell, please listen..."

    "No!" Muli niyang tinabig ang kamay nito nang akma siya muli nitong hawakan. "You are nothing to me now but a bitter part of my past, Knight. This is goodbye."

    Akma na siyang tatalikod nang bigla siyang hawakang muli sa mga kamay ni Knight, at bago pa niya nahulaan ang sunod nitong gagawin ay lumuhod na ito sa harapan niya.

    She was stunned. Lalo nang makita ang pagbukal ng luha sa mga mata nito.

    Sandali siyang nawalan ng sasabihin.

    This was the first time Knight had ever done this. Kahit kailan, sa loob ng halos isang taong naging sila, ay hindi pa ito lumuhod, o umiyak, o nagsumamo sa kaniya. He was always the dominant person in the relationship, and she was the passive one who would always work things out.

    Sa relasyon nila, siya lagi ang humihingi ng dispensya, ang nagpapasensya, ang nag-a-adjust. Siya lagi ang humihingi ng atensyon, nanlilimos ng pansin, nakikiusap na pakinggan.

    But now it was different. The table had turned.

    Pero ang tanong— sinsero ba ito? Bakit iba ang nararamdaman niya?

    "I can't go on without you, Shell. Sa nakalipas na mga araw ay wala akong ibang inisip kung hindi ikaw. Kung papaano kitang mako-kombinsing patawarin ako at balikan. It's always you who I wanted to spend the rest of my life with. It's only you who I wanted to be with me til the end."

    Nagpakawala siya nang malalim na paghinga. "It's too late now, Knight." Hinawakan niya ito sa magkabilang balikat at pinatayo. Nang tumayo ito ay saka siya muling nagsalita. "I only came to hear your explanation and to end this formally. Gusto kong marinig mula sa'yo na kaya ka umatras ay hindi dahil sa akin kung hindi dahil iyon ang pinili mong landas. At tama nga ako. Hindi sa akin ang may problema. Sa'yo. And thank you for telling me the truth. Matutulog akong mahimbing at hindi na iisipin kung ano ang mali sa akin. Dahil ngayon ay alam ko nang ikaw ang mali— sa iyo ang may mali. Dahil hindi ka makontento sa isa."

    "No, Shell. It was just a one-time mistake. Ikaw pa rin ang mahal ko. At ipinapangako ko sa'yo na hinding-hindi na muli mauulit iyon." Muli siya nitong hinawakan sa kamay. Walang planong sumuko. "Sa loob ng isang taong naging tayo, hindi ako nagloko sa'yo hanggang sa isang beses na pagkakamaling iyon. Maraming babae ang lumalapit sa akin, inaamin ko. Maraming tukso. But I never did I hit on them. Hindi kita binigyan ng rason noon na kwestyonin ako. Because I always make sure you would never doubt my love for you. Please, Shell. Let's give it another try..."

    Sandali siyang natahimik. Pinag-aralan ang ekspresyong pumapaloob sa anyo nito, hinahanap ang sinseridad. Hanggang sa may maisip siyang itanong,

    "Tell me, Knight. Why do you love me? What made you love me?"

    Sandaling gumuhit ang pagkalito sa anyo nito. Hanggang sa... "I love you because you're special, Shellany."

    ...because you're special.

    Bakit parang tinig ni Cerlance ang naririnig niya nang sabihin iyon ni Knight?

    "How so? What made you think I'm special?"

    "Because you love yourself as is. You never questioned your flaws, you never complained about anything. You love yourself just as you are, and that's what I love most about you."

    She couldn't help but shook her head.

    "Then I guess you never really loved me, Knight."

    Umiling ito. "Of course, I did. And I still do—"

    "Hindi ako ang babaeng inilarawan mo kanina. Hindi ako ganoon. Because I never loved myself just the way I was."

    Kinunutan ito ng noo.

    Nagpatuloy siya. "You said I never questioned my flaws, and that I never complained about anything? Wrong. I always complain about my life and myself, Knight. You didn't know because you never listened. Alam mo kung bakit? Dahil wala kang pakialam sa akin at sa nararamdaman ko. You assumed I loved myself as is, dahil ni minsan ay hindi ka nagtanong sa akin kung ano talaga ang nararamdaman ko at kung bakit lagi akong insecure. You never cared about me, and you never really loved me."

    "Of course not, Shell—"

    "You were probably just curious about me because I never had a boyfriend and was a virgin. You probably enjoyed using my body, that's why you offered marriage."

    Hindi ito kaagad na nakasagot. Mangha ito sa mga naririnig mula sa kaniya.

    Pait siyang ngumiti at nagpatuloy. "Do you know that there is someone who told me that he hated me because I possess everything he hated about women? He hated me and wanted me gone, but eventually, he learned to love all those traits that he used to hate. He said I made him change his views. At alam mo kung ano pa? He makes me feel like I am the most beautiful and sexiest woman on Earth. He praises me kahit hindi ko hingin sa kaniyang purihin ako. He makes me laugh and makes me forget about all the bitterness I have in my heart. He makes me happy. And I am here with him."

    Nakita niya ang sandaling pag-iba ng anyo ni Knight, tila nairita. Pero madali nito iyong naikubli at ibinaling nito ang tingin sa ibang direksyon upang hindi niya makita ang pagbabago ng emosyon sa mga mata nito.

    Napatingin si Knight sa salaming bintana kung saan nakikita nito sa kinatatayuang ang sasakyan ni Cerlance. She saw him narrowed his eyes in an attempt to see the man sitting on the driver's seat. Pero dahil tinted ang bintana ng sasakyan ni Cerlance ay hindi ito nakita ni Knight.

    Nagpatuloy siya. "Tinulungan niya akong kalimutan ka. Dumating siya sa panahong halos hindi ko na kayang gumising at harapin ang araw. Dumating siya sa panahong akala ko'y katapusan na ng lahat sa akin."

    Ibinalik nito ang tingin sa kaniya. Ang pagsusumamo na kaninang pumuno sa anyo nito ay nawala na. "You found a replacement?"

    "I found an upgrade."

    Knight scoffed in disbelief. "Pinagmamalaki mo sa akin ang lalaking ginawa mong panakip-butas?"


TO BE CONTINUED...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro