086 - Second Chance
MANGHA SIYANG NAPATITIG KAY KNIGHT.
"You... had an affair while we were together?"
Humarap ito at hinawakan siya sa kamay. Nasa anyo nito ang paghingi ng pasensya. "It was a mistake, Shell. Pinagsisihan ko."
Naguguluhang binawi niya ang kamy mula rito, but Knight wouldn't let go. She gave him an angry look. "Who is she?"
"It's not important anymore—"
"Well, it is for me! Dahil kung kilala ko siya ay ano ang karapatan niyang pumatol sa lalaking alam niyang ikakasal na? And if not, how dare you!"
"Shell..." Nasa anyo ni Knight ang pagsusumamo, ang tinig ay bahagyang nanginig na tila pigil-pigil nito ang pag-iyak. "Sinubukan kong umiwas, pero lalaki lang ako—"
"Lalaki ka lang? Gago ka ba, Knight? Hindi lahat ng lalaki ay kayang gawin sa babaeng mahal nila ang ginawa mo sa akin. And just thinking about it now, nagdududa ako kung talagang minahal mo ako!"
"Shellay, minahal kita! And I still love you—"
"You love me pero hinayaan mo akong magdusa ng ilang linggo habang hinihintay ang pagtawag mo at paghingi ng patawad? I've been waiting for your call these past few weeks, Knight! Hinintay kong tumawag ka para ipaliwanag sa akin kung bakit mo ginawa ang ginawa mo! At alam mo kung ano ang pinaka-masakit ngayon? Iyong kaalaman na nangaliwa ka habang tayo pa at ni minsan ay hindi ko man lang naramdaman! You were so good at hiding your affair with another woman, which makes me think you're a pro!" Galit niya itong itinulak sa balikat, subalit hindi man lang natinag si Knight.
Yumuko ito, ang kamay niya'y mahigpit pa rin nitong hawak-hawak.
Inakala pa man din niyang kaya ito umatras sa kasal ay dahil nabahag ang buntot. Biglang natakot sa responsibilidad. Biglang nag-alala sa kinabukasan.
Hindi niya inakalang babae.
Hindi niya inakala dahil ni minsan ay hindi niya naramdamang nangaliwa ito.
Did her intuition betray her?
And there she thought women's intuition never went wrong.
"It was just a one-night fling, Shell..." ani Knight makalipas ang ilang sandali.
"Irrespective. Niloko mo pa rin ako." Masakit ang dibdib niya. Mabigat ang pakiramdam niya. But there were no tears in her eyes. Naubos na sa ilang linggong pag-iyak niya sa lalaking ito. Ang pinaghalong sama ng loob at disappointment ang pumupuno ngayon sa kaniyang dibdib, at gustuhin man niyang umiyak para kahit papaano'y mabawasan ang bigat ay hindi niya magawa. Tila ba ayaw nang makisama ng mga luha niya.
Dahil para saan pa nga ba ang iluluha niya?
She was angry about the betrayal and was disappointed because she never thought he'd betray her. Pero ang panghihinayang? Hindi na niya makapa sa kaniyang dibdib.
Besides, walang dahilan para manghinayang siya. She had Cerlance.
"Maniwala ka, Shellany. Minahal kita."
Huminga siya nang malalim, muling pilit na binawi ang kamay mula rito.
Minahal.
That's right. Past tense.
Hindi na ngayon.
"And I still love you."
"Tigilan mo ako, Knight. Wala na akong paniniwalaan sa mga sinasabi mo—"
"Umatras ako sa kasal noong araw na iyon dahil hindi ko maatim na pakasalan ka matapos ang nagawa ko." Humigpit ang pagkakahawak nito sa kaniyang kamay. "One day before the wedding, I got a call from her. Sinabi niya sa akin na nagdadalaangtao siya at akin ang batang nasa sinapupunan niya. Matapos ang minsanang nangyari sa amin ay nag-usap kaming kalilimutan ang lahat. We both decided to pretend that nothing happened. We moved on with our lives, I prepared for our wedding whilst she focused on her job. Pero ang araw na iyon bago ang nakatakda nating kasal ay tila bangungot na dumating sa buhay ko. Tumawag siya at sinabing nagdadalantao siya at ako ang ama. Gusto niyang pakasalan ko siya, pero sinabi kong magpapakasal na ako sa babaeng mahal ko kinabukasan. She threatened me; kapag itinuloy ko raw ang kasal ay ipalalaglag niya ang bata."
Sandali siyang natigilan sa huling sinabi nito.
Nagpatuloy si Knight. "I was crossed, Shell. I want you in my life, but I also didn't want her to get rid of the pregnancy. Kahit pagkakamali ang nangyari sa pagitan naming dalawa ay anak ko pa rin ang batang dinadala niya."
Mangha siyang muling napatitig sa mukha ni Knight. And there she saw the sadness and agony in his eyes. Hindi niya alam kung bakit, pero tila ba may humaplos sa puso niya habang nakatitig siya sa mga mata nito. And that, somehow, calmed her down.
"Iyon ang... dahilan kaya hindi ka sumipot sa kasal?"
Tumango ito. Ang loob ay naghihirap. "I wanted to tell you, pero huli na ang lahat. You were already at the church. I wanted to call you, pero natakot akong baka umiyak ka at baka kapag narinig ko ang pag-iyak mo ay bigla ko na lang kalimutan ang magiging anak ko at puntahan ka sa simbahan para ituloy ang kasal."
"It's going to hurt me but I will eventually understand, Knight. Sana ay nagsabi ka na lang para hindi ako nagmukhang tangang naghintay sa'yo sa altar..." sumbat niya rito. Ang tinig ay kalmado na kahit papaano.
"I know, Shell. I know. Pero naunahan ako ng takot at pangamba. At nahiya ako sa nangyari na hindi ko na kayang humarap pa sa mga magulang mo at sa mga magulang ko. I was in my lowest point at that time, Shell. I was in the dark. Nilamon ako ng hiya at takot kaya hindi ko nagawang magpakita sa lahat."
Itinaas niya ang mukha. Pilit na nilalabanan ang awang umuusbong sa kaniyang dibdib. "So, you chose her..."
"I chose the baby."
"Choosing the baby means you're also choosing the woman carrying it."
"For me, the baby is all that matters, Shell. Pero ikaw pa rin ang babaeng para sa akin at hindi magbabago iyon." Muli itong humarap sa kaniya at masuyong ginagap ang kamay niya. "Sa loob ng ilang linggo ay nag-ipon ako ng lakas ng loob. Ilang beses kong inihanda ang lahat ng mga sasabihin ko sa'yo. I prepared myself for the day when were going to see each other again, for the day when I'm ready to explain to you. I was gonna fly back to Manila tomorrow. Ikaw ang una kong pupuntahan because I know I owe you the biggest apology. Nagpaliwanag na ako sa mga magulang ko at gusto ka nilang kausapin pero pinigilan ko sila. Ako ang gumawa ng gusot, ako ang mag-aayos."
"Maayos mo pa ba?" puno ng hinanakit niyang tanong dito.
"Kung hahayaan mo ako ay gagawin ko ang lahat para maayos, Shell. I still love you. You are still the woman who I want to spend the rest of my life with."
"Pero nasaan na ang babaeng nabuntis mo?"
Sunud-sunod itong umiling. "Wala siya rito. Hindi kami nagsasama."
"Sinasabi mong gusto mong ayusin ang gusot na ito at na mahal mo pa ako pero ano ang gagawin mo sa babaeng iyon at sa dinadala niya?"
"I would still take care of the baby; ako ang ama niya and nothing could change that. Pero hindi ko pakakasalan ang babae."
"Hindi ka na takot na baka ipalaglag niya ang bata?" sarkastiko niyang tanong dito. There were inconsistencies in Knight's statements, and she wanted to dig deeper into his throughts. Akala yata nito'y tulad pa rin siya ng dati na kaagad na sasakay sa lahat ng sabihin nito.
Umiling ito. Ang pagkakahawak sa mga kamay niya'y lalong humigpit. "A few days ago ay nag-usap kaming muli. Sinabi ko sa kaniyang hindi ko siya kayang pakasalan. At na kung pipilitin niya ako'y hindi rin kami magiging masaya dahil hindi ko siya kayang mahalin. Dahil ikaw pa rin ang mahal ko. I told her I will be there for the baby—from day one till the end of time. I promised her that I will always be there for the baby, but I couldn't be there for her as a man. Hindi naging madali pero kalaunan ay tinanggap niya at nagkasundo kaming magiging mabuting magulang para sa anak namin. I will need to accompany her doctors and all other stuff pero para lang talaga sa bata, Shell. Kaya ako nagpasiyang bumalik sa Maynila bukas ay para makipagkita sa'yo dahil nakalaya na ako sa pagmamanipula ng babaeng iyon."
Nakalaya sa pagmamanipula...?
Hindi niya alam kung bakit, pero biglang pumasok sa isip niya ang tungkol sa post ni Knight doon sa social media noong nakaraang araw.
"Iyon ba ang dahilan kaya ka... nag-post sa isa mong social media account?"
Nagsalubong ang mga kilay nito.
Sinabi niya rito ang tungkol doon, at sandaling natigilan si Knight bago nagpakawala ng ngiti. And it was the kind of smile that didn't reach his eyes. Tila ba pilit. O baka nagdududa lang siya kaya ganoon ang tingin niya?
"Yes. I was freed from her and I am ready to move on. With you. If you will let me." Ang isang kamay nito'y umangat sa kaniyang pisngi at doon ay masuyo siya nitong hinaplos. "Will you have me back, Shell?"
TO BE CONTINUED...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro