Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

083 - The Real Her





GOT A CALL FROM KNIGHT. Pababa na sila ng bundok. Give it until 4PM, siguradong nasa bahay-bakasyonan na siya sa ganoong oras.

Huminga nang malalim si Shellany matapos mabasa ang mensaheng pinadala ni Kelvin sa numero ni Cerlance nang umagang iyon. Hawak-hawak niya ang cellphone nito dahil sadya niyang in-antabayanan ang pagdating ng mensahe ni Kelvin, at hindi nga siya nagkamali. She was gonna see Knight that day, and she couldn't wait.

Hind sa paraang may kaakibat na excitement, kung hindi dahil sa wakas ay matatapos na rin itong misyon niya at makauusad na siya.

She just really need his explanation and apology. Yep, iyon na lang ang habol niya ngayon. Hindi na siya umaasang maaayos pa nila ang lahat dahil wala na siyang pakealam. She was ready to move on from him and with her life... kasama si Cerlance. Na bagaman wala ring kasiguraduhan kung gaano sila magtatagal ay sigurado siya sa kaniyang sarili na hindi niya pagsisisihang tinanggap niya ito upang maging parte ng buhay niya.

Napangiti siya sa itinatakbo ng isip. And with a smile on her face, she lifted her head and searched for Cerlance.

Kasalukuyan silang naroon sa Tagum Sports Complex and Stadium dahil maaga pang nagyaya si Cerlance na mag-jog. He said he wanted to do it while he could; dahil kapag naging abala na naman daw ito sa susunod na linggo ay mawawalan na naman ito ng pagkakataong mag-exercise. To her surprise, Cerlance had running shoes and pants in his trunk. Kompleto ito sa mga gamit na alam nitong kakailanganin sa trip nito. Ang paliwanag nito ay kapag tapos na ang booking ng mga kliyente, kadalasan ay mag-isa itong bumabalik sa Maynila. At kapag ganoon ay naghahanap ito ng magandang lokasyon para tumakbo.

At dahil hindi pa siya komportable sanhi ng kagagaling pa lang na sugat sa talampakan ay hindi siya sumama. Naupo na lang siya roon sa bleachers at pinanood ito habang hawak-hawak niya ang cellphone nito.

Mula sa kinatatayuan ay nakita niya si Cerlance na tumatakbo sa malawak na track. Kung hindi siya nagkakamali ay pang-tatlong lapse na nito iyon. Ang suot nitong puting cotton shirt ay basa na ng pawis at humulma na sa katawan nito, ang itim nitong running pants ay halos yumakap na sa matitipuno nitong mga binti.

Nangalumbaba siya sa tuhod at nangangarap na sinundan ito ng tingin. She had a soft smile on her lips as she watched him ran like an athlete. Oh well, papasa ang katawan nito bilang athlete.

A very handsome and sexy athlete...

Bwisit. Kinikilig siya.

At kung dati ay hindi niya gusto ang nararamdaman, ngayon ay para siyang kinikiliti sa bituka.

Wala sa loob na inabot niya ang plastic cup na may lamang pineapple juice sa kaniyang tabi habang ang tingin ay hindi humihiwalay kay Cerlance. Bago sila nagtungo roon ay dumaan muna sila sa isang fastfood restaurant at um-order ng pagkain niya.

Yep. Just for her. Dahil hindi naman nag-aalmusal si Cerlance. She bought a large cheeseburger, large fries, and large pineapple juice in Cerlance's amusement. Saan daw niya ipapasok ang mga iyon.

Dinala niya sa bibig ang cup at sumipsip sa straw habang ang tingin ay na kay Cerlance pa rin na napatingin sa direksyon niya at kumaway. Muntik na siyang mabilaukan. She cleared her throat and waved back.

Sa sumunod na sampung minuto ay nanatili siya roon, kumakain habang si Cerlance ay umikot pa sa buong field. Nang mapagod ay bumalik ito sa kinaroroonan niya, pawisan mula ulo hanggang sa suot nitong itim na running shoes. Hinihingal itong nahinto sa kaniyang harapan.

"God, that was great," he uttered, wiping off his sweat using his arm.

Napatingala siya rito; at dahil mataas na ang sikat ng araw sa oras na iyon ay halos anino na lang ng mukha ni Cerlance ang nakikita niya. "How often do you exercise?"

"As often as I could. Pero sa tipo ng schedule na mayroon ako'y mahirap maging consistent."

"Pero hindi ka naman tumataba kahit hindi ka consistent."

"I have my ways." Ngumisi ito.

"Ways like what?"

"Sex and stuff."

Tinaasan niya ito ng kilay. Nitong nakalipas na mga araw ay kampante na itong makipag-usap sa kaniya. Gone were the days where he would treat her like a client after se.xual relations. Pero hindi na ito ganoon ngayon; he was a lot sweeter now. And naughtier, too.

"Bakit, sa tuwing may booking ka ba'y madalas ka pa ring nakikipagsex?"

"No. Madalang naman akong tumanggap ng ganitong booking, kaya madalas na may dalawang araw akong pahinga sa unit ko. That's the time I would call my then partner." Yumuko ito.

At parang siyang lokang ipinikit ang mga mata sa pag-aakalang hahalikan siya nito, subalit hindi.

Nang muli siyang nagmulat ay nakita niya ang pagngisi nito, kasunod ng muling pag-unat ng katawan nito at ang pagdadala nito ng bottled water sa bibig. Iyon pala ang niyuko at dinampot nito sa tabi niya. Ang tubig.

She was tricked!

"You want a kiss?" he asked after a while; pinaglololoko siya.

She puckered and answered, "Sa'yo na 'yong kiss mo."

"Are you mad that I didn't kiss you?"

"Asa ka. Hindi 'no." Sinabayan niya ng pag-irap ang sagot.

"Your reaction says otherwise."

"It's just your imagination." Umiwas siya ng tingin at muling dinala sa bibig ang straw ng pineapple juice. Sumipsip kahit wala nang laman ang lalagyan.

"Say what. Do you want to go sneaky here?"

Kung may laman siguro ang plastic cup na hawak niya at may nasipsip siya nang sabihin nito iyon ay baka nabilaukan siya. Sa nanlalaking mga mata ay inilibot niya ang tingin sa paligid. Sa mga oras na iyon ay may nakikita siyang tumatakbo sa field, mga nag-e-exercise sa kabilang panig, at mga may-edad na babaeng nagsu-Zumba sa dako pa roon. Walang masyadong tao sa bleachers subalit tirik ang araw at—

"You look so hopeful."

Doon niya ibinalik ang tingin kay Cerlance at nahuli ang malapad nitong pagngisi. Muli nitong dinala sa bibig ang bottled water at uminom habang pailalim na nakatingin sa kaniya.

Tumaas ang isang sulok ng labi niya sa inis.

Tama ba yong takamin siya nito nang ganoon tapos paasa lang din pala? Hindi makatarungan!

Nakasimangot niyang ibinaling muli ang tingin sa ibang direksyon. Ibinaba na niya ang plastic cup saka akmang dadamputin ang bag ng fries nang tumalungko si Cerlance sa pagkagulat niya. Patingkayad itong naupo sa harapan niya, ang mga kamay ay ipinatong nito sa kongkretong bleachers sa magkabilang gilid niya.

"Can I be honest with you?"

Tumango siya; ang dibdib ay puno ng antisipasyon.

"I kinda miss the old you."

"The... old me?"

Ito naman ngayon ang tumango. "Noong mga panahong prangka ka sa nararamdaman mo at sa gusto mong mangyari. Those days when you would flirt at me nonstop. I missed those days."

Hindi siya sumagot.

Papaano ba kasi niya sasabihin dito na ginawa niya lang ang mga iyon dahil kulang siya sa pansin?

"But now, you are playing coy and it made me thinking. Alin doon sa mga nakita ko sa'yo ang totoo? Alin doon ang totoong Shellany?"

Mariin siyang napalunok; ang tingin ay bumaba sa mga labi nito. "Kung... ano ang nakikita mo ngayon, iyon ang totoong ako, Cerlance..."

Sandali itong natahimik; pinag-aaralan ang kaniyang anyo upang alamin kung totoo ang mga salitang binitiwan niya.

Then... he smiled.

And before she could even guess what he was about to do next, he bent his head and caught her lips.





TO BE CONTINUED...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro