Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

082 - Prohibited




"NOOO!!!" halos maputol ang leeg ni Shellany sa pag-iwas nang inilapit ni Cerlance ang biyak na durian sa kaniya. He covered hands with transparent plastic bags before taking the smelly fruit and show it to her. Malayo pa lang ay naamoy na niya ang masangsang na amoy niyon, at sinabi na niya ritong ayaw niyang tikman, pero heto ngayon ang hayop at pinaglalaruan siya.

      "C'mon, just try it. Kakaiba lang ang amoy niya, pero masarap ang lasa," nakangising wari ni Cerlance na halatang nag-i-enjoy sa kalokohan.

      Pasado alas seis na at muli silang bumalik sa night market upang mag-ikot. May nadaanan itong fruit stall at nang makita ang durian ay kaagad na tumikim. She wanted to get away as fast as she could because she didn't like the smell, pero nang mahalata ni Cerlance ang pagnanais niyang umiwas ay lalo pa siya nitong tinukso.

      "I said no, Cerlance! Stop it!" Akma niyang itutulak ang kamay nito subalit mabilis na umiwas si Cerlance.

      Kung tutuusin ay pwede naman siyang lumayo, pero ayaw niyang maligaw at umuwing mag-isa pabalik sa Banana Beach. Isa pa, magmumukha lang siyang pabebeng bata kapag tinakbuhan niya ito.

      "Just a small bite, Shell. C'mon," patuloy pa ng luku-luko.

      Muli siyang umiwas at lumipat sa likuran nito. "Ikaw ang kakagatin ko 'pag hindi ka tumigil!"

      He chuckled again and tried to face her, subalit sa tuwing susubukan nitong humarap sa kaniya ay mataktika naman siyang lumilipat sa likuran nito. Para silang mga loko at loka na nagtatawanan habang hawak-hawak nito sa mga kamay ang malaking durian na may biyak sa gitna. She could smell the exotic scent of the fruit, at totoong hindi niya kinakaya. Pero imbes na mapikon siya sa pagpipilit ni Cerlance ay natatawa pa. Para silang mga batang nagkukulitan.

      Ahhh.. this feels great—that's all she had in mind.

      Lahat ng mga nangyari sa nakalipas na dalawang araw na magkasama sila at wala sa biyahe ay sobrang saya. Para siyang nasa ulap, para siyang... umiibig.

      But of course, she wasn't in love! No. Far from it.

      "Okay, let's have a deal."

      Humawak siya sa magkabilang braso ni Cerlance habang nakatago pa rin sa likuran nito. "No, kahit anong deal pa 'yan, hindi mo ako mapipilit na kumain ng durian."

      Ngumisi ito at nilingon siya. "You haven't heard it yet. Baka magsisi ka kapag pinalagpas mo."

      "Still a no."

      "Come on, baby. Let me whisper it to your ears and then, from there, you can make a decision."

      Natigilan siya.

      Baby?

      Did he just call her baby?

      Teka, pwede ba 'yon?

      Was he allowed to do that? Eh siya? Pwede niya ba itong i-baby back?

      "W-What's the preposition?" Ay pisti! Na-baby lang, bumigay na agad!

      Ibinaba ni Cerlance ang mukha at may ibinulong sa kaniya. Nanlaki ang kaniyang mga mata. What he said was so indecent she couldn't get her thoughts straight. Kahit ang pagtayuan ng mga balahibo niya ay hindi napigilan. She was... thrilled.

      "So?" nakangising untag ni Cerlance.

      "B-But—"

      "You want me to do that, don't you?"

      "W-Well..."

      "When I first did that to you, you almost screamed at the top of your lungs. You even begged me not to stop, because you wanted it so bad. I could do it again, all night if you want, provided that you eat a spoonful of this fruit."

      Napanguso siya. "Ano ba ang mapapala mo kung titikman ko 'yan?"

      "Nothing. I just really want you to taste it because it's really good. This is my favorite fruit, and I love it for the right reason. Pero... kung ayaw mo talaga, then fine." Nagkibit-balikat ito, talaga sinusubukan siya.

      Lalong nanulis ang nguso niya. "Nakakainis ka!"

      Lumapad ang ngisi ni Cerlance. He knew right there and then that he won.

      "Fine!" Ahhh! Gaga ka talaga, Shellany! "Give me some of that!"

      Humarap si Cerlance, at gamit ang isang kamay na nakabalot ng plastic bag ay kumuha ito ng laman at dinala sa bibig niya.

      "Open your fu.cking, lovely mouth..." he ordered sensually... teasingly... with a grin on his stupid face.

      She pinned her nose with her thumb and index finger, then opened her mouth to take in the fruit. At habang inilalapit ni Cerlance ang kamay sa bibig niya'y yumuko din ito at binulungan siyang muli,

      "You will be rewarded for this, I promise." Then, he grinned and instead of shoving the fruit into her mouth, he took it into his. Sa sarili nito inisubo ang durian na ikina-awang ng bibig niya.

       Mangha siyang napatitig sa nakangising loko.

        Cerlance chewed the fruit with gusto, at nang malunok iyon ay muli itong magsalita. "Sorry, I was just teasing you. Hindi kita kailanman pipiliting gawin ang ayaw mo." Then, he grinned sheepishly again. "And don't worry, I would still give you what you wanted. A promise is a promise."

        Lalo siyang walang nasabi.

        Hayop na 'to, pinatitibok ang puso ko...


*

*

*


      PASADO ALAS ONCE NA NG GABI NANG UMALIS SINA SHELLANY AT CERLANCE sa isang maliit na restaurant upang pasyalan ang sikat na New City Hall. Sa mga oras na iyon ay wala nang gaanong tao roon maliban sa ilang mga kabataang naroon upang magliwaliw at mag-practice ng sayaw, at mga magsing-irog na doon nagkikita at namamasyal.

    Tulad nila.

    Hindi magsing-irog, pero naroon upang mamasyal.

      May ilang poste ng ilaw doon sa harapan ng hall, pero may parteng madilim at doon sila naglakad-lakad. They felt peace despite the darkness, and Shellany was holding onto Cerlance's arm for support. Suportang hindi naman niya kailangan dahil kaya nang maglakad nang tuwid at wala nang sakit na iniinda sa katawan.

    Sa harapan ng malaking building ay ang fountain kung saan naroon ang mga pares na nagde-date, at sa malawak na empty space sa harapan niyon ang mga teenagers na nagpa-practice ng choreograph.

      Sa gilid ng malawak na city hall ay may mga nakatindig na malalaking mga rebulto. Medyo madilim sa bahaging iyon dahil ang ilaw sa pinakamalapit na poste ay patay-sindi. Habang naglalakad sa kabilang direksyon ay isa-isang sinuri ni Cerlance ang mga rebulto, habang siya naman ay nilingon ang mga kabataang nagtatawanan habang inaayos ang steps ng sayaw.

    "May mga tao pa rin pala rito kahit ganitong oras," aniya bago ibinalik ang pansin sa harapan. Tiningala niya si Cerlance na ang tingin ay nanatili sa mga rebulto. His hands were pushed into his pocket, nasa kaliwang panig siya nito at naka-kunyapit sa braso nito. "Nakapunta ka na ba rito?"

    "Not in this particular area, no."

    "Tahimik pala rito at maganda, 'no?"

    "I agree. I didn't expect to see such rich culture here." Niyuko siya nito. "Marami na rin akong napuntahang mga lugar sa buong bansa at kapag may pagkakataon ay umiikot ako para matutunan ang ilan sa mga kultura ng bawat bayang mapuntahan ko. One of the reasons why I chose this job is because I love to travel and learn new places; maraming lugar dito sa bansa na magaganda pero hindi nabibigyan ng pansin. For example, the Apo Island in Dumaguete. It is such a wonderful place that people doesn't know much about. There is also this beautiful Alalum Falls in Bukidnon, the Ruins Mansion in Bacolod, and a lot more others. But my favorite is Vigan."

    "But Vigan is a well-known place?"

    "I know. And I love it there."

    "Talaga? Malapit lang sa Vigan ang lugar kung saan ako pinanganak at lumaki. Pero madalang akong pumunta roon."

    "Why not?"

    "Well... istrikto ang tatay ko pagdating sa akin. Kaya nga noong nagtapos ako ng college ay talagang pinilit ko nang tumayo sa sarili kong mga paa nang sagayon ay makalaya na ako."

    "Did you hate it there?"

    "Sa bahay ng mga magulang ko? Minsan. Kasi naman, nasabi ko na sa'yo noon, na napilitan lang ang nanay kong pakasalan ang tatay ko, kaya lumaki akong nakikita silang hindi magkasundo. Mabait naman si Papa, medyo istrikto lang kasi nga nag-iisa akong anak."

    Tumango si Cerlance at ibinalik ang tingin sa harapan. "It must have been hard for you..."

    "It was. Pero nasanay na lang ako at ako na rin ang napagod para sa kanila kaya ako na ang lumayo. Hayon, nahanap ko naman ang swerte ko sa Maynila. I found great friends, found a nice-earning job, and found myself a hot boyfriend who left me hanging on our supposed wedding day. Hay."

    Doon nahinto si Cerlance sa paglalakad, hinarap siya. "Ten days ago, sa tuwing magbabanggit ka tungkol sa lalaking iyon ay nanginginig pa ang boses mo sa pagpipigil na huwag maiyak. Now, you sound like he is nothing but a bad dream. Masaya akong may malaking pagbabago sa'yo sa nakalipas na sampung araw."

    Napangiti siya, itinaas ang kamay saka banayad na ini-dikit ang kamao sa dibdib nito. "Thanks to you."

    Ngumisi si Cerlance at hinawakan ang kamao niya. Sa pagkagulat niya'y hinila siya nito at dinala sa gilid ng mga rebulto kung saan mas madilim dahil malibang sira ang ilaw ng poste sa bahaging iyon ay nalililiman pa ng mga malalaking rebulto ang liwanag mula sa buwan. Sa Nanlaki ang kaniyang mga mata nang dumikit ang kaniyang likod sa isa sa mga rebulto. Napatingala siya rito.

    "W-What?" Susme, akala ko pang-teenagers lang ang sneaking out.

    Hinawakan siya nito sa bewang at hinapit. Awtimatikong umangat ang isa pa niyang kamay sa dibdib nito.

    "You... aren't planning to do what's in my mind, are you?"

    Lumapad ang ngisi nito. "Why, Shellany? What's in your mind now?"

    She opened her mouth to tell him the naughty scenes she had in mind when suddenly, they heard someone speak.

    "Ay, Ser, Ma'am, bawal 'yan dito."

    Napalingon sila ni Cerlance at nakita ang naka-unipormeng security guard na nakapamaywang na nakatayo sa harap ng isang rebulto, halos dalawang metro ang layo sa kanila. Umiwas ito ng tingin bago muling nagsalita,

    "Maraming kabataan ang gumagawa niyan dito kaya nag-iikot talaga kami tuwing gabi. Pasensya na sa istorbo, pero bawal po talaga."

    Nagkatinginan sila. The guard must have heard them talking in Tagalog, kaya Tinagalog din sila. Ibig sabihin ay... kanina pa ito naroon at hinihintay lang silang dumating sa ganoong punto.

    With the same thoughts in mind, they couldn't help but laugh at each other.


TO BE CONTINUED...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro