Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

078 - Hot In His Eyes




         HINDI NAITAGO NI SHELLANY ANG PAGKAGULAT. Hindi makapaniwala sa narinig. Nakahanda na pa man din siya sa sermon ni Cerlance, pero heto ito at nagsabi ng ganoon.

        "R-Really?" was the only thing she could say.

       "Yeah. Really." Then, Cerlance smirked. His eyes twinkled in hidden laughter. "Because if I wouldn't, he would play tricks on you again and you would probably just turn a blind eye on him and forget about me. So no, Shellany. I won't let you meet him by yourself. I'm staying."

       Pilit niyang ini-kubli ang labis na saya sa sinabi nito. And somehow... she couldn't explain it, but she was seeing a different side of him. "How much are you going to charge me for another 2 days of extension?"

       "I don't know. What are you offering?"

       She couldn't help but chuckle.

          Bakit ba biglang parang ang saya niya? Bakit parang natanggal ang lahat ng alalahanin niya?

       Damn it, she was terribly happy. At masaya siya hindi dahil sa kaalamang malapit na silang magkita ni Knight, kung hindi dahil sa kaalamang narooon si Cerlance sa likuran niya upang suportahan siya sa araw na pinakahihintay niya.

      "I don't know," she answered, chuckling. "Ano ba ang maiaalay ng isang pilay na tulad ko?"

       Ang ngiti ni Cerlance ay dagling nagmaliw, ang mga mata'y nag-iba ang kulay. And then, when his scorching gaze dropped down to her lips, she swallowed.

           At doon ay dumagundong nang malakas ang kaniyang dibdib.

           Posible pala 'yon? Ang masiyahan at kabahan at the same time?

        "I'll think about it," sagot ni Cerlance makalipas ang ilang sandali. Inalis nito ang tingin mula sa kaniyang mga labi at sinalubong ang kaniyang mga mata. "Be prepare, though. Mahal akong maningil."

        Banayad niyang kinagat ang ibabang labi saka inituon ang tingin sa harapan. Ayaw niyang makita ni Cerlance sa kaniyang mga mata ang biglang pananabik na naramdaman niya sa huling sinabi nito.


*

*

*

          IBINABA NI SHELLANY ang bintana sa panig niya nang marating nila ang destinasyong tinumbok; ang bahay bakasyonan ng pamilya ni Knight. It was standing on top of the hill surrounded by wild flowers and tall pine trees; parang Western style ang disenyo, at pwedeng pumasa para ilagay sa isang glossy real estate magazine. Private property ng pamilya ni Knight ang lupang nakapaligid sa dalawang palapag na bahay, at ang pinaka-malapit na kabit-bahay ay isang kilometro pa ang layo.

          Knight's family was rich in their own rights. Ang great-grandfather kasi ni Knight ay Espanol na doktor na nakapangasawa ng Pilipinang galing din sa marangyang pamilya, dahilan kaya may ganitong ari-arian ang mga ito sa iba't ibang parte ng Pilipinas. Ang property na iyon ay tatlumpung minuto lang ang layo sa Tagum City.

       "This house is huge," bulong niya bago bahagyang inilabas ang ulo sa bintana at sumilip. Bahagya na niyang narinig ang pagbukas ng pinto ng driver's side at ang pagbaba ni Cerlance kasunod ng pagsarang muli ng pinto. "Ganito pala ka-yaman ang mga magulang ni Knight?"

           "Our ancestral house is twice bigger," pahayag ni Cerlance na umikot at lumipat sa panig niya. Huminto ito sa harap ng pinto ng front seat at binuksan iyon para sa kaniya. "Off you go. Aalalayan kita."

           Walang salitang inabot niya ang kamay nito at nagpaalalay na bumaba. Naka-inom na siya ng pain reliever, pero medyo makirot pa rin ang kaniyang paa sa tuwing tumatayo siya kaya kinakailangan pa rin niya ng alalay mula rito.

           Naalala niya kagabi, noong bumaba siya sa ilalim ng ulan upang i-retrieve ang mga gamit nila mula sa trunk. Hindi niya naramdaman ang kirot sa sugat dahil sa pagnanais niyang makuha ang mga kailangan. She ignored the soreness and went on her way. She was persistent, at mukhang iyon lang ang katangiang masasabi niyang gusto niya sa sarili.

           Nang makababa na siya'y mahigpit siyang napakapit sa matipunong braso ni Cerlance. Napatingala siya rito. "So you're saying na ang ancestral house ng pamilya ninyo ay mas malaki pa rito?"

        "Yes. Three times bigger, I guess."

        "Mayaman pala kayo, kung ganoon? Bakit ganitong trabaho ang pinasok mo?"

        "Our parents are rich, hindi ako o kaming magkakapatid. We were just adopted and were given a huge inheritance. Kung hindi dahil sa kanila ay baka hindi rin namin tinamasa ang maayos na buhay." Niyuko siya nito. "And I like to travel, so I chose this job."

        "Do you have your own house?"

        "I have an apartment in the Metro. But I'm thinking of buying a new house. Soon."

        Tumango siya. "Doon ba sa ancestral house na sinasabi mo nakatira ang nanay mo? Si... Felicia?"

       "Yes, and that's where we all grew up. We are twelve in the family, kaya malaki ang bahay." Ibinalik nito ang tingin sa harapan at sinuri ang malaking bahay. "This one has the same size as Phill's beach house."

       Oh, 'yong poging shokoy na may blue eyes... aniya nang maalala ang kapatid ni Cerlance na dinaanan nila noong nasa Batangas sila.

       That merman is also good-looking. Bagay sila ng labanos niyang asawa.

       "Ihahatid na kita hanggang sa gate."

        Natigil siya sa pag-iisip nang marinig ang sinabi ni Cerlance. Umiling siya at bumitiw mula rito. "No, dito ka na lang sa labas ng kotse. Kaya kong maglakad, paika-ika nga lang, but I'll be fine."

           "Okay. I'll be here if you needed help."

           Ngumiti siya at tuluyan nang bumitiw mula rito. Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa bakal na gate ng magandang bahay. Mula sa kotse hanggang sa gate ay sampung metro ang layo kaya natagalan bago niya iyon narating. Pagdating doon ay kaagad niyang nakita ang may edad nang babae na nasa gilid ng bahay at may bitbit na hose sa isang kamay. Dinidiligan nito ang mga orchids na nakasabit sa puno ng mahogany.

       "Magandang araw ho!" tawag niya.

        Kaagad na lumingon ang may-edad nang babae. Ang buhok ay halos puti nang lahat, ang kasuotan ay tipikal na puting saya at kulay berdeng blusa. Sandali siya nitong sinuri ng tingin bago pinatay ang hose at inilapag sa lupa bago lumapit at nagsalita.

        The old lady spoke in a different language, which she would guess Bisaya, and she could not comprehend.

           Napangiwi siya. "Marunong po kayong mag-Tagalog?"

       "Dyutay lang dai," anito, may pinong ngiti sa mga labi. "Kaya ko man makaintindi at makasalita ng Tagalog, pero hindi man diretso."

       "Okay lang po. Gusto ko lang pong itanong kung narito po ba si Knight?"

       "Si Dodong? Ay, opo. Dito man siya nag-istey, dalawang linggo na. Pero wala siya ngayon, sinundo ng mga amigo."

           Great.

        It's confirmed.

        He's here.

        Finally.

       "Kailan po kaya siya babalik?"

       "Ang sabi man niya ay dalawang gabi lang siya mawala. Baka sa Lunes ng gabi ay makabalik na s'ya."

       Tumango siya. "Maraming salamat po. Kapag dumating po siya, h'wag niyo na lang pong banggitin na dumaan ako. Sorpresa po kasi kaya ako narito ngayon."

       "Sorpresa? Ngaa man?"

       That, she understood. The old lady asked Why. "Kaibigan po niya kami galing Maynila." Nilingon niya si Cerlance na nakahalukipkip habang nakasandal sa gilid ng kotse nito. "A-Asawa ko po ang kasama ko ngayon na naroon sa kotse." Muli niyang ibinalik ang tingin sa kausap na ang tingin ay dumapo rin kay Cerlance. "Nagbakasyon po kami sa Davao at naisipang dalawin namin si Knight dito."

           Ibinalik nito ang tingin sa kaniya. "Ay ganoon ba? Sige, hindi ko sabihin sa kaniya. Bumalik kayo sa Lunes ng hapon at siguradong dito na siya. Maso-sorpresa 'yon, sigurado."

       She hid her wicked smile.

        He sure will, Manang... He sure will.

        "Maraming salamat po. Babalik po kami ng mister ko sa Lunes ng gabi."

           Matapos niyang magpasalamat ay tumalikod na siya at ngingisi-ngising naglakad pabalik kay Cerlance na hindi umalis sa pagkakasandal sa kotse. Ang tingin nito'y nakasunod lang sa kaniya; ang buhok ay nililipad ng hangin, ang mga labi'y bahagyang nakangiti.

           Para siyang tanga na paika-ikang naglalakad pabalik sa kotse, and she knew she didn't look attractive, but Cerlance was looking at her as if she was the sexiest woman on Earth. Geez, ano ba ang ginagawa sa kaniya ng lalaking ito?

       "So, what did she tell you?" anito nang makalapit siya.

       "Knight's here. Pero tama ang sinabi niya kay Kelv. He won't be back until two days after."

       "So, what's the plan now?"

       "I don't know. What do you want to do? Ayaw kong ma-bore ka sa dalawang araw na extension ng booking ko. You said you're not used to doing nothing, so I'll let you decide. What should we do while we're here?"

       Cerlance gave her a lopsided grin. "Let's book accommodation."

       "Where?"

       "I know a place. It's a resort where we could do some fun activities."

          Lumapad ang ngiti niya. She could sense excitement in Cerlance voice. "Fun activities, huh?"

           Tumango ito at sinulyapan ang paa niyang balot ng benda. "How's your foot?"

       "Hindi na mahapdi, pero may discomfort akong nararamdaman. I could walk but I can't run. Paika-ika nga ako kanina; nakita mo naman, hindi ba?"

           Unti-unting itinaas ni Cerlance ang tingin; ang mga mata'y pinaglakbay sa kabuoan niya hanggang sa muli nitong salubungin ang kaniyang mga mata. He then let out a naughty smile. "Don't worry, you're still sexy."

       "Ha! And here I thought you said I wasn't."

        "And I changed my mind." Muli itong nauwi sa pag-ngisi. "I think you're hot."

        Nawalan siya ng sasabihin. Ilang sandali pa'y naramdaman na lang niyang kumalat ang init sa magkabila niyang mga pisngi hanggang sa tuluyan na lang siyang natulala.

Si Cerlance, nang makita ang pag-kalat ng pula sa kaniyang pisngi, ay pinong natawa. Itinuwid nito ang sarili at pinagbuksan siya ng pinto.

        "Let's go now. We've got some things to do."





TO BE CONTINUED...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro