Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

077 - Stay With You




SA TULONG NG MAG-ASAWANG MAGBUBUKID ay narating ng dalawa ang siyudad ng Tagum. Sakay ang maliit at lumang owner jeep ay hinatid sila ng mga ito sa siyudad na labinlimang minuto lang ang layo sa lugar na kinaroroonan nila.

       Ayon sa dalawa ay pag-aari na ng mga ito ang daang pinasok nila. Sa kasunod na likuan pa ang daan patungo sa highway na diretso na sa siyudad. Hindi daw iyon ang unang beses na may naligaw sa propriyedad ng mga ito kaya hindi na nagulat ang dalawa. Matagal na raw na ini-lapit ng mga ito sa LGU na palagyan ng tamang mga signage ang gilid ng kalsada upang maiwasan ang muling pagkaligaw ng mga biyahero.

    Patungo rin ang mag-asawa sa bayan nang makita ang nakaharang na kotse sa gitna ng lubak na daan. Nasa dulo raw ng daang iyon ang bahay ng mga ito.

       Sandaling dinala ni Cerlance si Shellany sa isang cafe sa siyudad upang makapag-almusal, habang ito naman ay nagtungo sa pinakamalaking talyer sa Tagum upang kumuha ng tulong. He needed a tow truck, kaya kasama ang isa sa mga mekaniko ng talyer sakay ng tow truck ay binalikan ni Cerlance ang kotse. Shellany stayed at the cafe to wait for Cerlance. Makalipas lang ang isa't kalahating oras ay nakabalik ito dala ang kotse.

       "Where are we heading next?" Shellany asked when they got into the car.

       "We can go to the next destination and be done with it."

       "Ayaw kong pumunta roon nang ganito ang itsura?" aniya at niyuko ang sarili. She was still wearing the sweatshirt—no bra underneath it, and a pair of white tattered shorts. Wala pa siyang ligo simula kagabi, at gusto muna niyang mag-ayos bago magtungo sa huling destinasyon.

       Sa araw na iyon ay baka magkita na sila ni Knight. She had to at least look decent and smell fresh?

    At sa araw na iyon ay matatapos na ang booking niya kay Cerlance. But that didn't mean it was the end of everything for them. Matapos ang huli nilang pag-uusap tungkol sa status nilang dalawa, she knew they were heading to a certain direction. She was not quite sure yet, but she's open to take the ride.

       How about Knight? tanong ng isang bahagi ng utak niya.

       How about him? sagot din niya sa sarili. Hindi sigurado kung makikita ko siya ngayon dito sa Tagum City, maaaring wala rin siya rito. Pwedeng nasa bahay siya ng isa sa mga kaibigan niya; someone I didn't know or haven't met yet.

       Well, here's what I am going to do.

       Kapag wala si Knight sa bahay-bakasyonan ng pamilya nila, I will forget about him and take the ride with Cerlance back to Manila. Hindi na ako maghahabol pa kay Knight; I will move on.

       Pero... kapag naroon siya, I'll just let Jesus take the wheel.

       Napangiwi siya sa mga naisip.

       Dinamay ko pa talaga ang Diyos sa katarantaduhang ginagawa ko ngayon...

       Bigla siyang napa-pitlag at napatingin sa ibabaw ng dashboard nang marinig ang malakas na pagtunog ng cellphone ni Cerlance na nakapatong doon. Someone was calling. At kahit si Cerlance ay nagulat.

       Sa wakas ay nagka-signal na rin ang cellphone nito!

       Oh, kung kailan nagawan na nila ng paraan ang lahat ay saka naman bumalik ang signal.

       Ang paliwanag sa kanila kanina ng mag-asawa ay madalas daw talaga na nawawalan ng phone signal sa lugar ng mga ito sa tuwing may malakas na ulan. Dagdagan pang medyo malayo raw ang cellular site sa area ng mga ito kaya kahit maayos ang panahon ay paputol-putol ang signal.

       Napatingin siya kay Cerlance na sandaling binagalan ang pagpapatakbo ng sasakyan hanggang sa itabi nito iyon sa gilid ng kalsada, doon sa harap ng maliit na tindahan kung saan may dalawang binatilyong nakatambay at umiinom ng softdrinks.

       Kinuha ni Cerlance ang cellphone matapos nitong iangat ang handbrake saka sinagot ang tawag. Napatitig siya rito hanggang sa ibaba nito ang cellphone at in-abot sa kaniya.

       Napakurap siya.

       "It's Kelvin. May kailangan ka raw malaman tungkol sa dati mong nobyo."

       Napasinghap siya. Did Kelvin get a call from Knight?

       Sa naisip ay pa-hablot niyang kinuha ang cellphone mula kay Cerlance, at dahil kaagad siyang humarap sa kabilang panig niya ay hindi na niya nakita pa ang pag-ismid ng kasama.

       Cerlance misinterpreted Shellany's reaction as excitement, and he didn't like it.

       "Kelv?" she answered.

       "Geez, Shell. Akala ko ay kung ano na ang nangyari sa inyo. I have been calling your driver's number since last night."

       "Walang signal dito sa Tagum magmula pa kagabi dahil sa sama ng panahon. What's up?"

        "I got a reply from Knight."

       "Just a text message?"

        "Yes, that's all he managed to give me," Kelvin answered wryly.

       "So, ano ang sinabi niya?"

        "Tinanong niya ako kung ano ang kailangan ko. Of course, tulad ng sinabi mo'y hindi ko pinaalam sa kaniya na nagkita tayo at na papunta ka ngayon Tagum. I asked about his location, and he just confirmed he is indeed in Tagum. Nariyan siya ngayon, Shell."

       Bumilis ang tibok ng kaniyang puso nang marinig ang kompirmasyon mula kay Kelvin. Sa wakas!

       Masaya siyang sa wakas ay nalalapit na ang pagtatapos ng misyon niya, but then... after getting the confirmation, she couldn't help herself but worry, as well.

       May usapan na sila ni Cerlance. May pagkakaintindihan na. Game siya sa gusto nitong mangyari, pero nag-aalala siyang baka magbago ang lahat ng mga napagkasunduan nila sa oras na muli naman silang magkaharap ni Knight.

       Paano kung magbago ang isip niya kapag nagkaharap sila ni Knight?

       Paano kung bigyan siya ng dating nobyo ng makatarungang dahilan sa pag-atras nito sa kasal at pag-iwan sa kaniya sa ere? Paano kung... bumigay siya at bigyan ito ng—

       Shit.

        Puro siya paano.

       Gusto niyang sapakin ang sarili. She was always inconsistent and indecisive and those were what she hated about herself.

        "Shell? Still there?"

       Napa-tuwid siya nang upo nang marinig ang tinig ni Kelvin. "Y-Yes." Huminga siya nang malalim. "So, I'm finally going to see him, huh?"

       "Not quite."

       "What?"

        "Sinabi niyang nasa Tagum siya, pero kahapon ng hapon ay sinundo siya ng mga kaibigan niyang lokal para mag-hike. He is in the mountain with his friends and won't be back until the day after tomorrow. Ibig sabihin ay maghihintay ka ng dalawang araw bago kayo magkita. Sa kondisyon ng paa mo ngayon, duda akong pipilitin mong sundan siya sa bundok?"

       "Damn it." Ang tanging nai-usal niya. Doon na niya nilingon si Cerlance na nakasandal sa upuan nito at nakapikit ang mga mata. Bumabawi ito ng lakas matapos nitong lagnatin kagabi. Pero kahit na nakapikit ito ay alam niyang nakikinig lang ito sa usapan nila ni Kelvin.

           Napakagat-labi siya at sinapo ang ulo.

        Siguradong magagalit na naman si Cerlance kapag sinabi niyang kailangan niyang manatili roon ng dalawang araw. Pitong araw lang ang inisyal na booking niya, pero inabot na sila ng sampung araw sa dami ng mga nangyari. At malinaw nitong sinabi na magiging abala ito pagkatapos ng booking niya, kaya siguradong hindi na ito makakapag-extend pa para sa kaniya.

       Ibinalik niya ang pansin sa kausap sa telepono. "Thanks for letting me know, Kelv. Malaking tulong ang impormasyong sinabi mo. I will still go to your family's vacation house to see if Knight was telling the truth. Baka pati sa'yo ay nagsisinungaling siya."

        "Yep. I think he's lying, too. I was going to tell you to come to vacation house anyway. Mas mabuting masiguro. Walang landline sa bahay kaya hindi ako makatawag para alamin mula sa matandang nagbabantay roon, at wala rin naman siyang cellphone so I really couldn't confirm. Keep me posted, okay, Shellany? At sapakin mo rin siya para sa akin kapag nagkita kayo."

       "I will do that and more, Kelv. Talk soon."

       "Bye."

       Nang ibaba niya ang cellphone ay wala sa loob na napatitig siya sa harapan. She was staring blankly at the road while her mind wandered.

       She needed to stay in Tagum for another two nights if she really wanted to complete her mission. Kung hindi mananatili si Cerlance ay maiintindihan niya; this was her trip, her mission. She started it and she was gonna finish it.

       "What did Kelvin say to you?"

       Napalingon siya nang marinig na nagsalita si Cerlance. Nakamulat na ito at nakalingon sa kaniya; ang ulo ay nakahilig pa rin sa sandalan ng driver's seat.

       Ibinalik muna niya sa dashboard ang cellphone bago sumagot. "Narito sa Tagum si Knight."

      "Great." Tuwid itong naupo. "Finally, malapit nang matapos ang misyon mo."

      "N-Not quite..."

       Doon niya nakita ang pagsasalubong ng makakapal nitong mga kilay. Then, his eyes narrowed in suspicion. "What do you mean, Shellany?"

       Sa mahinahong tinig at puno ng pagpapaintindi ay sinabi niya kay Cerlance kung ano ang sinabi ni Kelvin sa kaniya. At nang matapos siya ng paliwanag ay walang salitang ibinaling ni Cerlance ang tingin sa harapan, sandaling natahimik, hanggang sa nagpakawala ito ng malalim na paghinga.

       "How much did you really want to see this man, Shellany?"

       "I started this mission, and I'm gonna finish it, Cerlance."

       Tumango ito. Muling natahimik.

       Hindi niya alam kung gaano katagal na namayani ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa, hanggang sa marinig niya ang banayad nitong pag-ungol at mahinang pagmumura.

       She winced and bit her lower lip. She's prepared to hear his preaching.

       But then...

      "Fine," Cerlance said, turning his eyes back to her. "I'll stay with you."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro