074 - Warm Embrace
"I—I WASN'T TRYING TO—"
"You look so delectable right now, but I am too sick to be indulged." Muling ibinagsak ni Cerlance ang likod sa backrest ng upuan nito, at doon ay saka pa lang nito napansin ang kumot na ipinatong niya kanina sa katawan nito. "Where did this... come from?"
"Sa... maleta ko."
"Sa maleta mo? How?"
"Well... I..." Napakagat-labi siya, at sa sumunod pang sandali ay muling namayani ang katahimikan sa loob ng kotse. And she didn't need to complete her sentence anymore, because Cerlance saw the answer from the look on her face.
Bigla itong napa-upo, binuksan ang interior light, at nilingon ang backseat. Nang makita nito ang nakabukas niyang maleta sa ibabaw ng upuan ay malakas itong napa-ungol bago muling nahiga sa naka-incline na upuan.
"Why did you do it, Shellany?" he asked; frustration was in his voice.
"Because I had to. Nasa loob din ng maleta ang gamot para sa sugat ko sa paa."
"Bakit hindi mo ako ginising?"
"Nasaan naman ang puso ko kapag ginawa ko iyon? May sakit ka na nga ay gigisingin pa kita para magbuhat—"
"I could still handle it—"
"No, you can't." Itinaas niya ang kumot hanggang sa leeg nito saka sunud-sunod itong hinaplos sa braso. Lalong uminit ang balat nito na lalo rin niyang ikina-bahala. "I also thought I had medicines stuck in my vanity bag, pero sa tingin ko'y kinuhang lahat ni Ivan ang mga iyon noong nag-e-empake ako. He must have thought I'd overdose myself on this trip."
"That's good thinking."
Hindi niya pinansin ang sinabi nito. "You are burning, Cerlance, at kung may paracetamol sana tayo ay—"
"I'll be fine, Shellany." Hinawakan nito ang kamay niyang humahaplos sa braso nito saka ibinaba. Muli nitong sinulyapan ang hubad niyang dibdib saka nagpakawala nang malalim na buntonghininga bago ibinalik ang tingin sa mukha niya. "Put your clothes on; it's cold."
"Ikaw lang ang nilalamig dahil sa pakiramdam mo." Inisuot niya ang sweatshirt, at nang mailabas ang ulo mula sa lusutan niyon ay nagpatuloy siya, "If you want to change your pants, nasa backseat na rin ang traveling bag mo. Don't worry, hindi kita sisilipan."
Napangisi siya sa sariling joke. Ano pa ba ang hindi niya nakita sa katawan ni Cerlance?
"You took my bag, too?" mangha nitong tanong; ang katawan ay muling umangat mula sa pagkakasandal.
"I am not selfish. Kahit inaway mo ako kanina ay hindi ko maatim na sarili ko lang ang intindihin ko—"
"How did you do that when you are also injured? Mas mabigat ang bag ko kompara sa maleta mo."
"Well, I guess, anak ako ni Superwoman."
Hindi makapaniwalang napatitig sa kaniya si Cerlance. He was at awe. And then,
"You did that for me..." His voice softened, and his eyes sparkled.
At wala siyang naisagot nang dalhin nito ang isang kamay sa batok niya. His warm hand caressed her nape. "I appreciate it, Shellany."
Ngumiti siya. Bawing-bawi na ito kaagad sa pang-aaway nito sa kaniya kanina.
"I truly... appreciate it."
Her thoughts stopped when Cerlance gently pulled her closer, leaning his head toward her, and giving her a gentle kiss on the lips.
Hindi niya inasahan ang halik na iyon kaya hindi niya nagawang kumilos. His lips were warmer than usual, but they brought the same feeling she got whenever he kissed her. She was about to close her eyes and savor the kiss when Cerlance let her go. His eyes were half-closed.
"I'm sorry," he whispered. Pumiikit ito at ang ulo ay bumagsak sa kaniyang balikat. "I wanted to kiss you more, but I feel dizzy."
Umangat ang kaniyang kamay sa hubad nitong likod at banayad itong hinaplos doon. Ang isa pa niyang kamay ay itinaas niya sa likod ng ulo nito. She softly caressed his hair and said, "Go back to sleep. I won't make a noise, I promise."
She felt him smile against her skin. Ilang sandali pa'y inangat nito ang ulo saka ibinalik ang sarili sa upuan. Ang kamay nitong nasa batok niya ay bumagsak sa kaniyang likuran. Ipinikit ni Cerlance ang mga mata saka inihilig ang ulo sa backrest. "My head is spinning and I was just forcing my eyes to open. I feel cold, too. Kahit kinumutan mo ako ay ramdam ko ang lamig na nanunuot sa buo kong katawan."
Napakagat-labi siya. May nais siyang isuhestiyon pero hindi niya alam kung magugustuhan ni Cerlance. Knowing him who only wanted to be near her when it's time for se.x... she wondered if he would like the idea that she had on her mind.
"I'll try to get more sleep," he added before forcing his eyes to open again. "Would you... watch for me?"
Iyon ang unang beses na humingi ng pabor si Cerlance sa kaniya, and she appreciated that. Akala pa man din niya ay paninindigan nito ang pagiging barako.
"Gusto mo bang yakapin kita?" aniya, hindi na napigilan ang sarili.
"You would?"
Tumango siya. "I could... give you some warmth, you know?"
Muli itong nagpakawala ng pinong ngiti. "I'd like to, but we wouldn't fit in my seat."
"Sus, madaling gawan ng paraan." Binalingan niya ang maleta sa backseat, inisara, saka ibinaba sa sahig katabi ng traveling bag ni Cerlance. "There, bakante na ang backseat. Kaya mo bang lumipat?"
"May lagnat lang ako, Shellany. Hindi ako lumpo."
Bago pa siya nakasagot sa pamimilosopo nito'y kumilos na si Cerlance. Bitbit ang kumot ay mataktika itong lumipat sa backseat, pero imbes na maupo ay nahiga ito roon. He pressed his huge body against the backrest, and he laid down sideway.
"Come here," he ordered.
*
*
*
LIKE A SERVANT TO HER MASTER, SHELLANY OBLIGED. Tulad ng ginawa ni Cerlance ay inisiksik din niya ang sarili sa pagitan ng driver's seat at passenger's seat, saka naupo muna sa backseat upang ayusin ang kumot. Sinigurado niyang natatakpan niyon si Cerlance mula sa leeg hanggang sa paa nito. And the man still wore his boots, so she took them off for him.
Ilang sandali pa'y ibinalik niya ang tingin dito at nakitang muli na itong nakapikit. His breathing was heavy still, at sigurado siyang pinipigilan lang nito ang sariling matulog dahil hinihintay siya.
Hindi na niya pinatagal pa ang sandali. Patagilid siyang nahiga sa tabi nito, inisiksik ang sarili, at iniyakap ang isang braso sa katawan ni Cerlance. She then buried her head between his neck and shoulder, and she closed her eyes to smell his natural, manly scent.
Hindi niya alam kung para kay Cerlance itong ginagawa niya o para sa kaniya. But one thing was for sure.
This was perfect.
And if she was to decide, she would love to stay like this until time permits.
Nahinto siya sa pagpapantasya nang humugot nang malalim na paghinga si Cerlance saka initaas ang isang kamay upang kumutan din siya. Then, he placed his hand at her back, pulling her close to him.
Sa kabila ng suot niyang makapal na sweatshirt ay nararamdaman pa rin niya ang init na nagmumula sa hubad nitong dibdib. Nanunuot sa bawat hibla ng makapal na tela, at gumagapang sa buo niyang katawan.
Hindi niya alam kung gaano ka-tagal silang nanatili sa ganoong posisyon hanggang sa narinig niya itong muling nagsalita.
"I wanna have se.x."
Nanlaki ang mga mata niya. At akma siyang sasagot upang sabihin ditong wala itong lakas para gawin iyon nang mabilis na dinagdagan ni Cerlance ang sinabi,
"But I'm dizzy, and I'm afraid I won't perform well, so I'll probably just skip tonight and makeup when I'm feeling better."
Tumingala siya upang titigan ito. Cerlance's eyes were closed, and his lips stretched up for a naughty smile.
"Did I raise your hopes up?" he asked, teasing her.
"Hindi no!" Depensa niya bago muling ibinaba ang ulo. Gago to...
Naramdaman niya ang bahaw na pagtawa ni Cerlance, kasunod ng paghigpit ng hawak nito sa kaniyang likuran. He huge hand was caressing her back, which she found weird because it has to be her who was comforting him, not the other way around.
"You feel so warm," usal nito makaraan ang ilang sandali. "Can you believe it? Masikip dito sa backseat pero nagawa pa nating kumasya—"
"Akala ko ba ay matutulog ka na?"
"It's hard to sleep when I'm touching your body like this..."
"Kung ganoon ay h'wag mo akong haplusin." Inabot niya ang kamay nitong humahaplos sa kaniya likuran saka akma iyong tatanggalin nang kaagad na naka-iwas si Cerlance. Ibinaba pa nito ang kamay hanggang sa kaniyang pang-upo.
Nagtayuan ang mga balahibo niya.
Ang suot niyang sweatshirt ay umabot hanggang sa kaniyang pang-upo, at nakasuot lang siya ng manipis na lacy panty sa ibaba. Nothing else. Kaya ang palad ni Cerlance ay direktang dumapo sa kaniyang balat.
His huge hand covered one side of her butt, and there... he squeezed and gripped and touched—teasing her.
Isang buntonghininga ang pinakawalan niya. "Tigilan mo 'yan, Cerlance."
"Why not?"
"Because you're just making me want to—"
"—have se.x?"
"Yes. At hindi pwede."
"We can. But like what I've already said, I probably won't be performing my best. Baka ma-dismaya ka." He added it with a smirk.
Well, hindi mo kailangang alalahanin iyon— because I'll perform.
Gah!
Selfishness ang tawag doon kung gugustuhin pa rin niyang makipagtalik sa lalaking mataas ang lagnat! She had to control her urges... She had to control her passion! It wasn't the end of the world; marami pang pagkakataon kaya kailangan niyang kumalma!
"Stop touching my butt. You know how I feel about them," kunwari ay reklamo niya. Muli niyang inabot ang kamay nito upang tanggalin iyon doon, pero pinanatili ni Cerlance ang kamay sa kaniyang pang-upo.
"But I like them..." usal nito sa mahina at paos na tinig.
"Are you being sarcastic, Cerlance?"
"No, Shellany. I truly like them. Ikaw lang ang may ayaw sa sarili mong katawan, but I always think your butt is nice."
Napangiwi siya. "Don't you think they are... too flat?"
Naramdaman niya ang pag-ngisi nito sa ibabaw ng kaniyang ulo kasunod nang muli nitong pagdama sa kaniyang pang-upo. Heat surges like a tsunami. She wanted him, yet, her conscience wouldn't allow her to accommodate her body's se.xual demands.
"No, they are not. They are just perfect for the size of my hands."
Muli niya itong tiningala. "Y-You think so?"
Napayuko ito sa kaniya, nagmulat ng mga mata saka kunot-noong muling nagsalita. "You aren't fishing for some compliments, are you?"
"O-Of course, not!"
"Good then. Dahil ayaw kong gawin mo sa akin ang ginagawa mo noon sa ex mo. Never ever beg for a compliment."
"May lagnat ka na nga't lahat-lahat, nangangaral ka pa rin." Tinabig niya ang kamay nito saka siya pumihit patalikod.
They were now in a spooning position, and Cerlance automatically curled his arm around her waist to pull her closer.
"Matulog na lang tayo," aniya. "Magpahinga ka para bukas ng umaga pag-gising natin ay umayos ang pakiramdam mo kahit papaano. Hindi tayo makakaalis dito kung ganiyang may sakit ka."
Sandaling natahimik si Cerlance bago nagpakawala ng malalim na paghinga. Humigpit ang pagkakayakap nito sa kaniya, at ang ulo ay ibinaba pa upang ibaon ang mukha sa kaniyang basang buhok. Ramdam niya ang init ng hininga nito, at ramdam niya ang bahagyang pag-nginig ng katawan nito na marahil ay sanhi ng lamig na nararamdaman.
Itinaas niya ang kamay at masuyong hinaplos ang braso nitong nakayakap sa kaniya. Ilang sandali pa'y naramdaman niya ang paghinto nito sa panginginig.
"Thank you, Shellany..." Cerlance said in a low and gentle voice. His embrace tightened. "I'll always remember this. I'll always remember you."
Napangiti siya sa sinabi ni Cerlance bago niya ipinikit ang mga mata.
Their setup may be temporary, but at least Cerlance would always remember her.
And that's more than enough for her.
At least for now.
TO BE CONTINUED...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro