073 - Not Burning Enough
DALAWANG ORAS PA ANG LUMIPAS, at wala pa ring humpay ang malakas na ulan. Pinatay ni Cerlance ang interior light kanina upang maka-idlip ito, at matapos nitong punasan ang sarili ng tissue ay muli nitong inisuot ang T-shirt na hinubad kanina. His pants were still wet, though. But he managed to keep them on and endure the cold. Kung sa kaniya siguro 'yon ay hindi siya makakatulog nang may suot na basang pantalon.
But maybe Cerlance was too feverish, too sick he just fell asleep instantly...
Nilingon niya ito, subalit dahil madilim ay hindi niya malinaw na nakikita ang anyo nito. His arms were crossing across his chest, his head was facing the other way. Naka-incline na rin ang upuan nito at payapa pa rin ang paghinga. Mukhang mahimbing ang tulog, kaya hindi niya ito aabalahin.
Maingat niyang inabot ang cellphone na nakapatong sa dasboard at sinulyapan kung may signal nang nasagap. There was none still. Ibinalik niya ang cellphone saka muling sinulyapan ang katabi, matagal niyang ipinako ang tingin dito bago niya inangat ang kamay upang banayad na dam'hin ang noo nito.
"Shit..." mahina niyang usal. Kay init ng balat ni Cerlance. He was burning, and he should be taking medication if he had any.
Wait...
Napatingin siya sa rearview mirror, at mula roon ay sinilip niya ang trunk ng kotse.
Alam niyang may gamot siya na nakasilid sa vanity kit; she always had medicines everywhere she go, at laging nakalagay ang mga iyon sa isang secret pocket sa loob ng vanity kit niya. Kung may mahahanap siyang paracetamol ay baka bumaba ang lagnat nito. At kung makukuha niya ang maleta niya't ang traveling bag ni Cerlance mula roon saka mailipat sa backseat ay makakapagbihis si Cerlance. He should be wearing warm clothes sa ganitong panahon at sa kasalukuyan nitong kalagayan.
Ibinaba niya ang tingin sa paang may benda. Nasa maleta rin niya ang mga gamot at bandage niya. She needed to retrieve them from the trunk and bring them inside the car.
Kaya bago pa magbago ang isip ay ni-press niya ang button upang buksan ang trunk at ang mga pinto sa backseat. Muli niyang sinulyapan si Cerlance na mahimbing pa rin sa pagkakatulog bago niya binuksan ang pinto sa panig niya at lumabas.
Sinalubong siya ng malakas na ulan. She was not wearing anything, and she did her best to walk—no, jump off the concrete road—because she was only using one of her feet. Hindi pwedeng ma-basa o maputikan ang paa niyang may sugat, kaya patalon niyang tinungo ang trunk habang umaagapay sa kotse, to maintain her balance.
Nang sa wakas ay narating na niya ang trunk, ay mabilis niya iyong binuksan. Wala na siyang pakialam kung umalog ang sasakyan sa madalian niyang pagkilos—'di bale na ring magising si Cerlance at masinghalan siya. Ang importante ay makuha niya ang mga kailangan nila.
Una niyang hinugot ang maleta niya. Dahil pinagtatatapon na rin niya ang lahat ng mga pabigat ay kaya na niyang buhatin mag-isa ang maletang iyon. And since the luggage's exterior was made of high quality plastic, she was confident that the contents wouldn't get wet. Pinagulong niya iyon sa basang lupa. Lihim siyang nagpasalamat at hindi gaanong maputik ang daan—naisip niyang maaaring konkretong kalsada iyon na natakpan lang ng lupa dahil sa madalang na pagdaan ng mga sasakyan kaya walang gaanong putik.
Sunod niyang inilabas ang traveling bag ni Cerlance, niyakap iyon upang hindi mabasa, at nang akma na niyang isasara ang trunk ay nasulyapan niya ang kulay dilaw na payong sa sulok. She grabbed the umbrella, opened it, and jumped her way to the backseat. Binuksan niya ang pinto ng backseat saka ni-itsa papasok ang traveling bag ni Cerlance na himalang kinaya niyang buhatin. Then, she grabbed the handle of her suitcase and pull it up to toss inside the car. Basang-basa na rin siya sa kabila ng payong, but she continued anyway.
Nang maiayos na niya ang mga bag ay nakita niya ang pagkilos ni Cerlance. Dahil sa sama ng pakiramdam ay naging tulog-mantika ito at hindi man lang naramdaman ang ingay at pag-alog na ginawa niya. Inisara na niya ang pinto saka lumipat sa front seat. Hindi na niya namalayang basa na ng tubig-ulan at may kaunting putik ang bendang nasa paa niya. She folded the umbrella and closed the door. Kung paano na lang niyang ini-siksik ang payong sa ilalim ng upuan niya bago siya yumuko upang hubarin ang bendang nasa paa. She nursed herself and covered her wound with a new bandage, hindi niya alam kung paanong kay bilis niyang nabuksan ang maleta sa backseat at inasikaso ang sarili. She was moving quickly because she needed to check on Cerlance and make him take some meds.
Sunod niyang kinuha sa loob ng maleta ay ang vanity kit niya. But to her disappointment, she found no medicines for fever.
Damn it; bakit wala akong dala?
Wait... Hindi kaya inalis lahat ni Ivan noong nag-e-empake ako? He was so worried I'd take my own life...
Ahh, shit.
Now what?
Sinulyapan niya si Cerlance; nakatalikod na ito sa direksyon niya at nakikita niya ang banayad nitong paghinga.
Sunod niyang hinugot mula sa loob ng maleta ay ang sweatshirt na isa sa mga pinamili niya. At kuminang ang mga mata niya nang makita rin sa loob niyon ang blanket na pinadala sa kaniya ni Kelvin kahapon. She thought she left it in the hotel room back in Surigao. Hinugot niya iyon at maingat na ini-kumot kay Cerlance.
He should be fine now. Kapag nagising na lang siya ay saka ko sasabihing magpalit ng pantalon.
Nag-umpisa siyang maghubad. She took off her shirt, next her bra, and then her pants. Itinapon niya ang mga iyon nang kung paano na lang sa backseat floor. Akma na sana niyang isusuot ang nakuhang sweatshirt sa loob ng maleta nang maramdaman ang pagkilos ni Cerlance.
Natigilan siya at hindi na nagawang maka-kilos pa nang dahan-dahan itong naupo saka lumingon sa kaniya. Sandaling namagitan ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa nang magtama ang kanilang mga mata. At dahil sa dilim ay hindi niya gaanong naaninag ang mukha nito, pero maliwanag niyang narinig ang una nitong sinabi sa paos na tinig;
"Why are you tormenting me with your naked body, Shellany? Was I not burning enough for you?"
TO BE CONTINUED...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro