Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

070 - Temporary Source of Happiness

"ARE YOU OKAY? ANO ANG SINABI NG DOKTOR SA SUGAT MO?" nag-aalalang salubong ni Kelvin pagbaba pa lang nila sa kotse. Naghihintay na ito sa porch habang may hawak na isang malaking tasa ng tsaa. Kaagad itong lumapit nang pumarada ang sasakyan nila sa harap ng cottage, nasa tinig at anyo nito ang pag-aalala.

    It was already past seven o'clock, at madilim na silang nakabalik mula sa ospital.

    "I'll be fine, Kelv. Salamat sa pag-aalala," nakangiti niyang sagot kay Kelvin.

    "I'm so sorry, Shellany. I shouldn't have suggested the lake."

    "Oh, don't worry, Kelv. Naging maganda naman ang—" nahinto siya sa akmang pagbubuking sa totoong nangyari sa batis nang putulin ni Cerlance ang mga sinasabi niya.

      "Had your brother called?" anito kay Kelvin sa seryosong tinig. Nauna itong bumaba sa kotse at kaagad na lumapit sa kaniya upang alalayan siya. Mahigpit siyang humawak sa braso nito, habang ito nama'y ipinulupot ang isang braso sa bewang niya.

    Ibinaling ni Kelv ang pansin kay Cerlance. "Sorry, hindi rin siya sumagot sa mga emails ko. I sent him messages asking for him to call—ginamit ko na rin ang pangalan ng nanay namin para tumawag siya o ipaalam kung nasaan siya ngayon, but he's never answered. Umiiwas siya sa lahat."

    "Then I guess there is no need for us to stay here for the night," ani Cerlance bago siya niyuko. "We're leaving now."

    "Bakit hindi na lang muna kayo magpahinga ngayong gabi—"

    "I don't want us to waste more time, Mr. Perez. Nasayang na ang buong araw namin dito sa Tacloban—na-injure pa itong kliyente ko. I am a busy man and we need to find your brother as soon as possible. Sa Tagum City na ang diretso namin bukas."

    Nagsalubong ang mga kilay ni Kelvin. "Kliyente?"

    Napangiwi siya. Iba ang ipinakilala niya kay Cerlance at walang alam si Kelvin tungkol sa booking niya na ito. Ayaw niyang ipaalam dahil sapat na ang simpatya at awa na nakuha niya mula rito upang dagdagan pa.. Ayaw niyang malaman nito na ganito siya ka-desperadang muling makaharap—o makita si Knight. Kelvin thought she went there straight from Manila; hindi nito alam na nilakbay niya ang halos buong Pilipinas mahanap lang ang ogag nitong kapatid.

    Ang alam ni Kelvin ay magkaibigan sila ni Cerlance, pero nakikita rin nito ang kakaibang kislap sa kaniyang mga mata at sa paraan ng pakikitungo nila sa isa't isa. Kapag nalaman nitong driver and client ang totoong relasyon nila ni Cerlance at hindi totoong magkaibigan na matagal nang magkakilala, ano ang iisipin nito sa kaniya? Desperada na'y easy to get pa? Que horror!

    "Shellany..." pukaw ni Kelvin. "Tell me the truth. Ano itong sinasabi ni... Cerlance?"

Nagpakawala siya ng malalim na paghinga. Damn it. Hindi na makalulusot pa.

Sa banayad na tinig ay ipinaliwanag niya kay Kelvin ang lahat. Sinabi niya rito kung ano ang relasyon niya kay Cerlance—professionally. Hindi niya sinabi ang tungkol sa milagrong nagaganap sa pagitan nila ng anak ni Bathala.

    Manghang napatitig na lang si Kelvin sa kaniya matapos niyang sabihin ang lahat.

    "Oh, Shellany." Lumapit ito at niyakap siya nang mahigpit. Ilang sandali pa'y pinakawalan siya nito at sa garalgal na tinig ay, "Don't worry. Kapag tinawagan ako ni Knight ay ikaw ang unang makaaalam. At kapag nagkita kami'y susuntukin ko siya para sa'yo. Oh, you poor, poor thing..."

    Pilit siyang ngumiti saka banayad na hinagod ang braso ni Kelvin. "I'll be fine, Kelv, Don't worry about me. I think tama si Cerlance; itutuloy na namin ang biyahe ngayon. But please... please give us a call kung tumawag man ngayong gabi si Knight—o bukas ng umaga. And please redirect his call to Cerlance's number."

    "You can count on me, Shell. I'll be in touch."

      Hindi na sila pumasok sa cottage. Matapos nilang magpaalam na muli na silang sumampa ni Cerlance sa kotse at itinuloy ang biyahe.


*

*

*


    NAPANGIWI SIYA NANG SA PAGSANDAL NIYA ay muling naramdaman ang kirot ng gasgas sa kaniyang likuran. Naka-incline na ang front seat at patagilid siyang nahiga roon. Hindi niya alam kung gaano siya ka-tagal na naka-idlip; ang huling naaalala niya ay nahiga siya sa front seat at binabaan ang temperatura upang mas guminhawa ang pakiramdam niya. Salamat sa padalang makapal na kumot ni Kelvin, nagawa niyang umidlip nang matagal.

    But then, sa bigla niyang pagpihit upang baguhin ang posisyon ay nakaramdam siya ng hapdi sa gasgas niya sa likod dahilan upang magising siya.

    She sat up, groaning, and staightened her seat. Kinukusot niya ang mga mata nang lingunin niya si Cerlance.

    "Hey..." aniya sa paos na tinig.

    Si Cerlance ay sandali siyang nilingon bago ibinalik ang tingin sa madilim na kalsada. Ang tanging liwanag sa loob ng kotse ay ang green na ilaw mula sa dashboard nito, and he probably turned off the interior light to give her a goodnight sleep.

    "Where are we now?" inaantok pa niyang tanong.

    Si Cerlance ay nagpakawala nang banayad na tawa. "You slept for over 4 hours, Shellany. Wala pang sampung minuto simula nang umalis tayo sa cottage ay nakatulog ka na. Hindi mo naramdaman ang pag-sampa ng kotse natin sa barko, at hindi mo naramdaman ang pag-alog ng sasakyan natin dahil sa malakas na alon sa dagat kanina. We are still in Surigao, traveling south. It's past 12midnight, and I am just looking for a place to stay overnight."

    Malakas siyang napasinghap—tuluyang nagising ang diwa.

    "You haven't slept at all!"

    "I took a nap." Ngumiti ito at muli siyang sinulyapan. "Umidlip din ako habang nasa barko tayo. Hindi na kita ginising at dito na rin ako natulog sa upuan ko. I was careful not to wake you up—nakahahanap ako ng katahimikan kapag tulog ka."

    Hindi niya alam kug mapipikon siya sa sinabi nito. She was not in the mood for jokes, but she chose to calm down and ignore what he said. Ibinaling niya ang tingin sa labas ng bintana. Madilim, at may poste sa gilid ng kalsada na kung i-e-estima niya ay sampung metro ang pagitan sa bawat isa. Banayad lang ang pagpapatakbo ni Cerlance sa kotse; at salamat sa hindi lubak na daan, nagawa niyang matulog nang diretso.

    "I just want to find a place to stay overnight para makapagpahinga at para makaligo na rin tayo kinabukasan. I'm sure there's a nice place along the highway; hindi lang ma-pick up ng GPS ko ang eksaktong address, but I know I can find it."

    "I see..." usal niya kahit hindi rin halos narinig ang sinabi ni Cerlance. Ang buong pansin niya ay nasa mahapding sugat sa likuran. Napangiwi siya at inayos ang pagkakaupo.

    "What's wrong?" ani Cerlance nang sa muli nitong paglingon ay nahuli ang reaksyon ng mukha niya.

    "Nagising ako kasi tumihaya ako at humapdi ang gasgas ko sa likuran."

    "Kaya ka siguro nakatulog nang diretso kanina dahil sa ini-turok sa'yong gamot sa ospital kahapon. But I think, your medication has subsided, that's why you woke up. Ilang beses kang nagpalit ng posisyon sa buong gabi pero hindi ka naman nagising, ngayon lang."

    "Oh..."

    "I think it's time for your meds. Pero kailangan mo munang kumain bago uminom ng gamot. In fifteen minutes or so, mararating na natin ang motel. I am sure they have food you can eat. Pero dahil 2-star hotel lang marahil iyon, hindi ako sigurado kung mayroon silang pagkaing maihahanda sa ganitong oras. Pwede na ba sa'yo ang tinapay kung sakali?"

    "Alam mo ako, Lance. Hindi ako maarte sa pagkain."

    "Good, then." Binilisan nito ang pagmamaneho, at makalipas pa ang ilang sandali ay muli niya itong narinig na nagsalita. "Also, please don't call me 'Lance'."

    Nilingon niya ito. "Why not?"

    "Only family members call me that. And you are not."

    Hindi niya maitindihan kung bakit siya nakaramdam ng kaunting kudlit sa kaniyang dibdib sa huling mga sinabi nito. A few moments ago, he was thoughtful and gentle towards her, seconds later, ipinamukha naman sa kaniyang wala siyang papel sa buhay nito maliban sa pagiging isang temporary source of happiness.

    Oh, she couldn't help but feel pity for herself.

    But then... tama naman ito. Hindi siya pamilya para tawagin niya ito nang ganoon.

    "I understand." Muli niyang itinuon ang tingin sa labas ng bintana—just because. Ayaw niyang mapansin ni Cerlance na nasira ang mood niya sa huling sinabi nito.








TO BE CONTINUED...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro