Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

069 - More Injuries




"MAY NAAPAKAN KAYONG MATALIM NA BATO kaya po kayo nasugatan sa paa, pero ano naman po ang nangyari sa gasgas na nasa likuran ninyo?"

         Gumapang ang init sa kaniyang magkabilang pisngi matapos marinig ang tanong ng nurse sa ospital na pinagdalhan sa kaniya. Kasalukuyan siyang naka-upo sa isa sa mga kamang nasa loob ng E.R. at ang nurse na tumitingin sa kaniya ay maingat na ginagamot ang gasgas na nasa kaniyang likuran.

      Ano ba ang isasagot siya rito?

      At dahil wala siyang maisip na isagot ay napatingin siya kay Cerlance na nakatayo ilang dipa mula sa kaniyang harapan, nakahalukipkip at nakatingin din sa kaniya.

      She tilted her head to the side to ask for his help, subalit tumikhim lang ito at umiwas ng tingin.

        Napangiwi siya bago ibinalik ang pansin sa nurse na patuloy sa pagdampi ng gamot sa kaniyang likuran. "N-Natumba rin kasi ako, at sumayad ang likod ko sa... magaspang na bato."

        That was a lie—and only she and Cerlance knew the truth.

        Ang gasgas sa kaniyang likuran ay sanhi ng magaspang na batong hinigaan niya habang nagniniig sila ni Cerlance sa tabi ng batis—saksi ang pang-hapong mga ibon, ang nanahimik na mga punongkahoy, at ang kabayong sumasabay sa paghalinghing nila.

        Cerlance—like usual—f*cked her so hard causing her back to rub against the rough rock. Hindi niya namalayan ang hapding dala niyon dahil mas nangibabaw ang ligayang nararamdaman niya dulot ng ginagawa ni Cerlance sa katawan niya. Saka na lang niya napansing may sugat siya sa likod nang i-sakay na siya nito sa kabayo at mahawakan nito ang parte ng sugat sa kaniyang likuran.

      Kahit si Cerlance ay nagulat nang makita, and she remembered seeing him smirk and chuckle right after. Sinabi nitong wala na siyang napala sa biyahe na iyon kung hindi puro injuries...

        "Ah, I see," anang nurse na nagpabalik sa kaniya sa kasalukuyan. Hindi niya naiwasang ngumiti dahil kaagad itong naniwala.

      Sabagay... Ano ba'ng malay nito?

      Walang mag-iisip na dahil sa pakikipagtalik kaya siya may gasgas sa likod.

      "Ma'am, lagyan ko lang po ng benda 'yong gasgas ninyo sa likod para hindi dumikit sa inyong balat," wari pa ng nurse makaraan ang ilang sandali. "Hayaan lang po muna ninyo matuyo ang gamot bago ninyo alisin at palitan ang benda. Mag-punas na lang po muna kayo at bukas ng gabi na po ninyo basain ng tubig."

      Tumango siya.

      "'Yong paa naman po ninyo ang babalutin ko ng benda." Lumipat ito sa kaniyang harapan at naupo sa stool na nasa tabi lang ng kama saka nito inumpisahang balutin ng benda ang sugat sa kaniyang paa. Tinahi ng doktor ang sugat niya kanina at matapos siyang resetahan ng gamot ay lumipat na ito sa kasunod na pasyente sa kabilang kama naman. Maliit ang ospital at may dalawang doktor lang sa E.R. Matapos magpaumanhin ang doktor ay ginamot ng nurse na kasama nito ang gasgas niya sa likuran.

      Habang maingat na bine-bendahan ng nurse ang kaniyang paa ay muling umangat ang tingin niya kay Cerlance na ngayon ay nakayuko na ulit sa kaniya.

      She smiled at him, and he smiled back.

      At ewan niya kung bakit, pero tila may kung anong mainit na humaplos sa kaniyang dibdib. It felt like a warm embrace. Like hot chocolate drink in rainy days.

      Ganoon ang dating ng banayad na ngiti ni Cerlance sa kaniya.

      Katatakutan ba niya ang damdaming iyon? O hayaang umusbong pa lalo...?

      "Hayan... Maayos na po ang pagkaka-benda sa sugat ninyo."

      Ibinalik niya ang tingin sa nurse at nakita ang pag-ngiti nito. Inayos na muna nito ang mga gamit at gamot sa metal tray bago tumayo at hinarap si Cerlance. Sandaling natigilan ang nurse nang mapatingala sa gwapong kaharap. At nang matauhan ay pinamulahan ito ng mukha bago yumuko saka nagsabing,

      "N-Nasa nurse's station po ang reseta ng mga gamot ni Ma'am. Paki-settle na lang po ng bill sa cashier; katabi po no'n ang pharmacy namin kaya maaari na po kayong bumili ng gamot doon. Na-turukan na rin po ni Doc ng pain reliever si Ma'am na tatalab ng anim na oras. Bago po mawala ang bisa ng pain reliver ay painumin n'yo po si maam ng gamot niya. Pahiran na lang po ninyo ng betadine ang gasgas ni Ma'am sa likod pagkatapos niyang maligo; at h'wag po munang magpa-pawis si Maam para hindi mangati ang sugat." Sinulyapan siya nito. "Ma'am, magpa-assist na lang po kayo sa asawa ninyo kung gusto ninyong palitan ang benda sa inyong likuran. Dalawang araw lang po at matutuyo rin ang gasgas."

         Sandali siyang natigilan.

      Asawa?

      "We understand," Cerlance answered, deliberately ignoring what the nurse had just said. "Thank you for your help."

      Muling ibinalik ng nurse ang tingin kay Cerlance, at tulad kanina'y pinamulahan na naman ito ng mukha. Ilang sandali pa'y nahihiya itong nagpaalam saka lumipat sa kabilang kama kung saan naroon ang isa pang nurse at inaayos ang bedding niyon. Nakita niya ang pagbulong nito sa kasama at ang sabay na pagsulyap kay Cerlance.

      The two nurses giggled, and she couldn't help but smile.

      Muli niyang tiningala ang kasama. "Popular ka talaga sa mga tsiks, 'no?"

      Cerlance just shrugged off. Lumapit ito at inayos ang suot niyang oversized T-shirt na pinahiram sa kaniya ni Kelvin. Naka-angat pa kasi ang bandang likuran. Kinailangan niyang magsuot ng malaking t-shirt para hindi dumikit sa tela ang gasgas sa likuran niya. Buti na lang at may bagong T-shirts si Kelvin na malaki ang size dahil ayon dito ay ganoon daw ang ginagamit nito pantulog.

         "Hindi ba masikip ang pagkakabenda niya?" tanong ni Cerlance makaraan ang ilang sandali.

         Niyuko niya ang kaliwang paa na balot na balot ng benda at sinuri ng tingin. "No, sakto lang. Pero... mukhang hindi ko kayang maglakad nang mag-isa, kaya..." She trailed off and winced. Aabalahin na naman niya si Cerlance.

      "Don't worry, I'll assist you."

      Nagulat siya sa sinabi nito.

      That was not the answer she expected to hear from him.

         Si Cerlance ay matagal siyang hinagod ng tingin bago umiling. "How many times did you injure yourself for the duration of this trip, Shellany?"

         "Isasama ko ba sa bilang ang mga injuries ko na ikaw ang may gawa? I got four injuries, three of them are because of you."

         Cerlance gave her a puzzled look.

         "Ang natapong mainit na kape sa dibdib ko, ang pagtama ng ilong ko sa gear lever, at ang gasgas ko sa likuran—those are all your fault. 'Yong sugat ko lang sa paa ang masasabi kong kasalanan ko."

         Mangha siya nitong tinitigan. "Ang galing mo para sa akin isisi ang mga iyon—when in fact, those were all your doing."

         She pressed her lips to stop herself from smiling. Wala sa tinig ni Cerlance ang inis o panunuya nang sabihin nito ang huling mga sinabi, bagkus ay naroon ang pagkamangha at pagkaaliw.

      Thank God he noticed that she didn't really mean it.

      She wasn't really blaming him. Alam niyang nang dahil sa kagagahan niya kaya siya baldado nitong huling mga araw.

         "Wait here; aasikasuhin ko lang ang babayaran sa cashier at bibilhin na rin itong mga gamot mo. We need to get back to the cottage so you could call your ex. Otherwise, aalis tayo ngayong gabi at bibiyahe patungong Mindanao."

         She smiled and just nodded her head.

      Patalikod na sana si Cerlance nang maagap niyang hawakan ang laylayan ng suot nitong T-shirt. Bumaba ang tingin nito roon, kinunutan ng noo, bago ibinalik ang pansin sa kaniya.

      "What's wrong?" he asked.

      "Before you go..." She pulled his shirt to close the gap between them.

      Nagpaubaya ito hanggang sa tuluyan silang magkalapit. Tumingala siya. Kapantay ng kaniyang mukha ang tiyan nito, at kung yuyuko siya at sasalubungin siya ng ano...

      She bit her lower lip and said, "Before you go..."

      "Yes...?"

      "Before you go... would you... kiss me?"

      May ilang segundong napatitig lang ito sa kaniyang mukha bago ito napangiti at yumuko. She thought he was gonna kiss her, and she was about to close her eyes when suddenly, he stopped.

      He stopped just a few inches away from her lips and said, "You knew that some of the nurses are staring at me, and you wanted me to kiss you? Why, Shellany? Gusto mong panindigan ang sinabi ng nurse kanina na asawa kita?"

      Napakurap siya.

      No, she wanted to say. I just wanted to feel your lips against mine again...

      Pero bago pa siya nagkalakas ng loob na sabihin iyon ay muling nagsalita si Cerlance. "Ahh. You wanted to show off..."

      Umikot paitaas ang mga mata niya, kasunod ng pagbitiw niya sa shirt nito. "Fine. Kung ayaw mo ay h'wag. Dami mo pang sat—"

      And her words were cut short when Cerlance crossed the distance between them and claimed her noisy mouth.

      Napapikit siya sabay pakawala nang malalim na paghinga.

      This...

      This is heavenly....

      Lord...

      Bigay mo na sa'kin 'to...








TO BE CONTINUED...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro