066 - Cerlance's Nightmare
"OH MY GOD! I can't believe na may ganitong lugar dito sa Pilipinas!" manghang sambit ni Shellany habang iniikot ang tingin sa paligid ng batis. Halos kalahating oras din ang ginugol nila upang marating iyon sakay ang kabayo. Kalahating oras dahil malibang naglakad lang ang kabayo ay pahirapan din ang daan dahil sa dami ng mga naglalakihang puno sa loob ng gubat.
Private property ang bahaging iyon ng Salvacion at nasa gitna ang batis na may lawak na kasing laki lang ng condo unit niya. Malinaw ang tubig at may mga tumutubong ferns sa mga batong nakapaligid doon. Ilang dipa mula sa kinaroroonan nila ay may malaking bato na nakausli sa tubig. She imagined herself jumping off it as she dived into the water.
"Whose property is this? Your ex-boyfriend's?" Cerlance asked as he surveyed the area. Kabababa lang nito at hawak-hawak nito sa isang kamay ang tali ng kabayo. He was the one who rode the horse, nasa harapan lang siya at nakikisakay. Pakiramdam niya kanina'y si Marlboro man ito minus the hat. She was impressed at how flawlessly Cerlance handled the horse. Kung babae ang kabayo ay hindi na siya magtataka pa.
"No way! Hindi marunong mag-ipon 'yon kaya imposibleng makabili ng property ang gagong iyon. Ang sabi ni Kelv ay pag-aari ito ng pamilya sa katabing hacienda. Their family is friends with them at sa kanila na rin ini-habilin itong area dahil wala ang mga mag-ari dito sa bansa. Isa pa'y nasa boundary ito ng lupang pag-aari ng pamilya nina Kelv at noon daw ay pag-aari ng lolo nila. Anyway, help me down."
Walang salitang inalalayan siya ni Cerlance na makababa sa kabayo. Ang tingin nito'y muling nabaling sa paligid, habang siya naman ay dumiretso sa batis at tumingin sa tubig. Malalim at mabato subalit malinaw at malinis. She could basically see everything in the water, including the colors of the stones. Mayroong kulay emerald green, may puti, may itim. And they were glossy, too! What were they called again? Pebbles?
"My gosh! Ang linaw at ang linis ng tubig!"
"Careful, baka matisod ka."
Nilingon niya si Cerlance at nakitang nakasunod din ang tingin sa kaniya. Napangisi siya, at walang ibang salitang hinubad ang suot na mga sapatos.
"What are you doing?"
"I'm going into the water.."
"You don't know what's in there, Shellany."
"Then let me, para malaman natin kung ano ang mayroon." Muli siyang ngumisi na ikina-salubong ng mga kilay ni Cerlance.
"Hindi ka natatakot kung may linta, palaka, at ahas sa tubig? This is a forest—a wilderness."
"So what?" She couldn't help but chuckle. "Linta, ahas, at sawa lang naman ang mga iyon. Maliit na bagay."
"Aren't you scared?"
"Of course not! Kinaya ko nga 'yang anaconda mo, eh." Sinundan niya iyon ng tawa nang makitang natulala na lang si Cerlance sa panggilalas. Nakikita niya sa anyo nito ang pag-aalala—at hindi na niya kailangang itanong pa kung bakit. She guessed he's scared of the water—this type of water specifically.
"Sige, tumawa ka," ani Cerlance makaraan ang ilang sandali. "Don't call for me if something happens to you in the water." Tumalikod ito at humakbang patungo sa nakatumbang punong-kahoy ilang metro mula sa batis. He sat there and placed his arms on his knees. Ang tingin nito'y diretso sa kaniya.
"Come on; don't be a spoilsport?" Napahalukipkip siya. "Don't tell me na takot ka sa palaka, linta, at ahas, Cerlance? Sa laki mong 'yan?"
"Can't a huge man get scared?"
Muli siyang natawa. Hindi siya makapaniwala na ang tulad ni Cerlance ay matatakot sa mga ganoon.
"Do you know what it feels if a person has a phobia of something, Shellany?"
Natigil siya sa pagtawa nang mahimigan ang seryoso nitong tinig. Napatitig siya rito, at nang makita ang seryoso nitong anyo habang mariing nakatitig sa kaniya ay tuluyang nawala ang ngisi niya sa mga labi. Doon na nagpatuloy si Cerlance.
"I had a very bad experience when I was still a little boy. Our family owns a property that looks like this; a small forest. My brothers and I were playing when I had an encounter with leeches and snakes. Nahulog ako sa ilog habang naglalaro kami—I climbed up through a mudded portion of the river when suddenly, I touched something. There were leeches and a small snake in the mud—I got so scared I passed out. Pag-gising ko ay nasa cottage na kami. I was hysterical, naramdaman ko pa sa mga palad ko ang mga nahawakan ko sa putik. I started having nightmares on that day. Dinala ko ang takot na iyon hanggang sa pagtanda ko. I hate everything slimy— naalala kong maliban sa mga linta'y may nahawakan din akong malaking palaka noong araw na iyon." Tumigil ito at nagpakawala nang malalim na paghinga. "There may be no frogs or leeches and snakes in that water, but be careful. Hindi natin gamay ang lugar na ito."
Matagal siyang napatitig sa mukha ni Cerlance. Ibinaling na nito ang tingin sa tubig, seryoso pa rin ang anyo subalit naroon din ang pag-aalala at takot na pilit nitong sinusupil. And she felt sorry that she laughted at him.
"I'm sorry," she said, heaving a sigh. "I laughed at you without knowing—understanding what you feel. It was so insensitive of me."
Ibinalik ni Cerlance ang tingin sa kaniya. Sandaling naghinang ang kanilang mga tingin hanggang sa nagpakawala ito ng tipid na ngiti.
"Apology accepted."
She smiled back. "Don't worry, I'm a swimmer. Mababaw lang ang tubig at hindi ako takot sa mga nabanggit mo. I'll be fine."
Nakangiti itong tumango, at wala na siyang ibang sinabi pa. Tumalikod siya, at diretsong hinubad ang suot na T-shirt. Ini-sunod niya ang maong na shorts. At habang unti-unti niyang ibinababa sa kaniyang balakang ang shorts ay bahagya niyang narinig ang banayad na pagpapakawala ng malalim na paghinga ni Cerlance. Doon ay sandali siyang natigilan. Wala siyang intensyon na akitin ito, o tuksuhin. Huli na rin nang maisip niya ang kaniyang ginawa.
She looked over her shoulder and found him staring at her back. Umangat ang tingin nito nang lumingon siya, at doon ay muling nagtama ang kanilang mga mata.
She smiled at him, and as she did so, she lowered her shorts further. Dahan-dahan, tuluy-tuloy. Sadya pa niyang ini-tuwad nang husto ang katawan upang lalong tuksuhin si Cerlance. Nang tuluyan na niyang mahubad ang pantalon ay kung paano na lang niya iyong ini-itsa sa damuhan katabi ng hinubad niyang sapatos at T-shirt.
Now, she was left with nothing but her underwear, and she turned to face Cerlance.
"Are you sure you don't want to join me?"
Matagal bago ito sumagot. "No, I'm all good."
"Okay, then..." Ibinalik niya ang tingin sa batis upang itago ang pag-ngisi.
Humakbang siya patungo sa malaking naka-usling bato sa gilid ng batis at sumampa roon. The rock where she was standing on looked like the Pride Rock in Lion King, but this one was a lot smaller. Probably just two meters long. Tinungo niya ang pinaka-dulong bahagi niyon saka muling yumuko sa tubig. She stared at her reflection on the water. Nililipad ng hangin ang kulot niyang buhok, at ang kaniyang mukha ay kay aliwalas. This wasn't how she looked before she met Cerlance. Walang buhay ang kaniyang mga mata noon, ang kaniyang balat at bibig ay tuyot, ang kaniyang buhok ay parang pugad ng ibon, ang kaniyang mga mata'y nanlalalim. She was on the verge of death due to the stress and alcohol intoxication. Kung hindi pa niya ni-book ang service ni Cerlance at hindi pa siya lumabas sa condo unit niya nang araw na iyon ay baka datnan na lang siyang wala nang buhay sa loob ng unit niya.
Buti na lang talaga at itinuloy ni Ivan ang schedule na iyon kahit lasing siya at walang malay. Buti na lang talaga at hindi siya hinayaan ni Cerlance na lunurin ang sarili sa alak habang nasa biyahe sila.
Kung ano man ang kalalabasan ng pinasok niyang butas ay pasasalamatan pa rin niyang nakilala niya si Cerlance.
Because somehow... he saved her.
Muli niyang nilingon ang binata, at nang makitang hindi pa rin humihiwalay ang mga tingin nito sa kaniya ay malapad siyang ngumiti. Then, she turned her attention back to the water and dived into it. Parang nahugasan pati ang kaluluwa niya nang pumailalim siya sa malamig na tubig. The afternoon sun was warm and the water was cold—just perfect combination, and just the right time to plunge into the water.
She swam continuosly until she reached the other end of the small lake. Umahon siya at hinagod ang basang buhok patalikod habang pinupuno ng hangin ang dibdib. She opened her eyes and tilted her head backward. Tinatakpan ng sanga ng malaking puno ang araw sa bahaging iyon kaya nagawa niyang pagmasdan ang nagku-kulay dalandan nang langit. It was a nice view from where she was standing, kaya sa mahabang sandali ay naroon lang siya at nakatingala sa langit.
She was at peace.
Makalipas pa ang ilang segundo ay ibinaba niya ang tingin at hinawi paitaas ang kulot na buhok gamit ang dalawang kamay. And while she did that, she turned around and met Cerlance's blazing gaze.
And suddenly... just suddenly, while their eyes locked, that familiar heat came rushing to the center of her body, igniting all her senses.
Stop staring at me that way, she said in her mind. Stop or I won't be able to control myself and swim back to you.
TO BE CONTINUED...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro