063 - Identifying
"KELVIN AND I HAD A GOOD RELATIONSHIP; para na rin kaming tunay na magkapatid. Kung tutuusin ay mas close kami kesa sila ni Knight," paliwanag ni Shellany nang ihatid sila ng kasambahay sa isa sa mga guest rooms sa itaas. Ang cottage ay may tatlong silid sa second floor at dalawa sa ground floor; si Kelvin ay okupado ang isa sa mga silid sa ground floor at ang katabing silid ay ginagamit nito bilang opisina.
Nagulat ito nang sabihin ni Shellany na sa iisang silid lang sila matutulog. He was crossed, but he didn't ask anything. Kung tutuusin ay hindi nila kailangang matulog sa iisang silid, but he insisted. Sinadya niya iyon, upang makarating rin sa dating kasintahan ni Shellany. He wanted Knight to learn that Shellany slept with a guy-friend in one room, para isipin nitong nakausad na nga talaga si Shellany.
Kung makakapag-usap sina Shellany at Knight at hindi na kakailanganin pang bumiyahe patungo sa Tagum, that would be better. Pero kung hindi, at sa Tagum pa magkikita ang mga ito, it would be fine, too. Because he also wanted to meet the man.
And he planned to show him that he wasn't just a friend. He wanted to show Knight that Shellany had found someone else—para sa ganoong paraan man lang ay makabawi si Shellany rito.
He also learned that Kelvin was working as a web developer and he was working from home. Lumaki ito sa Maynila subalit lumipat ng Tacloban matapos matanggap sa isang web development company dalawang taon na ang nakararaan. Ibinebenta raw ang cottage, at habang wala pang buyer ay doon ito namamalagi.
Ang silid na pinagdalhan sa kanilang dalawa ay may dalawang single beds. It was a big room with a private bathroom. May balcony rin na karugtong ng katabing silid. Mula roon sa balcony ay matatanaw ang stable at ang malawak na palayan sa dako pa roon.
"Hindi kami madalas na nagkikita nang personal, pero madalas kaming mag-usap online. He is... bis.exual, and he has a partner who lives in London. Malapit din si Kelv kay Ivan."
Nilingon niya si Shellany matapos niyang dalhin ang luggage sa gilid ng pinto ng banyo. Humalukipkip siya at hinarap ito. "Kelvin is bis.exual? Really?"
"Yeah. He said it started when he met his current boyfriend."
"Oh." He knew it. May napansin siyang kakaiba kanina habang nanananghalian sila.
"Crush nga sana ni Dabby 'yon, eh. Oh, Dabby's one of my best friends, anyway."
Hindi niya pinansin ang huling sinabi nito. Inikot niya ang tingin sa paligid ng silid bago muling binalingan si Shellany. "I don't like the idea of us staying here for another night. Pero pagbibigyan kita. That extends your booking for another day, though."
"I'm willing to pay for the additional charge."
"I don't need it."
Manghang napatitig si Shellany matapos marinig ang sinabi niya. And he knew why. Marahil ay hindi ito makapaniwalang tinanggihan niya ang extra charge na ni-offer nito.
"Well, that's a first?" she said, trying to hit him with a joke.
But he didn't bother smiling. Ayaw niyang palawigin ang topiko dahil baka magtanong pa ito kung bakit siya tumanggi. At bago pa mangyari iyon ay tumalikod na siya at humakbang patungo sa balkonahe.
Wala pa siyang ideya kung ano ang gagawin sa buong maghapon. For him, this was a waste of time. But if he looked at it in a positive way, this could be considered time off. Rest. Pahinga sa tuluy-tuloy na byahe. Pero sa dami ng schedules niya sa susunod na linggo, this time off was giving him anxiety.
"Hindi ako maka-move on. Free of charge ang isang araw? Really?"
He slightly turned his head over his right shoulder and saw Shellany walking towards him. Hindi siya nagtagumpay na iwasan ang tanong na iyon.
Humugot siya nang malalim na paghinga at sinagot ito nang pabalang, "It's hard to believe, huh?"
"Yeah." Nahinto si Shellany sa hamba ng pinto ng veranda, humalukipkip at sumandal doon. "Bakit may pa-free of charge ka ngayon? Ano'ng mayroon?"
"An extra day with you means an extra day of s.ex. And I enjoy the s.ex. Masyado naman akong sakim kung pati ang extra day na iyon ay icha-charge ko pa sa'yo?"
Nakita niya ang dagling pag-palis ng ngiti ni Shellany. Sandali itong natigilan.
Great," he said, mocking himself. Sa dami ng dapat sabihin, why that? Damn it, Cerlance.
Tumikhim siya, humakbang palapit dito at sumandal din sa kabilang hamba ng pinto. Ang mga braso'y muli niyang pinag-krus sa tapat ng dibdib, ang tingin ay ibinaling sa veranda upang iwasan ang mga mata ni Shellany. "Anyway... I was surprised to learn that Kelvin isn't... straight. He looks, talks, and acts like a straight man."
Narinig din niya ang pagtikhim ni Shellany, at sa gilid ng kaniyang tingin ay nakita niya itong bumaling din sa labas. "Mahirap talagang ma-identify lalo kung hindi ka sanay sa mga tulad nila. I have been friends with Ivan for so long for me to be able to spot it so easily."
"That's interesting." Hinarap niya ito. "How can you tell?"
Nagkibit balikat si Shellany at humarap din sa kaniya. "It's easy, actually. And I learned this from Ivan. For example, malalaman mo ang s.exuality ng tao kung pagtutuonan mo ng pansin ang pamamaraan nila sa pagsasalita o pag-komento tungkol sa ibang tao. You can tell by the way they comment on other people's bodies. Pwede mo silang subukan. Kung lalaki ang gusto mong subukan, magturo ka ng babae at itanong kung ano ang tingin nila sa katawan ng itinuro mo. You'll know by the way they respond to you."
Kinunutan siya ng noo. "That's a good idea."
"Second thing." Itinaas ni Shellany ang dalawang daliri. "Reflect on the person's past relationships and crushes. If that person is bise.xual, they may have dated or had crushes on people of any gender. Pakinggan mo kung ano ang masasabi nila sa mga naging previous partners or crushes nila. For instance, let's say you know someone who had been dating a guy but previously had a close relationship with a girl that seemed romantic. This could mean your friend is bi, pwede ring hindi. Or... let's say you know someone who often dates women, pero nagku-kwento rin siya tungkol sa isang lalaki, saying how he thought this guy is perfect yada, yada, yada. Pwedeng clue rin 'yon."
Napa-isip siya.
At habang iniisip niya ang mga sinabi ni Shellany ay may imaheng pumapasok sa isip niya. Imahe ng isa sa mga kapatid niya. The one closest to him when they were still teens. Siya ang madalas na takbuhan ng kapatid niyang iyon, at...
"Kung sa mga tulad ni Kelvin na mukha at kilos lalaki talaga, hindi mo mapapansin. Si Ivan kasi ay mukhang lalaki rin pero kung magsalita ay maarte pa kaysa sa akin, so you could easily tell. In Kelvin's case, kaagad kong na-gets ang se.xuality niya noong nag-usap kami the first time we met." Nahinto ito nang may mapagtanto. "Wait... Why are you asking, anyway?"
Tumikhim siya at muling ibinalik ang tingin sa labas. "Your friend Ivan, like you said, looks like a man— I wouldn't have guessed that he's a bi if he didn't talk to me. And then, this guy Kelvin. Sa unang tingin ay walang kakaiba sa kaniya, pero nang pagmasdan ko kanina ang mga kamay niya habang kumakain tayo ay may napapansin akong... iba. And it was bothering me and I didn't even know why. Nang sabihin mo sa akin ang kasarian niya ay doon na ako napaisip."
"May kilala ka bang... tulad nina Ivan at Kelvin?"
He didn't like talking about his family to other people, lalo kung alam niyang temporaryong parte lang ang mga taong iyon sa buhay niya. But he couldn't help sharing the idea in his mind with Shellany. "Maybe," he said. "But maybe I was wrong, too."
"Ano ba ang napansin mo sa taong iyon?"
"Similar to Kelvin."
Sandali itong napa-isip. "He looks and talks and acts like a man?"
"Yes. But there's something else that is unnoticeable at first. But after learning Kelvin's se.xuality, I realized that... they are actually the same."
"How? At sino?"
"I can't describe how, Shellany. I just know it. I could feel the similarity between Kelvin and... one of my brothers."
Hindi makapaniwalang napa-nganga si Shellany. Gulat at pagkalito ang nakita niya sa mukha nito nang muli niyang lingunin.
"Naisip ko ang kapatid mo sa Batangas," anito makaraan ang ilang sandali.
"Phillian?"
"Yeah. May isa ka pang kapatid na kasing-pogi at kasing-se.xy niya? Tapos ay shokla?"
"Shok... what?"
"Gah. I mean, tulad ni Kelvin!"
"Maybe."
Malakas na napasinghap si Shellany. "Oh my! I couldn't imagine!"
"I could see how it made you so excited," he uttered wryly. "Hindi kami madalas magkita kaya baka nagkakamali lang ako."
"Will I ever meet him?"
"No."
Shellany pouted. "Why not?"
"I never introduced my women to any of my brothers."
"Kahit doon sa bakla?"
Pakiramdam niya ay pinitik siya sa tenga sa huling salitang binitiwan ni Shellany, dahilan upang umasim ang mukha niya.
"Could you please not call him that?"
"Why not?"
"Dahil hindi pa kompirmado at hinala ko lang ang lahat ng ito. Besides, it doesn't sound riight."
"Matagal na kaming magkaibigan ni Ivan at normal na sa akin na magsalita o gamitin ang salitang iyon. That word is not even considered taboo nowadays. Tanggap na ng society ang LGBT community."
"Still."
Napa-ismid ito at hindi na nakipagtalo pa. "Fine. So, makikilala ko ba siya?"
"No."
"Why not?"
Imbes na sumagot ay inituwid niya ang sarili saka inabot ang kamay ni Shellany upang hilahin palapit sa kaniya. Then, without another word, he bent his head and pressed his lips against hers.
He kissed her gently, carefully, taking his time. Her lips were so soft and tender, and he's not used to kissing his women this sensual, but couldn't help himself when it comes to Shellany.
Narinig niya ang banayad nitong pag-ungol kasunod ng pag-dantay ng isa nitong kamay sa kaniyang dibdib. She then slowly lowered her hand, deliberately caressing his abdomen against his shirt, then
knotting her fists in the fabric, pulling him harder against her.
He groaned softly, low in his throat. He found what she did sensual. Pero wala siyang balak na mag-iwan ng bakas sa bahay ng dati nitong kasintahan, kaya bago pa siya makalimot ay dahan-dahan na niya itong pinakawalan. And when their lips unlocked, he opened his eyes and stared at her flushed face.
"Let's not talk about my brothers. Let's talk about your plans for the whole afternoon, okay?" His voice was hoarse with desire.
"I... I don't have anything in mind. P-Pwede akong magtanong kay Kelvin..." sagot nito, na tulad niya'y namaos din sa maiksing halik na iyon.
Ibinaba niya ang tingin sa mga labi nito, sandaling pinanatili ang mga mata roon bago muling sinalubong ang tingin ni Shellany. "Let's look around. This place is huge, siguradong marami tayong maiikutan rito."
Napangiwi ito. "I can't leave the house yet. Kailangan ko pang tawagan sina Ivan para ibalita kung nasaan ako, and I am also gonna call parents. Susubukan din ni Kelvin na tawagan si Knight, kaya hindi ako maaaring umalis."
"Bummer." Banayad niya itong binitiwan, and he pretended not to notice the disappointment in Shellany's eyes when he did that. Inisuksok niya ang mga kamay sa magkabilang bulsa ng suot niyang pantalong bago humakbang patungo sa pinto. "If that's the case, I'll go ahead and bring the car to the nearest car wash center. I'll be back soon."
Nang marating niya ang pinto ay sandali niyang nilingon si Shellany. Nakasunod ang tingin nito sa kaniya.
"Are you gonna be fine?"
Wait... Kinunutan siya sa sariling ikinikilos. Why am I acting like this?
TO BE CONTINUED...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro