Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

062 - Kelvin




      BAGO PA NASAGOT ang tanong niya sa isip ay madaling inalis ni Shellany ang pagkakakabit ng seatbelt saka lumabas. Tila sandaling nawala sa isip nito na naroon pa siya.

    Madali itong humakbang patungo sa lalaking naglakad din papasalubong; nasa anyo ng lalaki ang pagkamangha nang makita si Shellany.

      At nang tuluyang nagkalapit ang dalawa ay nagyakapan ang mga ito na ikina-taas ng isang sulok ng labi niya— sa pang-uuyam. Hindi siya makapaniwalang ganito ka-rupok si Shellany pagdating sa dating nobyo.

    Ahh, shit. The sight was pissing him off, but he stayed there, watching them, until Shellany remembered about him and looked over her shoulder. Nang makita siya nitong nakaupo pa rin sa driver's seat ay sumenyas itong bumaba na siya.

       Bakit kailangan ko pang bumababa? Can't she just speak to her ex-fiance for ten seconds and come back in my car?

      Damn it— bakit ba siya nagta-tantrum? Baka kaya siya tinatawag ni Shellany dahil kailangan siya nito roon? Was her bastard ex talking sh*t?

    Nah, imposible. Matapos nilang magyakapan?

    He smirked again and mouthed, I don't wanna.

      Ipinilig ni Shellany ang ulo, patuloy sa pag-senyas na bumaba na siya. At akma niya itong sesenyasan pabalik na ayaw niya nang natuon din ang tingin ng lalaki sa direksyon niya.

      He met the man's eyes and gave him a bored look. Ilang sandali pa'y wala na siyang nagawa kung hindi magpakawala nang naiiritang buntonghininga saka napilitang lumabas na rin ng sasakyan. Pabalya niyang ini-sara ang pinto, inisuksok ang mga kamay sa magkabilang bulsa ng pantalon, saka humakbang palapit.

      And while he walked toward them, his eyes studied the man standing next to Shellany.

    The man who Shellany just hugged was the same man who made her cry for days. Baliw na ba talaga ito? Ano ba ang ginagawa ng babaeng ito sa buhay niya?

      He continued to study the bastard.

    Shalleny's ex was a tall man, at kung magtatabi sila'y baka magkapareho lang ang tangkad nila ng lalaking iyon. They also had the same body-built but he was probably more charismatic than this a**hole. The guy had a face that someone like Shellany would surely fall in love. A f*ckboy face. At ayaw man niyang aminin, pero naiirita siya sa presensya ng lalaki.

      Well at least nahanap na siya ni Shellany. My job is over. And she's coming back with me.

      Nang tuluyang siyang makalapit ay akma niyang pagsasabihan si Shellany na h'wag nang magtagal at umalis na sila, nang magsalita ito.

      "Cerlance, I want you to meet—"

      "Knight, of course," tuya niya.

      Shellany chuckled, and he frowned in disbelief. Kinikilig ba ito?

    "He is Kelvin, and he is Knight's younger brother."

      Natigilan siya.

      The younger brother? Ibinalik niya ang tingin sa lalaki na napangiti sa nakikitang ekspresyon ng mukha niya. Gusto niya itong sitahin; tanongin kung ano ang ngini-ngiti-ngiti nito, nang muling nagsalita si Shellany.

      "Kelv, this is my driv—I mean, my friend. This is my friend Cerlance. Sinamahan niya ako sa byahe papunta rito. Cerlance, this is Kelvin. Naging kaibigan ko siya sa durasyon ng relasyon namin ni Knight. And don't give him that look; hindi siya katulad ng kapatid niyang engot."

      Bahagyang natawa si Kelvin sa sinabi ni Shellany bago nito inabot ang kamay sa kaniya. "Thanks for taking care of Shell, and nice to meet you."

      He deliberately ignored Kelvin's hand and gave Shellany a confused look. "Is your ex not here?"

      Imbes na sumagot ay muling binalingan ni Shellany si Kelvin. "Oh, right. Is he not here, Kelv?"

      Ibinaba ni Kelvin ang kamay saka ibinalik ang pansin kay Shellany. "Isang araw bago ang dapat na kasal ninyo ang huling beses na nagkita kami ni Knight, Shell. He hasn't shown himself to the family since, but he did call our parents to explain his side."

      "Wow," Shellany couldn't help but let out a bitter laugh. Disbelief and annoyance suddenly crossed her face. "Nagawa niyang magpaliwanag sa mga magulang niya, pero sa babaeng pinaghintay niya ng ilang oras sa altar ay wala siyang ni-ho, ni-ha?"

      "I know you're still upset, Shell. Come in, doon tayo sa loob mag-usap."

      "What is the point kung wala naman siya rito?" sabat niya bago pa mahikayat si Shellany na pumasok sa loob. Natuon ang tingin ng dalawa sa kaniya. "Kung wala rito ang pakay natin ay dumiretso na tayo sa kasunod na port, Shellany. We can't stay here."

      "Kasunod na port?" ani Kelvin na muling binalingan si Shellany. "Where are you heading next?"

      "To the family's vacation house in Tagum."

      "In Tagum?" Nanlaki ang mga mata ni Kelvin, gulat sa narinig. Ilang sandali pa'y napagkawala ito nang malalim na paghinga saka hinawakan sa magkabilang balikat si Shellany. At sa masuyong tinig ay, "Why are you doing this, Shellany? Kung hindi nagparamdam sa iyo si Knight simula nang araw na iwan ka niya sa altar, ibig sabihin ay wala na siyang pakialam sa iyo o sa relasyon ninyo. Why are you still chasing after thim?"

      Exactly my thoughts, gusto niyang sabihin, pero wala siya sa lugar upang sumabat tungkol sa nangyari sa pagitan nina Shellany at sa dati nitong kasintahan.

      "Dahil hindi ako makausad hangga't hindi ko nakukuha ang paliwanag niya."

      Bumaba ang mga kamay ni Kelvin sa mga kamay ni Shellany at ginagap ang mga iyon. "Sinubukan kitang tawagan nitong nakalipas na mga araw; I wanted to check on you. Mom and Dad wanted to check on you and see how you're doing after what happened. Hindi ka nila magawang tawagan dahil nahihiya sila sa ginaya ni Knight sa'yo, kaya ako ang inatasan nilang kumustahin ka. But your phone was always out of coverage."

    "Hindi ko dala ang cellphone ko. I..." Shellany glanced at him, and he raised his brows to urge her to continue. Gusto niyang tingnan kung talagang sasabihin nito na kaya hindi nito nadala ang cellphone ay dahil sa kondisyon nito nang sunduin niya sa condo.

      "I... was in a hurry and left it. Nasa daan na kami nang maalala ko."

    He smirked at her lies, and Shellany gave him a warning look before turning he attention back to Kelvin. "Baka na-low bat at namatay sa dami ng calls na natanggap. But I'm here now, and I'm okay. I just needed to find your brother and hear his explanations. Pagkatapos no'n ay tapos na ang lahat sa amin. Uusad na ako."

      "What if..." Kelvin trailed off and glanced at him. Tulad ng ginawa niya kay Shellany ay initaas niya ang mga kilay upang ipabatid sa lalaki na nakikinig siya at naghihintay na ituloy nito ang sasabihin. He saw him frown and shifted his gaze back to Shellany. "What if ayaw ni Knight na umusad ka?"

    Bago makasagot si Shellany ay maagap siyang nagsalita. "Ganoon ba ka-kupal ang kapatid mo?"

    Damn it, bakit ba ako nakikisali?

    Muli siyang hinarap ni Kelvin, at dahil magkasing-tangkad lang sila ay pumantay lang sa kaniya ang mapanuri nitong mga mata. "Why are you reacting like a jealous boyfriend? Do you have a thing on Shellany?"

    He raised his chin and said, "No, I don't. But anyone would contest your question because it didn't make sense. Bakit hindi hahayaan ng kapatid mo na umusad ang babaeng niloko at pinaasa niya? Ganoon ba siya ka-walang'ya?"

    "It was a hypothetical question to see if Shellany was sincere when she said she was ready to move on. Ilang linggo pa lang ang lumipas, and she was in the verge of depression after what my brother did to her; hindi ako kombinsidong handa na siyang umusad nang ganoon ka-dali."

    "Oh, she is ready. I'll make sure of that."

    Damn it. Damn you, Cerlance. Bakit ka ba nagsasalita nang ganito?

    "Baka nakakalimutan ninyo, narito pa ako."

    Ilang segundo muna silang nagtagisan ng tingin ni Kelvin bago niyuko si Shellany na kanina pa palipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa.

    "Kung mag-usap kayo'y parang wala ako rito, ah?" She tsked and walked passed Kelvin. Pumasok ito sa loob at dinugtungan ang sinabi, "I'll accept Kelvin's invitation to come in. Marami rin kaming pag-uusapan, so let's just stay for a while."

Hindi na siya nakasagot pa nang tumalikod na rin si Kelvin at sumunod kay Shellany.

    Nagpakawala siya ng mahabang paghinga bago nilingon ang sasakayang iniparada niya sa gitna ng driveway. Kailangan niyang balikan iyon upang iayos ang parking para hindi makasagabal sa daan. At siguro'y doon na rin muna siya. Wala siyang balak na pumasok sa loob ng bahay na pag-aari ng pamilya ng dati nitong syota.

*

*

*

       "HEY."

      Napalingon siya sa front seat window nang marinig ang tinig ni Shellany roon. Hinayaan niyang nakabukas ang kalahating salamin ng bintana habang nakatambay siya sa loob upang abalahin ang sarili sa mga emails habang abala sa pakikipag-usap si Shellany kay Kelvin sa loob ng malaking cottage.

      Ibinaba niya ang hawak na ipad bago tuluyang humarap kay Shellany. "Are we ready to leave now?"

      "We're staying for the night."

      "What?" What gives this woman the right to rumble his schedule?

      "Kelvin invited us to stay for the night—"

      "Shellany, wala ako sa bakasyon. Baka nakakalimutan mong may sinusunod tayong schedule?"

      Napakagat-labi ito. "Kelvin is trying to contact Knight, at kung mapagtagumpayan niyang tawagan si Knight ay kakausapin ko na lang siya over the phone. Which means... kung makakakusap ko si Knight ay hindi na natin kailangang bumiyahe pa..."

      Nagpakawala siya ng malalim na paghinga.

       Isang gabi na naman...








TO BE CONTINUED...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro