Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

061 - Second Location

NALILITONG IPINATONG NI SHELLANY ANG MGA SIKO SA KAMA upang bumangon. Salubong ang mga kilay na tinitigan nito si Cerlance.

      "I... I think I need a clarification on the last thing you said," aniya. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman sa huling mga sinabi nito.

      "I said what I said, Shellany. You heard it all clear—what I need is an answer. Is it a yes, or a no?"

      "I..." Sandali siyang nag-isip. Hindi na siya makikipagkita kay Knight? Hindi na niya itutuloy ang pagpunta roon sa bahay-bakasyonan ng mga ito?

    Pero... naroon na sila sa Tacloban, and she was just a few minutes' drive away from the next destination. Bakit niya hindi itutuloy? She didn't waste all her savings and energy only to turn back and gain nothing?

    "Are you crazy? Why would I do that?"

    Napatitig ito sa kaniya, nasa anyo ang dismaya. "So, it's a no?"

    "I traveled all the way here to meet Knight face to face, marami kaming kailangang pag-usapan. You didn't expect me to cancel my mission halfway through?"

    Tila ito biglang natauhan, hanggang sa ang anyo ay naging blangko at ang tingin ay ibinalik sa kisame. "Yeah," he said wryly. "That was a stupid question. Why did I even ask that?"

      "Right. At akala ko ba... no strings attached?"

      "Did I say anything about feelings?" Muli siya nitong tinapunan ng blangkong tingin. "I only said you drive me nuts, hindi ibig sabihin niyon ay may damdamin nang namamagitan sa atin?"

      Lalo siyang naguluhan. Gusto nitong h'wag na niyang ituloy ang pakikipagkita kay Knight at sumama na lang siyang bumalik dito sa Maynila, pero wala pa ring feelings na involved? She was confused. And she wanted to ask him to further explain when she realized that it was actually simple. She was confusing herself when in fact, it was all very clear from the get go.

    Huminga siya nang malalim makaraan ang ilang sandali, saka muling ibinagsak ang sarili sa higaan. Napatitig din siya nang matagal sa kisame bago muling nagsalita. "Gusto ko pa ring ituloy ang plano, Cerlance. Gusto kong makaharap si Knight at makausap. After all, siya ang dahilan kung bakit narito tayo ngayon at kung bakit magkatabi tayo sa kama."

      "Fine, then," walang kaabog-abog nitong sagot. "Afterall, kliyente pa rin kita, kaya ikaw ang masusunod." He stood up and gathered all his clothes on the floor. Bitbit ang mga damit ay humakbang ito patungo sa banyo. Nakasunod lang ang kaniyang tingin sa perpekto nitong katawan.

      Cerlance Zodiac really had a body of a Greek god. He was tall... muscular... just perfectly gorgeous. Hindi siya magsasawang i-larawan ito sa isip nang paulit-ulit. Nakadagdag sa appeal ni Cerlance ang mga tattoo na naka-imprenta sa halos kalahati ng katawan nito. At kahit na kanina pa natapos ang pagniniig nila'y galit pa rin ang bahaging iyon sa pagitan ng mga binti nito.

    She wondered how long would he want to play fire with her?

      Bago pumasok sa banyo ay nahinto si Cerlance nang muli niya itong tawagin,

      "Hey. Can I ask you a personal question?"

      Nilingon siya nito. Ang mga mata'y dumapo sa kaniyang katawan, at sa maiksing sandali ay sinuyod siya ng nagbabagang tingin. Then, his eyes moved up and met hers. "Go ahead."

      "Gaano ka-tagal ang time frame ng mga babaeng ikina-kama mo?"

      "What?"

      "Hindi mo gusto ng seryosong relasyon, ibig sabihin ay hindi nagtatagal ang mga babaeng sinundan ko. Gusto kong malaman kung gaano ka-tagal sa tingin mo tayo mangangailangan sa isa't isa?"

      "As long as it lasts."

      "To simplify your answer—hanggang sa magsawa ka?"

      "Tayong pareho."

      "At kapag nagsawa tayo sa isa't isa, what happens next?"

      "We separate ways, as simple as that."

      "Nangyari na bang ang babae ay hindi pa nanawa pero ikaw ay tapos na?"

      "Yes. Many times."

      "What happens then?"

      "Nothing. No one can force me to stay in a boring box. I always find my way out."

    "Ano'ng ginagawa mo kapag naghabol sila?"

    "I don't know. Wala pang naghabol."

    "Pero gusto ka pa rin nila; bakit hindi na sila naghabol?"

    "Dahil umpisa pa lang ay malinaw na ang agreement namin, Shellany. I always make it crystal clear from the start. Why are you asking these questions, anyway? Hindi ba malinaw sa'yo ang lahat?"

      "I just want to prepare myself for what's coming. Syempre, hindi ako sanay sa ganito."

      Hindi na sumagot pa si Cerlance. Sandali siya nitong tinitigan na tila pilit na binabasa ang iniisip niya. And when he couldn't read her throughts, he nonchalantly shrugged his shoulders, stepped into the bathroom and shut the door.

      "CAN YOU STOP THE CAR ON THE SIDE OF THE ROAD?"

      Sandaling nilingon ni Cerlance si Shellany bago ibinalik ang pansin sa daan kasunod ng unti-unting pagpreno nito at pagtabi ng sasakyan sa gilid ng kalsada. Puro puno ang mga nakikita nila at walang mga kabahayan. Ang kalsada ay two-way at manaka-naka lang ang mga nakakasalubong nilang jeep at tricycle.

Papunta na sila sa bahay bakasonan ng pamilya ni Knight. Umaasa si Shellany na naroon ang dating nobyo upang matapos na ang lahat.

      "Why do you want me to stop the car?" tanong ni Cerlance.

      "May itatapon lang ako."

      Kumunot ang noo ni Cerlance. "Ano ang itatapon mo?"

      "You'll see."

      Hindi na muling nagsalita pa ang binata. Unti-unti nitong binagalan ang sasakyan hanggang sa huminto iyon sa gilid ng burol na napuno ng mga punong kahoy. Nakasunod lang ang tingin nito hanggang sa bumaba si Shellany at umikot hanggang sa likuran ng sasakyan.

      Kinatok ni Shellany ang trunk na kaagad na naintindihan ni Cerlance. He pressed the button to open the trunk and waited for Shellany to finish her mission. Narinig ni Cerlance ang kalampag sa likod dahilan upang mapatingin ito sa rearview mirror. Ilang sandali pa'y nakita nito ang pagsara ng trunk, at ang nakangising mukha ni Shellany na rearview mirror. Nang kumilos ito'y nalipat ang tingin ni Cerlance sa side mirror ng front seat, at doon ay nakita nito kung ano ang ibinaba ng dalaga.

      Nagsalubong lalo ang mga kilay ni Cerlance nang makitang iniwan na lang basta ni Shellany sa gilid ng daan ang maleta bago ito bumalik sa sasakyan. Nang makaupo na'y mangha siyang nagtanong,

      "You're leaving one of your baggage?"

      "I'm leaving all of his clothes."

      Nang marinig iyon ay napangiti si Cerlance. "Well, isn't that a good sign?"

    Napangisi si Shellany. "Naisip ko lang na panahon na para bitiwan ko ang ilang mga bagay na nagpapabigat sa biyahe ko."

      "Does it have double meanings?"

      "Yes, it does." Lumapad ang ngiti ng dalaga, dumukwang, at walang ibang salitang ini-dampi ang mga labi sa binata.

    Shellany kissed Cerlance on the lips, softly... yet eagerly. At akma na sanang ipipikit ng binata ang mga mata upang tumugon kung hindi lang may dumaang jeep na bumusina at nilampasan sila.

      Humiwalay si Shellany at nakangising ibinalik ang pagkakakabit ng seatbelt sa katawan. "Let's get going bago pa tayo may maisipang gawin. Five minutes more at mararating na natin ang private property ng pamilya ni Knight ayon d'yan sa GPS mo."

      Napa-iling si Cerlance sa panunukso ng kasama bago itinuloy ang pagmamaneho. Muli nitong tinapunan ng tingin ang luggage bag na nasa gilid ng daan bago tuluyang lumiko sa sangang daan papasok sa property na tinutumbok nila.

      Paakyat ang lupa sa propryiedad at ang magkabilang daan ay pinaliligiran ng nagtatasang kawayan at iba't ibang uri ng punong kahoy.

      This area is surely creepy at night, Cerlance thought.

    Malubak na konkretong kalsada ang dinaraanan nila kaya umaalog-alog ang sasakyan. Lihim na nagpasalamat si Cerlance at iniwan ni Shellany sa gilid ng daan ang isang luggage, pakiramdam nito'y gumaan din ang sasakyan.

      Inapakan pa ni Cerlance ang accelerator para bilisan ang pagmamaneho hanggang sa marating nila ang patag at tuwid na daan. Sa hindi kalayuan ay may natanaw silang two-story cottage na pinaliligiran ng mga bulaklak. If he wasn't mistaken, those flowers were bouganvilla. His mom had a lot of those around the ancestral house. Hindi kalayuan sa cottage ay may malaking silong silang nakita. Sa loob niyon ay mga kabayo at bakang nakatali.

    Later on, he reached the graveled driveway, and his car tires screeched as he stepped on the break.

      Pinatay muna ni Cerlance ang makina bago nilingon si Shellany na ang tingin ay nasa labas ng bintana.

      "What are you going to say first when you see him?"

      Nilingon siya nito, nasa anyo ng pangamba. "I—I don't know."

      Nakita niya sa kaniyang harapan ang anyo nito noong nasa Guimaras sila; noong nasa harap din sila ng gate ng bahay ng lola ng dati nitong nobyo. She was worried and uneasy. At kinailangan pa niya itong galitin noon para magkaroon ng lakas ng loob.

      But Shellany was too much to handle at that time. Nagwala ito hanggang sa puntong kinailangan niya itong bitbitin palayo.

      "Why are you suddenly worried?" aniya. "Gusto mo bang galitin ulit kita tulad ng ginawa ko noong nasa Guimaras tayo?"

      Nakita niya ang mariing paglunok nito kasunod ng pilit na ngiti. "I'm okay. Hindi ko rin alam kung bakit parang bigla akong kinabahan. Noong nasa BnB pa lang tayo ay kay lakas ng loob ko. Ngayon ay para akong..."

      "Naduwag?"

      "No. Nag-alala. Hindi ko alam kung ano ang gagawin o sasabihin ko sakaling magkaharap kami ni Knight dito."

      "Smack him."

      Natigilan ito sandali. "Huh?'

      "Suntukin mo muna siya bago ka humingin ng paliwanag doon sa ginawa niya. That way, nakabawi ka."

      "I wish I could."

      "Kung hindi mo kaya ay ako ang gagawa."

      Napanguso ito at inisandal ang sarili sa upuan. Sunod ay nangangambang ibinaling ang tingin sa labas upang muling tingnan ang malaking cottage. Saktong nalipat din doon ang pansin niya nang bumukas ang malaking front door at iniluwa ang isang matangkad na lalaki.

      Napatuwid nang upo si Shellany—she was suddenly alerted.

      He frowned and narrowed his eyes to survey the man who had just gotten out of the cottage.

      Is that Shellany's ex? Knight the bastard?



TO BE CONTINUED...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro