Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

056 - Getting Used To This

  "KAYA KO PA, SHERLANSH... Ibaba mo na ako at... kaya ko pang maglakad..." lasing na wari ni Shellany sa lasing na diwa. Buhat-buhat ito ni Cerlance sa balikat na tila sako ng patatas. Paakyat na sila ng hagdan at ilang segundo na lang ay mararating na nila ang silid.
 

  "Shut up, Shellany. You said you wouldn't get drunk but here we are now."
 

  Shellany just moaned and reached her hand to grab Cerlance's butt. Nang mahawak ay hinimas-himas iyon ng dalaga. "Ooohh. Why is your butt bigger than mine?"
 

  Si Cerlance ay napailing at hindi na nagsalita pa. Pagkarating sa harap ng pinto ay dinukot nito ang susi sa loob ng bulsa. He then pushed it into the keyhole and kicked the door to open. Yumuko ito upang kunin sa sahig ang comforter. Bitbit sa isang kamay ang comforter at si Shellany sa isa ay pumasok si Cerlance sa silid. Hindi na nito nagawang buksan ang ilaw. Banayad nitong sinipa pasara ang pinto bago humakbang patungo sa kama at maingat na ini-higa roon si Shellany.
 

  "Get some rest," ani Cerlance bago akmang tatalikod nang biglang bumangon si Shellany at hinila ang damit nito.
 
  "Come back here. Why are you running away..."
 

  "I'm not running away. And you're drunk, you need some rest."
 

  "I'm not drunk..."
 

  Hinawakan ni Cerlance ang kamay ni Shellany saka banayad iyong tinanggal sa pagkakakapit. "Yes, you are, Shellany. Get some sleep."
 

  "I don't wanna," ungot ng dalaga na lalo pang hinigpitan ang pagkakahawak sa damit ng binata.
 
  "Stop acting like a child. You have to sleep now or else—"
 

  "Or else, papaluin mo ako?" Shellany giggled, her eyes half-closed. "I'd like to see you try, Sherlansh..."
 

  Napa-ismid si Cerlance sabay iling. "Geez. You can't even say my name correctly."
 

  "I wanna have s*x."
 

  "No."
 

  "Yes!"
 

  "No, I won't give you some."
 

  "Ow, come on!"
 

  "Stop it. Ni hindi mo na nga maimulat 'yang mga mata mo—"
 

  "Bakit, hindi naman importante ang mga mata kapag nakikipag-sex, ah? Ang importante ay bumubukaka pa rin ang—"
 

  "Shut the hell up and just f*cking sleep!" Inis na tinabig ni Cerlance ang kamay ng dalaga, at dahil sa kalasingan ay kaagad na naka-bitiw si Shellany.
 

  "Ang damot mo!" sabat naman ng dalaga na parang batang inagawan ng laruan.
 

  Manghang dinala ni Cerlance ang mga kamay sa bewang saka nag-umpisang sumermon. "Ilang beses mong sinabi kanina na hindi ka malalasing, ilang beses mong sinabing hindi mo ako pahihirapan but here we are now! Look at you! Ano, bukas ay gigising kang masama ang pakiramdam ay susukahan na naman ang kotse ko? And then what? Made-delay na naman tayo dahil kailangan na namang dumaan sa carwash ang sasakyan para malinisan? Ang lahat ng ito ay dahil sa katakawan mo sa alak! And you wanna have sex? Well, sorry to disappoint you, but I don't f*ck drunk women!"
 

  Umungol si Shellany, tumagilid saka ibinaon ang mukha sa kama. "Oh, you are so loud..."
 

  Cerlance scoffed in disbelief. "At ako pa ang maingay ngayon. Geez, Shellany. Sa kabila ng mga paalala ko'y ini-tumba mo pa rin ang isang bote ng alak na parang wala nang bukas. You knew this was gonna happen, didn't you? What, are you planning to defer our schedule? We can't miss another day, Shellany! We can't stay here in Taclob—"
 

  "Gah! Ang ingay!" Inis na hinablot ni Shellany ang unan sa uluhan nito saka patalikod na ibinato. Hindi iyon tumama kay Cerlance, bagkus ay bumagsak iyon sa paanan ng binata na napa-buga ng hangin sa inis. "If you don't wanna have s*x with me, just shut the hell up! Lalo akong nahihilo sa'yo!"
 

  "Oh God, this is unbelievable." Sinapo ni Cerlance ang noo sa pagkamangha. He couldn't believe he was dealing with this again. He should have known. He should have guessed that this was gonna happen. Ayaw mang aminin ni Cerlance ay nadala ito sa sinabi ni Shellany na gagawin kapag nalasing, kaya naman pinagbigyan nitong uminom ang dalaga at ubusin ang laman ng boteng hawak nito kanina.
 

  Pero wala na itong magawa. Narito na sila. Nangyari na.
 

  Isang sulyap pa ang pinakawalan ni Cerlance kay Shellany na nakadapa pa rin sa kama bago napipikong yumuko at dinampot ang unan na ibinato ng huli kanina. Ang comforter na kung paano na lang inilapag ng binata sa sahig kanina ay inilatag nito sa tabi ng kama. He was going to sleep on the floor as he knew there was no way they'd fit in bed.
 

  Nang mailatag na ang comforter ay nahiga na rin si Cerlance. Ipinatong nito ang braso sa noo, nagpakawala ng isa pang malalim na paghinga bago ipinikit ang mga mata.
 

  This should have been a great night if she wasn't too crazy with alcohol, Cerlance thought to himself.
 

  Ilang beses itong nagpakawala ng malalim na paghinga hanggang sa naramdaman nito ang muling pagkilos ni Shellany sa ibabaw ng kama. Nahuhulaan na ni Cerlance na hindi ito komportable sa higaan dahil pabaling-baling ito sabay ungol. Or maybe Shellany was not feeling well because she was too drunk? Cerlance could only shake his head. Mas maigi na rin na makapagpahinga sila dahil ang buong araw na iyon ay naging... mainit at mapusok.
 

  Nahinto sa pag-iisip si Cerlance nang biglang bumagsak ang binti ni Shellany mula sa kama. At dahil nakahiga ang binata sa gilid niyon ay tumama ang paa ng dalaga sa tagiliran nito.
 

  "Oh, God..." Cerlance gritted his teeth in annoyance.
 

  Ilang sandali pa'y muling umungol si Shellany—and it wasn't the sexy type of moan but a drunk one. Patuloy ito sa pabaling-baling na higa, probably looking for the best position. At nang hindi mahanap ang eksaktong posisyon ay impit na tumili si Shellany bago pabalikwas na bumangon.
 

  Nanatili si Cerlance sa kinahihigaan. He knew that if he would ignore her, she would just go back to bed and force herself to sleep.
 

  But that didn't happen.
 

  Dahil sa pagkamangha si Cerlance ay ibinaba ni Shellany ang mga binti saka pilit na tumayo. Pero dahil sa kalasingan ay halos hindi nito mai-balanse ang sarili, hanggang sa nanlambot ito at bumagsak sa sahig—sa ibabaw ni Cerlance!
 

  Cerlance gawked and cursed. Sinalo nito ang bigat ni Shellany sa biglang pagbagsak na iyon, and Shellany seemed to not feel anything. Para lang itong bumagsak sa tubig at walang naramdamang sakit kahit pa ang gilid ng ulo nito'y tumama nang bahagya sa sahig!
 

  Cerlance was about to say something to her when Shellay beat him off, "Oh! Here you are! Akala ko ay iniwan mo akong mag-isa." Lalong hindi na nakapagsalita si Cerlance nang pilit na inayos ni Shellany ang pwesto at nahiga sa tabi nito sabay yakap. She then burried her face in between his head and shoulder. "Hmmm... This feels good."
 

  "Could you please go back to—"
 

  "Shhh. Let me sleep."
 

  "Don't shhh me. Go sleep in the bed."
 

  "I don't wanna."
 

  Sa pagkamangha lalo ni Cerlance ay ini-tanday ni Shellany ang binti sa katawan niya. At nang hindi pa ma-kontento'y ini-angat nito ang sarili saka nahiga sa ibabaw mismo ni Cerlance.
 

  "Lord..." usal ng binata bago nagpakawala nang mahabang paghinga. Wala na itong masabi, wala nang magawa.
 

  "This is perfect..." Shellany whispered before burying her head back in his neck. Ang mga kamay nito'y nasa magkabilang balikat ni Cerlance, at ang mga binti'y nasa magkabilang gilid ng katawan ng binata. She was striding him, and if they were in a different situation, it would have been a sensual posiition.
 

  Pilit na inignora ni Cerlance ang reaksyon ng katawan. Muli itong nagpakawala nang malalim na paghinga bago ipinikit ang mga mata. Ilang sandali pa'y naging payapa na rin ang paghing ani Shellany. She fell asleep instantly. Lucky her.
 

  Cerlance just let out another sigh before putting his hand on Shellany's back, caressing it just so she could have a good sleep. He didn't know why he did that. He just felt it was necessary. He felt he just needed to.
 

  And he felt like... he could get used to it.
 

  To this.
 
 

TO BE CONTINUED...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro