Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

054 - Make Up Your Mind





        "DALAWANG SHOTS ANG PUSTA KO; nagpakasal 'yang si Ruby dahil ma-pera si Mr. Ballero." Kinuha ni Shellany ang dalawang shot glass sa ibabaw ng mesa at sinalinan ng vodka.

             Si Cerlance ay napa-iling saka pinigilan ang braso ni Shellany. "Stop it. Lasing ka na."

              "Hindi pa..." Banayad na binawi ng dalaga ang braso saka ini-tuloy ang pagsasalin ng alak sa pangalawang shot glass. "Wala pa ngang palatandaan na lasing ako, eh."

              Cerlance stared at Shellany in amusement. "At ano ang palatandaan?"

              Ngumisi si Shellany, ibinaba ang bote ng vodka, sabay sabing, "Kapag nag-lap dance na ako sa'yo."

              Cerlance grinned, then he softly pushed the vodka shots toward her. "Make it four shots; nagpakasal sila dahil mahal nila ang isa't isa."

              Napa-ismid si Shellany. "Coming from the man who doesn't believe in marriage and does not want a serious relationship. Ang ipokrito mo."

              "Iba ang pananaw ko sa buhay at ang opinyon ko para manalo sa sugal. They are different sides of my world. Now, let's find out."

             Sabay silang napatingin kina Ruby at Mr. Ballero na kasalukuhang nasa gilid ng pool, hawak-hawak ang isa't isa at sumasayaw sa saliw ng romantikong kanta na pumailanlan sa ere. Dahil matangkad si Ruby ay ini-hilig ni Mr. Ballero ang ulo nito sa dibdib ng asawa—which was opposite kung ang tipikal na standard na relasyon ang pagbabasehan. In typical relationship standard, men were normally—or should be—taller than women. At ang babae dapat ang nakahilig sa dibdib ng lalaki kapag sumasayaw sa isang sweet na music.

              But this pair... Ruby and Mr. Ballero... seemed to break the standard.

              Nakaubos na sila ng isang bote ng wine, at dahil likas na manginginom si Shellany ay hindi pa ito na-kontento. Nagpaumanhin ito sandali at nagsabi kay Cerlance na kunwari'y pupunta sa restroom, subalit ang totoo'y dumiretso ito sa kusina at nanghingi kay Beth ng alak. Saktong may mga alak na naka-store sa kusina na ayon kay Beth ay sadyang ini-stock doon ni Mrs. Cooper. Shellany ordered the whole bottle of vodka and asked for it to be charged into their account.

              Namangha si Cerlance nang sa pagbalik ni Shellany ay may bitbit nang isang bote ng vodka at dalawang shot glass. But the couple refused to drink anymore, at gamit ang cellphone ni Ruby ay nagpatugtog ang mga ito ng musika saka sumayaw hindi kalayuan sa table nila. At habang naroon ang dalawa't nagsasayaw ay inumpisahan na ni Shellany ang pag-tungga ng alak. Cerlance refused to drink more because he had to drive in the morning.

              Ang sampung minutong agreement nila ni Cerlance na manatili roon ay tumagal ng isa't kalahating oras dahil naging abala ito sa pakikipag-usap kay Mr. Ballero.

              Shellany had found out that Mr. Ballero was one of Cerlance's loyal clients and that he would always book Cerlance's service every time he needed to go visit his then-lover—Ruby—in Baguio. Mr. Ballero was never married pero mayroon itong anak at kinakasama. Mr. Ballero explained that he couldn't leave his baby-momma because she was threatening him that if she did, she would take his child and leave. Na hindi na raw nito ipakikita kay Mr. Ballero ang anak. Later on, Mr. Ballero learned that the woman he was living with—the mother of his child—was actually having an affair with his personal assistant. Iyon ang dahilan kung bakit nagpasya itong sikretong magtungo sa Samar kasama si Ruby upang doon magpakasal. Naroon kasi ang matalik na kaibigan ng mga ito nakatira at siyang dapat ay nag-iisang witness sa civil wedding. Pero nasiraan daw ng kotse ang mga ito pagdating sa Tacloban— kotseng ni-rentahan lang ng mga ito mula sa airport – dahilan kaya napadpad ang mga ito sa La Vista Tierra. Nagustuhan ng mga ito ang serbisyo ng BnB kaya imbes na isang gabi lang ang mga ito roon ay umabot ng tatlong araw. And they were actually waiting for their friend from Samar to come, but he got sick and didn't make it on time; naka-schedule na sa munisipyo ang civil wedding kaya si Astrid na lang ang kinuha ng mga itong maging witness.

              Shellany also learned that he was a businessman who owns a chain of restaurants; a very wealthy man.

              And she was a very judgemental person—it was her toxic trait—kaya sa isip ng dalaga ay pinatulan lang ni Ruby si Mr. Ballero dahil sa yaman nito.

              Kaya ngayon, naroon sila ni Cerlance at nagpupustahan. Actually— it was just her, at sumakay lang si Cerlance na makipag-koopera.

              "Papaano natin malalaman?" tanong ni Shellany habang nakamata sa mag-irog na patuloy sa pagsasayaw, habang ang isang kamay ay unti-unting inabot ang shot glass at dahan-dahang in-inom ang laman.

              Si Cerlance ay nalingunan iyon, at nang makita ang ginawa ni Shellany ay bahagyang natawa. "That's cheating."

              "No, it's not. Penalty ito kapag natalo 'di ba? And since hindi naman natin malalaman kung ano talaga ang totoong dahilan ni Ruby sa pagpapakasal kay Mr. Ballero ay uumpisahan ko nang tanggapin ang penalty ko." Inubos ni Shellany ang laman ng shot glass saka ibinalik iyon sa mesa. She grimaced at the taste of the alcohol.

              "Look at you," Cerlance said, chuckling. Itinaas nito ang isang kamay saka banayad na pinahiran ang gilid ng bibig ng dalaga kung saan may tumulong vodka mula sa glass.

              Shellany pouted and leaned closer to Cerlance. "Ang boring mong kalandian. Sa susunod, gamitin mo ang bibig, h'wag 'yong daliri. Kiss away the excess alcohol, you... handsome guy."

              Cerlance chuckled again at the deliberate seduction, and said no more. Ibinalik nito ang tingin sa dalawang nagsasayaw at doon nakita ang paglapit ni Ruby sa mesa, habang si Mr. Ballero ay nanatili sa gilid ng pool at sinusundan ng tingin ang asawa.

              "I need more booze. Can I have a shot?" ani Ruby, nakangiti.

              "You sure can." Ini-abot ni Shellany ang isang shot glass dito na kaagad na tinungga ni Ruby. Nang maibaba iyon ay akma na sanang tatalikod si Ruby nang magsalitang muli si Shellany sa pabulong na paraan. "Hey, I need to ask you something."

              Ruby frowned and bent over to closer the gap between her and Shellany. Dumukwang naman ang huli upang pabulong na magtanong.

              "I'm sure you're aware of how gorgeous you are, and you have all the qualities any man would chase after. Why did you choose Mr. Ballero and marry him?"

              Si Cerlance ay nasindak sa direktang tanong ni Shellany. Akma nitong hihilahin sa bewang ang dalaga upang ibalik sa pagkakaupo nang humagikhik si Ruby at sumagot nang,

              "Because I love him."

              "No, you don't," sagot ni Shellany na lalong ikina-mangha ni Cerlance. Hindi nito alam kung papaano hihingi ng pasensya mamaya kay Ruby dahil sa pinagsasasabi ng kasama. "His wealth is probably one of the reasons why you married him, tama ba?"

              Imbes na ma-offend ay natawa pang muli si Ruby. "Probably, but not the main reason."

              "Ano ang main reason, kung ganoon?"

              "I love him." Then, Ruby smiled sweetly. "He is a good man and he treated me good. He has everything I want in a man. Plus..." Lalong yumuko si Ruby at diretsong tinitigan sa mga mata si Shellany. "He is great in bed."

              Si Cerlance na nakatitig lang sa dalawang nag-uusap sa harapan nito at parehong nakadukwang sa mesa, magkalapit ang mga mukha at halos magdikit na ang mga labi, ay napa-lunok.

              Sandaling nagtitigan sina Ruby at Shellany, hanggang sa nauwi sa pag-ngiti ang huli. "Okay, that's good enough answer. I believe you."

              Ruby grinned, at sa pagkagulat ni Cerlance ay bigla nitong hinalikan sa mga labi si Shellany. A brief and yet deep kiss that stunned Shellany. Ilang sandali pa'y tumuwid si Ruby at muling humagikhik. Binalingan nito si Cerlance na namangha sa nakita.

              "Your wife is hot, Lance. I'm kinda attracted to her. Kung wala si Roberto rito'y baka inagaw ko na siya mula sa'yo." Ruby then winked and walked back to her husband.

              Si Shellany ay nanlalaki ang mga matang binalingan si Cerlance.

              Parehong tulalang nagkatinginan ang dalawa hanggang sa...

              "I... think I lost in the bet," Shellany said, still shocked at what happened. Nilingon nito ang alak, pero imbes na sumalin ito ng alak sa shot glass ay dinala nito sa bibig ang bote at diretsong uminom doon.

              Si Cerlance ay hindi naka-kibo. Something stirred within him as he stared at Shellany. Mabilis na tumungga si Shellany ay hindi inalintana ang pait ng alak. May kumawala sa gilid ng bibig nito at umagos sa leeg pababa sa suot nitong pang-itaas. Si Cerlance ay sinundan ng tingin ang landas na tinahak na alak, at nang ibaba ni Shellany ang bote ay saka pa lang ibinalik ang mga mata sa mukha ng dalaga.

            Shellany, still shocked at Ruby's kiss, uttered, "I think I'm attracted to Ruby."

               Subalit hindi pinansin ni Cerlance ang sinabi nito. Dahil ang tingin ng binata ay natuon sa tumulong alak sa gilid ng bibig ni Shellany. At bago pa napigilan ni Cerlance ang sarili ay dinala na nito ang isang kamay sa batok ng dalaga at dumukwang upang halikan ang kumawalang alak sa gilid ng mga labi nito.

              Muling natigilan si Shellany, nanlaki ang mga mata.

           "Make up your mind, Shellany," Cerlance whispered before tracing sensual kisses down her throat. Sinundan nito ang landas na dinaanan ng tumulong alak kanina.

           Shellany tilted her head backward in submission. She then let out a soft moan when Cerlance's tongue trailed from her collarbone back to her throat.

           Napa-pikit si Shellany at umusal ng, "I... I changed my mind. Mas... gusto kita kaysa kay Ruby."

           Cerlance smiled and lifted his head. Ang kamay nitong nasa batok kanina ni Shellany ay kumilos; moving his thumb to her throat and pressing it in a sensual manner.

           "Open your eyes and say it again."

           Shellany did open her eyes and met Cerlance's gaze.

           "I..." Napalunok ang dalaga nang lalong dumiin ang daliri ni Cerlance sa leeg nito. "I am... so into you, Cerlance."

           Cerlance gave Shellany a devilish smirk. "I thought so, too." Then, he bent his head and covered her lips with his.





TO BE CONTINUED...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro