053 - Felicia?
NAHINTO SI SHELLANY SA PAGLAPIT nang makita si Ruby kasama ang may-edad nang lalaki na magkatabing naka-upo sa table set sa tabi ng pool, hawak-hawak ang kani-kanilang kopita. They were talking so sweetly, smiling at each other as they sipped their wine. Mukhang maligaya ang mga ito—tipikal sa mga bagong kasal.
"Kailangan nating umaktong sweet dahil bagong kasal din tayo tulad nila," paalala niya kay Cerlance na nakasunod lang sa kaniyang likuran. Pasimple niyang ini-abot ang isang kamay rito nang hindi lumilingon. "Take my hand and let's walk together."
"May mga bagong kasal na hindi sweet, Shellany. Lalo kung parehong hindi naman sila mahilig sa PDA. Nasa tao iyan, kaya h'wag kang mainggit kay Ruby at sa asawa niya."
Napanguso si Shellany nang itinuloy ni Cerlance ang paghakbang at nilampasan siya. Naka-suksok sa magkabila nitong mga bulsa ang mga kamay.
Nakalabing sumunod ang dalaga, ang tingin ay ibinaling kay Ruby at sa partner nito na hindi niya gaanong makita dahil nakatalikod sa direksyon nila.
At habang naglalakad sila palapit ay saktong napasulyap si Ruby sa direksyon nila, at nang makita silang dalawa ni Cerlance ay malapad na ngumiti saka ini-taas ang isang kamay upang kawayan sila.
"Oh, here they are. Come join us, Mr. and Mrs. Zodiac!"
She grimaced. She wondered why being called Mr. Zodiac felt so good yet so wrong?
"Ahh, Shellany. I hate it," sabi ni Cerlance na sandaling nahinto sa paghakbang at hinintay siyang makalapit. Nasa mukha nito ang iritasyon. "Her calling you Mrs. Zodiac just doesn't sit right to me; nasanay akong ang nanay ko lang ang Mrs. Zodiac sa pamilya. I have a sister-in-law but I haven't heard anyone call her that."
"Ano ka ba, ngayong gabi lang naman 'tong kalokohan ko kaya sumakay ka na lang—I mean, sa agos, hindi sa akin." She giggled at her own joke, and Cerlance just shook his head in amusement.
"You and your corny jokes, Shellany Marco."
"Zodiac. Mrs. Zodiac ako ngayong gabi."
"Gah!"
"At saka alisin mo nga 'yang simangot sa mukha mo; baka isipin nina Ruby na pinikot lang kita kaya ako naging Mrs. Zodiac."
"Wala akong pakialam kung ano ang iisipin niya—we're outta here in 10mins, do you understand?"
"Fine." Pinigilan niya ang pag-ikot ng mga mata.
"And one more thing. Let Ruby be the first and last person to call you 'Mrs.Zodiac'. Magpakilala ka sa totoo mong pangalan mamaya."
Geez, this guy. "Fine. Ibibigay ko ang first name ko."
"Good. So, what are you waiting for?"
"What am I waiting for what?"
"Akala ko ba'y gusto mong mag-PDA tayo?"
Sandali lang siyang natigilan sa sinabi nito bago malapad na ngumiti. Lumapit siya saka ini-kawit ang isang braso sa braso nito saka muling ini-dikit ang katawan.
"Nakakagulat na alam mo ang ibig sabihin ng PDA. Jologs ka rin pala?"
Cerlance just smirked and they proceeded to walk toward Ruby and her husband.
Saktong malapit na nilang marating ang table set nang lumingon ang asawa ni Ruby, at doon ay biglang nahinto si Cerlance. Sa pagtataka ay napatingala siya rito at nakita ang pagsalubong ng mga kilay nito habang nakatitig sa asawa ni Ruby. And she was sure Cerlance knew the man; nakikita niya ang recognition sa anyo ni Cerlance.
Until...
"Oh, is that you, Lance Zodiac?" anang mister ni Ruby. Nasa mukha ang galak at pagkamangha. "I didn't expect to see you here; what a small world!" Tumayo ito saka ibinaba ang kopita ng wine sa ibabaw ng glass table.
Literal siyang napanganga nang tumayo ang lalaki— at pinigilan ang sariling matawa sa kagagahan niya. She knew it was bad to laugh at people, so she did her best not to do so. Kahit siya'y hindi perpekto, kaya bakit niya pagtatawanan ang iba?
The reason for her laugh was because Ruby's husband was... a short guy. Nakatayo na ito pero mukhang naka-upo pa rin, at iyon ang ikinatawa niya. She thought the guy was still sitting, for goodness' sake!
The man, Ruby's husband, was probably in his late fifties. A little too bit older than Ruby, for sure. He was a semi-bald guy wearing a business suit. He had a normal-built body; may kalakihan lang nang kaunti ang tiyan. And if she was five feet and three inches tall, Ruby's husband was probably just five feet flat, at umabot lang marahil hanggang sa dibdib ni Ruby.
"Mr. Ballero?" ani Cerlance, banayad na hinawi ang kamay niyang naka-hawak dito, saka humakbang palapit sa mesa ng mag-asawa. "This is such a small world, indeed, Sir. How have you been?"
"Gah, don't call me Sir—hindi mo ako kliyente ngayon." Pinong natawa ang lalaki. "And I am fine, Lance. I have just gotten married this morning and I am extremely joyfull as we speak."
Ruby's husband was so short and so unattractive, but he did look filthy rich. So, she wondered if Ruby was just after his money?
"Oh, so you've already met my wife Ruby?"
"Yes, I did. And I didn't know she was your wife until now." Itinaas ni Cerlance ang kamay at nakipag-kamay sa may-edad na lalaki. Mahigpit na nagkamay ang dalawang halata na matagal nang magka-kilala. And then, after a while, "I am actually married, too, Sir." Cerlance looked over his shoulder. "Hey, come here."
Lumapit siya at tumabi kay Cerlance. Inakbayan siya nito at niyuko. "This is... my wife."
Kitang-kita niya sa mga mata nito ang kontroladong inis nang sabihin nito ang mga katagang iyon, at lihim siyang napangisi.
"Oh, you did?" Manghang napatitig sa kaniya ang may-edad na lalaki. "I didn't know you're a marrying kind, Lance? I could clearly remember what you said the last time I hired you for a trip to Baguio. You said you will never marry because you don't believe in it. I think you've finally found your match, huh?"
Ibinalik ni Cerlance ang tingin kay Mr. Ballero saka pinong ningitian ang matanda. The kind of smile so fake it cringed her.
And he didn't believe in marriage? Ha. Iyon pala ang dahilan kaya ayaw nito ng seryosong relasyon?
She couldn't help but smirk. Wala palang oras sa seryosong relasyon, huh? Takot ka lang palang ma-tali, eh.
"You could say that, Mr. Ballero. She changed my views about marriage." Naramdaman niya ang paghigpit ng kamay nito sa kaniyang balikat, senyales na magsalita na rin siya. He was uncomfortable and he needed back up.
She cleared her throat, smiled, and said, "Hello, Sir. My name is Felicia."
Sa sinabi niya'y marahas siyang muling niyuko ni Cerlance—ang mga kilay ay magkasalubong; nasa anyo ang pagkagulat at... inis?
What's wrong? Ayaw mong gamitin ko ang pangalan ng isa sa mga 'tsiks' mo?
Felicia. Pfft. Ayaw mo ng seryosong relasyon pero ka-text mo ang babaeng iyon kaninang umaga habang nasa ferry tayo papuntang Cebu. You were smiling as you replied to her—she's someone special, I bet? At ayaw mong gamitin ko ang pangalan niya? Ayaw mo no'n, may proxy siya sa katauhan ko?
Umirap siya saka ibinalik ang pansin sa mag-asawa. Kay Ruby siya napatingin na kanina pa nakangiti sa kaniya.
Hindi talaga siya makapaniwala. Ruby was so beautiful she looked like a dream. At pinaunlakan niya ang paanyaya nitong bumaba roon dahil na-curious siya sa lalaking pinakasalan nito, only to find Mr. Ballero... which raised her curiousity even more.
She had nothing in mind at this point but Why.
Why did Ruby marry Mr. Ballero?
"Excuse me po."
Napalingon siya nang marinig ang tinig ng isang babae sa kaniyang likuran. Doon ay may nakita siyang dalaga na nakatayo ilang dipa mula sa kanila ni Cerlance, at may hawak na dalawang wine glass sa mga kamay.
"Ito na po ang hiningi ninyong wine glass, Mrs. Ballero," anang dalagita na sa hula niya'y isa rin sa mga staff ng BnB. Lumapit ito at nilapag ang dalawang wine glass sa mesa. "Doon lang po ako sa kusina kung sakaling may kailangan po kayo."
"Thank you, Beth," nakangiting sabi ni Ruby.
Ang dalagitang tinawag na Beth ay tinanguan siya at si Cerlance bago umalis.
"Oh, come sit here, Felicia," ani Ruby makaraan ang ilang sandali. At nang banggitin nito ang pangalang iyon ay narinig niya ang banayad na pag-ungol ni Cerlance na lihim niyang ikina-ngisi. Muli niya itong tiningala, at nang makita niya ang pagtalim ng mga mata nito'y hindi na niya napigilang matawa.
"Hali ka na, honey. Maupo na tayo."
Yumuko si Cerlance at bumulong. "Don't honey me, you little witch. Why did you use that name to introduce yourself?"
"Why not?" balik-bulong niya rito bago hinawakan ang kamay ni Cerlance at hinila patungo sa bakanteng mga upuan sa harap ng mag-asawa.
Hindi na rin muling nagsalita pa si Cerlance nang maupo na siya. Naupo ito sa tabi niya, patuloy sa pagtitimpi.
Sinulyapan niya ito at kinindatan; which Cerlance answered with a dangerous glare.
TO BE CONTINUED...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro