Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

051 - Newly-Weds




  NAPA-ISMID SI CERLANCE AT SA PAGKAMANGHA NIYA AY TUMALIKOD ITO at naglakad pabalik sa banyo. Nakasunod lang ang kaniyang tingin hanggang sa muli itong lumabas suot-suot ang damit na hinubad kanina. He was zipping his pants up when he said,

        "I forgot to take my bag; babalikan ko lang. Go wash up and meet me downstairs; naghanda sila ng hapunan para sa atin."

        Nanlaki ang kaniyang mga mata. Did Cerlance just refused her subtlle invitation for s.ex? Napanguso siya. Bumaba ang kaniyang tingin pabalik sa vibrator na ibinato nito pabalik sa maleta; sandali siyang napatitig doon hanggang sa may maisip. Napangisi siya.

        She stood up, remove all her stuff off the bed, cleaned the mess, and went to the bathroom. May naisip siyang kalokohan... at hindi matatapos ang gabing iyon na hindi niya napagtatagumpayan ang plano.

        MASARAP NA HAPUNAN ang ini-handa ni Astrid kina Shellany at Cerlance; tulad ng madalas mangyari, Shellany ate lots while Cerlance just had just a few amount of food on his plate. He was so poised, so classy kahit kumain. Matapos iyon ay nagpasalamat ang dalawa at pumanhik na sa itaas.

             Si Cerlance na nakasunod sa likod ni Shellany ay nahinto nang biglang humarap ang dalaga pagdating sa harapan ng pinto ng kanilang silid.

        "I'm going straight to the restroom, you go straight to the couch."

        Nagsalubong ang makakapal nitong mga kilay. "What do you have in mind?"

        Nagkibit-balikat si Shellany saka ngumisi bago akmang bubuksan ang pinto ng silid nang bumukas naman ang pinto ng silid sa dulo ng hallway. Natuon ang tingin nilang dalawa sa lumabas na babae. And Shellany was struck.

        The woman was in her mid-thirties; nakasuot ito ng satin red dress na ang slit ay umabot hanggang sa bewang. On her feet was a skin-toned three-inches stilletos, ang balat ay sobrang kinis at ang binti'y mahaba. The woman was probably as tall as Cerlance, and she was beautiful—as in model-like, Holywood-type beauty. And she didn't look like a pure Filipina. Or was she even a Filipina?

        Napatitig si Shellany sa magandang mukha ng babaeng sandali ring nahinto nang makita sila. The woman was slightly smiling; wala itong make-up sa mukha maliban sa kulay pink nitong lipstick. Sigurado si Shellany na ang magandang hulma ng kilay ng babae ay natural, at ang mahabang pilik-mata ay ganoon din. The woman's hair was in a messy-bun, which just made her look not only beautiful but also seductive.

        Biglang naka-ramdam ng insecurity si Shellany; lihim nitong niyuko ang suot na white tattered shorts at itim na crop top shirt nabili kanina sa Danao mall. She was looking like a highschool brat who ran away from home, while the woman who was standing a few meters away looked like someone who always messes with every man's dreams.

        Ibinalik ni Shellany ang tingin sa babae, at wala sa loob na umangat ang kamay upang hawakan ang laylayan ng damit ni Cerlance na tila batang nawawala at humihingi ng saklolo.

        "Oh, hi there!" anang babae na malapad na ngumiti. Humakbang ito palapit, at habang naglalakad ito'y saka pa lang napansin ni Shellany ang hawak nitong bote ng red wine sa isang kamay. "Kayo ba ang bagong dating na occupants?"

        "Yes, kami nga," maagap na sagot ni Cerlance sa neutral na tono.

        Napatingala si Shellany sa katabi; gusto nitong makita kung ano ang reaksyon ni Cerlance sa babaeng nasa harapan. Surely, kahit sinong lalaki ay matutulala sa magandang babae. Kahit sino-- kahit si Cerlance pa.

        But when she looked at Cerlance's face, all she could see was nothing but a friendly expression. Walang attraction, walang paghanga sa mga mata nito.

        Hindi tuloy naiwasan ng dalaga na magtaka.

        But then, Shellany had also realized something...

        Cerlance Zodiac was also an A-grade man; he was an Alpha. Ang kalibre nito'y katulad lang ng sa babae, at sigurado si Shellany na hindi ito ang unang beses na maka-kita si Cerlance nang ganoon ka-gandang dilag kaya walang nakitang paghanga ang dalaga sa mukha ng kasama. Or maybe Cerlance was just good at hiding it? Because maybe he didn't want her to misinterpret?

        Lalong nakaramdam ng insecurity si Shellany. Ang pagkakahawak nito sa laylayan ng damit ni Cerlance ay humigpit.

        "How long are you going to stay here?" tanong pa ng babae.

        "Just tonight," muling sagot ni Cerlance. "So, you also speak Tagalog? I would assume you're from the north?"

        The woman chuckled, and oh boy did it sound like music in Shellany's ears.

        "Yes, tatlong araw na kaming narito sa BnB at bukas ng umaga'y aalis na rin papuntang Samar. My husband and I are visiting a friend there."

        Doon bahagyang nabawasan ang insecurity ni Shellany. "You already have a husband?"

        "Yes, we got married just this morning." The woman chuckled again. "We eloped and flew here; ang kaibigan kong nakatira sa Samar ang dapat na witness sa kasal namin, kaya lang ay nagkasakit kaya si Astrid ang hinila ko. We are going to Samar to check on our friend. How about you two? Are you newlyweds, too?"

  "We--" Naputol ang akmang pagsagot ng Cerlance nang maagap na nagsalita si Shellany;

        "Yes, we are."

           Si Cerlance ay niyuko ang dalaga upang sawayin ito, subalit matamis na ngumiti si Shellany, ikinawit ang kamay sa braso niya saka muling nagsabi nang, "It's great to finally find the man we would spend the rest of our lives with, ano?"

        The lady smiled brightly. "I couldn't agree more. My name is Ruby."

        Si Cerlance ay muli na naman sanang magsasalita, pero dahil alam na ni Shellany ang sasabihin nito'y naging maagap muli ang dalaga. "And we are Mr. and Mrs. Zodiac. We're glad to meet you."

        Muling yumuko si Cerlance sa akmang pagsuway suballit ini-dikit pa lalo ni Shellany ang sarili rito sabay diin sa pagkakahapit sa braso kaya nanahimik na lang ang binata.

        Napatingin si Ruby sa braso ni Shellany na mahigpit na naka-kapit kay Cerlance. Napangiti ito na tila naiintindihan ang ibig sabihin ng gesture ng dalaga. Muli itong napasulyap sa dalawang kausap.

        "My husband is waiting at the pool area; we're having a drink to celebrate our union—would you like to join us?"

        Cerlance was so ready to refuse, but Shellany abruptly said,

        "Yes, sure. We'd love to!"

        "Oh, great! Come on, I'll introduce you to my husband."

        Naunang naglakad ang babae at nang nasa hagdan na ito'y saka hinarap ni Cerlance si Shellany.

        "I don't like what you did, Shellany." His face was serious.

        Patay-malisyang nagkibit-balikat si Shellany bago inalis ang pagkakakapit ng kamay sa maskuladong braso ng binata. "Pagbigyan mo na ako kahit ngayong gabi lang. Hindi mo ba naramdaman 'yong inggit ko sa ganda at katawan ni Ruby? Gumapang sa buong katawan ko ang insecurity kanina, aba. At nasabi ko lang na mag-asawa tayo kasi gusto kong pagtakpan 'yong insecurity na 'yon. Aba'y sa pagka-pogi mo, babae tao ang hindi mamamangha at bibilib sa akin kapag nalamang asawa mo ako? Just go with the flow, come on." Banayad na hinampas ni Shellany sa dibdib si Cerlance bago humakbang pasunod kay Ruby.

        Pero bago pa man tuluyang makalayo ang dalaga'y nahuli na ni Cerlance ang braso nito saka hinila pabalik. Muntik nang humampas si Shellany sa dibdib nito kung hindi lang kaagad na naitukod ng dalaga ang mga palad doon.

        Shellany looked up and met Cerlance's serious gaze.

        "W-What?"

        "Ruby may be beautiful, but you are special in your own simple ways, too, Shellany."

        Napatitig si Shellany sa mga mata ni Cerlance; they were empty, yet there was something in his voice that melted her heart, and for Shellany, those were more than enough. 

        "And you easily drive men crazy," dagdag pa ni Cerlance. "Each and every person has their own special gift—so don't doubt on yourself and always think you have something in you that other women—like Ruby— didn't have."

        "S-Sinasabi mo lang ba 'yan para alisin ang inggit ko sa katawan ko?"

        "Sinasabi ko ito dahil ito ang totoo at ito ang dapat mong ilagay sa isip mo lagi." Dahan-dahan itong bumitiw hanggang sa bumaba ang kamay nito at banayad na hinampas sa pang-upo ang dalaga. "And who told you na pwede kang uminom?"

        Si Shellany na nagulat sa ginawa ni Cerlance ay lalong nautal. "I—I just wanted to have a sip—"

        "We both know kung ano ang nangyayari sa'yo kung lasing ka."

        "H-Hindi ako malalasing."

        Napa-iling si Cerlance saka humalukipkip. "Why did you even accept her invitation to join?"

        "I—I was just curious. S-Somehow, gusto kong makilala ang lalaking... pinakasalan niya."

        "For what? We have just met her. And besides, maaga pa tayong aalis bukas."

        "Eh... naka-oo na ako."

        Muling napa-iling si Cerlance. "Fine. Pero sampung minuto lang at babalik na tayo rito sa itaas."

        Tumango si Shellany saka muling dumikit kay Cerlance na ikina-salubong ng mga kilay ng binata. Niyuko nito ang dalaga. "What is it this time, Shellany?"

        "Akbayan mo ako."

        "Is that necessary?"

        "Newly-wed tayo, hindi ba? Dapat sweet tayo." Disimuladong ini-kiskis ni Shellany ang braso sa braso ni Cerlance na muling napa-iling bago umakbay.

             At nang dumapo na ang braso nito sa balikat ni Shellany ay saka naman ipinulupot ng dalaga ang braso sa katawan ni Cerlance.

             "There. Mukhang bagong kasal na talaga tayo."

        "Don't get used to this, though," paalala ni Cerlance.

        "Talagang hindi—mabigat kaya ang braso mo." Kunwari ay umirap si Shellany subalit ang totoo'y nagugustuhan nito ang pagkakalapit ng mga katawan nila. She liked how this felt. Parang natural— parang sila talaga...

        Nang marating na nila ang hagdan ay parehong nahinto ang dalawa nang makita ang papa-akyat na si Astrid. Sa likuran nito ay ang binatilyong staff rin ng BnB na siyang may buhat-buhat sa makapal at nakatuping comforter. Ang pagbati ni Astrid ay nahinto nang makita ang naka-akbay na kamay ni Cerlance at ang nakapulupot na braso ni Shellany. Sandali itong natigilan bago nagpakawala ng nakaiintiding ngiti.

        "Dadalhin po namin ang comforter na ito sa inyong silid; wala kaming mattress pero sana'y sapat na ang kapal ng comforter na ito para mahigaan."

        "Thanks, Astrid," ani Cerlance. "May susi ka naman ng silid kaya maaari n'yo na lang ihatid iyan sa loob—"

        "No!" tutol ni Shellany saka napatingala kay Cerlance na nagtaka sa naging reaksyon ng dalaga. Pilit na natawa si Shellany, mukhang may itinatago. "S-Sa harap ng pinto na lang nila iwan ang comforter. Tayo na ang bahalang... magpasok niyan mamaya sa silid."

        "Why?" ani Cerlance.

        "J-Just because..."

        Cerlance narrowed his eyes in suspension. "Hindi tayo aalis dito hanggang sa hindi mo sinasabi sa akin ang dahilan kung bakit ayaw mong pumasok sila sa silid."

        Napangiwi si Shellany. Sandaling nagdalawang isip hanggang sa bumigay. Tumingkayad ito at bumulong kay Cerlance ng,

        "Nasa ibabaw ng kama ang vibrator."


TO BE CONTINUED...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro