049 - La Vista Tierra
"WELCOME TO LA VISTA TIERRA, Sir and Ma'am!"
Malapad na napangiti si Shellany nang sa pagbukas ng gate ay ang nakangiting anyo na kaagad ng staff ang una nilang nabungaran. Tila inaasahan na nito ang pagdating nila.
"Tumawag po sa akin si Mrs. Cooper at sinabing may darating na turista. Kayo po sina Miss Shellany at Mr. Cerlance?"
"Yes, kami nga," Cerlance answered in a friendly tone.
Ang babaeng staff ay sandaling namalikmatang napatitig kay Cerlance bago pinong natawa at nagpatuloy sa pag-presenta. "May inaayos lang po sa silid na tutuluyan ninyo, at habang naghihintay po tayo ay naghanda po ako ng hapunan para sa inyo. Pasok po kayo."
Sandaling sinuri ni Shellany ng tingin ang babaeng kaharap. The woman was probably in her early forties and had a bright smile on her face. Ang buhok nito'y tuwid pero maiksi na umabot lang habanggang sa ilalim ng baba. May bangs ito na umabot hanggang kilay, at sa tulong ng liwanag na nagmumula sa poste ng gate ay pansin niyang kulay pula ang buhok nito na siguradong mula sa botelya.
The woman was short and a little chubby. Cute na cute ito sa suot na pink poloshirt na may floral print. Ang pang-ibaba naman ay itim na pants at sa mga paa ay puting sandalyas. The woman was so adorable and she couldn't help but smile back.
"Paano po nalaman ni Mrs. Cooper na matutuloy kami sa pagpunta ngayong gabi?"
"Ay, ganoon po talaga si Ma'am. Kapag may naiimbitahang guest na tumuloy rito, sigurado man po iyon sa hindi, pinaghahanda po talaga niya kami. At kaagad kaming tumatalima kasi hindi naman madalas na may tumuloy na turista rito sa amin. Paano ba naman kasi, marami na ang nasisitayuang mga resort at motel dito sa lugar namin, lalo na roon sa Tacloban City mismo. Kadalasang pumupunta rito sa BNB namin ay mga bagong kasal o mga nagtatanan at napapadaan lang sa lugar." Humagikhik ito. "Alin po kayo roon?"
Napatingala si Shellany kay Cerlance upang ito ang sumagot sa tanong. Ngumiti ito sa babaeng nasa harapan nila.
"None of the above. We are just friends."
"With--" benefits. Pero bago niya masabi iyon ay mabilis nang tinakpan ni Cerlance ang kaniyang bibig.
"Pwede bang sa harap lang ng gate i-park ang kotse?" tanong pa nito.
Ang babae'y manghang napatitig kay Cerlance at sa kamay nitong nakatakip pa rin sa kaniyang bibig.
"Y-Yes, Sir. Pwedeng-pwede po na nariyan ang sasakyan. Safe po ang sasakyan dito dahil private property na po ito ng pamilya Cooper."
At habang hindi pa rin inaalis ang kamay nito sa kaniyang bibig ay nilingon ni Cerlance ang sasakyang nakaparada sa gilid ng daan. Maliban sa kotseng dala nila ay may dalawa pang sasakyan ang nakaparada sa unahan, and those cars looked so expensive.
Tumango si Cerlance at doon pa lang ibinaba ang kamay. Niyuko siya nito at parang lokong ningisihan. "Let's go inside, then?"
"H-Hali na po kayo sa loob," paanyaya ng staff bago naunang humakbang patungo sa bahay.
Nang tumalikod ang staff ay tinapunan niya ng masamang tingin si Cerlance. "Was that necessary?"
"It was."
"Ni hindi mo alam kung ano ang sasabihin ko."
"I knew. At itikom mo 'yang bibig mo dahil siguradong alam ng staff na 'yan ang ibig sabihin ng friends-with-benefits. Like seriously, Shellany. Kailangan mo ba talagang sabihin iyon?"
Napanguso na lang siya at hindi na sumagot pa.
Hila-hila ang kaniyang maleta ay naunang humakbang papasok si Cerlance. Bago sumunod at tiningala niyang muli ang bahay na papasukan nila.
The BnB looked like a normal house with a front yard and a porch. May kalakihan iyon at nakapintura ng puti. Western style ang disenyo ng bahay tulad ng mga napapanood niya sa mga Holywood movies, at sa arko ng gate ay nakasulat ang pangalan niyon; La Vista Tierra.
Mukhang komportable sa loob at mukhang makakapagpahinga sila nang maayos.
Oh, she was so tired she couldn't wait to see the bed. Tatlong oras mahigit silang bumiyahe ni Cerlance mula sa seaport ng Isabel hanggang sa marating nila ang area na kinaroroonan ng La Vista Tierra. Nasa highway ang sangang-daan papasok sa area na iyon, which only took two minutes. At ayon sa babae ay private property na iyon ng pamilya ni Mrs. Cooper.
Mula doon hanggang sa Tacloban City ay labinlimang minutong biyahe, at mula roon hanggang sa eksaktong address ng bahay ng mga magulang ni Knight kung saan sila patungo bukas ng umaga ay dalawampung minutong biyahe naman. Alas nueve na ng gabi at dahil madilim sa labas at nakatulog siya sa durasyon ng biyahe ay hindi niya natanaw ang paligid. Maybe tomorrow, she would be able to convince Cerlance to drive around town? Gusto niyang makita kung ano ang itsura ng Tacloban bago sila—
Wait.
What was she thinking?
Naroon siya sa Tacloban para hanapin ang magaling niyang ex! She wasn't there for leisure! She had a mission!
Oh wow... Nawawala na sa isip ko ang main mission.
Napatitig siya kay Cerlance na ngayon ay narating na ang porch.
Dahil ba... sa kaniya?
Para siyang loka na napa-igtad nang biglang lumingon si Cerlance at tinawag siya.
"Hey! Papasok ka ba o papasok ka?"
Napanguso siya at humakbang patungo rito. Anong klaseng options 'yon?
Nang marating niya ang kinaroroonan ng mga ito ay muling nagsalita ang babaeng staff na sandaling nahinto sa harap ng pinto ng bahay. "Siya nga po pala, ako si Astrid. Ako po ang manager ng La Vista Tierra. Kung may kailangan po kayo ay sa akin po kayo magsabi. Pasok na po tayo."
Pinauna siya ni Cerlance na pumasok, at namangha siya sa nakita sa loob.
Tulad ng sa labas ay Western-style din ang design ng interior. Para siyang nasa States, ganoong-ganoon ang itsura at atmosphere ng bahay. There was a huge living area in the middle of the house with a fireplace which was unusual in a Filipino household. Sa ibabaw ng fireplace ay may nakapatong na vase na may magaganda't naglalakihang mga rosas. Carpet din ang naka-sapin sa sahig, at may mga magagandang painting na nakasabit sa mga pader at indoor plants sa paligid.
The house had a homey-feels; para siyang naimbitahan sa mismong bahay ni Mrs. Cooper at hindi sa isang BnB na tinutuluyan ng iba't ibang mga turista.
"Dito po dating nakatira ang pamilya ni Ma'am," paliwanag ni Astrid na tila nababasa ang katanungang gumugulo sa isip niya. "Pero simula po nang mamatay ang asawa niya dalawang taon na ang nakararaan, at simula nang magpakasal ang anak niyang panganay at nanirahan sa Danao, ay ginawa na lang niyang BnB itong bahay. Sumama na siya sa bunso niyang anak sa California at nagbabakasyon na lang dito dalawang beses sa isang taon. Sa susunod na linggo ang balik niya sa States."
"She must have been lonely since her husband died," komento ni Cerlance habang ini-ikot din ang tingin sa paligid.
"Ay, opo. Greatest love niya po si Sir, eh. At dito sa bahay na ito sila bumuo ng pamilya. Kaya nga po open ang lugar na ito para sa mga mag-asawa o magkasintahan na gustong magkasarilinan; ang sabi po kasi'y romantic ang atmosphere nitong bahay. Sa likod po ay may pool at greenhouse na madalas ginagamit kapag gustong mag-propose ng lalaki sa kasintahan niya. Kung gusto niyo po ay doon na kayo maghapunan sa pool side?"
Gusto niyang sabihin sa babae na interesado siya, pero mabilis na nagsalita si Cerlance,
"No, para lang ang lugar na iyon sa mga magkasintahan at mag-asawa. We can just have our dinner at the dining table."
Lihim siyang napa-ismid sa sinabi ni Cerlance, saka bumulong ng, "KJ nito..."
"Kung ganoon ay hali na po kayo sa—" Nahinto si Astrid sa pagsasalita nang may isang binatilyong hangos na lumapit.
Natuon ang pansin nila ni Cerlance sa binatilyo; pawisan at basa ang suot nitong puting sando. Bumati ito ng magandang gabi sa kanila bago hinarap si Astrid. Sandaling nag-usap ang mga ito sa lokal na dayalekto, at nang muli silang harapin ni Astrid ay bahagya itong nakangiwi.
"N-Naku po, Ma'am and Sir, sorry for inconvenience. Mukhang... kailangan ko po kayong ilipat sa ibang silid."
"Why, what's happening?" tanong ni Cerlance.
"Kanina po kasi, habang inihahanda namin ang silid sa pagdating ninyo ay ni-check muna namin kung maayos ang lagay ng lahat kasama na ang daloy ng tubig sa banyo. Napag-alaman namin kaninang may leak sa tubo ng tubig kaya inayos nitong kasama ko, pero mukhang mas malaki po ang problemang kailangang ayusin at aabutin ng bukas. Pasensya na po kayo, iyon po sana ang sunod na pinaka-malaking silid namin dito. May dalawang mag-asawa na pong naka-book sa dalawang private rooms, at ang natira na lang para sa inyo ay ang orihinal na silid at ang dalawang separadong silid na good for one person lang dahil single bed lang ang naroon."
"I see." Binalingan siya ni Cerlance; ang anyo ay seryoso, subalit nasa mga mata ang panunubok. "We'll take separate rooms, then?"
Napasinghap siya.
No way!
"Naku, baka may dumating pang guest, sayang ang kwarto," aniya. "Share na lang tayo sa iisang silid at mag-request na lang tayo ng mattress—syempre doon ka sa matrress at ako ang sa kama." Charot lang 'yon, syempre.
Lalong nagningning ang mga mata ni Cerlance sa pagka-aliw. Ibinalik nito ang tingin kay Astrid na pinaglipat-lipat naman ang tingin sa kanilang dalawa.
"We'll take that one extra room with a single bed and a mattress."
Muling napangiwi si Astrid. "W-Wala po kaming... mattress, Sir. Ang BnB na ito ay pawang mga mag-asawa at magkasintahan ang mga guests, at wala pa pong nagri-request ng mattress, kaya..."
Muli siyang niyuko ni Cerlance.
"Well?"
Nagkibit-balikat siya. "We'll find ways. Book the single room."
*
*
*
PAREHONG NAKATAYO SINA CERLANCE AT SHELLANY sa paanan ng kama na nasa loob ng silid na pinagdalhan sa kanila ni Astrid, parehong nakatingin doon at pinag-iisipan kung papaano silang magkakasya. Saktong single bed iyon at para sa single lang na occupant. Kay Cerlance pa lang ay masikip na iyon.
"I wonder kung papaano tayo kakasya r'yan," ani Cerlance makaraan ang ilang sandali; nakahalukipkip ito at ang tingin ay nakapako pa rin sa kama.
Napangisi siya at sinulyapan ito. "Madali lang 'yan. Para magkasya tayo ay humiga ka na lang sa ibabaw ko."
Napangisi rin ito at niyuko siya. "O ikaw sa ibabaw ko?"
Lumapad ang ngisi niya. "Pwede ring nakatagilid tayong pareho... You know, spooning."
Cerlance shrugged his shoulders and said, "Whichever you're comfortable with."
Napahagikhik siya. "Tumigil ka nga, kinikilig ako."
Napa-iling ito sa huling sinabi niya, at sa pagkagulat niya'y bigla na lang siya nitong pinitik sa noo bago tinalikuran. Humakbang ito patungo sa pintong karugtong ng silid na hula niya'y ang private restroom.
"Hey! What was that supposed to mean?"
"Bawal kang kiligin; put that in your mind."
Napa-singhap siya. "Oy, dahil lang may no-strings-attached agreement tayo doesn't mean hindi na ako pwedeng kiligin, ano!"
"Kinikilig ang tao kung may nararamdaman na sila sa kapwa nila. Stop it while you can, Shellany." Binuksan ni Cerlance ang pinto ng banyo saka doon ay pumasok. Nang maisara nito ang pinto ay napa-ismid siya.
Pfft. I was just joking!
Pero... joke lang nga ba iyon?
Tama si Cerlance. Bakit siya kinikilig?
Habang iyon ang naglalaro sa isip niya'y tila umalingawngaw ang maarteng tinig ng kaibigang si Ivan as kaniyang pandinig:
"No strings attached ka r'yan, eh halos lahat ng alam kong may ganiyang drama ay nahulog din sa isa't isa bandang huli! Kahit sa mga movies and books ay ganiyan ang nangyayari, aba? Imposibleng walang feelings na ma-develop sa pakikipag-plokplokan, Shellany."
Natigilan siya.
She wasn't falling for this man, was she?
TO BE CONTINUED...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro