042 - Loving Son
MUNTIK NA SIYANG BUMUNGHALIT ng tawa nang makita ang discomfort sa mukha ni Cerlance. She knew exactly what was happening to him.
She continued to chew her food and swallowed. Muli siyang sumubo, dahan-dahan, sa nanunuksong paraan, without breaking eye contact with Cerlance. She took a bigger bite this time, and there she saw him take a deep breath and look away.
Muli siyang napangisi saka ngumuya. In fairness sa sausage, lasang five-star. She wondered if she could order some for take-out? She thought this was the best-tasting sausage she ever had all her life.
Itinuloy niya ang pag-nguya habang si Cerlance naman ay kinuha ang baso ng tubig saka uminom. Ang tingin nito'y nasa labas ng salaming pader ng maliit na restaurant, kung saan tanaw ang abalang kalsada ng city proper. Pilit itong umiiwas na titigan siya na lalo niyang ikina-aliw. Sa tingin niya'y ito ang unang pagkakataon na umakto ng ganoon si Cerlance.
Ngingisi-ngising ibinalik niya ang napangalahati na niyang sausage sa plato saka sumubo ng fried rice. Kahit iyon ay masarap din; hindi mamantika. Maraming bawang at hindi gaanong maalat. Hindi tulad sa mga fried rice na nakakain niya sa ibang fast food restaurant.
Ibinaba niya ang tingin sa plato ni Cerlance. Hindi na nito sinubo ang natitirang pagkain sa kutsarang ibinaba nito kanina. He ordered steamed dimsum and a serve of sauteed vegetables; she wondered kung nabubusog na ito sa ganoon? Ito lang yata ang lalaking kilala niya na kaunti kumain; pero ang resistensya at kondisyon ng katawan ay tila yaong mga kargador sa tibay.
Tumaas ang tingin niya sa maskuladong braso nito. Simula kahapon ay hindi na itong muli nagsuot ng long sleeve poloshirt; he started wearing tees exposing his tattooed arms. Simula nang sabihin niyang gusto niya ang mga tattoos nito'y hindi na ito nangiming ipakita ang mga iyon. And somehow... Cerlance looked even hotter. And sexier. And ravishing. Even more delectable now.
Kaya hindi niya masisi ang ilang mga kababaihan na napapalingon at napapatitig dito kahit saan man sila magpunta.
He looked like someone who got out of a male's fashion magazine, or someone from Hollywood. He also looked like an international car racer whenever he sat in the driver's seat and held onto the steering wheel...
Oh, pakiramdam niya'y sumiklab ang paligid nang pumasok sa isip niya ang imahe ni Cerlance na nakaupo sa driver's seat, at may suot na sun glasses, habang ang itim na T-shirt ay naka-rolyo hanggang sa balikat, at ang maugat na kamay ay nakahawak nang mahigpit sa steering wheel.
Damn it, The image in her mind looked so hot!
Pakiramdam niya'y binuhusan siya ng kerosin at sinindihan ng posporo sa init na nararamdaman niya sa mga sandaling iyon.
Cerlance would look hotter if I sat on his lap and ride him in the driver's seat.
Natigilan siya sa naisip kasunod ang panlalaki ng mga mata. That thought came without a warning—bigla na lang sumulpot sa isip niya na kahit siya'y nagulat.
But then... she wondered.
She wondered how it would be if they fu.cked in the driver's seat?
Lalo siyang nag-init. Biglang nanuyo ang kaniyang lalamunan.
Madali niyang kinuha ang baso ng tubig sa tabi ng kaniyang plato saka pinangalahati ang laman niyon. Pagkain ang kaharap niya pero kung anu-anong kamanyakan ang pumasok sa isip niya.
But come to think of it...
That idea wasn't bad at all.
Ibinalik niya ang tingin sa side profile ng kaharap.
I wonder if Cerlance would also... consider it?
Bago pa um-atake ang hiya sa kaniyang katawan ay ibinaba niya ang baso saka dumukwang upang ilapit ang mukha kay Cerlance.
Si Cerlance ay patagilid siyang sinulyapan— salubong ang mga kilay sa kaniyang ginawa.
"Hey," she started. "I have a question."
Ibinaba nito ang baso sa ibabaw ng mesa bago sumagot. "I have a bad feeling about this..."
Napangisi siya. "When we did it in the backseat of the car, hindi ka ba nasikipan doon?"
"Sa tingin mo ba'y naging abala sa akin ang sikip ng backseat para tugunan ang pangangailangan ng katawan mo?"
Lalo siyang napangisi. "No. You were great."
"That's the answer to your question. The space never bothered me, just as long as I could still move my hands and my lower body." He said that statement nonchalantly as if he was just sharing his opinion about the food he ate. Muli nitong kinuha ang baso ng tubig at dinala sa bibig bago ibinalik ang pansin sa labas ng salaming pader.
Muli siyang napangisi. Alam niyang hindi ito komportable sa pagkakalapit ng mga mukha nila.
"Kung ganoon ay walang magiging problema sa'yo kung sa driverseat naman tayo pumwesto mamaya pagkatapos natin dito?"
Napa-ubo si Cerlance nang wala sa oras. Ang tubig na in-inom nito'y muntik na nitong ibuga.
Pabagsak nitong ibinaba ang baso sa mesa saka manghang napatitig sa kaniya.
"Are you really this needy, Shellany Marco?"
"What can I do? I am a young, sexually active woman traveling with a hot, delectable companion."
Hindi ito nakapagsalita. Ang pagkamangha'y hindi na nawala sa anyo nito.
At pigil-pigil niya ang tawa dahil hindi siya sanay na makitang ganoon si Cerlance. Hindi siya sanay na walang naririnig na sagot mula rito. Hindi siya sanay na natutulala lang ito. At hindi siya sanay na makita ang halo-halong emosyon sa anyo nito. There was a mixture of amusement, disbelief, and... excitement?
Aba'y mukhang pagbibigyan ako!
Lalo niyang inilapit ang mukha rito. Kung sa baril pa'y sunud-sunod na niyang ini-kasa ang kaniyang mga bala. Huminto siya ilang pulgada mula sa mukha nito, at nang hindi umiwas si Cerlance ay muli siyang nagsalita.
"I am a hungry woman, Cerlance... Lalo kung nagustuhan ko ang unang patikim. That thing we did in the backseat of the car? That was hella amazing. You were amazing. But you know what I like about you the most?" She leaned over all the more. "It's your generosity. You made me reach my orgasm before you had yours. You made sure that I was satisfied before aiming for your own. And that made me really happy... and hungry for more."
Cerlance's eyes bored into hers; unti-unting nagbabago ang kulay ng mga mata nito na marahil ay dahil sa sinusupil na emosyon. Hindi ito nagsalita. Hindi ito kumilos. It was as if he was waiting for her to make the first move.
Was he waiting for her to kiss him?
Should I kiss him?
Oh, she wanted to. And she was about to cross the distance between them, when suddenly...
"Excuse me... Bag-o ramo gikasal?"
Sabay silang napalingon ni Cerlance at nakita ang may edad na babaeng nakatayo sa gilid ng mesa nila; may ngiti sa mapupulang mga labi at ang mga mata'y nagniningning sa... tuwa.
Ang maiksi nitong buhok ay kinulayan ng blond na sa tingin niya'y upang takpan ang mga namuti nang strands. Ang balat ay maputi at makinis, ang suot na damit ay mukhang mamahalin, isama pa ang mga alahas na suot-suot nito sa tenga at magkabilang mga braso. Sa likod nito ay isang babaeng tila ka-edad lang niya. Naka-suot ito ng light blue medical clothing, at ang buhok ay naka-tight bun. Madaling hulaan na maaaring private nurse ito ng may edad na babae.
"Sweet man gud kaayo mo tan-awon. Nakahinumdom na lang hinoun ko katong batan-on pami sa akong asawa." Ibinaling ng ginang ang tingin kay Cerlance na hindi rin kaagad nakasagot. "You are a handsome man, by the way. And you look like my deceased husband. Which country did you come from?"
Tila ba nakahanap si Cerlance ng pagkakataong makawala sa hipnotismo niya, dahil tuluyang nitong hinarap ang ginang saka masuyong ningitian.
"I was born in Georgia but was raised here in the Philippines, Ma'am. We're traveling to Tacloban to visit some friends."
"Oh." Umaliwalas ang anyo ng ginang sa masuyong tono ng pananalita ni Cerlance. "So you don't actually live here?"
"No, ma'am. We're tourists. We came from Manila and traveled via land."
"That's amazing!" bulalas nito, pinaglipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa. "Land travels are so rare nowadays; people don't have the patience for a long and boring ride."
"It's our preference," sagot ni Cerlance na hindi mapuknat ang ngiti. At habang pinagmamasdan niya ang masuyong paraan ng pakikipag-usap nito sa may edad na babae ay may napagtanto siya.
Cerlance was actually... genuine. She could see how he talked to the old lady with sincerity in his eyes and voice. Na tila ba... magaan ang loob nito sa ginang. As if he was... talking to his mother. Sweet and gentle.
"I actually have a small bed and breakfast house in Tacloban; if you're looking for someplace to stay, you can go there. The house is called La Vista Tierra, it's just along the highway which you can easily find if you're heading to the city."
"That's perfect; we're actually staying for the night."
"Hey," hindi na niya napigilang sumabat sa huling sinabi ni Cerlance. "Hindi ba at nakapag-book na tayo ng hotel?"
Binalingan siya nito. "Bed and breakfast houses are cheaper than hotel rooms; we could just cancel our booking and stay at BnB."
Hindi na siya sumagot pa nang muling nagsalita ang ginang. "Oh, Tagalog pala kayo? Sorry kung kinausap ko kayo ng Bisaya kanina."
Inilipat niya ang tingin dito; ang ngiti ng matanda ay hindi nagmaliw.
"Are you two husband and wife?"
Cerlance turned his attention back to the old lady and was about to answer when she abruptly cut him off. "No, we're just friends."
"Friends?"
"With benefits."
Doon kumunot ang noo ng matanda, habang si Cerlance naman ay marahas siyang nilingon; giving her a warning look which she deliberately just ignored. Ang babaeng kasama ng ginang ay mukhang naintindihan ang ibig niyang sabihin kaya bahagyang humagikhik.
"Friends with benefits?" ulit pa ng matanda na lalong ikina-tawa ng kasama nito. "Geez... I have been living under the rock these past few years I didn't know what it meant."
"It doens't mean anything, Ma'am. It's the same as normal friends," dahilan ni Cerlance bago siya muling tinapunan ng masamang tingin. Matapos iyon ay ibinalik nito ang pansin sa ginang. "We will surely be at your BnB tonight, Ma'am." Tumayo ito at ini-abot ang isang kamay sa ginang. "My name is Cerlance, and this one right here is my friend, Shellany."
Tumaas ang kilay niya nang bigyang-diin ni Cerlance ang salitang 'friend'.
"I am Mrs. Salvacion Cooper, and the lady with me is Danica; my private nurse." Muli itong ngumiti saka tinanggap ang kamay ni Cerlance. "I am staying at my son's house here in Danao City. He owns this Chinese restaurant and I just dropped by to see him. He's busy in the kitchen so he couldn't see me off. I happen to notice the two of you while I was walking to the door; couldn't help but say hello. Didn't mean to intrude; sorry."
"It's okay, Ma'am." Cerlance then released the old lady's hand. "Masaya kaming makakilala ng mga bagong kaibigan habang bumi-biyahe."
Mrs. Salvacion smiled pleasingly. "You have an excellent Tagalog diction. Kung hindi mo pa sinabi kaninang dito ka lumaki sa bansa ay magugulat ako sa Tagalog mo."
Cerlance just gave the old lady a soft smile.
"Well then, maiwan ko na kayo. Tatawagan ko ang staff ng BnB para sabihing darating kayo. I'll make sure to give you the biggest and grandest room."
"Thank you, Ma'am."
Nakangiting sinundan ng tingin ni Cerlance ang ginang hanggang sa makalabas ito ng pinto kasama ang private nurse. Nang mawala na sa tingin nila ang ginang ay muling bumalik sa pagkakaupo si Cerlance saka humarap sa kaniya. Nang makita nito ang salubong niyang mga kilay ay muli itong nagsalita.
"You got a problem?"
"Bakit ang bait mo sa mga estranghero?"
Napangiti ito; at napigil niya ang kaniyang paghinga. Hindi iyon ang tipo ng ngiting ibinigay nito sa ginang kanina. It was different. It was seductive... it was sexy.
"Sa uri ng trabaho ko, kailangan kong makisama at palawakin ang koneksyon sa bawat lugar na mapuntahan ko. Mrs. Cooper is a BnB owner, and her son owns this restaurant. They have connections; kapag dumating ang araw na mapadpad akong muli rito o doon sa Tacloban at sakaling magkaaberya, may tao akong mapupuntahan at malalapitan."
He's got a point, but—
"Pero bago mo pa nalamang may BnB siya at ang anak niya ang may-ari ng restaurant na ito ay masuyo na ang pakikitungo mo sa kaniya."
Nagkibit-balikat ito saka muling kinuha ang baso ng tubig at dinala sa bibig. Ilang sandali pa ay,
"The truth is... she reminded me of my mother."
"Oh." She relaxed a little bit. "Your adoptive mother?"
Tumango ito. "Kung hindi ako nagkakamali ay kaedad lang ni Mrs. Cooper ang ina ko."
Inayos niya ang upo saka nangalumbaba sa mesa. "Are you close with your mom?"
Muli itong tumango. "Ako at ang isa ko pang kapatid, si Lee. We were the momma's boys. I mean, lahat kaming magkakapatid ay malapit sa ina namin, but Lee and I were the closest to her. We slept beside her and our adoptive father till we were twelve years old."
"Do you live with your mom?"
"No, I moved out of the house after college. I live in the city and she lives in the countryside."
"How about your brother Lee? Kasama niya ang mommy ninyo?"
"No. Lahat kaming magkakapatid ay may kani-kaniya nang buhay. Si Lee ang may pinakamalapit na bahay kay Ma, kaya siya ang madalas na umuwi sa ancestral house namin. We always make it a point to visit our mother at least once a month, but I got so busy this year I was not able to see her for seven months."
"That's a pretty long time..."
"I know. But I call her every day. Sa tuwing umaga pag-gising ko ay siya ang una kong kausap. I would also text her throughout the day if I got a chance."
Napangiti siya. "Kaya pala ganoon ka ka-lambing kanina sa ale..." She let out a dreamy sigh. "Siguradong magiging sweet ka rin na asawa at tatay sa magiging anak mo... I can already see it now."
Nawala ang ngiti sa mga labi ni Cerlance, at ang kaninang masuyong anyo ay muling naging blangko. "Iyon ay kung mag-aasawa at mag-aanak ako."
"Why not? Wala ka naman sigurong plano na maging single habang buhay?"
"I'll probably have a steady girlfriend when I turned 50. But that's it; no children for me." Tumayo na ito. "Let's go."
Hindi siya tuminag. Nanatili siyang naka-upo at nakangalumbabang sinundan ito ng tingin. "Why are you in a hurry? Mamayang 3PM pa naman ang alis ng vessel ah? We still have time."
"I know." Ipinatong ni Cerlance ang dalawang kamay sa ibabaw ng mesa at inilapit ang mukha sa mukha niya. "But didn't you want to have se.x in the driver's seat?"
Natigilan siya.
TO BE CONTINUED...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro