Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

035 - Gettin' Jelly





PASADO ALAS OTSO NG UMAGA nang makasampa sa RORO vessel ang sasakyan ni Cerlance. Nasa upper deck sila ng barko at nakatanaw sa dagat nang mga sandaling iyon.

           Pansin ni Shellany na ang ilang mga pasahero ay nakatingin kay Cerlance, lalo ang mga kababaihan na nagkukumpulan sa isang sulok. Si Cerlance ay balewalang nakasandal sa railings at ang buong pansin ay nasa cellphone, habang siya nama'y nakatayo sa tabi nito at pinagmamasdan ang mga babaeng nakatitig dito.

      Nagising siya nang umagang iyon na wala na si Cerlance sa tabi niya. Hindi niya namalayan kung anong oras na siya nakatulog, pero ang huling naaalala niya'y nakayakap siya rito nang hilahin ng antok.

      Pag-gising niya'y wala na si Cerlance. Mabilis siyang naligo at nagbihis saka ibinaba ang mga gamit sa lobby kung saan niya nalaman na nasa parking area na pala si Cerlance at inihahanda ang sasakyan sa mahabang biyahe para sa araw na iyon.

      Nang magkita silang muli nang umagang iyon ay nawala na nang tuluyan ang hiya niya. Kahit ito ay bahagyang may pagbabago ang pakikipag-usap at pakikitungo sa kaniya.

      He was... gentler. Milder.

      Hindi ito tulad ng dating Cerlance na may reservations.

      He was slowly showing his true self to her, which she appreciate and favored.

      Mas gusto niya iyon. Mas madali itong pakisamahan kung ganoon ito.

      Ibinalik niya ang tingin kay Cerlance na abala sa pagta-type ng text message. She wasn't a nosy person, but she couldn't help but look at the mobile screen.

      I'll be back soon. I'll give you a call when I'm back.

      Iyon ang text message na tina-type ni Cerlance. Sinulyapan niya kung para kanino ang mensahe, subalit hindi pangalan ang naka-save sa numero ng recipient kung hindi "three hearts" emoji.

      "One of your girls?" she couldn't help but ask.

      Si Cerlance na sandaling nahinto sa pagta-type ng idudugtong sa mensahe ay napasulyap sa kaniya. May kunot sa noo nito nang magtanong, "What did you say?"

      She pouted and pointed her lips to the mobile screen. "Are you texting one of your girls?"

      Nang rumehistro sa isip ni Cerlance ang ibig niyang sabihin ay napangisi ito at ibinalik ang tingin sa cellphone. Hindi nito sinagot ang tanong niya, at sa halip at nagpatuloy lang ito sa pag-tipa ng mensahe at hinayaan siyang iyon ay basahin.

      Stay safe and don't forget your meds. I miss you and I love you.

      Hindi niya napigilan ang pag-angat ng isang kilay sa sumunod na mga salitang ni-type nito. Parang may kung anong tumama sa kaniya dahilan upang mag-init ang kaniyang ulo.

      So... ganito pala ang totoong Cerlance Zodiac.

      Ganito pala ang paraan ng paglalandi ng mokong na ito?

      May katabi nang babae pero may kausap pang iba sa cellphone!

      Nagpakawala siya nang malalim na paghinga. Ano ba ang ina-alma niya?

      Nagpasiya siyang alisin ang tingin sa cellphone saka nakasimangot na binalingan ang mga kadalagahan na kanina pa nagbubulungan at naghahagikhikan habang nakatitig kay Cerlance. Sa tantiya niya'y nasa labingwalo hanggang dalawampu ang edad ng mga ito, at ang mga damit ay makukulay at naka-ayon sa nauusong fashion. Mukhang may mga itsura, at kung hindi siya mag-iingat ay baka masulot ng mga ito ang isda niya.

      She narrowed her eyes and gave them a warning look.

      Ang isa sa mga ito'y itinutok ang cellphone sa direksyon nila, at kahit hindi niya hulaan ay alam niyang kinukuhanan ng mga ito ng litrato ang anak ni Bathala na nasa tabi niya.

      Hindi niya maintindihan kung bakit lalong parang puputok ang butse niya sa inis.

      Ang kaniyang puso'y tila nagrebelde, kaya dumikit pa siya lalo kay Cerlance upang ipaalam sa mga ito na kasama siya ng binata. Idinikit niya lalo ang braso sa braso ng katabi, at nakita iyon ng apat kaya sandaling nalipat ang tingin ng mga ito sa kaniya.

      Doon siya nag-taas ng isang kilay, saka nilakihan ang mga mata sa pag-asang matakot niya ang mga ito. Subalit mukhang palaban ang apat na mga bruhilda.

      Ang isang sulok ng labi niya'y umangat sa pang-uuyam nang ang isa sa mga ito ay inirapan siya; na tila ba wala itong paki sa presensya niya roon kaya nagpatuloy ito sa pagkuha ng litrato ni Cerlance. Ang iba nama'y pigik na natawa saka nagpatuloy sa paglalaway sa kaniyang kasama.

      Lalo siyang napikon.

      "Stop it," she mouted in the air. Subalit wala na sa kaniya ang pansin ng mga ito kaya hindi nakita ang pagbuka ng kaniyang bibig.

      Oh, these little 'biatches'.

      Cerlance's phone pinged again, which meant that someone had texted him—or replied to his message. Muling nakuha niyon ang pansin niya, at nang makita na ang "three hearts emoji" ang nag-reply ay nadagdagan ang pagka-bwisit niya.


*

*

*

      I love you, too, honey. Can't wait to see you again. I'll cook your favorite when you come to visit me.

      Hindi niya napigilan ang pag-ismid.

      At napalakas yata ang ginawa niyang iyon dahil narinig ni Cerlance at nilingon siyang muli. Lalo itong napangisi nang makita ang paglukot ng mukha niya.

      "Isn't she the sweetest?" anang loko.

      "'Yang ka-text mo? Oo nga, 'eh." Kahit ang pag-ikot ng eyeballs niya paitaas ay hindi rin niya napigilang gawin. "Alam ba ng honey mo na 'yan na may kahalikan ka kagabi?"

      Cerlance's grin turned into a chuckle. "She didn't need to know."

      "Of course," she answered sarcastically. "Dahil kapag nalaman niya ay baka ikaw ang iluto niya pagbisita mo sa kaniya. 'No strings attached' din ba ang usapan ninyo ng babaeng iyan?"

      "Babaeng iyan?" ulit ni Cerlance. Ang ngisi ay nawala sa mga labi. Napailing ito bago ni-close ang screen saka inisuksok pabalik sa backpocket ang cellphone. "Don't address her that way. Masakit sa tenga. Her name is Felicia, and I love her to bits."

      "And here I thought you don't believe in love..."

      "I never said I didn't?"

      Tiningala niya si Cerlance at sinalubong ang abuhing mga mata nito. "If you believe in love, why don't you want to be in a serious relationship?"

      "Because serious relationships are too demanding. Kailangan mong bigyan ng oras ang babaeng karelasyon mo, and that is something I don't have at the moment."

      "You mean oras? Wala kang oras na maibibibgay?"

      "Exactly. Wala akong oras na mailalaan sa seryosong relasyon. Puno lagi ang schedule ko at madalang akong nababakante. I can't be in a serious relationship; not now."

      "Then who is Felicia to you?"

      Hindi kaagad na nakasagot si Cerlance. Nanatili lang itong nakatitig sa kaniya, at siya nama'y matapang na sinalubong ang mga mata nito.

      They stared at each other for a long time she felt like she had lost touch with the world. Tila nawalan siya ng pakiramdam sa paligid, tila siya nawalan ng pakealam sa mga taong kasama nila sa upper deck. Cerlance's grey eyes pierced through her like a laser melting her soul. At hindi niya alam kung ano ang damdaming nakapaloob sa mga mata nito habang nakatitig sa kaniya.

      She blinked and swallowed hard.

      She swallowed and she didn't know why.

      She started to feel so uneasy, but she didn't want to look away either.

      Hanggang sa bigla na lang nagtayuan ang mga balahibo niya sa batok nang bumaba ang mga mata ni Cerlance sa mga labi niya.

      Kung gusto mo akong halikan ay gawin mo na... bulong niya sa isip.

      Ano pa ang hinihintay mo? Pasko?

      Tulad ng ginawa ni Cerlance ay nagbaba din siya ng tingin sa mga labi nito.

      And Lawrd oh, Lawrd! Those lips were delectable. Na-enjoy siya nang sobra sa halik na pinagsaluhan nila kagabi.

      Ang paraan ng paghalik sa kaniya ni Cerlance kagabi ay tila yaong nanghihigop ng kaluluwa. Kaunting dantay lang ay nawawala na siya sa sarili, sa katinuan.

      And while she had those thoughts in her head, she deliberately wet her lips with her tongue, which Cerlance witnessed with his own eyes.

      "Are you trying to tease me now?" he asked.

      "Bakit? Natutukso ka na?"

      "Kagabi pa."

      Hindi niya napigilang ngumiti. Para siyang kinikiliti na hindi niya maipaliwanag.

      Akma niyang ibubuka ang bibig upang sabihin dito na maaari naman silang bumalik sa sasakyan para gawin ang ideyang parehong nasa mga isip nila sa mga sandaling iyon nang biglang tila tumalon ang sinasakyan nilang vessel ship dahilan upang bahagyang lumundag ang mga katawan nila.

     Maagap siyang napakapit kay Cerlance nang bahagyang mawalan ng balanse, habang si Cerlance naman ay awtomatikong bumaba ang isang kamay sa kaniyang likuran. They got closer. Their bodies touched against each other, and the atmosphere changed from teasing to... intimacy.

      Lumakas ang pagtibok ng puso niya. Lalo nang ibalik ni Cerlance ang mga mata sa kaniya.

      "You okay?" he asked in a whisper, and she nodded in response.

      Sa kaniyang likuran ay bahagya na niyang narinig ang paglakas ng bulungan ng mga kababaihan. Iyong grupo na kanina pa nakamasid kay Cerlance.

      Itinaas niya ang isang kamay sa leeg ng binata, saka dahan-dahan iyong ipinulupot doon.

      "Would you dare kiss me in public?" she asked in a seductive tone.

      Matagal bago nakasagot si Cerlance. "I might."

      "Might?"

      "If you begged."

      Diniinan niya ang pagsaliklop ng isang palad sa batok nito, dahilan upang mapa-ungol si Cerlance.

      "God, you are so violent..."

      "Kiss me or I'll choke you."

      At hindi na sumagot pa si Cerlance. Dahil unti-unti niyang ini-giya ang ulo nito pababa sa kaniya. At dahil hindi ito pumalag ay tumingala siya upang salubungin ang mga labi nito.

      And the moment their lips touched, everything else didn't matter anymore. She had—once again—lost touch with the world.

      Like how it was last night.

      Like how she always imagined.

      She closed her eyes in submission and let Cerlance lead the kiss.

      And he did... deliciously so.

      It started soft and gentle. Like a wind gently blowing a lonely flower. Like a wave softly rolling off the shore.

           Halik na nananantiya, bumubwelo. Na parang pinaghahanda siya sa mga susunod pang ganap. Parang warning.

      At kung sa pagkain pa... appetizer bago ang main course.

      You kiss like a pro, Cerlance Zodiac...

      Bahagya siyang napa-ungol nang maramdaman ang paghapit nito sa katawan niya palapit sa katawan nito, at doon ay nag-umpisang lumalim ang halik ni Cerlance.

      Naging mapang-angkin. Naging mas malalim. Naging mas mapang-hanap.

      And she was in for the treat. She opened her mouth and took all of him; allowing his tongue to seek entry and play with hers.

      Wala na siyang pakialam sa mga taong nasa paligid nila. Nalulunod siya sa mga halik ni Cerlance pero wala siyang balak na umahon.

      "How's your burn this morning?" he asked while nibbling her lower lip.

      She opened her eyes and gently pulled her head away to meet his gaze.

      She didn't say anything, but Cerlance seemed to know what her answer would be.

      "I want you," he whispered in the air. "But are you ready for me?"

      Napalunok siya. "Let's go and find out, shall we?"

      Muli itong napangisi saka hinawakan ang kaniyang kamay. "Let's go back to the car."

      Hindi na siya sumagot pa at hinayaan si Cerlance na akayin siya sa hagdan pababa sa lower deck kung saan may daan pabalik sa ibaba pa ng barko kung saan naman naka-parada ang lahat ng mga sasakyan.

      Bago sila tuluyang makababa sa hagdan ay wala sa loob na napalingon siya sa bench kung saan niya huling nakita ang grupo ng mga kababaihang malagkit na nakatitig kanina kay Cerlance. Nang makita ang panlalaki ng mga mata ng mga ito'y napangisi siya. At sinundan niya iyon ng pag-belat.

      "This man is mine," she mouted and waved them goodbye. Mamatay kayo sa inggit!


TO BE CONTINUED...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro