Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

028 - Spark




ANG PAGHAKBANG NI CERLANCE PALAPIT KAY SHELLANY ay nahinto nang may mapansing kakaiba sa dalaga.

        Natuon ang kaniyang tingin sa buhok nitong dati ay nakalugay lang pero ngayon ay unat na unat at maayos na naka-tirintas mula sa tuktok ng ulo hanggang sa dulo ng buhok. At dahil kulot ang buhok nito'y hindi siya sigurado noong una kung gaano kahaba iyon—until she braid it. Umabot iyon hanggang sa dibdib nito.

        "Ang tagal mo. Akala ko'y aamagin na ako rito," reklamo ni Shellany na pumukaw sa kaniya. Nakaharap ito sa maliit na flatscreen TV na nakaharap sa mga kama nila. Hawak ang remote control ay naghahanap ito ng matinong channel. "Buti na lang at may cable channel 'tong TV nila, hindi ako mapipilitang manood ng cooking or porn channel para magpalipas ng oras."

        Napailing siya sa huling sinabi nito. Inituloy niya ang paghakbang patungo sa round table pagkalampas ng pinto ng banyo saka doon ay kaniyang inilapag ang mga dalang paper bags. He brought some take-out food from the nearest Chinese restaurant. Sa loob ng isang malaking paperbag ay ang dalawang egg fried rice na naka-silid sa noodle box, isang serving ng sauteed vegetable na naka-silid naman sa malaki at parihabang box, saka isang medium-sized bucket ng Chinese fried chicken. Habang sa isang paperbag naman naroon ang dalawang litro ng mineral drinking water at isang box ng face tissue.

        "Dumudugo pa rin ba ang ilong mo?" tanong niya rito bago dinukot sa bulsa ang maliit na box ng cream na nabili ng hotel staff na inutusan niya.

        "Kaunti na lang," balewalang sagot ni Shellany na hindi pa rin siya tinatapunan ng tingin. "May dala kang pagkain?"

        "How can you tell?"

        "I could smell them."

        "How can you do it kung may naka-takip na dalawang cotton balls d'yan sa butas ng ilong mo?"

        Shellany turned to him with a fish-eye look on her face. "Never underestimate my ability to smell delicious food. I could sense them even from a mile away. I wasn't called CPG for nothing." She then raised her head proudly.

        His forehead furrowed. "CPG?"

        "Certified Patay Gutom," anito. Ang isang sulok ng labi ay umangat sa patuyang ngiti bago bumaba ang tingin nito sa hawak niya. "Ano 'yan?"

        Ini-itsa niya iyon patungo sa direksyon nito. Si Shellany ay hindi man lang nag-abalang saluhin iyon at hinayaan lang na bumagsak sa ibabaw ng kama, sa harapan nito.

        "Apply that onto your burnt skin. It has a cooling effect that would somehow ease your pain."

        Salubong ang mga kilay na dinampot nito ang maliit na box at sinuri ng tingin. At habang nakabaling ito sa ibang bagay ay malaya niyang napagmasdan ang anyo nito.

        He couldn't help but look at her face. Malaking tulong ang ginawa nitong pag-tirintas sa buhok upang umaliwalas nang kaunti ang mukha nito at malinis tingnan.

        Not that Shellany looked dirty. Far from it.

        She just looked like... a wreck. Malaking sagabal ang kulot nitong buhok na tila laging nakatakip sa kalahating parte ng mukha nito, ang nangingitim na paligid ng mga mata nito at tuyong mga labi noong unang mga araw.

        And now that he could clearly see her face... he couldn't help but look. Kahit noong ini-tali niya ang buhok nito habang naroon sila sa seafood restaurant sa Bacolod, he noticed the big difference in her aura. When he sat down across her at the table after tying her hair, he realized that she looked far different from usual.

        Kaya naman napatitig na lang siya rito noong mga sandaling iyon at hindi na nakakain nang maayos.

        Shellany Marco was actually pretty with her hair up. Maganda ito kapag malinis tingnan ang mukha. She had big, round eyes that were typical of Filipino women, a small nose, and little pouty lips. She also had a nice set of teeth—he noticed them whenever she would grin, smile, or laugh.

        But... Shellany was just another girl out there. Hindi na naiba sa mga babaeng nakilala niya.

        She was a flirt, carefree and liberated. Katulad ng mga dati niyang flings. Pero hindi tulad sa dating mga babaeng naugnay sa kaniya, naiinis siya sa ginagawang panunukso ni Shellany. Naiinis at naiirita siya dahil hindi bagay rito na gawin iyon. Dagdagan pang hindi niya gusto ang paraan nito. She was forcing herself to him which was a big turn-off.

        Not to mention she wasn't his type.

        Kaya kahit ano'ng gawin nito'y hindi siya bibigay sa ginagawa nito.

        Ni hindi niya alam kung bakit nito iyon ginagawa!

        Did she already lose her mind? Nabaliw na ba ito dahil sa ginawa ng dati nitong kasintahan?

        Shellany needed to move on. Sana lang ay mahanap na nito ang closure na kailangan nito para makapagbagong buhay na. Sa itsura nito'y sigurado namang may mahahanap pa itong maayos na lalaki?

        At siyempre, hindi siya iyon.

        He wouldn't dare; he wasn't interested.

        He just found her pretty, but he wasn't really attracted to her. Never.

  Ibang klase na mga babae ang dinadala at dadalhin niya sa kaniyang buhay... o sa kama niya. At hindi kabilang si Shellany sa klase ng mga babaeng iyon.

        He liked matured, practical, and level-headed women. Hindi maingay, hindi makulit. Just one look and they would understand each other's wants and needs. Walang maraming usap, walang maraming drama.

        Ganoon. Ganoon ang mga tipo niya.

        In short... Shellany's opposite.

        Doon siya nagpakawala ng malalim na paghinga saka ibinalik ang pansin sa mga nakapatong na paperbags sa mesa. He took the boxes out one by one, careful not to drop o spill them. Ilang sandali pa'y isa-isa na niyang inilapag ang mga iyon sa mesa.

        "Hey, pwede bang ikaw na lang maglagay ng cream sa na-paso kong balat?"

        Ang akma niyang pagbukas ng takip ng bucket na may lamang Chinese fried chicken ay nahinto nang marinig ang tanong ni Shellany. Nanatili siyang nakatitig sa takip na tila pinag-iisipan kung tama ang narinig o guni-guni lang.

        "Kahit man lang doon ay makabawi ka sa nangyari sa akin..."

         Okay. She really did say that, he thought.

        Habang hawak-hawak ang bucket ay nilingon niya si Shellany na naka-upo pa rin sa ibabaw ng kama at hawak-hawak pa rin sa mga kamay ang cream na pinabili niya. Seryoso ang anyo nito, pero ang mga mata'y tila tutang nagpapaawa.

        Damn this woman, he thought again as he gritted his teeth in irritation. Ano na naman ba ang plano niyang gawin?

       "Alam mo na ang sagot d'yan sa tanong mo, Shellany. It's a no."

        Napa-ismid ito, tulad ng madalas nitong gawin.

        Did she think she look pretty when she smirks...? tuya niya sabay iling.

        "Kapag ako ang mag-a-apply ay baka hindi ko makita ang lahat ng area na may paso. Kung yuyuko ako, baka lalong dumaloy ang dugo mula sa ilong ko. At kaninong kape ba ang nabuhos sa katawan ko?"

        "Sino ba ang may kasalanan kaya nabuhos iyon sa katawan mo?" he countered. Here they go again...

        "Bakit, kaninong paa ba ang nasa preno kanina at siyang may dahilan kung bakit sumadsad itong ilong ko sa handbrake ng kotse?"

        "It's a different case—"

        "Pero iisa ang kriminal."

        Hindi siya kaagad na nakasagot. This woman really likes to fight... he tsked. Kawawa ang magiging mister nito.

        Napailing siya; pilit na huminahon. "Uulitin ko—hindi ko kasalanan ang mga nangyari. Ikaw ang rason kung bakit nagkaganiyan ka. Now, let's not argue because we both know this argument is going nowhere. Come here and eat. Mamaya mo na lagyan ng cream ang paso mo." Binalingan niyang muli ang mga pagkain saka inayo sa mesa. Sunod ay kinuha niya ang isang litro ng mineral water at nilingon si Shellany na naka-ismid pa ring nakatingin sa kaniya.

        "Stop glaring. Kakaganiyan mo, baka maging prominente na iyang simangot mo't hindi ka na makapag-asawa." Itinaas niya ang isang litro ng mineral water. "Catch this."

        Nanlaki ang mga mata ni Shellany nang i-itsa niya patungo sa direksyon nito ang mineral water. Hindi tulad kanina sa cream ay ini-taas nito ang mga kamay upang saluhin ang bote, subalit nagkamali ito ng tantiya. Ang bottled water ay tumama sa panga nito na pareho nilang ikina-singhap.

        Sa loob ng ilang segundo ay pareho silang natigilan. At nang una siyang nakabawi ay hindi niya napigilan ang sariling singhalan pa ito.

        "Ahh, fvck. Bakit ba ang lampa mo!"

        Si Shellany na tumagilid ang mukha ay sinapo ang panga saka siya marahas na nilingon. Ang mga mata nito'y namumula at naniningkit, pigil-pigil ang pag-iyak. Malinaw niyang nakikita sa mukha nito ang ni-indang sakit, at doon ay sinalakay siya ng konsensya.

        Bumagsak ang mga balikat niya. Nagpakawala siya ng buntonghininga.

        Shit.

        "I'm sorry," he whispered. "This time, I admit my fault."

        Matagal siya nitong tinitigan lang; ang anyo ay hindi nagbabago. Ang luha'y tuluyan nang bumagsak sa isang pisngi nito. Hanggang sa galit nitong inalis ang dalawang cotton na naka-siksik sa nostrils nito, marahas na pinahiran ang dumaloy na luha, inis na sinipa ang bote ng tubig na bumagsak sa kandungan nito bago humiga patalikod sa kaniya at nag-talukbong ng kumot.

        Isa pang malalim na paghinga ang pinakawalan niya bago humakbang palapit dito.

        "Shellany," aniya sa banayad na tinig. "Let me see your face—"

        "Leave me alone," anito sa nanginginig na tinig.

        Huminto siya nang nasa paanan na siya ng kama nito. "Don't sleep with an empty stomach. At kailangan mong kumain—"

        "Papaano pa ako kakain kung bugbog sarado na itong pagmumukha kong hayop ka?! Oh!" Sandali itong nahinto saka umiiyak na umungol. "Ang sakit ng ilong ko kapag tumataas ang boses ko..."

        "I'm sorry..." Damn it; he felt really guilty. Naging marahas siya rito, at kahit na hindi niya sinasadya ang lahat ng mga nangyari ay hindi pa rin niya maiwasang makonsensya.

        At kung kanina ay lubos ang pag-tanggi niyang siya ang dahilan kung bakit nagdurusa ito sa kasalukuuyang kondisyon, ngayo'y gusto na niyang akuin ang lahat. Sa ganoong paraan man lang ay makabawi siya rito...

        He had never hurt any women before... at hindi niya sinasadyang saktan si Shellany.

        Everything was... an accident.

        Muli ay napabuntonghininga siya saka naupo sa paanan ng kama. Nilingon niya ito, at sa banayad muling tinig ay...

        "Fine, ako ang maglalagay ng cream sa paso mo. But you have to cover your breasts because I don't want to appear like a pervert. I will also bring your food here in the bed, hindi mo na kailangang bumangon. Just... please eat first. Maraming dugo ang nawala sa'yo, kailangan mong kumain."

        Natahimik ito.

        And he was hoping her silence meant she was thinking about what he said.

        He didn't want this she-devil to treat him like a slave, pero ito lang ang paraang alam niya para makabawi rito.

        Sa araw na ito'y sunud-sunod itong nadisgrasya... she deserved to be pampered.

        Kahit ngayong gabi lang.

        Pero putangina naman... Gah! Naiirita siya sa mga nangyari. Ano ba ang mayroon sa araw na iyon?

        Makalipas ang ilang sandali, nang wala pa rin siyang nakuhang sagot mula kay Shellany ay muli siyang nagpakawala ng malalim na paghinga. Subalit nang mag-akma siyang tatayo upang balikan ang mga pagkaing ipinatong niya sa round table ay biglang nag-alis ng takip na kumot sa ulo si Shellany at binalingan siya.

        He turned to her and stared at her flushed face. Wala nang umaagos na dugo mula sa nostrils nito, salamat si Diyos! Pero ang ilong nito'y namumula at medyo namamaga. Ang paligid ng mga mata nito'y namumula rin na marahil ay dahil sa pag-hikbi, at ang panga nitong tinamaan ng bottled wated ay medyo nag-iba rin ang kulay.

        "Shit," usal niya sa mahinang tinig bago tumayo at lumipat sa gilid ng kama upang masuri nang malapitan ang mukha nito. He sat on the side of the bed and gently touched Shellany's jaw.

        Banayad niyang hinaplos ang bahaging tinamaan ng bottled water kanina.

        "Damn it..." muling mura niya. He really felt sorry he didn't know what to do. "I... I didn't mean it, I'm sorry, Shellany."

        Shellany just stared at him blankly.

        "Does it hurt...?" Shit, he didn't know where this gentleness was coming from. This tone just came out on its own, na kahit siya ay nagulat nang marinig.

        Si Shellany ay tumango na parang bata, kasunod ng pag-labi nito at ng muling pamumuo ng luha sa mga mata.

        "Don't cry now," masuyo niyang suway. Sandali niyang inalis ang tingin sa mukha nito at nilingon ang mini-fridge na katabi lang ng round table. Doon ay ini-itsa niya kanina ang ice pack upang palamigin. It should be cold and ready to re-use now. Muli niyang hinarap si Shellany. "Give me a sec—kukunin ko lang ang ice pack."

        Banayad niyang inalis ang kamay mula sa panga nito saka tumayo at tinungo ang mini fridge. Sa loob niyon ay may tig-da-dalawang klase ng canned soda pero walang tubig. Sa maliit na freezer ay naroon ang gel ice pack na gamit-gamit din kanina ni Shellany pangtapal sa paso nito. The gel ice pack was always in his first aid kit. Madalas siyang mangailangan niyon lalo sa matagalang biyahe. The gel inside the pack was cold enough. He took that out and walked back to Shellany's bed. Muli siyang naupo sa tabi nito, ni-rolyo ang 9x11 inches na ice pack saka banayad iyong ini-dampi sa panga nito.

        Shellany closed her eyes and placed her hand onto the back of his hand that was holding the pack. Her hand was soft and cold—masyado bang malakas ang AC system?

        "You're cold," puna niya.

        "Natural, nakahubad ako, eh," pamimilisopa nito, ang mga mata'y nanatiling nakapikit.

        "But you are covered with two blankets."

        "Well I guess you need to check kung buhay pa ako o malamig nang bangkay sa dami ng injuries na natamo ko ngayong araw." She opened her eyes and gave him another fish-look. "Malay mo, kaluluwa ko na lang itong kausap mo ngayon?"

        Hindi niya napigilang pinong ngumiti. "Don't be silly."

        At sa pag-ngiti niyang iyon ay natigilan si Shellany. Titig na titig ito sa kaniyang mukha, tila nagulat.

        Well... he couldn't blame her. He seldom smiled at her.

        It was hard to smile at someone who did nothing but give him headaches.

        Nahinto siya sa pag-iisip nang maramdaman ang hinlalaki ni Shellany na bahagyang humagod sa likod ng kaniyang palad. Napatitig siya roon at nakita ang masuyong pag-haplos nito sa kaniyang balat.

        He blinked.

        He didn't know why, but something bothered him as Shellany gently rubbed her thumb onto his skin.

        Something... familiar and yet unexplainable.

        Something he used to feel but was somehow different.

        Shit, what was that?

        Nagpakawala siya ng dahan-dahang paghinga, at kung hindi pa niya napigilan ang sarili ay baka naipikit niya ang mga mata.

        He stilled.

        That's when he realized what that feeling was.

        It was... comfort.

        The kind of comfort that he would usually experience with the women he went to bed with.

        A combination of comfort and passion.

        Then, a spark just suddenly ignited within him.

        Shit.

        Napatitig siya kay Shellany na ang mga mata'y mapungay habang nakatitig din sa kaniya.

        He swallowed hard for no fvcking reason at all.

        Son of a fvcking bi.tch— why am I feeling this now?





TO BE CONTINUED...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro