026 - Uncover
UMATRAS SIYA NANG DUMIKIT ANG KANIYANG MGA LABI SA STYRO CUP. Lihim siyang napangisi bago hinawakan ang kamay ni Cerlance na nakahawak doon saka hinila para ilayo; at nang magawa iyon ay muli siyang tumingkayad upang hagkan ito nang ang isang kamay naman ni Cerlance ang humarang sa pagitan ng kanilang mga mukha. His huge hand covered her face like a basketball player grabbing the ball in one hand.
"Your evil plan won't succeed, Shellany," ani Cerlance na bahagyan nang nakabawi sa panggilalas.
Ini-atras niya ang ulo upang ilayo iyon sa malaking palad ni Cerlance. Damn this monster; sa isang palad lang nito'y halos sumakop na sa buo niyang mukha!
At dahil hawak niya ang cup ng kape sa isa pa niyang kamay ay hindi niya maalis ang kamay nitong sagabal sa plano niya. Hinigpitan niya ang pagkakahapit niya sa isa nitong braso upang ibaling doon ang atensyon nito.
And shockingly, it worked. Bumaba roon ang tingin ni Cerlance, kasunod ng pagbawi nito ng kamay mula sa kaniya.
She grinned and gripped his hand all the more. At doon ay sinamantala niya ang pagkakataong nakatingin si Cerlance sa ibaba. Muli siyang tumingkayad at inilapit ang mukha rito. At nang sa tingin niya'y magtatagumpay na siya sa pagkakataong iyon ay ipinikit niya ang mga mata.
And when she thought her lips were about to touch on his, Cerlance's other hand landed on her shoulder, pushing her away.
Nanlaki ang mga mata niya sa lakas ng pagkakatulak nito. At sa pag-aakalang mawawalan siya ng balanse ay hindi sinasadyang nahila niya ang kamay nitong may hawak sa cup ng kape—dahilan upang ang cup ay tumagilid at ang laman ay natapon sa kaniya.
Huli na bago rumehistro sa kaniyang isip ang buong pangyayari.
Tila bumagal ang takbo ng oras, tila tumigil ang pag-inog ng mundo. Nakita niya kung paanong bumuhos ang lamang kape ng styro cup na hawak ni Cerlance sa kaniyang dibdib, kasunod ng pagkarinig niya sa unti-unting pag-hugot nito nang malalim na paghinga. Tulad niya'y kitang-kita rin nito ang sumunod na mga nangyari, at tila ba'y pareho nilang naramdaman ang biglang tila pagtigil ng oras.
Hindi niya magawang tumili dahil tila hindi niya mahanap ang tinig. Ang medyo mainit pang kape ay tuluyan nang bumuhos sa kaniyang katawan—in slow-motion. Ramdam niya ang unti-unting pagkalat ng nakapapasong init sa kaniyang balat. Ramdan niya ang tila asido na bumuhos at kumalat sa apektadong bahagi; mahapdi, mainit, nakalulusaw ng balat.
Tuluyang nabitiwan ni Cerlance ang styro cup, tuluyan na rin siyang napabitiw rito.
At nang tuluyan ding nahulog ang cup sa tinatapakan nila ay doon pa lang bumalik sa normal ang lahat.
Doon na rumehistro sa kaniya ang lahat-lahat—including her burnt skin beneath her shirt!
Malakas siyang napatili— at si Cerlance ay sinapo ang noo saka sunud-sunong na nag-mura.
"ARE YOU SURE YOU DON'T NEED TO SEE A DOCTOR?"
Mula sa pagkakayupyop sa backseat ay bahagyang nagmulat ng mga mata si Shellany nang marinig ang pagbukas ng pinto ng driver's eat kasunod ng tinig ni Cerlance.
Blangko niya itong tinitigan bago muling ipinikit ang mga mata. "No, I'll be fine."
Narinig niya ang pagpapakawala nito ng buntonghininga. "Sigurado ka bang hindi magpapaltos 'yan kung mapapabayaan? Baka kapag hindi nagamot at tuluyang magsugat at magkapeklat ka?"
"I said I'm fine." 'Yong pride ko ang mas masakit, gago! Kung nagpahalik ka na lang sana kanina ay 'hindi sana nangyari ito! 'Tado ka!
Kung bakit kasi pinagpipilitan niya ang sarili rito? Ganito na ba talaga siya ka-gaga pagdating sa mga lalaki?
Naghahabol ng syota at umaasang kahit papaano ay may pag-asa pa...
Tapos ngayon ay lumalandi sa driver para ma-satisfy ang kuryosidad niya't para na rin maaliw siya habang nasa biyahe. What kind of woman had she become? A miserable lunatic?
Tanginang buhay talaga 'to, o.
Mariin niyang ipinikit ang mga mata saka lalo pang ini-baon ang ulo throw pillow na ibinigay ni Cerlance sa kaniya. All this time, he had that pillow sitting on the front seat. Kung hindi pa siya na-paso ay hindi pa nito iaalok 'yon sa kaniya? Gago rin.
May ibinigay din itong ice bag sa kaniya na ini-didiin niya sa dibdib. She badly needed it to ease the burning pain on her skin.
Cerlance explained that he always had the ice bag in his compartment; isa raw iyon sa mga kailangan nito lalo kung nasa mahaba byahe. Ang yelong ini-silid nito roon ay nagmula sa nakapaligid na food stalls sa terminal.
She had also taken off her shirt and bra to allow her skin to breathe. Nilakasan din ni Cerlance ang AC sa loob ng kotse upang kahit papaano ay mabawasan ang init na nararamdaman niya sa kaniyang balat. Nakabalot lang siya ngayon ng makapal na kumot na yaong tulad sa mga mamahaling eroplano na ipinamimigay sa mga pasahero. Ni-provide din iyon ni Cerlance sa kaniya, explaining that he got it from the hotel back in Batangas, noong na-stuck sila roon at natulog ito sa kotse. Sa ilalim na kumot ay malaya niyang dinidiinan ng cold pack ang bahaging napaso ng mainit na kape.
Pulang-pula iyon nang tingnan niya kanina sa public restroon. Lumatay mula sa ibabaw ng kaniyang kaliwang dibdib pababa sa ibabaw ng kaniyang pusod. It wasn't serious, thank God. Hindi sobrang mainit ang kapeng nasa styro ni Cerlance kanina. Pero hindi ibig sabihin ay hindi na masakit. It was still burning like hell. Mahapding klase ng init at ang kaniyang balat na apektado—kahit hindi siya maputi—ay namumula na tila tocino!
"Pagdating natin sa Cebu ay dadaan tayo sa pharmacy para makabili ng cream. That's the least we could do now."
Hindi na siya sumagot pa sa suhestiyon ni Cerlance. Ilang sandali pa ay naramdaman niya ang pagpasok nito at ang pagsara ng pinto ng driver's seat. Sunod niyang naramdaman ay ang pag-usad ng kotse, at doon ay napamulat siya.
"Are we leaving?"
Inayos nito ang rearview mirror at ini-posisyon sa direksyong makikita siya nito habang nakahiga sa backseat. "Yes. Dumating na ang ferry at maya-maya'y mag-uumpisa na silang magkarga ng mga pasahero. Kailangan nating i-pila ang sasakyan ngayon." Ibinalik nito ang pansin sa daan. "Gusto mo bang bumaba sa sasakyan pagka-sampa natin sa ferry?"
"No," she answered quickly before closing her eyes. "I'm staying here in the car. Matutulog na lang siguro ako para kahit papaano ay hindi ko isipin itong paso ko."
"Okay, I won't leave the car, as well."
That's when she opened her eyes again and looked at him in the mirror. "Hindi mo ako kailangang bantayan."
"Hindi kita babantayan, may mga emails lang akong kailangang sagutin at mas madali sa aking gawin iyon kung gagamitin ko ang isa ko pang device."
"Isa pang device?"
"I have an iPad that I use for work. I haven't had a chance to answer some of my emails, and it would be easier for me if I use my tablet instead of my phone."
Hindi na siya nagtanong pa. Inayos niya ang unang hinihigaan at muling ipinatong ang ulo roon saka ipinikit ang mga mata. "You work so hard... wala ka namang asawa," bulong niya saka diniinan pa lalo ang ice pack sa mahapding parte ng balat.
"Well, I have to work hard habang wala pa, hindi ba? Kapag dumating ang araw na makilala ko na ang babaeng pakakasalan ko, hindi ko na gagawin ito. I'll probably just hire people. That way, magkaroon ako ng oras sa asawa ko."
May kung anong kudlit siyang naramdaman nang sabihin nito iyon. Hindi niya maintindihan ang sarili... wala siyang karapatang makaramdam ng ganoon, at alam niyang wala siya sa katayuan. Pero... bakit siya nagseselos sa babaeng hindi pa naman parte ng buhay nito?
Geez... Ano ba siya ni Cerlance Zodiac?
She cleared her throat and turned in the opposite direction. Muli niyang inayos ang kumot na nakatakip sa ibabaw na bahagi ng kaniyang katawan.
"I can't imagine you having a wife..." bulong niya makaraan ang ilang sandali.
"Neither I," agad nitong sagot. "I am not the marrying kind. What I said was just hypothetical."
Hindi niya napigilan ang sariling ngumiti kasunod ng mahinang pagbungisngis. Okay lang iyon; Cerlance wouldn't see her grinning, anyway...
And somehow... ay nawala ang selos na naramdaman niya kanina pag-banggit nito tungkol sa 'future wife' nito.
Gaga talaga siya. Walang karapatan pero nagseselos? Okay lang siya?
Baka kaya siya iniwan ni Knight ay dahil sa pagiging possessive niya!
"Anyway, you can sleep as long as you want. Gigisingin na lang kita kapag nakabili na ako ng cream na ilalagay mo sa napaso mong balat."
She looked over her shoulder. "Gaano ka-tagal bago natin marating ang Cebu?"
"One and a half hours—two hours top."
"Okay..." she whispered. Muli siyang umayos sa pagkakahiga at hinanap ang pinaka-komportableng posisyon para sa kaniya.
Ang lamig na nararamdaman ng balat niya mula sa AC system at sa ice bag ay unti-unting kinakalma ang literal na nag-iinit niyang balat. Hiling niya'y makatulog siya. Napaka-raming nangyari sa araw na iyon at pagod na pagod ang katawang-lupa niya.
Mula sa pag-alis nila sa Guimaras, ang pag-punta nila sa seafood restaurant na iyon, ang pag-aaway na naman nila doon sa resort, ang nakasusumpang zip line, ang pakikipag-usap niya sa mga kaibigan sa telepono, hanggang sa ang muli niyang panunukso niya kay Cerlance na sinundan ng disgrasya.
Tanda na ba ang nangyaring iyon kanina para tigilan niya ang kalokohang ito? Not only the flirting, but also the chasing.
Pero bago pa man naisip ni Shellany ang sagot sa mga tumatakbo sa isip ay tuluyan na itong nauwi sa pag-idlip.
GINISING SI SHELLANY NG HINDI KOMPORTABLENG PAKIRAMDAM. Mainit na malamig—hindi niya maipaliwanag.
Nagmulat siya at natagpuan ang sarili sa loob ng madilim na sasakyan. Ang tanging liwanag na nakikita niya ay ang nagmumula sa mga nadadaanang mga poste at ang ilaw mula sa speedometer at kung anu-ano pang signs sa likod ng steering wheel.
Malalim na ang gabi. Ilang oras siyang nakatulog?
Banayad siyang umungol upang ipaalam sa kasama na gising na siya.
"You okay?" Cerlance asked, eyes still on the road.
"I'm not," she said, groaning.
Now she knew what woke her up. Mahapdi ang balat niyang napaso, at nilalamig ang mga paa niyang hindi nasakop ng kumot na nakabalot pa rin sa kaniyang katawan.
Si Cerlance ay binagalan ang pagpapatakbo, at mula sa nadaraanan nilang mga poste ng ilaw sa gilid ng daan ay nakita niya ang pag-sulyap nito sa rearview mirror. "How are you feeling?"
"Mahapdi pa rin nang kaunti ang paso ko, at nanlalamig naman ang mga paa ko," aniya bago inayos ang pagkakapulupot ng kumot sa hubad niyang dibdib. "And I'm thirsty, too."
"Don't worry, malapit na tayo sa bayan," ani Cerlance na ibinalik ang tingin sa daan.
"Nasaan na tayo ngayon?"
"We are already in Cebu. We docked thirty minutes ago. We left the Toledo port five minutes before you woke up."
Dahan-dahan siyang bumangon at kinapa ang ice bag mula sa kinahigaan. Nang hindi iyon makita ay binuksan niya ang interior light. She found the pack on the floor. Hindi na malamig.
"Do you need more ice?" tanong ni Cerlance na noong sulyapan siyang muli sa rearview mirror ay nakita ang hawak niya.
Tumango siya. "And the cream, too."
"We'll reach the town in five minutes. Doon ay may mga motels na maaari nating pagpahingahan ngayong gabi, at ilang mga bukas pang pharmacies. Kaya mo pa ba?"
"Small thing," she answered, sitting in an Indian style. Hindi pa rin maalis-alis ang hapding nararamdaman niya sa balat kahit hindi niya isipin. It was just making her uncomfortable.
And it got her wondering... Ano na kaya ang itsura ng balat niya ngayon matapos ang ilang oras?
Hindi kaya nagpaltos ang paso niya kaya patuloy na humahapdi?
Napasinghap siya sa naisip.
Ibig ba'ng sabihin ay hindi na siya makakapag-suot ng two-piece bikini, o kompyansang mag-hubad sa harap ni Knight?
Muli siyang napasinghap sabay panlalaki ng mga mata.
"Oh no..."
Sa mga naisip ay wala sa loob na inalis niya ang kumot na tumatakip sa kaniyang hubad na dibdib saka kung paano na lang na ibinagsak ang tuwalya na sa kaniyang kandungan.
Sinuri niya ang dibdib—wala namang paltos?
"Pero bakit mahapdi pa rin..." kausap niya sa sarili habang nakayuko sa hubad na katawan.
Si Cerlance na tutok na tutok ang tingin sa daan ay napasulyap sa rearview mirror, at nang makita nito ang hubad na katawan ni Shellany ay bigla itong napakabig ng gear kasunod ng pagtapak nito sa preno na ikina-talsik ng dalaga sa harapan.
Shellany groaned in pain when her nose hit the handbrake.
Sunud-sunod na nagmura si Cerlance bago dinaluhan ang dalaga.
TO BE CONTINUED...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro