024 - Spy
"MADI-DELAY ANG DATING NG FERRY na sasakyan natin patungong Cebu. Ang sabi ay baka mamayang alas seis pa dadaong, at alas siete na tayo ng gabi makaaalis."
Napatuwid si Shellany sa pagkakaupo nang marinig ang sinabi ni Cerlance. Narating na nila ang San Carlos City port at naka-park ang sasakyan nila sa parking space; sandaling bumaba si Cerlance upang kumuha ng ticket, at nang bumalik ay iyon ang dalang balita sa kaniya.
"If you want to eat, mayroon namang 24/7 ministore sa hindi kalayuan. They sell unhealthy food."
"You wanna feed me unhealthy food?" nakataas-kilay niyang tanong.
"I was just suggesting, hindi ko sinabing gawin mo." Pinatay nito ang makina ng sasakyan bago muling lumabas. "May waiting area doon at kakaunti lang ang mga tao. Pwede ka roong maupo para makalanghap ng sariwang hangin. Let's allow the car to cool down para hindi na muling tumirik."
Walang salitang lumabas siya ng kotse at nag-inat. Sa labas ay kaagad siyang sinalubong ng mabining pang-hapong hangin; ang mga pang-hapong ibong dagat ay umiikot sa ibabaw ng maaliwalas na tubig, at ang mga alon ay banayad na humahampas sa riprap ng port. Hindi kalayuan sa kinaroroonan nila ay may nakikita siyang mga bangka at ilang mga ferry boats na nagkakarga ng mga tao at ilang pribadong mga sasakyan.
"Saan papunta ang mga ferry boats na iyon?"
Sinundan ni Cerlance ng tingin ang tinutukoy niya. "Definitely not to Cebu. Sa ibang isla siguro."
Tumango siya at hinanap ng tingin ang waiting area. Doon sa bandang kaliwa, limampung metro ang layo mula sa parking space, ay ang malaki at covered na waiting area. May mga upuan sa gitna na gawa sa bakal, at sa paligid niyon ay may maliliit na mga food carts na nagbebenta ng kung anu-anong mga palamig, tusok-tusok, pancit, at sabaw.
"Meron palang mga pagkain doon, eh."
"I told you—hindi ako pumapayag na ang kliyente ko ay kakain sa mga ganiyan. I am not being judgemental, pero hindi natin alam kung papaano nila inihahanda ang mga binebenta nila. And don't get me wrong, I respect these people. The problem is, I have also learned from my mistakes. Hindi isang beses na pinayagan kong kumain sa mga ganiyan ang mga kilyente ko, at lahat sila'y sumama ang tiyan. Hence, there were delays in our trips. And I can't have another delay, Shellany, if the same thing would happen to you. Kailangan ko nang bumalik sa Maynila pagkatapos ng booking mo. My schedule is booked for next week."
"Pfft. Dami mong sinabi." Tumalikod siya at naglakad patungo sa waiting area. Hindi na siya nag-abalang magpaalam pa rito.
"Hey, do you want anything? Pupunta ako ngayon sa ministore para bumili ng kape."
Nahinto siya at nilingon ito. "You can also get me a cup of coffee."
"Any specific flavor?"
"Latte."
"Okay." Inisara ni Cerlance ang pinto ng kotse saka akma na sanang tatalikod bitbit ang cellphone at card nang may maalala siya.
"Hey, wait."
Ito naman ang nahinto at bahagya siyang nilingon.
"Can I borrow your phone? I need to... call Ivan."
Hindi ito kaagad na nakasagot—tila pinag-isipan kung ano ang sasabihin ay kung pagbibigyan siya.
Ilang sandali pa'y humakbang ito palapit at inabot sa kaniya ang cellphone. "You have five minutes to call him."
"Can I have 10?"
"I'm charging it to you then."
Umikot lang paitaas ang mga mata niya. Muling kinuha ni Cerlance ang cellphone at ni-type ang password upang buksan bago ibinalik sa kaniya. "Don't go over 10mins or this will be the last time you'll ask me to use my phone."
"Ang strikto mo naman. Naaawa tuloy ako sa magiging anak mong babae sa hinaharap; hindi na makakapag-clubbing dahil d'yan sa pagiging strikto mo."
"Talagang hindi, lalo kung ang tulad lang ng Knight mo ang makikilala niya sa club."
Umawang ang bibig niya sa sagot nito, at bago pa man siya nakaisip ng ibabalik na argumento rito'y tumalikod na ito at naglakad palayo.
Nang makabawi sa pagkamangha ay natawa siya.
"Parang gago lang," natatawa niyang bulong habang sinusundan ito ng tingin patungo sa 11/11 ministore hindi kalayuan.
Nang maalalang limitado lang ang oras niya ay mabilis siyang naglakad patungo sa barandilyang harang ng riprap. Wala masyadong tao roon kaya malaya siyang makipag-tsikahan kay Ivan. She dialled her friend's number and waited for the call to connect.
Unang subok ay out of coverage area. She tried again. Wala na naman.
She contacted Dabby's number instead. Nasa Korea ang kaibigan niya at matagal-tagal na rin silang hindi nakakapag-usap.
Makalipas ang ilang sandali ay narinig niya ang pag-ring sa kabilang linya. Hinintay niya ang pagsagot ni Dabby.
"Hey there, I'm Dabby. How may I help you?"
"Hey, Dabby!" Oh, she was so glad to hear her friend's voice! She had missed her.
"Who... is this?"
"Ano ka ba? It's Shellany!"
"Oh! Hey, you have a new number?"
"No, I'm using my driver's. Kumusta ka na?"
"I'm... okay, I guess? Been real busy."
Gusto niyang magtaka sa kawalang-gana ni Dabby, pero inisip na lang niyang baka pagod ito mula sa trabaho. Kung hindi siya nagkakamali ay alas seis na ng gabi ang oras sa Korea. "So, you have a driver?"
"Yes, and he's a really hot one." She giggled at her own statement. Hindi niya mapigilang sabihin ito sa kaibigan.
"You already found a replacement? Wow, that was fast!"
Nawala ang ngiti sa mga labi niya nang marinig ang sinabi ni Dabby.
No, actually... .hindi ang sinabi nito ang nagpatigil sa kaniya kung hindi ang tonong ginamit nito.
Was that... relief laced in her voice?
Mockery? Sarcasm? What was that?
"Well, it's high time that you move on from Knight, really," dagdag pa ni Dabby makaraan ang ilang sandali. "He isn't worth your tears, darling. Masaya akong may nakilala kang kapalit. Hindi ka na mapupuyat kaiiyak. Pero siguraduhin mong mabuhay ka nang maayos niyang driver na 'yan ha? Gosh..."
Sandali niyang inalis ang cellphone sa tenga at tinitigan ang screen. Hindi siya makapaniwala sa narinig mula kay Dabby. Hindi niya alam na matapobre ang kaibigan?
Ibinalik niya ang phone sa tenga. "Are you okay? You... sound different."
"I'm good, Shellany. Pagod lang ako at handa na sanang magpahinga nang tumawag ka. I have been moody these past few days, ayaw ko nang kausap."
"Oh. W-Well then, I'll end the call na. I'm happy to... speak to you."
"Yeah, me too." Dabby's responded wryly.
"I... missed you, Dabby. Kayo ni Ivan."
Natahimik si Dabby sa kabilang linya. Ilang sandali pa'y narinig niya ang pagbuntonghininga nito. "Take care of yourself, Shellany. See you when I see you. Bye."
Hindi na niya nagawang sagutin ang huling sinabi nito dahil kaagad na tinapos ni Dabby ang tawag.
Matagal siyang napatitig sa screen ng phone; hindi niya maalis sa isip ang tonong ginamit ni Dabby, o 'yong paraan ng pakikipag-usap nito sa kaniya.
It wasn't the Dabby Raul she used to trust all her secrets with. It wasn't the Dabby Raul she loved so much not only as a friend but a sister.
Ano ang nangyari rito? May pinagdadaanan ba ito?
Sa huling naisip ay mabilis niyang ni-dial ang numero ni Ivan. Baka may alam ito sa pinagdadaanan ni Dabby. Hiling lang niya'y kumunekta na ang tawag para makausap na niya ito.
She waited for a couple of seconds more before the call connected and heard the ring.
Nang sumagot ang nasa kabilang linya ay nakahinga siya nang maluwag.
"Hello?"
"Ivana," she voiced.
Malakas na singhap ang pinakawalan ni Ivan sa kabilang linya nang makilala ang boses niya. "Really, Shellany? It took you three days bago ako muling tawagan?"
"Geez... Sorry, maraming nangyari."
"Ugh, tell me about it."
"Well, kung talagang nag-aalala ka sa akin, bakit hindi ikaw ang tumawag imbes na hintaying ako ang mauna?"
"I tried calling the second night, but your driver answered the phone and said you were drunk! Hindi rin nagtagal ang pag-uusap namin dahil ramdam ko ang inis niya. Plus, I was so busy, Jesus! Hindi na ako makatayo sa desk ko!"
"You wanted the promotion, so deal with it."
"Whatever. Well, let's not talk about me. Let's talk about you. Ano'ng nangyari?"
She let out a deep sigh. "Wala si Knight sa Guimaras."
"Okay, that's expected. Let's just hope nasa Tacloban o Tagum siya. Don't lose hope."
"Easier said than done, Ivana. Noong nalaman kong wala siya sa Guimaras ay parang bumagsak ang mundo ko. I was so devastated..."
"Come on! Iyan ang problema sa'yo, eh. You're being too hard on yourself. And you are being pessimistic about this. Kung wala siya sa Gumaras, maaaring nasa Tacloban. Kung wala sa Tacloban ay sa Tagum. Kung wala naman doon, it's not the end of the world. Let's post him on social media—lulutang iyon."
Malungkot siyang napangiti. "Ayaw ko siyang ipahiya..."
"Well, darling, ikaw man ay pinahiya niya sa mahigit dalawangdaang invited guests sa wedding ninyo. You shouldn't feel sorry for him! Gosh, Shellany. Minsan parang gusto talaga kitang sapakin."
Napanguso siya at nilingon ang ministore kung saan niya nakitang nagtungo si Cerlance. Hindi pa rin ito nakalalabas doon.
Ibinalik niya ang tingin sa dagat. "Hey, I just spoke with Dabby before I got hold of you. She seemed off."
"Sinabi mo pa! Ang moody ng bruhang iyon—kahit ang mga magulang ay hindi tinawagan ng ilang linggo. Noong nakaraang araw ay tinawagan ko para sabihing nag-aalala ang pamilya sa kaniya pero sinupladahan ako at sinabing hayaan ko raw muna siya. Buhay pa naman daw siya at humihinga, she just wanted space and serenity lang daw. Kaloka!"
"Tingin mo ba ay may problema siya? This isn't like her..."
"Maaari. Dahil tama ka, hindi naman siya dating ganoon. Kinausap ko na rin ang nanay niya at sinabi ni Tita na hayaan daw muna namin siya. Nagsasabi naman daw iyon ng problema kapag handa na, h'wag daw munang pilitin. Eh 'di don't, di ba?"
"I'm just worried about her..."
"Naku, day. H'wag mong alalahanin iyon. Kahit noong mga bata pa lang kami'y topakin na talaga ang babaeng iyon. Akala ko'y nagbago na siya noong tumapak kami sa high school. Well, anyway. Let's not talk about her. Kwentuhan mo ako ng tungkol sa trip ninyo ng pogi mong driver. Gumaan ba ang pakiramdam mo kahit papaano dahil sa joyride?"
Umikot paitaas ang mga mata niya. "Gah. Kung alam mo lang kung gaano ka-antipatiko ang driver ko. Imbes na gumaan ang pakiramdam ko ay lalo pang bumigat. That man's a brute!"
"Oh, no," ma-dramang tugon ni Ivan sabay ungol.
"But..." She bit her lower lip to supress her giggle, pero hindi niya napigilan ang pag-alpas ng hagikhik mula sa kaniyang lalamunan. "The man is super hot, Ivana! He is gorgeous and his butt is so round and thick; napapaisip ako minsan kung gaano ka-lakas mag-pump ang lokong iyon. At ang mga braso niya... oh lord."
"Shiiittttt!" tili ni Ivan sa kabilang linya. "Define hot, dali!"
"As in burning! Nakasusunog ng kaluluwa!"
"Gaga ka, Shellany! Nanggigil ako sa'yo!"
Natawa siya nang malakas. Nang huminahon na siya doon pa lang niya dinugtungan ang sinabi. "Actually... kahit antipatiko siya ay bumabawi naman ng bait minsan. Kaninang tanghalian ay tinalian niya ako ng buhok. At nitong hapon lang ay may pa-touch na siya sa akin. He's a mystery, Ivana. At hindi ko mapigilang maglaway sa kaniya. I still can't move on from my ex, but this guy. Oh, para siyang virus na unti-unting gumagapang sa sistema mo hanggang sa mamamalayan mo na lang na kumalat na siya sa buong katawan mo, sa lahat ng mga ugat mo, nanuot sa mga buto-buto mo at sa lahat ng body systems mo."
"Hoy, ikaw ha? Are you falling in love with the driver?"
"Of course not!" Hindi niya napigilang muling matawa. "I just find him delectable, that's all. I'm still... in love with Knight. At desidido pa rin akong magkaharap at magkaayos kaming dalawa."
"Pero sayang naman si Driver-Sweet-Lover, gaga."
"Walang masasayang kasi hindi namna niya ako type." Muling rumolyo ang kaniyang mga mata. "Harap-harapan ba naman niyang sabihin sa akin na hindi raw ako sexy at hindi raw ako ang type niya? Oh, such a brute!"
Lalong bumungisngis si Ivan. "Lahat naman ng mga lalaki ay ganoon ang sinasabi sa una. Sinubukan mo bang landiin?"
"Bakla, I did. But the bastard turned me down not only once but several times!"
Doon muling malakas na natawa si Ivan. "At in love ka pa sa ex mo sa lagay na 'yan, ha? Pero gusto ko 'yang ginagawa mo, Shellany. Gaga ka talaga, ini-inggit mo ako! Walang poging chekwa dito sa paligid ko!!"
"Well..." Muli siyang napakagat labi. "I needed a distraction, and he's in the right place, at the right time."
"Using your driver to distract you from thinking about your ex—you are such a vile woman."
She giggled again. "We're not perfect, Ivana. Lahat ng tao ay may itinatagong kulo sa katawan."
"Yeah, and I would guess na ang kumukulo sa'yo ay ang pekpong mo."
"Tamaaaaa!"
Sabay silang nagtawanang dalawa.
Makalipas ang ilang sandali ay unti-unting tumigil si Ivan, at nang huminto na rin siya'y saka ito nagsalita.
"I'm happy na nagagawa mo nang tumawa ngayon, Shell."
"Well..." Humugot siya ng malalim na paghinga. "I have to somehow help myself, 'di ba? I can't sulk forever. Isa pa... totoong nag-e-enjoy akong kasama ang yummy kong driver. Kahit pinapainit niya ang ulo ko'y nag-i-enjoy akong kasama siya. He gives me butterflies..."
Ivan giggled once more. "Hindi ko alam, ha? Pero kinikilig akong marinig kang nagsasabi ng ganiyan tungkol sa ibang lalaki. A few weeks ago you were still into Knight. Ngayong nakakita ka lang ng anak ni Bathala ay nagkaroon ka ng pagbabago.Perro kung saan ka masaya ay susuportahan kita."
Humagikhik siyang muli. "I missed you, Ivana. Can't wait to see you back—marami tayong pag-uusapan."
"Ilista mo lahat ng pag-uusapan natin—at damihan mo ang kwento tungkol kay Mr. Yum-Yum. If you need flirting advise, call me!"
Natawa siyang muli. "Will do, bestie."
"O siya, sige, baka malaki ang ma-charge sa phone niya dahil sa long distance call na ito. Call me when you get a chance, kk?"
"Kk."
Nagpaalam na sila sa isa't isa, at nang maibaba niya ang cellphone ay nakangiti siyang pumihit pabalik sa parking area nang matigilan siya.
Dalawang metro mula sa kinatatayuan niya ay may signage na nakasabit sa posteng bakal, at doon sa posteng bakal na iyon nakasandal si Cerlance habang humihigop ng kape. Sa isang kamay nito ay isa pang large styro cup na sa hula niya'y para sa kaniya.
Diretso itong nakatingin sa kaniya na tila naghihigop.
Ang bilis ng tibok ng puso niya. "H-How long have you been... there?"
"Since that statement about me giving you butterflies."
Kasabay ng malakas na pagsinghap ay ang panlalaki ng kaniyang mga mata
Cerlance gave her a lopsided grin. "Am I supposed to feel glad about that, Miss Marco?"
TO BE CONTINUED...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro