007 - Her F*cked Up Day
"Ano ba, Miss! Ilang oras ka na riyan! Triple-triple ang icha-charge ko sa'yo!"
Shellany looked over her shoulder and stared at the cubicle's door. Ang maliit na barrel bolt na nagsisilbing lock niyon ay halos matanggal na sa lakas ng pagkatok ng babaeng taga-bantay ng public CR mula sa labas. Ramdam niya sa tinig nito ang pagka-irita, at mula sa kinaroroonan niya ay malinaw niyang naririnig ang reklamo ng ilan pang mga nakapilang babae na kailangan na ring gumamit ng banyo.
Pero hindi pa siya makalabas.
Hindi pa niya naisusuka ang mga bituka at atay niya.
Shit; she had been throwing up for almost an hour now! Ito na ang pang-apat na trip niya sa banyo!
Matapos niyang maligo kanina sa public restroom na iyon sa terminal ng mga ferry boat ay bumalik na siya sa pinagparadahan ng sasakyan ni Cerlance Zodiac-- ang transporter niya. But the guy was not there anymore, at nabahala siya. Unang pumasok sa isip niya ay baka umalis na ito at iniwan siya tangay-tangay ang mga maleta niya. Hindi naman siya gaanong nag-alala dahil dala-dala pa rin naman niya ang wallet niya at alam niyang makababalik siya sa Maynila nang walang problema. Pero sa kondisyon niya nang mga sandaling iyon, hindi niya alam kung kaya niyang mag-commute; magpalipat-lipat sa iba't ibang sasakyan, o ma-stock sa traffic pag-balik ng Maynila.
Shit. She had too many dramas in her life.
Nang hindi niya mahanap sa pinag-paradahan nito ang sasakyan ng bruskong transporter niya ay lumingon-lingon siya, nagpa-ikot-ikot sa parking area, hanggang sa makaramdam siya ng pagkahilo at pagbaliktad ng kaniyang sikmura. Nakahanap siya ng flower bed at doon siya nagsuka. Saktong may napadaang guwardiya ay sinita siya. Ang sabi nito'y doon siya sumuka sa banyo kung ayaw niyang pagmultahin siya.
Walang problema sa kaniya ang magmulta, pero ayaw niyang muling sitahin, kaya matapos ang ilang minutong muling pag-iikot upang hanapin ang sasakyan ng antipatikong Zodiac na iyon at nang muli siyang makaramdam ng pagsusuka ay halos takbuhin niya ang direksyon pabalik sa banyo at nilampasan ang pila upang sumuka nang sumuka sa lababo sa loob.
Ang bantay na babae ay pinagalitan siya; barado raw ang lababo. Hayon, hinakot niya ang suka niya mula roon at inilipat sa toilet bowl.
Her day was fu.cked up since then. Ang nakakainis pa'y wala siyang masisi kung hindi ang sarili niya dahil siya rin ang dahilan kung bakit siya nagkakaganoon.
Paglabas niya sa banyo ay nagulat pa siya nang makita si Cerlance Zodiac na nakatayo sa dulo ng pila. Ang mga braso'y magka-krus sa tapat ng dibdib, ang anyo ay nakabusangot.
Inis niya itong nilapitan at akmang sisitahin sa pag-iwan sa kaniya. Subalit inunahan siya nito at sinabihang sandali nitong dinala ang kotse sa talyer upang palinisan dahil umaalingasaw raw ang bahong iniwan niya sa sasakyan nito.
Oh, that jerk.
Gwapo sana, asal gago nga lang.
He asked her if she was hungry, and she said no. Nagkibit-balikat lang ito pagkatapos saka tinalikuran na siya. Ni hindi man lang nito tinanong kung bakit siya namumutla! Wasn't it supposed his responsibility to see how his passenger was doing? She was his client!
But then... she realized it wasn't his fault if she was such a drama queen. Alam niyang may biyahe siya kinabukasan pero lumaklak siya ng isang buong bote ng red wine; putting herself in this sh*thole.
She followed him after turning his back on her, of course. Dumiretso ito sa waiting area ng terminal kung saan may nakahilerang mga upuan na gawa sa bakal. Yaong tulad ng sa boarding area ng airport. The guy was silent for a long time, at nang muli siyang makaramdam ng pagsusuka ay patakbo siyang bumalik sa public restroom. Nang makita siyang muli ng nagbabantay ay kaagad siya nitong pinapasok sa isa sa mga cublicles at hindi na pinapila pa.
She stayed inside for at least ten minutes. Matatalim na tingin mula sa mga nakapilang pasahero ang sumalubong sa kaniya paglabas niya ng cubicle.
At ngayon ay narito na naman siya. Muling nagbabalik sa loob ng banyo upang isuka ang natitirang laman-loob niya. Sa ikatlong pagsusuka niya ay halos wala na rin siyang mailabas, pero pakiramdam ba niya'y kay puno pa rin ng kaniyang sikmura. Kulang na lang ay isuka niya pati ang large intestine niya sa sama ng kaniyang pakiramdam.
Ini-flush na muna niya ang toilet at sinigurong wala siyang naiwang anumang kalat bago binuksan ang lock ng pinto. Sinalubong siya ng seryosong anyo ng babaeng tagabantay. Nakahalukipkip pa ito, ang mga kilay ay magkasalubong.
Nakangiwi niya itong nilampasan saka dumiretso sa lababo upang magmumog. Ilang sandali pa'y muli niya itong hinarap.
"Masama talaga ang pakiramdam ko; sorry about it."
Hindi ito sumagot. Sa halip ay initaas nito ang isang kamay saka inilahad ang palad. "300 pesos ang ibabayad mo ngayon."
Nanlaki ang kaniyang mga mata. "Teka, 5 pesos ang ihi, 10 pesos ang dumi, 20 pesos ang ligo. Walang presyo ang suka pero nagbigay ako ng 50 pesos kanina--"
"Kasasabi ko lang na triple ang babayaran mo, hindi ba? Halos kalahating oras ka na sa loob at ako na ang sumalo ng galit ng ibang mga nakapila."
Napasulyap siya sa mga babaeng nakapila sa pinto. Ang isa sa mga iyon ay pumasok na at dumiretso sa cubicle na pinanggalingan niya. Pero bago nito ini-sara ang pinto niyon ay tinapunan na muna siya ng masamang tingin.
"Ano, magbabayad ka ba o hindi na kita papapasukin dito mamaya?"
Napabuntonghininga siya saka dumukot ng pera sa dalang wallet. Ibinigay niya sa babae ang natitira niyang small bills-- saktong 300. Ngumisi ito at tinalikuran siya. Payuko siyang lumabas upang hindi makita ang masasakit na tinging ipinupukol sa kaniya ng mga nakapila. Nang sa tingin niya'y nakalayo na siya ay saka lang siya nag-angat ng tingin.
Upang matigilan.
Napatingala siya sa langit at doon nakita ang makulimlim na mga ulap.
Kani-kanina lang ay mataas pa ang sikat ng araw...
"Bad news."
Ibinaba niya ang tingin at nakita ang papalapit na si Cerlance Zodiac. Ang anyo nito'y nanatiling blanko, ang mga braso'y nakasuksok sa magkabilang bulsa ng suot na pants.
Ahhh. This jerk would have been even more attractive if he knew how to smile.
Ipilig niya ang ulo upang alisin ang kalokohan sa kaniyang isip.
"Bad news?" ulit niya. May hula na siya kung ano ang masamang balitang isasalubong nito sa kaniya.
"Stranded ang cargo vessel na hinihintay nating dumating mula sa Mindoro. Masama ang panahon ngayon doon at hindi pinahintulutan ang mga bangkang pumalaot."
Lihim siyang napa-ungol. She knew it.
"We have wasted a day here in Batangas, Miss Shellany Marco. And this is all your fault."
Huh. Inusal nga nito ang kaniyang pangalan sa magalang na paraan pero halos isampal naman nito sa kaniya ang sisi. Kasalanan ba niyang sumama ang panahon sa Mindoro?
Gagong 'to...
She opened her mouth to defend herself, but the jack.ass cut her off,
"Kung hindi ka naglasing kagabi at kung dumating ka sa eksaktong oras na pinag-usapan natin ay inabutan sana natin kanina ang naunang vessel at nasa Mindoro na sana tayo ngayon. We wouldn't have wasted a day here in Batangas. You wouldn't have to pay me for an additional day of booking."
"An additional day?"
"Yes. I'll raise another invoice for an extra day. Mag-i-extend ng isang araw ang initial booking mo dahil na stranded tayo rito sa Batangas. Sorry, but this is just part of the business, Miss Marco."
Hindi na siya nagkaroon pa ng pagkakataong sumagot nang tumalikod na ito at muling humakbang pabalik sa waiting area. Kung banggitin nito ang pangalan niya'y tila ba may bahid ng pang-uuyam. Kahit ang 'sorry' nito'y tunog-antipatiko pa rin.
Napanguso siya at nakasimagot na sumunod.
Dapat pala talaga ay nag-eroplano na lang siya. Hindi naman nalalayo ang presyo ng airline ticket sa presyo ng service ng damuhong ito.
Pero wala na siyang magagawa. Narito na siya. She had paid the full amount of the initial booking. She had to stay and keep up with this man if she didn't want her payment to go to waste.
*
*
*
Napangalumbaba si Shellany habang pinagmamasdan ang pagbagsak ng mahinang ulan mula sa madilim na kalangitan. Nasa loob na ito ng kotse ni Cerlance Zodiac at kanina pa nakatunganga sa labas mula sa backseat.
Ayon sa impormasyong ini-radyo ng staff mula sa Mindoro port ay madaling araw pa bi-biyahe patungong Batangas ang susunod na cargo vessel. Ibig sabihin ay isang mahigit labindalawang oras pa silang mananatili roon bago umusad ang biyahe.
Limang oras na ang lumipas simula nang magising ang dalaga, at dalawang oras na ang lumipas nang ibalik ni Cerlance ang kotse nito sa terminal matapos dalhin sa talyer upang malinisan.
Lihim na nagpasalamat si Shellany nang hindi na muling nakaramdam pa ng pagsusuka. She just felt... sleepy. And hungry. And the guy sitting in front of her was busy checking on his phone. He never asked her again if she wanted to eat or if she was feeling okay. Wala ba talaga itong pakealam sa kliyente nito?
Tumuwid ng upo ang dalaga at tinitigan si Cerlance mula sa rearview mirror.
"Hey."
Nag-angat ng tingin si Cerlance at sinalubong ang mga mata niya mula sa salamin. Hindi ito nagsalita; sa halip ay naghintay lang ito na magpatuloy siya.
"Alas cuatro pa lang ng hapon. Kung bukas pa ng madaling araw darating ang cargo vessel na magdadala sa atin sa Mindoro, hindi ba dapat na kumuha muna tayo ng motel para doon magpahinga?"
"No. We can't do that." Muli nitong niyuko ang cellphone. "Nagbabago-bago ang schedule ng cargo vessel. Hindi naman gaanong malakas ang ulan at ang mga alon ay hindi rin malaki. Siguradong hindi aabutin ng madaling araw bago bumiyahe ang cargo vessel patungo rito. Kailangan nating manatili para antabayanan iyon. Otherwise, we will miss that ship."
Well, mabuti at kinausap na siya nito na parang tao. Bagaman seryoso ang anyo nito'y hindi na ito tunog-antipatiko.
"You seem to know a lot," she said, trying to start a conversation. "Matagal mo na bang ginagawa 'to? I mean... maghatid ng pasahero patungo sa malalayong lugar?"
Ang tingin nito'y nanatili sa screen ng cellphone nang sumagot, "Yes. I've been in this industry for eight years now. Hindi ito ang unang travel booking na tinanggap ko."
Tumango siya at muling ibinalik ang tingin sa labas ng bintana. Mula sa kinaroroonan nila ay natatanaw niya ang waiting area ng terminal na sa mga oras na iyon ay napuno na ng mga pasaherong bumaba sa kani-kanilang mga bus. Pila-pila rin ang mga bus na naghihintay sa pagdating ng cargo vessell, at ang ulan ay patuloy pa rin sa pagbagsak.
Muli niyang sinulyapan si Cerlance. "I'm really sorry about this morning; nakakahiyang... sa ganoong kondisyon mo ako dinatnan. And I'm also sorry for the mess I made in your car."
"Your apology is redundant, Miss Marco," anito, hindi pa rin siya tinatapunan ng tingin. "You are paying for every mistake you made, so no need for you to apologize."
Hindi na siya sumagot pa. Baka kung ano pa ang masabi niya. Kailangan niyang tanggapin na ganito ang ugali ng transporter na ni-book niya at wala siyang magagawa para baguhin iyon.
Muli niyang ibinalik ang tingin sa waiting area na sa bawat segundo'y nadaragdagan ng mga taong sumisilong. Ang kaniyang tingin ay naroon subalit ang pansin ay nasa ibang dimensyon. She thought about the incident that took her here; in this place, in this man's car.
Last month, she was happy and excited as she planned for the wedding. She was on cloud nine; she couldn't wait for the day that she and Knight would finally tie the knot. Hindi siya makapaghintay na umuwi sa condo kasama ang lalaking sa loob ng isang taon ay minahal at pinag-alayan niya ng lahat.
Her ex-fiance, Knight, was her everything. Ibinigay niya ang lahat-lahat dito. Ubos na ubos, pati na nga halos ang kaluluwa niya. Kaya naman nang bigla itong tumalikod sa araw ng kasal ay bumagsak ang mundo niya. And she thought she couldn't handle the pain, so she wished to just disappear in the world. Nagpakalunod siya sa alak at hindi kumain ng ilang araw.
She was devastated. She was ready to ruin her life. Pero bago iyon... bago niya tuluyang sirain ang buhay niya, ay kailangan na muna niyang marinig ang paliwanag ni Knight.
He owed her that.
"Alam mo ba kung bakit mas pinili kong mag-hire ng transporter kaysa ang bumiyahe na lang sakay ng eroplano?" tanong niya makaraan ang ilang sandali. She knew he would probably just ignore her, but she needed a listener.
"No, hindi ko alam."
Nagulat siya nang sumagot ito. Akala niya'y hindi siya nito papansinin. Sinulyapan niya ang rearview mirror at doon ay nakita niya nanatili itong nakayuko sa cellphone.
Nagpakawala siya ng bahaw na ngiti saka ibinalik ang tingin sa labas ng bintana. "Gusto kong mag-isip-isip at bigyan ng oras ang sarili kong maging payapa bago kami muling magkaharap ng ex ko. Iyak ako nang iyak habang nasa condo ako dahil sa bawat sulok ng unit na iyon ay nakikita ko siya at naaalala. Hindi na ako lumabas matapos ang pag-iwan niya sa akin sa simbahan dahil nahihiya ako sa mga tao. Mainam sa akin ang trip na ito, kahit mas mahal ang service mo at kahit antipatiko ka kung sumagot-sagot."
Cerlance, with no interest, answered, "Okay."
"Ang sabi nila ay nakaka-relax ang countryside, kaya gusto kong kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko habang pinagmamasdan ang mga tanawing madaanan natin. Kahit man lang sa byaheng ito ay mawala sa isip ko ang syota kong 'yon. I mean... ex-syota."
"Okay."
Muli niyang sinulyapan si Cerlance sa rearview mirror.
"Ikaw? Are you in a relationship right now?"
"I don't talk about my personal affairs, most especially to a client like you." Nag-angat ito ng tingin saka sumilip sa labas ng bintana. Ilang sandali pa'y binuksan nito ang pinto saka siya sinulyapan sa rearview mirror "Stay here, I need to give someone a call."
Nakangusong sinundan niya ng tingin ang lalaki nang lumabas ito bitbit ang payong na kinuha nito mula sa ilalim ng driver's seat. At habang naglalakad ito palayo ay sinuri niya ng tingin ang kabuoan nito.
The guy was tall for a Filipino. Kung tutuusin ay wala itong bahid ng pagiging Pilipino sa anyo nito. He was probably a foreigner who just learned to speak Tagalog. Ang katawan nito ay maskulado na tila ba laging na-tambay sa gym. At kung kumilos ito'y daig pa ang CEO ng kompanyang pinapasukan nila ni Ivan.
Itinuloy niya ang pagsuri sa lalaki habang naglalakad ito palayo, at nang dumapo ang kaniyang tingin sa pang-upo nito'y bigla siyang napalunok.
This driver's butt was giving her goosebumps. Kay umbok niyon na siguradong magpapahiya sa ilang mga male models ng kilalang men's magazine. Kahit siguro ang mga porn actors ay mahihiya sa umbok ng puwitan nito.
Are those real or he's just wearing paddings? hindi niya napigilang itanong sa sarili.
At habang nakatitig siya sa pang-upo ni Cerlance Zodiac ay wala sa loob na napahawak siya sa sariling puwitan.
Doon ay nanulis ang nguso niya.
"Sana all na lang talaga..."
*
*
*
FOLLOW | COMMENT | VOTE | SHARE
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro