
Special Chapter
to my first elyu boy,
a short glimpse of their married life and the magic of ivo and raya's relationship.
a little late but
happy birthday, ivo!
***
Sumisilip na ang araw nang magising ako. Out of habit, I jumped out of bed and immediately went to the kitchen to prepare breakfast. Pero pagkarating ko roon, amoy na amoy ko na kaagad ang bacon at itlog na pini-prito ni Ivo pati na rin ang mainit na kape na nasa lamesa.
"Hi, good morning!" Masigla niyang bati sa akin.
I stared at him. Kahit ilang taon na kaming kasal ay minsan hindi pa rin nagsi-sink-in sa sarili ko na talagang kami na... sa habangbuhay. I will see his face each morning in this kitchen, and I will feel his warmth each night in our bed.
I smiled at him.
"Aga mong nagising, ah?"
He grinned at me. I know he went home late last night. Nakatulog na ako kakahintay sa kaniya. He had an emergency meeting in Manila but still managed to get home. Hindi ko alam kung paanong naunahan pa niya ako magising o baka hindi siya natulog?
"Hindi ka ba natulog?" Siningkitan ko siya ng mga mata.
"Hindi, ah!" Tanggi niya kaagad. "Este, natulog ako! Tinabihan kita kagabi!" Sunod-sunod niyang depensa habang naglalapag ng plato sa lamesa.
Ever since we got married, I tried to wake up earlier than Ivo to prepare our breakfast but he would always beat me to it. Kahit anong aga ng gising ko ay talagang mas nauuna siya. Nakakabawi lang ako kapag sa hapunan o di kaya'y out of town siya at ako lang mag-isa ang naiiwan sa bahay.
"It's your brain, Raya," Lulu teased me. "Your brain is finally relaxing around your husband..."
"Agree. Hindi ka na naka-survival mode palagi dahil nariyan na si Ivo," panggatong naman ni Celeste.
"Wala ka ng mga kapatid na aalahanin pagkagising mo ng umaga dahil si Ivo na ang umaasikaso sa iyo."
My friends are all married. Most of them have children. Pero kahit na ganito ay nagkikita-kita pa rin kami, lalo na iyong mga nakatira pa rin sa La Union. Si Lulu at Celeste lang naman ang nasa malayo. Karlo and Nadia, Avery and Enrique, Yari, and Kei are all still here. Walang nagbago bukod sa may mga anak na silang dala kapag nagkikita-kita kami.
"Hindi ka na ba talaga namin mabubudol ng bata, Raya?" Biro ni Celeste sa akin. Nakakandon sa kaniya si Lottie habang sinusubuan niya ng ice cream ang bata. "Tingnan mo 'tong pamangkin mo, oh! Ang cute-cute!"
Natawa ako sa sinabi ni Celeste. I wanted to pinch Lottie's cheeks, too! Mamula-mula iyon kahit pa hindi pinipisil kaya mas lalong nakakagigil!
"Speaking of, I don't think my pills are working for me." Lulu frowned at her iced coffee.
"Te, baka buntis ka na naman sa sunod na kita natin, ah!" Kantiyaw ni Avery.
"What pills are you taking ba?" Si Nadia.
"Ito, oh!" Nilabas ni Lulu ang kulay pink na box ng pills niya na para bang wala rito si Kei at Karlo sa lamesa. Kael and Ivo are not here because of their work, and Enrique is deployed on some remote mountain again. Ravi is busy with his new project.
"Huwag yan! Grabe ang side effects n'yan sa akin, eh." Komento ni Avery habang nakakunot ang noo at binabasa ang likod ng box. "I'll recommend something else."
"That would really help. Gusto ko munang mag-tatlong taon ang bunso ko bago masundan, 'no!" Reklamo ni Lulu.
I bit my lower lip because I'm using the same pills but I'm too shy to point it out. Siguro ay iti-text ko nalang si Avery mamaya at papalitan din ang pills na ginagamit ko.
Kei and Karlo got up to take more of our orders while the kids played by the shore.
Nang mapunta sa ibang topic ang usapan, nagulat ako sa biglang pagtabi ni Nadia sa akin. She's been with us a couple of times but I still feel so intimidated around her. She smiled at me.
"You don't find kids cute?"
Umiling ako at natawa. "They're cute... but they're not for me."
"Ah, let me guess? Eldest?"
Tumango ako.
"So you've been mothering your siblings your entire life. I think choosing to be childless is brave. You know how wives are shunned these days for choosing not to have a child. Kesyo insulto daw sa mga babaeng hindi magka-anak."
I bit my lower lip, feeling a bit guilty. Iyon din ang naririnig ko mula sa iilang katrabaho at mga kaibigan na hindi masyadong malapit sa amin. Only our circle fully understands why we decided not to have kids, and they've been very understanding about it. Hindi ko naman pini-personal ang mga biro nila kapag sinusubukan nilang mambudol sa mga cute nilang anak.
"I can't have kids."
Napaawang ang bibig ko sa sobrang gulat.
"I can't have kids, Raya. But does that mean I hate you for choosing not to have one? No. In any case, I respect you and your husband for choosing your own happiness kahit na ano pa ang sabihin ng iba."
"Pero... gusto mo? Magka-anak?"
She shrugged. "I guess it wouldn't hurt to have a child, you know? My body is too weak to handle pregnancy. Karlo and I are talking about adopting a child, or doing surrogacy. We're still not sure."
Naglakas-loob akong hagurin ang balikat ni Nadia. She smiled at me.
"Thanks..." she whispered.
Nang makarating ako sa bahay, naghanda kaagad ako sa kusina. Ivo is coming home. Hindi ko alam kung paano niya kinakaya ang ilang oras na biyahe galing Manila pauwing La Union. He's working from home most of the time but he still needs to check on his company every week.
Nagtimpla na din ako ng kape sakaling tuluyan siyang gabihin. I'm determined not to fall asleep this time. Iinitin ko nalang mamaya ang ulam at kanin pagdating niya.
I cleaned the house while drinking my coffee to keep my eyes wide open. Naisipan ko ding tawagan na si Avery tungkol doon sa pills na sinasabi niya.
"Grabe kasi ang side effects n'yan, eh. Blood clots, high blood pressure, tsaka increased risk of stroke. Pero iyong huli, para lang sa mga smoker at 35 years old and above."
"Talaga?" Nanlulumo kong tanong.
"Yep. Isi-send ko ang link ng pills na ginagamit ko noon. Make sure to mention sa OB-gyn mo kapag nagpa-check up ka."
"Sure."
The doorknob twisted. Pinatay ko na ang tawag at hinintay na makapasok si Ivo. Dahan-dahan pa ang pag-bukas niya sa pinto na para bang ayaw niyang maka-disturbo pero agad na sumilay ang ngiti sa mukha niya nang makitang gising pa ako at nakatayo habang naghihintay sa kaniya.
"Gising ka pa pala?"
Inilapag ko ang phone at lumapit sa kaniya. Ivo grabbed my waist to pull me closer to him before giving me a kiss.
"Ang tagal mo," humaba ang nguso ko dahil sa totoo lang, antok na antok na ako.
He chuckled. "Hindi ka na dapat naghintay..."
"Tapos ano? Sa umaga na naman kita makikita?"
"Grabe ka, ginawa mo naman akong manananggal!"
Sinapak ko si Ivo bago tinalikuran para pumunta sa kusina. He was still laughing when he followed me inside.
"Iinitin ko lang 'to."
He nodded. Lumipad ang tingin niya sa cellphone ko nang tumunog ito.
"Ano 'tong link na sinend ni Avery?"
"Sa pills yan," sagot ko sabay on ng stove.
"Magc-change ka?"
"Ah, oo, eh."
"Bakit?" Sumeryoso ang mukha ni Ivo habang nakatingin sa akin.
Kaagad akong umiling. "No reason. Hindi lang ako hiyang sa dating iniinom ko."
"Want to see your OB-gyn? Sasamahan kita," he offered.
I smiled at him. "Huwag na, busy ka pa. Kumusta ang M&A ninyo?"
"Sakit sa ulo..." he sighed and started ranting about his work. Maigi akong nakikinig hanggang sa matapos ako sa ginagawa. Ipinaghain ko si Ivo sa lamesa at naupo sa tapat niya dala-dala ang kape ko.
"Hindi ka ba nalulungkot dito na ikaw lang mag-isa?"
I shook my head. "Hindi naman. Binibisita naman ako ng mga kaibigan natin, 'tsaka uuwi next week sina Selena at Wesley. Dito sila tutuloy, ayos lang ba?"
He nodded. "Pero... kapag wala na sila? Tapos ikaw lang mag-isa dito dahil tagapagmana ng kompanya ang napangasawa mo at siyempre busy-busyhan sa trabaho? Hindi ka... nalulungkot?"
I swallowed and looked at my cup. We had talks about kids before and no matter how we go around it, we always come back to the same conclusion that we will never be ready for them. Ayoko namang magdala ng bata dito sa mundo gayong hindi ako handa... at hindi magiging handa kailanman.
"I'm alone, but not lonely." I smiled at him.
Tumitig si Ivo sa akin nang matagal na para bang tinitimbang ang mga salita ko, bago siya dahan-dahang tumango.
Nagpa-set ako ng appointment sa OB-gyn ko sa sumunod na linggo. Selena was with me, and Wesley, trailing along with us.
"Are you sure you want your son to see Kit?" Nakakunot ang noo ko habang naghihintay kami na tawagin ang pangalan ko. "Tandaan mo, Selena, ilang taon siyang hindi nagparamdam sa inyo mag-ina."
"It's because I'm always cutting him off," she sighed. "Nagpapadala naman siya, Ate. Hindi ko lang ginagalaw dahil kaya ko naman nang buhayin ang anak ko. Nakaipon iyon at baka nga hindi na ako mamroblema sa pangkolehiyo ni Wesley, eh."
Hindi ako nakasagot kaagad. Selena is already dating someone else. Teenager na si Wesley at ngayon niya lang pinagbigyan ang sarili na um-entertain ng ibang lalaki.
"Okay, pero tawagan mo kaagad ako kapag tapos na kayo, ah? O kung may problema..."
"Ate, hindi na ako bata..." she chuckled.
Napanguso ako at napatingin sa kaniya. I think motherhood really transformed her. She's mature, rational, and calmer now. Kitang-kita ko lahat ng mga sakripisyo niya para sa anak.
Nagpaiwan sa labas si Wesley at Selena nang tawagin ako. I spoke to my OB-gyn about the pills and the possible side effects.
"How about a tubal ligation?"
"Tubal ligation?"
"Yup. That way, you don't have to take pills anymore..."
I swallowed. "Permanent po, doc?"
She laughed. "Of course. Pero hindi naman basta-basta. You will undergo counseling before the ligation. May ibang mga doktor na hindi nagpi-perform sa mga katulad mo na bata pa at walang anak pero... wala namang problema sa akin. I support women who don't want to have children by choice."
"Kakausapin ko po muna ang asawa ko tungkol dito."
"Yeah, yeah. Take your time. It needs careful consideration and you have to sign a waiver. But in any case, if you want to have peace of mind from the side effects of pills, I really recommend sterilization."
Iginala ko ang mag-ina sa Maynila bago kami umuwi ng La Union. When Ivo came home, Selena squealed upon seeing him.
"Kuya Ivo!"
Ivo laughed and caught her as she wrapped her arms around him. "Namiss kita!"
"Pasalubong ko?"
"Ang yaman-yaman mo na, naghahanap ka pa rin ng pasalubong?!"
"Matic na yan," he chuckled and saw Wesley. "Tangkad mo na, ah?"
"Good evening po, Tito Ivo."
"Sabi sa'yo, Wes, gwapo ang asawa ng Tita mo, diba?" Selena winked.
Tumawa naman si Ivo. "May bagong favorite na ako, Raya. Pakisabi kay Sonny evicted na siya dahil hindi siya nagpapakita dito."
I laughed. Sonny became a professional basketball player. May sariling fan base at nagt-travel sa kung saan-saan. He's well-known and well-respected in the industry for his skills. Noong una ay tutol pa si Mama na ayaw niyang ipagpatuloy ang pag-aaral para maglaro pero ngayon ay napanatag na ito dahil stable na din naman ang career niya. Ang tanging inaalala lang ni Mama ay mukhang walang balak mag-nobya si Sonny dahil sa sobrang busy nito sa basketball career niya.
Inasar-asar pa ni Ivo si Selena dahil natuto na din itong magluto sa wakas at siya pa ang naghanda ng hapunan para sa amin. Tumutulong si Wesley sa kaniya habang nagkukuwentuhan lang kami ni Ivo sa may kusina.
"Parang noon lang, hindi ka pa marunong magsaing, ah?" Ani Ivo.
Selena laughed. "Inaasa kasi namin lahat kay Ate."
"Oo nga, pasalamat kayo mabait ang ate niyo..."
Tumaas ang kilay ko. "At kung hindi?"
"Ikaw pa rin ang pipiliin ko."
"Ang corny, kuya!" Tawang-tawa si Selena habang namumula naman ang buong mukha ko. Bakit bigla-biglang bumabanat ang isang 'to?
"Yiee! Kinikilig ka, 'no?" Pang-aasar pa niya sa akin.
"Shut up!"
"Hidden talent ko talaga ang magpakilig ng asawa!"
Pagkatapos kumain ay tumayo kaagad ako para iligpit ang mga plato. Sumunod naman si Ivo sa akin at marahang kinuha ang hawak kong plato.
"Ako na dito, kaya ko na 'to..."
"I know, I just want to do it for you."
Napatingin ako sa kaniya para hanapin ang kung anong bakas ng pagbibiro pero seryoso ang mukha nito habang nakatingin sa akin. Unti-unti kong binitawan ang plato habang pinipigilang ngumiti.
"Fine."
He grinned and started washing the dishes. Bumalik naman ako sa lamesa para ipagpatuloy ang kwentuhan namin ni Selena.
Pagkatapos ng hapunan ay umakyat na din ang mag-ina sa guest room para makapagpahinga. Ivo and I are still lounging on the patio, watching the soft waves crashing into the shore. Pareho kaming hindi makatulog kaya naisipan nalang naming tumambay dito sa labas.
"Kumusta nga pala ang check-up mo?"
"My OB-gyn recommended tubal ligation if I want to stop taking pills."
Kumunot ang noo ni Ivo. "Bakit? Ano bang meron sa pills mo?"
"Avery warned me about the possible side effects..."
"Tulad ng?"
"Uhm... blood clot, stroke—"
"Raya!" Napatayo si Ivo. "Bakit hindi mo kaagad sinabi sa akin?!"
"Possible lang naman, Ivo. Blood clot is rare and stroke is only for women 35 years old and above."
Mas lalong kumunot ang noo niya. "Eh yung sabi ni doc? Bakit tubal ligation agad? Wala bang sterilization para sa lalaki?"
"Meron namang vasectomy..."
"Oh, eh di magpapa-vasectomy ako!" Kaagad niyang sinabi.
I gasped. "Ivo!"
"Bakit kapag ganito, babae kaagad ang kailangang mag-undergo ng procedure? You don't have to do anything. I'm your husband, remember? I should be the one making sacrifices, not you. Ilang taon ka nang nagpi-pills? Tapos nagkakaroon ka pa buwan-buwan! Akala mo ba hindi ko napapansin na hindi normal ang dysmenorrhea mo? Hinihimatay ka na sa sakit, Raya!"
Hindi ako nakasagot. Ivo is rarely mad and serious, so sometimes I don't know what to do with him when he is frustrated.
"I'm just not sure that you'd want to do the vasectomy..." I admitted in a small voice.
Ivo crouched in front of me. He's a bit calmer now, as he searched for my eyes. He gently cupped my cheek and pressed a small kiss on my lips.
"Tell me why I wouldn't want to do something that will put my wife off misery?" He whispered. "Gagawin ko ang lahat para sa'yo, Raya... lalo na ngayong asawa na kita."
I smiled at him through my tears.
"Vasectomy is nothing compared to what you went through and what you're going through right now. Please, I'm your husband. If there's something I can do to ease the pain, then tell me. This is marriage, Raya. You are not and will never be alone in facing our problems together."
"Pero Ivo..." I choked. "Hinding-hindi na tayo magkaka-anak kapag nagpa-vasectomy ka. Hindi mo ba... pagsisisihan?"
"Wala akong pagsisisihan." Desidido niyang wika. "Simula nang mahalin kita, wala akong pinagsisihan, Raya."
Inabot ko ang balikat niya at ihinilig ang ulo.
"Ang swerte ko sa'yo..." I whispered.
He chuckled. "Mas maswerte ako sa'yo, Miss Ma'am."
Natawa ako nang iangat ang ulo. Ivo cupped both of my cheeks and kissed me, only this time, deeper and more private as we indulged in ourselves.
I don't even have to say it out loud because I know he felt it in my kisses, and I felt it in his touch. We have known each other for so long that no words are even needed to convey what we feel at the moment.
So, this is marriage...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro