Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 7

"Ay, wala, nagkakagustuhan na! Pangit niyong ka-bonding!" bumuntong-hininga pa nang malakas si Avery habang ako naman ay halos hindi na makagalaw.

"Parang kang ewan, Avery. Crush lang naman," kaswal na sabi ni Ivo.

"Oo nga. Kung lalaki ako, magkaka-crush din ako kay Raya," dugtong naman ni Celeste, tumatango-tango. "Ibang usapan na kapag 'gusto' na, diba, Lulu?"

Tumango din si Lulu, nakiki-ayon. "Happy crush lang siguro. Tsaka, maganda si Raya. Marunong magluto. Matalino at mabait. Normal lang na magka-crush sa kaniya..."

Parang gusto ko nalang maglaho sa mundo sa sobrang kahihiyan. Paano sila nakakapag-usap nang ganyan?! Pulang-pula na ang mukha ko sa sobrang kaba. I'm always the girl who doesn't know how to gracefully receive compliments, so now I just want to disappear. Nakatingin silang lahat sa akin.

"Ah, oo nga pala, may quiz kami sa Philippine History ngayon. Una na ako, ah?" paalam naman ni Lulu at nagsimula nang ligpitin ang mga gamit.

Buti naman at hindi na nila iyon napag-usapan o nabanggit man lang sa sumunod na mga linggong magkasama kami. Ganun pa rin naman ang turing ni Ivo sa akin at walang nagbago. Ako lang ata itong nagbibigay ng malisya kaya naman nahihiya din ako sa sarili ko. Pakiramdam ko, ang mature na nila at napag-uusapan nila ang mga bagay na iyon na hindi man lang nahihiya samantalang ako, hindi pa rin alam ang gagawin.

"Ivo, iyong cooler, buhatin mo!" sigaw ni Lulu kay Ivo habang binibilang ang softdrinks doon sa case.

Pagkatapos na pagkatapos ng first quarter exams namin ay naligo kami ng dagat. Marami sa mga kaklase ko ang sumabay. Sina Avery ay may lakad kaya naman hindi siya sumama sa akin. Si Lulu naman, dahil sikat siya at maraming kaibigan, madali lang sa kaniyang makipaghalubilo sa mga kaklase namin. Sumama din sina Karylle at Karlo sa amin.

Narito kami ngayon sa bahay nila Ivo dahil iyon naman ang pinakamalapit sa dagat. Nauna kaming mga babae na nagpunta sa bahay nila kaninang umaga para magluto ng uulamin namin mamaya tapos iyong mga lalaki ko namang kaklase, sila ang bumili ng softdrinks at mga chichirya doon sa palengke.

"Hindi ko alam kung pasado ba ako, pero magce-celebrate pa rin ako! Woo!" masayang sigaw ni Cel habang naglalakad kami patungo sa entrance.

Natawa lang ako. Mahirap para sa akin lalo na nung nag-aaya sila na mag-study sa library. Hindi ako makapunta dahil kailangan ko pang asikasuhin si Selena at gumalaw sa bahay. Ang tanging oras ko lang na makapag-aral ay pagkatapos ng hapunan at habang naghihintay ako kay Papa na dumating sa madaling araw.

"May dala kang swimsuit, Raya?" tanong ni Lulu sa akin.

Umiling kaagad ako. Hindi naman ako nagsusuot nun. In fact, I can't imagine myself wearing one. Puro shorts lang atsaka tank top ang sinusuot ko kapag naliligo kami ng dagat. Isa pa, kasama ko din ang mga kaklase ko kaya nakakahiya.

"Ako may dala ako! Patingin ng sa iyo!" excited naman na wika ni Celeste.

"Ikaw, Yari?"

"Meron ako pero di ko feel magsuot. Kasama ko kambal ko, eh." Yari shrugged.

Nag-renta kami ng kubong cottage para sa day tour at dun namin inilagay lahat ng gamit at pagkain na dinala namin. Yung mga kaklase kong lalaki, atat na atat maligo at pagkalagay ng gamit, tumakbo kaagad sa dagat. Yung ibang babae naman, nagpahinga muna at yung iba, nagpunta na sa C.R. para magbihis.

Dumako ang tingin ko kay Ivo. Nakatayo siya at naglilinis ng surf board niya. Ipinatong niya iyon sa kahoy na lamesa at seryoso sa ginagawa. Hindi ko alam kung anong tawag dun sa inilalagay niya pero pinupunasan niya agad para matanggal iyong mga marka. Naalis lang ang tingin ko sa kaniya nang maramdaman ko ang paghila ni Cel sa akin.

"Tara, Raya, bihis na tayo..."

Sumunod ako sa kanilang dalawa ni Lulu doon sa C.R. Iyong hibiscus swimming shorts na suot ko ang gagawin kong pangligo. Hinubad ko lang ang t-shirt ko at nagpalit ng tank top kaya mabilis akong natapos. Naghintay ako sandali sa kanila sa labas ng C.R.

"Okay lang ba?"

Lumingon ako at nakita si Lulu na naka-one piece swimsuit. Kulay puti iyon at bumagay talaga sa balat niya. Pati ang style ay bagay rin sa hugis ng katawan niya.

Someone whistled. It was Celeste who stepped out from another cubicle wearing a bandeau swimsuit and high-waisted bottom. Kulay pink naman iyong sa kaniya.

"Sexy mo!"

"Hindi, mas sexy ka!"

Tahimik lang ako sa tabi habang nagpupurihan silang dalawa. Kung hindi sana ako lumaking mahiyain, magagawa ko din iyon. Pinupuri ko lang sila sa utak ko pero hindi ko naman masabi kasi nahihiya ako. I don't think I have the right words to say what I really feel. Iyon siguro ang dahilan kung bakit sa simula ng school year, lahat ng tao, akala ay snob ako.

"Sana sa susunod, mag-swimsuit din si Raya!" pagpaparinig naman sa akin ni Celeste habang naglalakad kami pabalik.

Nang makabalik kami sa cottage, pinagkaguluhan ang dalawa kasi nga sila lang naman ang naka-swimsuit sa amin. Ang iba ay nanghinayang pa dahil hindi nila dinala ang sa kanila. Naupo lang ako doon sa gilid at pinagmasdan ang mga alon. Pabalik-balik itong humahalik sa buhangin at tila hindi napapagod.

Somewhere between the waves, I caught a silhouette of someone riding the surf. Napatayo kaagad ako sa gulat at napagtantong si Ivo iyon! Mas lumapit ako sa buhanginan para makita siya pero masyado pa rin siyang malayo. May mga kaklase akong babae na nagpi-picture sa kaniya at kinikilig.

"Ang hot niyang tingnan, grabe! Tingnan mo,"

Sumilip ako nang hindi sinasadya dun sa mga kuha niyang litrato kaya napatingin silang dalawa sa akin.

"Gusto mong tingnan, Raya?" nakangisi niyang tanong.

Umiling kaagad ako.

"Sus! Nahiya ka pa. Swerte mo, ang gwapo ng may crush sa iyo!"

Namula lang ang pisngi ko at nahiya kaya agad akong tumalikod. Mabilis na kumalat sa room namin iyong sinabi ni Ivo nung lunch. Kaya ngayon, inaasar-asar na kami sa isa't isa. Sinasakyan naman iyon ni Ivo pero tumatawa lang din sa huli. Ako naman, hindi alam ang gagawin o kung paano aakto sa tuwing nariyan siya.

Bakit normal lang sa kaniya ito? Bakit hindi siya kinakabahan tulad ko?

Gusto ko siyang sisihin sa mga nararamdaman ko ngayon. Hindi ko 'to iniisip noon pero ngayon ay naguguluhan na ako! May crush din ba ako sa kaniya? May obligasyon ba ako sa taong may crush sa akin? Anong gagawin ko ngayon?

"Raya..."

Napalingon ako kay Lulu na nakangiti na sa akin at may hawak na buko juice. Hindi ko alam kung saan niya iyan nabili pero gusto ko rin. Magtatanong sana ako pero bigla niyang tinuro si Ivo.

"Huwag mong masyadong seryosuhin ang lalaking iyan,"

"Huh?"

Lulu shrugged. "Baka kasi iniisip mo yung sinabi niya sa iyo noon... yung crush?"

Tumango ako. Totoo naman.

"Baliw yang si Ivo. Ang dami niya ring crush noong elementary kami pero wala ding nangyari. Nag-aalala lang ako baka kung anu-ano na ang iniisip mo. Ayokong mag-alala ka sa mga bagay na wala namang saysay."

Para akong nabunutan ng tinik sa sinabi ni Lulu. Kung gayon, gagayahin ko nalang ang ginagawa niya. Aakto ako na normal na iyon kasi... totoo naman talaga. Atsaka, tama din iyong sinabi ni Cel na ibang usapan na kapag sinabi niyang gusto niya ako. Crush lang naman... walang kwenta yan.

Tumulong nalang ako sa paghahanda ng pagkain dahil may ibang nagugutom na. Tinawag namin iyong mga lalaki para sabay-sabay na kaming kumain lahat. Si Ivo naman, sumunod din sa amin.

I was still holding a plate when I saw him emerge from the water, his hair dripping wet with a surf board on his other hand. Itinusok niya iyon sa buhangin saka tumakbo patungo sa cottage. Kaagad akong nag-iwas ng tingin bago pa magtama ang mga mata namin.

"Ivo, turuan mo naman kaming mag-surf! Ang cool tingnan!" ani Trisha, isa sa mga kaklase ko.

"Oo nga, Ivo! Mahirap ba yun? Hindi ako marunong lumangoy, eh, pwede pa rin ba akong mag-surf?" si Yari naman.

Tumawa si Ivo at isinuklay ang kamay sa basang buhok. Kumuha din siya ng plato saka pa sila sinagot.

"Mas mabuti kung marunong kang lumangoy kung gusto mong matutong mag-surf. First step iyon..." paliwanag niya naman.

Hindi na ako nakinig sa kanila at inabala nalang ang sarili sa pagsi-serve sa mga kaklase ko. Ako kasi halos ang nagluto ng mga ulam rito. Pinaghahain ko ng kanin iyong isa kong kaklase na lalaki pero biglang sinampal ni Lulu ang kamay ko.

"Kanina ka pa. kumain ka muna. Hindi ka naman namin maid," Sinamaan niya ng tingin si Migs at kinuha ang plato na hawak ko sabay bigay sa kaniya. "Ikaw naman, ginagawa mong nanay si Raya. Kumuha ka ng kanin mag-isa mo!"

"Ang highblood ni Lulu, grabe," bulong pa niya pero nag-sorry naman siya sa akin at siya nalang ang kumuha ng kanin niya.

Si Lulu, binigyan ako ng sarili kong plato at pina-kain na. Talagang nasanay na ako sa pag-aalaga ng mga kapatid ko kaya ko siguro ginawa iyon. I was unconsciously doing it—taking care of others even when I'm not with my family.

Pagkatapos naming kumain, kinaladkad ako nina Lulu, Cel, at Yari doon sa buhanginan dahil magpi-picture daw kami. Iyong mga lalaking nauna maligo kanina, kasama na si Ivo at Karlo, sila ang maghuhugas ng pinggan at magliligpit. Mukhang nabasa ata ni Lulu ang nasa isip ko kanina na ako ang maglilinis kaya inalis niya kaagad ako dun sa cottage.

"Tingin ka sa malayo!" Lulu instructed Cel. Siya ang may hawak ng phone niya ngayon. "Boobs out, Cel!"

"Huwag kang lilingon ah, stolen 'to!" Ani Yari. Sobrang dedicated ng dalawa sa pagpi-picture na akala mo may photoshoot talaga sila dito.

Tumawa si Celeste pero sinunod naman iyong pinapagawa ni Lulu at Yari. Lumuhod pa siya sa buhanginan at talagang nag-pose. Dumaan ang hangin kaya lumipad ang buhok niya sa likod, nakatingin sa dagat at ang isang kamay ay nasa leeg. Napicture-an iyon lahat ni Lulu. Tumili silang tatlo habang tinitingnan iyong mga picture.

"I-profile mo ito, ha? Ang laki ng boobs mo tingnan dito," ani Lulu habang tinuturo iyong picture niya.

"Baliw ka ba? Baka habulin ako ng rosaryo ni sister saka ipa-expel!" tumawa naman si Celeste at binalingan ako. "Raya, picture tayo!"

Nahihiya akong lumapit sa kanila. Pinagitna nila ako at inakbayan.

"Lulu, ikaw humawak ng phone. Lumalaki tingnan yung mukha ko kapag ako ang may hawak," reklamo ni Celeste.

Tumawa lang si Lulu at itinaas iyong phone. Naka-peace sign si Celeste sa likod at si Lulu naman ay nakataas ang kamay habang si Yari ay nakamgiti lang. Nakangiti lang din ako doon at nakatayo na parang estatwa habang paiba-iba sila ng pose. Hindi ata sila matatapos at nangangawit na ang panga ko kakangiti.

"Sali ako!"

Nagulat ako nang biglang lumitaw si Ivo sa likuran kaya napatingin tuloy ako sa kaniya. Nagtama saglit ang mga mata namin pero agad ko iyong binawi at tumingin sa camera. Tumawa naman si Lulu at kumuha pa ng iilang litrato bago nagsawa at ibinigay kay Ivo ang phone.

"Picture-an mo ko!"

"Saan?"

"Dun tayo sa may puno ng niyog! Para maganda ang view!" kinaladkad ni Lulu si Ivo patungo roon habang naiwan naman kaming tatlo ni Celeste at Yari.

"Teka, CR lang ako..." paalam ni Yari ay umalis na.

Nang balingan ko si Celeste, nagsusuot na siya ng earphones at nakaupo dun sa buhangin. May dinala kasi siyang scarf at iyon ang ginawa niyang upuan. Tinapik niya iyong pwesto sa tabi niya.

"Dito ka, Raya..."

Sumunod naman ako. Ipinakita sa akin ni Celeste iyong pinakikinggan niya.

"Underrated pa siya ngayon pero grabe! Alam kong sisikat 'to! Gusto mong makinig?"

Tumango ako at ibinigay niya sa akin ang isang earphones niya para iparinig iyong kanta. First time ko iyong marinig pero nagustuhan ko agad. Tama nga siya... kung hindi pa siya sikat ngayon, siguradong magiging kaniya ang spotlight pagdating ng araw. Maganda ang boses niya at kapag pinakinggan mo nang maigi ang kanta, ang ganda rin ng pagkakasulat ng lyrics.

"Hindi naman ako nagfa-fangirl pero mukhang ito na ata ang sign!" kinikilig pa si Celeste nung kinanta na niya ang bridge.

I closed my eyes and enjoyed the moment. This would be one of my core memories. Wala akong ganitong experience noong elementary pa lang ako. Wala akong kaibigan, puro mga kakilala lang. Sinubukan ko namang mag-reach out sa ibang tao pero nung magsimulang kumalat ang tsismis na snob ako at sila na mismo ang umiwas sa akin, sumuko na din ako.

But one day in my boring high school life, Luanne found me. And from then, she introduced me to a whole new world with a bunch of friends by my side... including Celeste.

Bumalik na sina Lulu at Ivo mula sa pictorial nila dun sa puno ng niyog at excited na ipinakita sa akin ni Lulu ang mga litrato. Magaling palang kumuha ng litrato si Ivo. Maganda naman si Lulu pero mas lalo ata siyang gumanda rito sa mga kuha niya.

"Sayang, hindi 'to pwedeng i-profile pic! Sa dump account ko nalang," tumawa siya habang nags-swipe.

"Hindi ka pa maliligo, Raya?"

Napatingin ako kay Ivo nang bigla niya akong kausapin. Katabi niya si Lulu pero inatras niya ang kalahating katawan para matanaw ako sa likod. Gayun din ang ginawa ko.

"Ang init pa..." reklamo ko.

He laughed. "Takot ka sa araw?"

Ngumuso ako at sinulyapan iyong mga braso ko. Panigurado sun-burn na naman ito. Umayos nalang ako nang upo at niyakap ang mga tuhod ko. Nagkuwentuhan lang kaming apat. Mayamaya ay natulog si Ivo sa tabi ni Lulu. Itinakip niya iyong braso niya sa mga mata at itinupi ang isang tuhod. Sumunod naman ang kambal sa amin at tumabi din.

"Ang init, grabe!" Reklamo ni Yari.

"Ang hot ko kasi, pasensiya na sa abala..." ngumisi si Karlo saka siya pinagsasapak ng kambal niya.

Habang nagkukuwentuhan kami, hindi ko maiwasang mapatingin sa kaniya. His skin looked gloss-soft from soaking in the ocean water. Kahit katawan niya ay umaayon sa passion niya. Bigla akong nakaramdam ng inggit.

"Tara na, Raya, hindi na mainit! Ligo na tayo!" aya naman ni Cel.

Tumayo kaming lima at si Lulu naman, ginising si Ivo para maligo na daw. Sinabayan namin ang iba naming classmates na kanina pa nasa tubig.

Si Celeste, hindi marunong lumangoy. Panay ang kapit niya sa tank top ko nung pumunta na kami sa malalim na parte. Tumitili pa siya kapag may malaking alon na humahampas at nadadala siya. Si Lulu naman at Ivo ay tawa lang nang tawa. Si Karlo, siya ang taga-hatak kay Yari dahil hindi rin marunong lumangoy ang kapatid. Para silang bata dalawa.

Napagod agad ako kasi hinihila ako ni Celeste palagi. Hindi naman ako maka-reklamo pero noong lumapit sa amin si Lulu at sa kaniya naman kumapit si Cel, hindi ko maipagkakailang natuwa ako.

In-enjoy ko lang ang mga alon dahil malakas talaga ang hampas ngayon dala ng hangin. My body felt light in the water, giving me an illusion that I am free of the burdens other people dumped on me.

Biglang tumili si Celeste kaya napalingon kaagad ako pero imbes na siya ang makita ko, nauntog ako sa dibdib ni Ivo. Sa gulat ay nawisikan ng tubig-dagat ang mata ko kaya napapikit kaagad ako sa hapdi.

"Ayos ka lang?"

Ivo grabbed my waist to steady me in the water. Nanigas ang buong katawan ko sa ginawa niya at kahit nakalubog kami sa tubig, ramdam ko ang init ng kamay niya.

"Ayos lang..." halos bulong na iyon na may kasamang pagmamakaawa na tanggalin niya ang kamay niya sa bewang ko bago ako biglang sumabog!

Narinig ko ang mahinang tawa ni Ivo. His hand left my waist but instead guided me into the shallower part of the water.

"Mahapdi?" tanong niya, nakatingin sa mga mata ko.

Umiling kaagad ako. Konti lang naman yun kaya ayos lang siguro. Saka pa ako nag-angat ng tingin kay Ivo at nakitang bahagya siyang nakayuko, nakatitig sa akin. Natatabunan niya iyong sinag ng araw sa likod.

For the first time in my life, I am grateful for the ocean, for the waves... for concealing how my young, naïve body trembled before him. He's just staring at me but I can feel it with my whole soul and I had the sudden urge to just wrap my hands around his neck and pull him closer—

Anong iniisip ko?!

Kaagad akong tumalikod sa kaniya, nanginginig pa rin. Ipinagtaka naman iyon ni Ivo. Gusto kong sampalin ang sarili. Bakit ganun?! Bakit ko naisip yun?!

"Raya, ayos ka lang ba?"

"A-Aahon na ako..." nautal pa ako pero mabilis akong lumangoy patungo doon sa mababang parte hanggang sa nilakad ko na patungo sa buhanginan. Ni minsan ay hindi ako lumingon sa kaniya dahil baka kung anong imahe na naman ang mabuo sa isipan ko! Kaagad akong nagpunta sa cottage at naghanap ng baso. Uminom ako nang uminom ng tubig para pakalmahin ang sarili ko.

Ano yun, Sereia?

Naupo ako at natulala. Hindi ko alam kung bakit biglang pumasok sa isipan ko iyon. Wala akong ideya kung saan yun nanggaling. Ang alam ko lang, first time na mangyari sa akin iyon.

Hindi na ako bumalik sa dagat at nagbanwas na lamang saka nagbihis. Inayos ko yung mga pagkain kasi alam kong gugutumin sila pagkatapos nilang maligo. Doon lang ako nakatambay sa cottage, naghihintay. Unang umahon sina Lulu at Celeste. Pulang-pula na ang mukha ng dalawa at hinihingal pa. Si Ivo naman, tinuturuan yung mga babae kong kaklase at si Yari na mag-surf pero sa buhangin lang muna sila. Tumawa pa si Lulu at sinabing para daw silang mga pagong sa ginagawa.

Inabala ko nalang ang sarili sa pagliligpit ng mga gamit. Isa-isa nang nagbanwas ang mga kaklase ko at nagbihis. Sumunod din sina Lulu at Celeste pati na ang kambal. Si Ivo naman, parang ayaw pang umalis sa dagat. Nawiwili ata siya ngayon dahil malalakas ang alon kaya kailangan pa siyang kaladkarin ni Lulu paalis.

Nag-group picture kaming lahat bago kami umalis. Kaniya-kaniya na silang sakay ng jeep at tricycle kung saan sila uuwi, total malapit lang naman yung mga bahay ng karamihan. Sina Yari at Karlo, sinundo na ng driver nila kaya kami nalang ang naiwan. Lulu yawned. Itinuro niya iyong itim na sasakyang naghihintay sa kaniya.

"Sumabay na kayo sa akin. Id-drop ko kayo."

Wala namang tumanggi kasi nga pagod na. Inilagay ni Ivo ang surf board niya sa bubong ng sasakyan at tumabi sa akin doon sa back seat. Si Celeste naman sa kabilang tabi ko, nakatulog sa pagod.

"Okay ka lang ba?"

Napatuwid ako nang upo nang marinig ang bulong ni Ivo sa akin. Tulog na rin kasi si Lulu sa front seat. Ako, si Ivo, at yung driver lang ang gising ngayon sa biyahe.

"Okay lang..."

"Galit ka sa akin?"

Agad akong umiling, pero hindi ako makatingin sa mukha niya.

"Bakit ako magagalit? Baliw." Bulong ko.

He chuckled silently. "Bigla ka nalang kasing umalis kanina. Baka may nagawa ako."

Uminit ulit ang pisngi ko dahil bumabalik sa akin ang mga naisip ko kanina habang nasa tubig kami.

"Hindi ako galit."

"Weh? Tingin ka nga sa mata ko..."

Pinisil-pisil ko ang mga daliri ko para makakuha ng lakas ng loob at nilingon siya. Nakatitig na siya sa akin kaya naman sinalubong ko ang mga mata niya. Gusto kong patunayan sa sarili ko na okay pa ako, na iyong kanina, wala lang yun. Siguro sa kakanuod ko ito ng mga romantic movies kaya ko yun naisip.

Pero nung magtama ang mga mata namin, bumilis lang nang bumilis ang tibok ng puso ko. Nawala na ang pilyong ngisi sa mukha niya at seryoso lang siyang nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung anong iniisip niya at hindi ko rin mabasa ang mukha niya.

"Okay na?" ako ang unang bumitaw ng tingin. "Hindi nga ako galit."

Tumawa si Ivo kaya napahinga ako nang maluwag.

"Sige. Sabi mo eh."

Hindi na kami nag-usap pa hanggang sa una kaming makarating sa bahay niya. Nagising si Lulu at nagpaalam kay Ivo. Si Celeste ay tulog pa rin. Ako ang sunod na hinatid.

"Salamat, Lulu, kuya!" binalingan ko iyong driver nila. Tumango naman siya bago ko isinara ang pinto.

Pumasok kaagad ako sa bahay at nilabas iyong mga basa kong damit saka isinampay. Nanghilamos ulit ako ng mukha dahil pakiramdam ko, init na init ako.

"Oh, anak, ang aga mong nakauwi, ah!" nagulat pa si Papa nang makita ako. Sunday kasi ngayon kaya hindi na muna siya namasada. Hindi rin siya nagpunta ng palengke kasi nagrereklamo siyang masakit daw ang tagiliran niya at kailangan niyang itulog ito.

"Opo, Papa. Magluluto na po ako ng hapunan."

"Hindi na, pagod ka eh. Inutusan ko si Sonny na bumili ng bigas atsaka lechon manok. Babalik na yun. Siya na ang magsasaing kaya magpahinga ka na."

I nodded gratefully. Iyon lang naman talaga ang gusto kong gawin. Sadyang nag-aalala lang ako kasi mukhang hindi maganda ang pakiramdam ni Papa.

"Sige po..."

Bago ako pumasok ay tinawag niya ulit ako.

"Nag-enjoy ka ba?" malumanay niyang tanong.

Tumango-tango ako. Nginitian ko si Papa. "Opo... sobra."

Lumaban ulit ako pagsapit ng intrams. Si Lenard ang naging mentor ko. Sa tuwing nagpupunta ako ng club meeting, siya na ang hinahanap ko para makapag-practice kami. Marami kasi akong natututunan sa kaniya at katulad nina Lulu, sobrang saya niya ding kasama.

"Panganay ka din sa inyo?" tanong ko habang ginagalaw iyong bishop.

Tumango si Lenard, nakatitig sa chess board. "Oo. May apat pa akong maliliit na kapatid. Ako ang nag-aalaga sa kanila."

"Eh yung... Mama mo?" mahina kong tanong.

He shrugged. "Nariyan lang siya sa bahay, pero parang wala. Si Papa lang kasi ang nagtatrabaho. Si Mama naman, palaging nagma-mahjong dun sa kapitbahay."

I wanted to reach his hand and give it a gentle squeeze just to say that everything's going to be alright. Alam na alam ko ang pinagdadaanan niya. Panganay din ako. Ako rin ang inaasahan sa amin.

"Ang hirap maging breadwinner, 'no?" he laughed humorlessly. "Ni hindi man lang ako makapili ng kursong gusto ko sa college. Kailangan kong maging praktikal para sa mga kapatid ko."

"Sobra..." tumango-tango ako. Maswerte nga ako dahil tinutulungan pa ako ni Papa sa bahay. Alam kong nagi-guilty din siya na pasan ko 'to pero wala naman kaming magagawa. Wala ang Mama namin para mag-alaga.

"Checkmate na." tumawa si Lenard. Ngumuso lang ako at napailing.

Sabay kaming nakapasa sa final rounds at kaming dalawa rin ang ipapadala sa inter-school competition. Sina Lulu, Avery, at Cel, nanunuod lang sa laro namin kahit na wala naman silang naiintindihan. Tapos ay sumasama ako sa kanila kapag gusto nilang manuod ng volleyball para suportahan ang kambal o di kaya gustong i-cheer ni Celeste si Kael sa basketball.

"Palagi na kayong magkasama nung Lenard, ah?" tanong ni Avery habang nasa labas kami, umiinom ng palamig.

I shrugged. "Teammate kami, eh."

"Oo nga. Wala na ding kinukuwento sa akin si Ivo tungkol sa chess club niyo. Hindi mo ba siya pinapansin dun, Raya?" tanong naman ni Lulu sa akin.

Natigilan ako. Hindi ko na ata maalala ang huling pag-uusap namin ni Ivo nung nasa chess club kami. Nag-uusap lang kami kapag nasa classroom, o di kaya tuwing lunch at nagpupunta kami sa classroom ni Lulu. Doon kasi, si Lenard palagi ang kausap ko. Nung una ay kinukulit-kulit niya pa din ako pero nung napansin niyang may sarili na kaming usapan ni Lenard, nawala na din siya.

"Nasaan ba siya?" tanong ni Celeste. Kami lang kasi apat ang narito. Hindi ko rin alam kung nasaan siya kasi hindi ko rin naman siya nakita sa chess club kanina. Ang kambal naman, busy sa practice.

"Ewan."

Sa last day ng intrams ay may closing program sa gym. Iyon din ang araw ng pageant kaya naman excited ang mga estyudante. Doon ko pa lang nakita si Ivo.

"Ivo! Ang busy mo, ah! San ka galing?" may himig pagtatampo pa ang tono ni Lulu.

Tumawa lang siya. "Wala, dun sa mga kaibigan ko."

He must be pertaining to his male friends. Palagi na silang magkasama at naglalaro ng mobile legends. Maiingay sila tuwing break time namin habang babad sa kaniya-kaniyang cellphone.

Sinulyapan ako ni Ivo at ngumiti. Hindi pa ako nakakangiti pabalik sa kaniya ay iniwas na niya ang tingin at naupo dun sa pinakadulo, tabi ni Avery.

Hindi naman ako nag-enjoy sa program dahil ang ingay at halos hindi ko na marinig iyong sinasabi ng host. Pagkatapos nun, naglakad ako papunta sa gate para maghanap ng tricycle. Gabi na at napag-usapan naming magkapatid kanina na si Sonny ang susundo kay Selena total tapos naman na ang laro niya sa basketball.

"Raya!"

Napalingon ako nang marinig ang tawag ni Ivo. Nagpaalam siya dun sa mga kaibigan niyang lalaki at tumakbo patungo sa akin.

"Sa elementary school ka?"

Umiling ako. "Sinundo na ni Sonny si Selena kanina..."

"Ah, ganun ba?" tumitingin-tingin si Ivo na parang hindi na ngayon alam ang gagawin.

"Uuwi ka na?" ako naman ang nagtanong.

Tumango siya. "Oo. Tara, sabay na tayo sa sakayan ng tricycle."

Sumunod ako sa kaniya doon sa gate. Magkatabi lang kami sa waiting shed habang naghihintay ng tricycle.

"Mabuti naman mayroon ka ng ibang kaibigan..."

Napatingin ako sa kaniya pero nakatanaw lang siya sa malayo. May dumaang tricycle sa harapan namin at hindi man lang niya pinansin.

"Si Lenard ba?"

He shrugged. "Hindi ko alam. Ano bang pangalan nun?"

I squinted my eyes at him. Impossibleng hindi niya alam! Memorize nga ata niya pati pangalan ng mga kaklase ni Lulu.

"Si Lenard yun..."

Tumango-tango si Ivo, saka isiniksik ang kamay niya sa bulsa ng slacks. "Pareho kayong magaling sa chess... andami niyo ring pinag-uusapan."

Nagkibit-balikat ako. "Siguro kasi nakaka-relate kami sa isa't isa. Panganay din kasi siya."

"Ganun ba?"

Tango lang ang isinagot ko.

"Gusto mo?"

Napatingin ako sa kaniya. "Ang ano?"

"Si Lenard..." bulong niya.

Napaisip naman ako. Simula nung magkakilala kami, wala naman siyang ibang ginawa kundi tulungan ako. At ngayong alam ko din na may taong parehas ng pinagdadaanan ko, pakiramdam ko nakahanap ako ng taong makakaintindi talaga sa akin.

Dahan-dahan akong tumango.

"Oo... gusto ko."

Nagkamot sa batok niya si Ivo. "Eh paano na yan, Raya, gusto rin kita..."

-

#HanmariamDWTWChap7

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro