Chapter 5
Chapter is reposted. I accidentally deleted it 🥲
-
"Raya!"
Halos dambahin na ako ni Lulu nang makita niya akong kakababa pa lang ng tricycle. Gusto pa niyang sunduin ako sa bahay pero nahihiya ako sa kaniya kaya naman nag-commute nalang ako papunta dito.
Sa isang malaking subvidision sila nakatira, kaya nag-expect na ako na malaki din iyong bahay nila. Tama nga ako. Tatlong palapag ata iyon at makapal ang gate. May dalawa silang malaking Doberman pero nakakulong naman ito sa bakuran, marahil dahil may mga bisitang pupunta.
Ngumiti ako sa kaniya kahit na medyo nahihiya ako. Nakasuot lang ako ng puting t-shirt at pantalon. Si Lulu naman, puting tennis skirt ang suot at knitted crop top. Kinulot pa niya ang buhok niya at nag-lip tint.
"Pasok ka!" kinuha niya ang palapulsuhan ko at hinatak ako doon sa loob.
Marami ng tao doon pagkarating ko. Maraming kaibigan si Lulu kaya expected din yun. Nakita ko pa nga na naroon din ang buong basketball team, pati na si Kael. Ang mga fourth year students naman ay iyong mga kaibigan niya sa student council.
Napalingon ako doon sa malaking picture na nakasabit sa living room nila. Mukhang sa Malacañang ata ito kinunan base sa background. Nakasuot ng Filipiñana si Lulu at iyong Mama niya. Nasa likuran silang dalawa at nakaupo iyong Papa niya. Ang alam ko, head daw iyon ng PSG. Naka-uniform pa siya doon sa litrato.
"Hindi ka ba nahirapan sa pagpunta dito?" tanong ni Lulu habang inaakay ako patungo doon sa couch. May mga naglalaro ng video games doon sa malaking TV nila, mostly mga lalaki sa basketball team.
Umiling ako. "Hindi naman. Alam ng lahat kung saan ang bahay mo," I joked.
Pero totoo naman. Sikat kasi ang pamilya niya dito sa Elyu. Ang Papa niya, respetado ang trabaho at ang Mama niya naman, dating Binibining Pilipinas. Namana ni Lulu lahat ng magagandang katangian nila kaya ito, ang dami-dami niyang mga kaibigan.
"Buti naman! Akala ko naligaw ka na, eh!" tumawa siya at inaya ako doon sa taas, sa kwarto niya.
Sumunod naman ako sa kaniya. Wala pa ata sina Ivo, Celeste, at Avery. Hindi ko sila makita at ayaw kong magpaiwan sa baba kasama ang mga taong hindi ko kilala.
Lulu opened a huge door that revealed her room. It was huge. Parang buong bahay na ata namin ang kwarto niya. Lahat ng gamit niya, kulay pink o puti. Ang gandang tingnan sa mata. May PC set din siya at malaking desk. Kompleto ang mga gamit niya at mukhang mamahalin.
Naramdaman ko ang bigat ng regalo ko sa loob ng bag ko. Parang naduduwag akong ibigay 'to sa kaniya. Ano naman ang gagawin niya dito? Nasa kaniya na ang lahat. Baka ma-insulto din siya kapag ibinigay ko 'to kaya natatakot ako.
"Upo ka muna, magbibihis lang ako!" aniya at may kinuha doon sa closet niya saka pumasok sa sariling C.R.
Naupo ako dun sa desk niya kasi yun lang naman ang upuan doon. Nahihiya akong umupo sa kama niya dahil mukhang bago at baka madumihan ko lang. Habang nakaupo ay dumako ang tingin ko doon sa litratong naka-frame. I stared at the photo.
It's a picture of young Luanne and Ivo in a beach. Naka-swimsuit si Lulu ng stripes na red at si Ivo naman, walang pang-itaas. Naka-shorts lang din na red. May katabi silang malaking surf board.
I smiled and felt nostalgic for a memory that was never mine. Ano kaya ang pakiramdam na kilala si Ivo sa tanang buhay niya? Hindi ko ma-imagine ang sarili kong ganun... na may childhood friend. Siguro dahil ninakaw ang childhood ko ng mga responsibilidad sa bahay kaya ganito ako ngayon. Siguro ang sarap sa pakiramdam na may taong nakakaaalam ng buong buhay mo, na hindi mo na kailangang magkwento at kilalang-kilala ka na talaga.
"Ano sa tingin mo?"
Nagulat ako dahil bigla nalang lumabas si Lulu suot ang isang pink silk dress. May slit iyon sa gilid at cowl ang neckline. Bagay na bagay sa kaniya. Dalagang-dalaga na siya tingnan.
"Maganda—"
"Happy birthday, Luanne Rose!" biglang bumukas ang pinto at pumasok si Ivo at Avery, may suot-suot pang mga birthday hats. May dalang cupcake na maliit si Ivo at nakangiting lumapit sa best friend niya habang nanunuod lang ako.
"Ano yan?" nakasimangot na tanong ni Lulu, nagpipigil ng ngiti.
"Cupcake to! Hipan mo na, dali!"
"Eh may birthday cake naman ako!" reklamo pa ni Lulu pero lumalapit na siya sa kanila.
"Special kasi 'to!" halos isubo na ni Ivo iyong cupcake sa kaniya. Tumawa naman si Lulu at hinipan iyong kandila. Nag-ingay ang dalawa saka pa ako napansin.
"Nandito ka na pala, Raya..." ani Avery at lumapit sa akin. Nakita niya kaagad ang picture ni Lulu at Ivo. "Si Ivo ba 'to?!" dinampot niya ang picture at pinagtawanan ang mukha niya. "Bakit ang bansot mo dito?!"
Agad na inagaw ni Ivo iyong litrato at ibinalik sa desk. Inaasar-asar din siya ni Lulu.
"Diba, Ivo? Mas matangkad ako sa iyo nung bata pa lang tayo!"
"Hindi naman importante yun, mas matangkad na ako ngayon." Sagot naman ni Ivo.
"Pero bansot ka pa rin noon!" kantyaw naman ni Lulu, tumatawa.
"Itago mo nga 'to, Lulu! Pasalamat ka, birthday mo ngayon! Hindi ko na 'to palalampasin sa susunod, ah!"
Hindi ko napansin yung sinasabi nilang mas matangkad si Lulu kesa kay Ivo kaya tumayo ako at nilahad ang kamay ko para kuhanin ulit yung litrato.
"Patingin."
"Huwag!" nagulat ako sa lakas ng boses ni Ivo at bigla nalang inagaw yung picture. Tinago niya yun sa likuran niya.
"Parang tanga, Ivo. Nakita na ni Raya yung picture kanina..." komento naman ni Lulu.
Nanlaki ang mga mata ni Ivo at dumaan ang matinding takot sa mukha kaya nagtaka ako. Tumawa nang malakas si Avery.
"Bakit ganyan ang reaksyon mo, Ivo? Crush mo ba si Raya? Nahihiya ka?"
"Anong crush?" sumimangot siya at inilagay iyong picture frame sa hanging shelf sa taas, iyong hindi ko maaabot. Hindi siya tumingin sa akin. "Wala akong crush!"
"Talaga bang rejected si Aileen?" curious na tanong ni Lulu sa kaniya. Kahapon iyon nangyari at nabalitaan lang niya nung pumasok na siya sa classroom dahil na-late siya. Ayaw ding magsalita ni Ivo tungkol doon.
Ivo shrugged and said nothing. I have to give it to Aileen... she's been brave. I couldn't imagine myself expressing my feelings to someone... only to get rejected. Masakit yun, panigurado.
Bumaba na kaming apat at nakita si Celeste na nakikipagkuwentuhan doon sa ibang mga kaibigan ni Lulu. Inasar-asar namin siya kay Kael pero ayaw naman niyang lapitan, nahihiya siguro.
Lumabas din ang Mama ni Lulu at mas lalo pa ata itong gumanda kesa sa mga litrato niya. Nakasuot lang siya ng itim na dress at pearl necklace. Tumulong siya sa mga kasambahay na ihanda yung pagkain sa lamesa at pinakain na yung mga bisita.
Tumabi lang ako kina Lulu sa buong gabi. Nahihiya kasi akong makipaghalubilo kasi hindi ko naman sila kilala. May mga fourth year pa kaya nakakailang! Si Lulu naman, alis nang alis sa table namin. Kinakausap niya iyong mga kaibigan niya mula sa iba't ibang section na para bang nangangampanya.
"Sure win na yan si Lulu kapag tumakbo siya bilang treasurer next year sa student council." Komento ni Avery habang kumakain kami.
"Talaga? Tatakbo siya ulit?"
"Shit! Si Aileen, Ivo, oh!" turo kaagad ni Celeste. Napalingon kaming lahat doon sa gawi nila Aileen. Kasama niya ang mga kaibigan niya at may iilang basketball players din doon sa grupo nila. Nagtatawanan sila na para bang walang nangyari kahapon.
Hindi kumibo si Ivo at nagpatuloy lang sa pag-kain. Mukhang wala ata siyang pakialam kung narito si Aileen o wala. Sinusubukan kong silipin ang mukha niya pero tingin naman siya nang tingin doon sa kabila kahit na walang tao doon at mga puno lang sa garden.
"Karylle, Karlo, dito kayo..."
Napalingon ako nung dinala ni Lulu ang kambal sa lamesa namin. Ako lang ata ang hindi nakakakakilala sa kanila kaya ipinakilala pa ako ni Lulu. Nahihiya akong ngumiti kay Karylle na nilahad ang kamay niya.
"Karylle! Yari nalang. Ito, bodyguard ko, si Karlo..." biro niya habang pinapakilala ang kambal.
Pagpatak ng alas dyez ay napagdesisyunan ko nang umuwi. Ang sabi ni Papa ay bibili nalang daw siya ng ulam at si Sonny ang magsasaing pag-uwi niya pero nag-aalala pa rin ako. Baka kasi gabihin ulit si Papa ngayon tapos hindi pa pala kumakain ang mga kapatid ko.
"Lulu..." tawag ko sa kaniya. Nakikipagtawanan siya dun kina Kael. Agad naman siyang tumayo at nilapitan ako. "Uuwi na ako."
"Huh?! Ang aga pa!" reklamo niya naman.
Umiling ako. "Kailangan na ako sa bahay, eh."
She sighed and looked around. "Sige, ipapahatid na kita."
"Huwag na! Kaya ko namang mag-commute."
"Gabi na, Raya. Sure ka ba?"
Tumango-tango ako saka kinuha ko ang regalo niya sa bag ko. Maliit lang iyon at nalukot pa ang wrapper kaya talagang nahiya ako. Nagningning ang mga mata ni Lulu nang makita niya iyon.
"Sa akin ba yan?"
I nodded shyly. "Oo... regalo ko sa iyo."
"Talaga? Salamat!" niyakap ako ni Lulu at akmang bubuksan ang regalo niya pero pinigilan ko siya.
"M-Mamaya na... nakakahiya." Bulong ko.
She pouted but nodded anyway. Tumawag siya ng isang kasambahay at ipinalagay sa kwarto niya ang regalo ko. Ako naman, bumalik doon sa table namin para magpaalam pero wala na si Ivo doon.
"Ang aga mong umuwi, girl, ah! Ilan ba anak mo?" natatawang tanong ni Celeste.
"Yung mga kapatid ko, eh..."
"Hang out soon!" Kumaway si Yari sa akin. Nahihiyang ngiti ang ginanti ko sa kaniya.
"Mag-iingat ka, Raya! Paglabas mo ng subdivision, may sakayan ng tricycle d'yan. Walang pumapasok na tricycle dito..." bilin naman ni Avery.
Tumango ako at inihatid ni Lulu sa labas. She hugged and thanked me for coming to her birthday. Nang pumasok ulit siya sa loob, saka na ako nagsimulang maglakad. Pilit kong inaalala kung saan dumaan yung tricycle kanina para makalabas ako ng subdivision. Pare-pareho pa naman ng hitsura ang mga bahay dito kaya nakakalito.
"Sereia!"
Napalingon ako nang biglang may tumawag. My heart almost exploded when I saw Ivo running towards me. Ang layo na ng nalakad ko, ah? Tinakbo niya ba yun? Huminto ako at hinintay na makahabol siya sa akin.
"Grabe, ang bilis mong maglakad!" reklamo niya, hinihingal.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kaniya, nag-aalala.
"Tinatanong pa ba yun?" umayos siya ng tayo at nginisihan ako. "Ihahatid kita sa inyo."
"Huh?! Huwag na—"
"Huwag na ba ang favorite word mo?" he chuckled. "Palagi mo nalang akong tinatanggihan, Raya. Gabi na... ibigay mo na sa akin 'to."
Nagdalawang-isip ako pero tumango na din kinalaunan. Wala namang mawawala kung ihahatid niya ako. Baka sa sakayan ng tricycle lang din kasi hindi pa naman tapos ang birthday ni Lulu at babalik pa siya. Isa pa, walang makakakita sa amin kaya safe ako sa tsismis.
Tahimik lang kaming naglalakad dalawa. Malamig ang hangin kasi gabi kaya bahagya akong giniginaw. Sinulyapan ko naman si Ivo, naiinggit. Nakasuot siya ng itim na oversized hoodie at itim din na shorts. Dapat pala ay nag-jacket din ako.
"Kuya, sa Batis ho! Dalawa!" ani Ivo pagkarating namin dun sa sakayan ng tricycle. Nanlaki ang mga mata ko.
"Hindi ka ba babalik dun sa party?"
He shrugged. "Kung trip ko."
"Kung trip mo?" pinaningkitan ko siya ng mga mata. "Hindi ka ba hahanapin ni Lulu?"
"Nagpaalam na ako sa kaniya na ihahatid kita." Itinuro niya ang loob ng tricycle. "Sige na, sakay ka na."
Na-estatwa pa ako sandali bago bumuntong-hininga at sumakay na nga ng tricycle. Tumabi naman si Ivo sa akin at umandar na iyon. Wala akong maisip na sasabihin kaya tahimik lang ako at ganun din siya. Malalim ata ang iniisip niya kasi napaka-seryoso ng mukha niya ngayon.
Doon kami sa kanto bumaba dahil masyado ng masikip ang eskinita para makapasok ang tricycle sa amin. Bumagal din ang lakad ko at sa totoo lang, kinakabahan ako dahil baka maabutan pa kami ni Papa sa labas. Noong sinabi niyang ipakilala ko ang mga kaibigan ko sa kaniya, sigurado akong hindi ito ang gusto niyang makita!
"San yung bahay niyo?" tanong sa akin ni Ivo.
Itinuro ko iyong bahay na semento sa unahan. Luma na iyon at kay Lola pa iyong bahay. Bago umalis si Mama, buhay pa si Lola at siya ang nangako na mag-aalaga ng mga kapatid ko kaya naman malakas ang loob ni Mama na mangibang-bansa. Pero bigla nalang siyang binawian ng buhay kaya nahulog sa akin ang lahat ng responsibilidad sa pagpapalaki kay Sonny at Selena.
Huminto ako sa paglalakad sa tapat mismo ng bahay namin at kinakabahang sumulyap sa loob. Patay na ang mga ilaw kaya malamang tulog na sina Papa pero baka bigla silang magising sa ingay ng aso ng kapitbahay namin.
"Salamat..." yumuko ako para hindi niya makita ang mukha ko. "sa paghatid."
Nakita ko ang mga paa ni Ivo na naglalakad paatras kaya inangat ko ulit ang tingin ko. Nakasiksik na ang dalawa niyang kamay sa pangharap na bulsa ng hoodie niya. Tinanguan niya ako.
"Sige na, pasok ka na."
I nodded and pushed the wooden gate. Umingay iyon kaya dali-dali akong nag-lock at pumasok sa loob. Tulog pa rin silang lahat pagpasok ko kaya napabuntong-hininga ako. Nang sumilip ako sa bintana kung nakaalis na ba si Ivo, nakita ko siyang nakatitig pa rin pero mayamaya ay lumiko na at naglakad palabas ng kanto namin.
Siguro dahil magkatabi kami at araw-araw niya akong kinakausap, pero unti-unti na akong nasasanay sa presensiya ni Ivo. Hindi na rin ako masyadong naiilang kapag nagdadala ng ibang kaibigan si Celeste sa grupo namin. Si Avery, Yari, at Karlo naman, sumasabay sa amin kapag sa cafeteria kami nagla-lunch.
Wala na akong masyadong ganap doon sa chess club mula nang matapos ang intramurals. Pinagtutuonan kasi nila ng pansin ang interschool competition kaya ang mga officers ang madalas na busy. Bumibisita lang ako doon para maglaro kasama ang ibang mga miyembro at tumulong kung merong kailangan.
"Hay, ang gwapo naman ng mahal ko," I heard Celeste sighed while standing next to me. Nakatayo kaming dalawa doon sa gilid ng bleachers, nagpupunas ng pawis dahil katatapos lang naming maglaro ng volleyball. Required iyon sa P.E. class namin.
Sinundan ko ang tingin ni Celeste at tamang si Kael nga ang pinapanuod nito. Nasa kabilang dako sila ng gym. Hinati iyon para sa mga P.E. classes at sa nagpa-practice para sa interschool competition.
"Paano mo nalamang crush mo siya?" curious kong tanong sa kaniya.
Nilingon ako ni Celeste. Ang ganda niya pa rin kahit pinagpapawisan siya at medyo magulo pa ang buhok. Ngumiti siya.
"Wala ka bang crush?"
Umiling ako.
"Hmm. Siguro kapag natutuwa ka kapag nakikita mo siya. Gumaganda ang araw mo, ganun. Tapos bumibilis ang tibok ng puso mo kapag kinakausap ka niya. Minsan, nauutal pa!" tumawa siya. "Lumalabas ang pagkamalandi mo kapag nand'yan ang crush mo."
Uminit ang pisngi ko. May iilan sa nabanggit niya ang nararamdaman ko pero hindi naman ako sigurado.
"Ganun ba yun?"
Tumango-tango si Celeste. "Matagal ko ng crush si Kael, eh. Pinapanuod ko siyang maglaro ng basketball simula elementary pa lang kami."
"Anong pinag-uusapan niyo—"
Napatili ang lahat ng may tumilapong bola sa gawi namin at tumama iyon sa likod ng ulo ni Lulu. Kaagad akong tumakbo dahil natumba talaga siya habang hawak-hawak ang ulo.
"Lulu! Ayos ka lang?!" nag-aalala kong tanong sa kaniya. Nakapikit ang mga mata niya at namimilipit ang mukha sa sakit.
"Shit!" I heard someone cursed. I looked up and saw Kael running towards us.
Pumunta din iyong teacher namin pati na ang coach ng basketball team para tingnan kung anong nangyari. Namumutla si Lulu at hindi makapagsalita. Nagulat ako nang biglang hinawi ni Kael ang kamay ko at binuhat si Lulu.
"Dadalhin ko siya sa clinic," he announced.
Sumunod naman sa kaniya ang guro namin at sinabing ipagpatuloy namin ang pagpa-practice habang wala pa siya. Nagkatinginan kaming dalawa ni Celeste.
"Bakit siya ang pumunta?" mahina niyang bulong, tulala. "Hindi naman siya ang nag-hagis ng bola..."
Hindi na umimik si Celeste hanggang sa natapos ang klase. Si Ivo naman, sumunod doon sa clinic nang malamang natamaan ng bola si Lulu. Nautusan kasi siyang kumuha ng bola doon sa equipment room noong nangyari iyon kaya hindi niya nakita.
Dinalaw ko din si Lulu sa clinic pagkatapos ng klase ko. Tumatawa na ulit siya at malakas ang boses kaya naman napanatag kaagad ako.
"May bukol ka, Lulu!" ani Ivo habang hawak iyong iced pack sa ulo ni Lulu. "Paano na yan, minus points ka sa crush mo?"
"Wala naman akong crush, tanga!" she bantered. "Pakiramdam ko lang nakakita ako ng stars kanina!"
Hindi sumama si Celeste sa akin. Pakiramdam ko bad mood siya dahil sa nakita. Hindi naman kasalanan ni Lulu na si Kael ang tumakbo sa kaniya at nagbuhat patungo sa clinic. Siguro ay inako nalang niya ang responsibilidad kasi teammate niya naman ang may sala.
"Nasaan si Cel? Umuwi na?" tanong ni Lulu, nakatingin sa akin.
Tumango lang ako at wala ng sinabi pa. Hassle pala kapag nagka-crush? Sa nakikita ko, mukhang nagseselos si Celeste. Ang bilis mag-iba ng mood niya. Ganun ba yun? Akala ko naman palagi lang masaya kapag may crush ka.
Susunduin daw si Lulu ng Mama niya kaya nauna na kaming umuwi ni Ivo. Sabay kaming naglalakad sa hallway nang bigla itong magsalita.
"Saglit, Raya, may kukuhanin lang ako sa locker room."
Tumango naman ako at sumama sa kaniya. Iyong locker room namin, kailangan pang bayaran para makakuha ka ng slot. Madalas ang mga gumagamit dun ay basketball players para may paglalagyan sila ng extrang mga damit. Hindi naman ako kumuha dahil dagdag lang sa gastusin.
Ivo opened his locker and several letters fell to the floor. Napatingin ako doon. I picked up and saw it was actually love letters, carefully placed in a pink envelope. Ang iba ay may pabango pa ng mga babaeng nagbigay sa kaniya. Parang nag-panic si Ivo na nakita ko iyon at kaagad na hinablot ang mga sulat saka ibinalik doon sa locker niya. Nalukot pa nga ata yun.
"Hindi mo yun babasahin?" nagtatakang tanong ko sa kaniya.
"Huwag na," he slammed his locker shut. May kinuha lang pala siyang libro. Isinilid niya ito sa bag niya at isinara, saka ako binalingan. "Tara, uwi na tayo."
Tumango lang ako at sumunod sa kaniya. Si Ivo, parang nangangandidato dahil taga daan namin sa mga classroom, may binabati siyang mga kaibigan. Sabay kaming sumakay ng tricycle at nauna akong bumaba sa San Juan elementary school. Bumaba rin siya kaya kumunot ang noo ko.
"Diba malayo pa ang bahay niyo?"
He shrugged. "Ayos lang. Wala naman akong gagawin."
Umiling nalang ako at hinayaan siyang sumunod sa akin. Una kong pinuntahan ang classroom ni Selena at naghintay pa saglit dahil natagalan ang huling klase nila. Sunod ay nagpunta ako sa building ng mga grade 6 at hinanap ang isa ko pang kapatid.
Naririnig kong nag-uusap sina Selena at Ivo sa likuran ko. Close na kaagad sila, huh? Sumilip pa ako at nakahawak sa kamay ni Ivo si Selena, nakatingala at tumalon-talon pa nang sabihin nitong ililibre siya ng ice cream paglabas.
"Sonny!" tawag ko nang makita na yung kapatid ko. Nagpaalam siya sa mga kaibigan niya at nagtungo sa akin. Bahagyang kumunot ang noo niya nang makita si Ivo sa likuran.
"Sino ka?"
Ivo stepped in, offering his hand. "Kuya Ivo. Kaibigan ako ng ate mo."
Nilingon naman ako ni Sonny habang tinatanggap ang kamay ni Ivo.
"Boyfriend mo, Ate?"
Hinampas ko siya ng dala kong lunch bag. "Kaibigan nga!"
Nginisihan niya ako at binalingan ulit si Ivo. "Totoo ba? Walang kaibigan ang ate ko, eh. Hindi ako naniniwala..."
"Sonny!" sita ko sa kaniya.
Tumawa lang si Ivo at sabay na kaming lumabas apat. Gaya nga ng sabi niya, ibinili niya ng ice cream si Selena. Nagpaparinig si Sonny kaya binilhan rin niya. Gusto ko nalang magtago dahil nakakahiya ang mga kapatid ko. Babayaran ko nalang siguro siya bukas!
"Raya, sa iyo 'to..." ani Ivo habang inaabot ang ice cream sa akin.
Napakurap ako sa gulat. "Sa akin?"
"May iba pa bang Raya dito?" tumawa si Ivo. "Sige na, tanggapin mo na. Malulusaw yan."
Ngumuso ako pero kinuha ko naman iyong ice cream at naupo tabi ni Selena. Si Sonny at Ivo naman sa kabilang banda.
"Kasali ka ba sa basketball team, Kuya?" rinig kong tanong ni Sonny.
Hinayaan ko na ang dalawang mag-usap at tinapos ang ice cream ko. Makalat kumain si Selena kaya kinuha ko pa ang panyo ko para punasan ang mukha niya. Pagkatapos namin, inaya ko na silang dalawa na umuwi.
"Saglit lang, Ate! May luma daw na bola si Kuya Ivo, ibibigay niya sa akin," pagmamakaawa naman ni Sonny.
"Sonny, sobra na yan, ah. Kakakilala mo lang sa tao..." bulong ko pero narinig rin naman iyon ni Ivo.
I heard him chuckle. "It's okay, Raya. Hindi ko rin naman ginagamit ang bola sa bahay. Ibibigay ko nalang kay Sonny."
Nag-aalala akong tumingin sa kaniya. "Sigurado ka? Pasensiya ka na, walang-hiya kasi itong kapatid ko."
"Ate! Sige na!" niyugyog na ako ni Sonny. Kulang nalang ay maglupasay ito sa kalsada! Parang hindi grade 6!
"Malapit lang yung bahay ko," itinuro ni Ivo iyong kanto sa gilid ng elementary school. "Okay lang ba, Raya?"
I looked at my brother with his pleading eyes. Hindi naman kasi siya nagsasabi sa amin na gusto niya pala ng sariling bola. Kung alam ko lang, pinag-ipunan ko na sana. Malaki ang nabawas sa ipon ko nung binili ko ang pang-regalo ko kay Lulu kaya kung bibilhan ko man siya, matatagalan pa iyon.
I sighed in defeat.
"Sige..."
Nagbunyi naman agad si Sonny at sumunod kay Ivo. Nagkukuwentuhan pa ang dalawa habang nakasunod lang kami ni Selena sa likuran nila. Parang ang tagal na nilang magkaibigan sa trato nila sa isa't isa. That's Ivo's magic. He can charm anyone without even lifting a finger and the next minute, he's everybody's friend.
Dalawang kanto ata ang nilakad namin bago kami nakarating sa kanila. Bungalow house iyon na kulay puti ang pader at kulay asul naman ang bintana. May malaking puno ng mangga sa tabi at may duyan pa katulad ng sa amin. Pinapasok kami ni Ivo at pinaupo roon sa sementong upuan sa labas. Umikot naman siya sa likuran para siguro kuhanin ang bola.
I looked around, curious. May tatlong surf boards pa na nakasandal sa pader ng balcon nila. Iyong isa, iyon ata ang madalas na gamit niya. May mga gamit ding panglinis sa lamesa katabi nun. Sarado ang pinto kaya hindi ko na makita kung anong nasa loob pero nakarinig ako ng boses.
"Primo? Ikaw ba yan?"
A moment later, an old lady stepped out of the house, wearing a pink strawberry dress and a white apron. Nagulat pa siya nang makita kami kaya agad akong tumayo at nagpakilala.
"Kaibigan po ako ni Ivo..." bati ko kaagad. "Magandang hapon ho."
"Lola!" bumalik naman si Ivo, dala-dala iyong bola na ibibigay niya kay Sonny. Dumiretso siya sa matanda at hinalikan ang pisngi nito. Itinuro niya kaming tatlo. "Mga kaibigan ko ho, sa school..."
The old lady looked at us again and offered a kind smile. "Tapos na ang mga klase ninyo?"
Nagsitanguan naman kami. Inaya pa niya kaming kumain sa kanila dahil kaka-bake lang daw niya ng cookies. Gusto ko sanang tumanggi kasi nahihiya na ako nang sobra kay Ivo pero kinumbinse niya naman akong pumasok. Hindi pa nakatulong na tuwang-tuwa ang mga kapatid ko pagkarinig sila na may cookies at palamig sa loob.
Hinubad ko ang sapatos ko at pumasok sa bahay nila. Gaya nga ng inaasahan ko, malinis at maaliwalas sa loob. The entire house smells like cookies. Sumunod kami sa kusina at isa-isang naupo roon. Si Ivo naman ay tumulong sa paghahanda at binigyan kami ng mga platito. His grandmother placed a huge bowl of cookies and a pitcher of juice. Inaya niya kaming kumain.
Nahihiya akong kumuha ng cookies at inilagay doon sa platito ko. Katabi ko ulit si Selena habang sina Ivo at Sonny naman sa kabila. Iyong lola niya ay nasa pinakadulo ng lamesa, nakangiti lang at hindi kumakain.
"Hindi ho ba kayo kakain?" hindi ko mapigilang magtanong. Nahihiya na kasi talaga ako.
"Hindi na. Hobby ko lang iyang pagbi-bake. May diabetes ako kaya hindi ako pwedeng kumain ng matatamis."
Tumango nalang ako at tahimik na kumain. I thought about her passion. Even if it caused her a lifetime illness, it's clear that she's doing it out of joy. Masarap ang pagkakagawa niya ng cookies. Ilang taon din iyong experience niya kaya kahit na hindi niya tikman ay nakakagawa pa rin siya ng ganito kasarap.
"Magdala rin kayo sa bahay ninyo. Kami lang dalawa ni Primitivo dito, hindi naman namin ito mauubos."
"Huwag—"
"Sige po, Lola! Salamat po!"
Gusto kong batuhin ang kapatid ko dahil sa kakapalan ng mukha nito pero hindi ko magawa. Natawa nalang si Lola sa kaniya at naglagay ng iilang piraso ng cookies sa ziplock bag saka inabot iyon kay Sonny. Nagpaalam na kami sa kanila at sumama naman si Ivo sa amin para ihatid kami sa kanto.
"Salamat, ah?" I said genuinely to Ivo. Sobra-sobra na kasi ang ginagawa niya para sa akin at sa mga kapatid ko. Hindi niya naman kailangang gawin iyon.
Ivo smiled. "Mukhang ikaw ata ang dapat kong pasalamatan..."
"Huh? Bakit?"
He looked into the horizon with a ghost of smile on his lips. "May dementia ang Lola ko. Minsan, naalala niya ako. Minsan, hindi. Ngayong araw na 'to, alam niya kung sino ako. Tinawag niya ako sa pangalan ko..." he expelled a sigh. "Palagay ko dahil yun sa iyo at mga kapatid mo..."
-
#HanmariamDWTWChap5
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro