Chapter 43
The rage sitting low in my stomach finally came to life, bursting and spreading to all parts of my body until I'm ready to explode. I couldn't even see my aunt's face. All I see is red.
She lets out a nervous laugh. "Ano pang pinagsasabi mo, Raya? Hindi ko magagawa yan kay Fidel, kapatid ko yun eh—"
"Isang beses lang kitang tatanungin, Tita," I said, my voice filled with venom. Dahan-dahan akong humakbang patungo sa kaniya. I could sense her fright but I couldn't even care. "Ibinulsa mo ba ang panggamot ni Papa noon?"
Kasunod ng tanong ko ay mahabang katahimikan. I tried to stare at her face, to make out any semblance of her friendly face that would tell me what I accidentally heard is false. I want her to assure me that she is, and has always been, loyal to our family and her intentions are pure.
Sarkastikong tumawa si Don pagkatapos ng ilang minuto.
"Ano, hindi ka makasagot? Tinatanong ka niya kung ang ipinangbayad mo sa mga utang mo noon ay galing sa panggamot ng tatay niya!"
I didn't even flinch when Tita Belinda slapped him across the face.
"Bastos ka! Ginawa ko lang yun dahil sa inyo!"
"Dahil sa amin?! Kailan ba kami nakinabang sa lahat ng mga panghuhuthot mo kila Raya? Simula nung mamatay si Papa, kung sinu-sino nalang lalaki ang dinadala mo dito sa bahay!" galit niyang sigaw.
Tita Belinda sharply turned to me. "Ginastos ko ang pera, Raya. Yun ba ang gusto mong marinig?"
Napaawang ang bibig ko sa pinaghalong galit at gulat.
"Mamamatay din naman si Fidel, eh, para san pa ang mamahaling gamot?" she took a deep, shaky breath. "Ang mga anak ko, buhay pa. Buhay pa sila at kailangan ko silang buhayin. Mas makikinabang sila sa perang pinapadala mo kesa sa sakitin mong tatay."
Isa-isang tumulo ang mga luha mula sa mata ko. Hindi ako makapaniwalang manggagaling sa kaniya mismo ang mga salitang iyon. It feels as if someone had stabbed me with a knife in the chest and twisting it inside. I am writhing in pain from the inside. I want to curse, to scream out loud but I couldn't do it. Sobra pa 'tong galit ko sa naramdaman ko nung una kong malaman na buntis si Selena.
"Tita, sampung taon ko pong inisip kung masama ba akong anak! Sampung taon! Paulit-ulit kong binabalikan ang mga taon na hindi namin kasama si Papa dahil kinakain ako ng konsensiya ko..." I sobbed.
"Talagang magdusa ka! Sino bang matinong anak ang iiwan ang tatay niyang maysakit, huh?! May kasalanan ka rin dito, Sereia!"
"Ah, pucha..." mura ni Don at nagdadabog na lumabas ng kwarto.
I almost couldn't breathe because I'm crying too much. I'm blurting out words I don't even understand and my entire body is shaking.
"Alam kong hindi mo ako maiintindihan, Raya, dahil wala ka pang mga anak. Ginawa ko lang yun para sa kanila. Siguro dahil na rin sa inggit..." she shrugged. "Wala namang ibang ginawa si Fidel kundi mag-asawa ng mayaman, tapos ang mga anak niya, ang gaganda na ng buhay. Eh ako? Maaga akong iniwan ng asawa ko kaya kailangan ko silang itaguyod nang mag-isa..."
I want to pull my hair out of frustration. Did she think we lived a luxurious life before migrating to America? Hindi ba niya naisip ang ilang beses na nangutang si Papa sa kaniya noon dahil wala rin siyang pera?!
"Raya...?"
Napalingon ako at nakitang nakatayo si Lulu sa may pintuan. She looked worried.
"Sorry, nakarinig kasi ako ng nagsisigawan—"
Hindi ko na siya pinatapos at nilingon si Tita Belinda. I wiped my tears harshly. I've made my decision.
"Kahit isang piso, wala akong kukunin sa benta ng bahay. Hinding-hindi kita mapapatawad sa ginawa mo kay Papa. Ito na rin ang huling beses na tatapak pa ako sa pamamahay mo, Tita Belinda. Ang huling beses na makikita mo pa ang pamangkin mo dahil simula ngayon, kakalimutan ko nang naging parte ka ng buhay at ng pamilya ko."
Lulu gasped at what she heard. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa aming dalawa ni Tita Belinda. I limped my way towards her weakly. Hinawakan niya kaagad ang kamay ko at inalalayan ako.
"Isa pa..." nilingon ko siya ulit. "Hindi ko na ipagpapatuloy ang pagpapa-aral ko kay May Ann. Tutal sinasabi mong ginagawa mo 'to para sa mga anak mo, bakit hindi nalang ikaw ang magpa-aral sa kaniya?"
Umawang ang bibig ni Tita Belinda sa sinabi ko. I thought she'd stay in her room, mulling over what she'd done, repenting even. But as soon as I got out, she started wailing in her doorstep.
"WALA KANG UTANG NA LOOB! AKO ANG NAG-ALAGA SA TATAY MO NUNG NASA AMERIKA KAYO! AKO!"
Nagulat ang mga kaibigan ko dahil sa biglang sigaw ni Tita Belinda, pati na rin ang ibang tahimik na kumakain sa balcon. I signaled them to leave their seats because we're leaving this party.
"KASALANAN MO NA NAMATAY ANG TATAY MO, RAYA! KASALANAN MO!" paulit-ulit niyang bintang sa akin habang naglalakad ako patungo sa sasakyan ko.
Mahigpit na hinawakan ni Lulu ang kamay ko. My friends look puzzled, but they didn't ask a thing. Binuksan ni Lulu ang backseat at pinapasok ako. She gave my car keys to Yari and told her to drive.
Katabi ko si Lulu at sa kabila naman si Avery. Celeste keeps on looking at me from the rearview mirror, her face looks concerned. Avery silently handed me some tissues while Lulu kept on holding my hand.
"San tay—nevermind. Sa bahay nalang tayo," ani Yari habang nagmamaneho.
I still feel numb. I couldn't believe what just happened. Mas paniniwalaan ko pa kung panaginip lang ang lahat ng 'to, na hindi 'to totoo. Ipinikit ko ang mga mata pero mas lalo pang tumulo ang mga luha ko. I can't believe she let my father die so she could pocket all the money we're giving! She'd do that to her own brother with an excuse of raising her children.
Nanginig ulit ako sa galit.
"Sereia, breathe." Paalala sa akin ni Avery. "No matter how angry you are, you have to breathe."
I'm irritated but I still followed her advice. Breathing keeps me calm. Breathing helps me to convince myself that I am not yet blinded by the anger. Breathing is a conscious effort that I have to do despite my rage.
Bumagal ang takbo ng sasakyan. Walang umimik sa aming lima. Nang sumilip ako sa bintana, may kasambahay na nagbubukas ng gate para sa amin. We entered a simple two-storey townhouse. Yari parked the car and turned to us.
"Well, here we are..."
Isa-isa kaming lumabas ng kotse. Yari and Celeste exchanged looks first. Naunang binuksan ni Yari ang pinto at naabutan si Kei na nanunuod ng movie sa sala.
"Kei, get out."
"Huh?" nagtataka siyang nag-angat ng tingin at nagulat nang makita kaming lahat.
"Get out."
"Bahay ko 'to!" he protested. "Akala ko ba makiki-birthday kayo? San na yung spaghetti?"
"Ugh!" Yari pulled her hair in frustration. "Just get the fuck out, Kei. We need some alone time."
"Okay, okay." Dali-dali niyang niligpit ang snacks na kinakain niya. Dun pa lang ata niya na-gets kung anong nangyayari nang makita niya ang mukha ko. He silently went upstairs.
"You can't kick out your husband like that," Lulu chuckled.
"Why not?" Yari shrugged, putting her bag on the couch. "Raya, maupo ka. Kayo din. Kukuha lang ako ng juice."
I followed and sat on the couch. They all circled around me, waiting for me to talk but I couldn't open my mouth. Tumutulo lang ang mga luha ko at bahagya pa ring nanginginig ang mga kamay dahil sa galit.
"Raya? Gusto mo bang tawagan ko si Ivo—"
Marahas akong umiling at pinalis ang mga luha. I took a deep breath before answering Lulu.
"Huwag na muna, may importanteng meeting siya ngayon."
Lulu nodded in understanding. Celeste cleared her throat and looked at me seriously.
"Anong nangyari?"
Isinandal ko ang ulo sa balikat ni Lulu at tahimik na sinabi sa kanila ang nangyari kanina. Celeste's face is red with anger, while Avery looked shocked. Kakarating lang ni Yari kaya hindi niya naabutan ang sinabi ko. She looked at us innocently.
"Uh..."
"Gago! Napakawalang-hiya talaga!" pagmumura ni Celeste, kulang nalang ay suntukin niya ang pinakamalapit sa kaniya. Umusog nang bahagya si Avery palayo at tinitigan ako.
"Kaya ba kayo nagsisigawan kanina?"
I nodded, ashamed. Yari looked puzzled.
"May ginawa ka ba?"
Tumango ako. Avery waited patiently.
"I cut them off."
Celeste let out a relieved sigh. Ganun din si Lulu.
"Buti naman..."
"Kinabahan ako slight kasi sobrang bait mong tao, eh. Akala ko pinatawad mo pa Tita mo na yun." Celeste tsk-ed. "Mawalang galang na sa kaniya, pero napakasama ng ugali niya! Buti nga sa kaniya! Hindi pa crispy ang lumpia nila, tse!"
"Sabihin mo muna sa Mama mo ang nangyari, Raya. I'm sure your Tita Belinda will try to reach out again. People like her knows no shame, so make sure to block her right away." Sabi ni Yari nang tuluyan na niyang ma-gets ang nangyayari.
Matamlay akong tumango. Toxic people like her are exhausting and emotionally draining. Akala ko sa edad na 'to, nakita ko na lahat. I know people like her exist in this world, I just wasn't expecting that she'd be one of my family.
Celeste confiscated my phone and suddenly announced that we're going to have a sleepover. Wala namang problema kay Yari. Si Avery, nagpaalam muna na magpapaalam siyang aabsent bukas at lumabas para tumawag. Si Lulu naman, nag-text lang sa asawa niya na kunin si Lottie sa bahay nila dahil hindi siya makakauwi ngayong gabi.
"Hindi niyo naman kailangang gawin..." I bit my lower lip in embarrassment. I don't want to hassle people, especially if they're busy. Alam ko namang may kaniya-kaniyang buhay na ang mga kaibigan ko. Hindi porket may nangyaring masama sa akin, ititigil nila saglit ang buhay nila para damayan ako.
"Ano ka ba! Antagal na nating hindi nakapag-sleepover 'no! Deserve natin 'to..." si Celeste.
Lulu nodded in agreement, surprising me. "Oo nga. Alam niyo naman lahat kung gaano ko kamahal si Lottie at ang Mommy ko, diba? Pero minsan, gusto ko ding makahinga mula sa kanila... lalo na kay Mommy."
Tumango nalang ako at pumayag dahil mukhang determinado talaga sila sa plano. Nagsi-akyatan kami sa taas para humiram ng mga damit kay Yari.
"Hindi ba kayo sa iisang kwarto natutulog ni Kei?" Avery observed, looking around the surroundings.
Yari shrugged while pulling out clothes that might fit us. "We have a master bedroom and our own rooms. Hindi naman porket kasal, palaging magkatabi. We need space for ourselves, too."
Lulu nodded again in agreement. "Sometimes Kael would sleep on the couch just because." She shrugged. "Hindi naman namin kailangang mag-away para makatulog ako nang mag-isa sa kama."
Avery laughed. "Bakit parang ako ang pinapangaralan ngayon? Kailangan ko ata ng therapy para sa sarili ko..."
Yari handed me a silk pajama set with a designer logo in front. Pare-pareho ang suot naming lahat dahil yun lang naman ang ginagamit na pajama ni Yari. The rest are her office attires which, to our surprise, are only two sets of suits and three pairs of sheer blouses.
She shrugged. "Nakasanayan na..."
Chinese people, especially those in business, rarely buy clothes for themselves. I guess Yari adapted the culture from her parents.
Pagkatapos naming makapagbihis, bumaba ulit kami para mag-movie marathon daw. They all insisted that I just sit on the couch and relax. Sila na daw ang magluluto pero kinakabahan ako dahil sumama si Lulu sa kanila. Kaming dalawa ni Celeste ang naiwan sa couch.
"Anong gusto mong panuorin?" tanong niya sa akin habang binubuksan ang Netflix account ng mag-asawa. "Crazy Rich Asians? Pretty Woman? Letters to Juliet?"
I smiled when I saw the movies that Yari is watching. Mahilig pa rin siya sa mga romance movies hanggang ngayon.
"Tangi! Asin kasi yan!" narinig ko si Yari na sinundan nang malakas na tawa.
"Huh?! Bakit walang label?" reklamo naman ni Lulu.
"Okay na yan, hindi naman ganun karami ang nalagay mo..." tumatawang dagdag naman ni Avery.
Celeste shook her head. "Walang character development ang cooking skills ni Lulu..."
I chuckled at her joke. Celeste smiled at me, seeing me broke into a grin for the first time since what happened earlier. Tumabi siya sa akin at ipin-lay ang Pretty Woman.
"Napaka-Daddy talaga ni Richard Gere, ugh!" komento ni Celeste habang nanunuod. "Si Julia Roberts naman, hindi tumatanda! Akalain mo talagang totoo ang bampira, eh."
I laughed again, looking at the screen. Fifteen minutes into the film and the rest of the girls joined us. Naglapag ng popcorn si Lulu sa coffee table. Sinundan naman ito ng juice, lumpia, chicharon, at dumplings na mukhang ni-reheat lang nila.
Isa-isa silang naupo sa couch. Nasa sahig sina Celeste at Lulu, malapit sa pagkain. Katabi ko naman si Yari habang si Avery ay nasa one-seated sofa.
"Ulitin natin! Ang daya naman!" reklamo ni Avery habang hinahanap ang remote para sa TV.
"Huwag na beh, ikukuwento ko nalang sa iyo ang intro. Nasa exciting part na, eh." Si Celeste.
Nagtalo pa sila saglit hanggang sa pumayag si Avery na ituloy nalang ang movie. Puro mga komento kung gaano ka-gwapo si Richard Gere at kaganda si Julia Roberts sa buong movie.
"Fairy-tale ending," Avery rolled her eyes. "Sa pelikula lang yan nangyayari, eh."
Napasulyap ako sa bintana habang naghahanap sila ng susunod na panunuorin. Madilim na pala. I want to see my phone and update Ivo but Celeste insisted that I should keep my hands off it until tomorrow. Siya nalang daw ang magti-text kay Ivo para hindi ito mag-alala.
We ended up watching Destination Wedding, How to be Single, and He's Just Not Into You the entire night. Habang nasa ikalawang palabas kami, dahan-dahang bumaba si Kei na para bang takot na makita ng asawa. He must've ordered some food and gave some to us. Yari shot him a look. He immediately stepped back and carried his food upstairs.
"Maawa ka naman sa asawa mo, Yari," natatawang wika ni Avery.
Yari rolled her eyes. "Anong gusto mo? Ayain ko siya sa girl's night natin?"
They teased Yari while she's taking out the food her husband gave. Iyon na daw ang magiging dinner namin tutal rice meal naman ang in-order niya. I started feeling drowsy on our third film and yawned. Sumandal ako kay Avery.
Nagpatulong si Yari kay Kei na ibaba ang maninipis na foam para may matulugan kami sa sala. Pinagdikit-dikit namin ang mga foam para magkasya kami. Kinuha din ni Kei ang extrang unan mula sa master's bedroom at inabutan pa ako ng kumot.
"Salamat..."
He just nodded and disappeared in his room again. The girls excitedly went to watch the fourth film, Wild Child, while I was almost dozing off in my blanket.
"Raya—"
"Ssh! Hayaan mo na... pagod yan," narinig ko pang wika ni Celeste bago ako tuluyang makatulog.
My throat was dry when I woke up. Ilang segundo kong inisip kung bakit may chandelier sa kisame ko bago ko napagtantong narito nga pala kami sa bahay nina Yari. I pushed myself up, glancing at them. They're all still sleeping. Nakayakap si Celeste kay Lulu habang si Yari naman ay mukhang bangkay na nakasako sa sarili niyang kumot. Avery is sleeping with a frown on her face. Napailing ako at tumayo saka dahan-dahang naglakad patungo sa kusina nila.
I jumped when I saw a man in the kitchen, drinking his coffee. Ibinaba ni Kei ang binabasa niyang dyaryo at tiningnan ako.
I smiled awkwardly, ready to flee.
"Uh... good morning. Iinom lang sana ako ng tubig." Sabi ko nalang dahil sobrang sakit na ng lalamunan ko. I couldn't remember drinking water last night while we were feasting on the finger foods and the Chinese takeout Kei gave us.
Tumango si Kei at itinuro ang double-door nilang ref. I took a deep breath to get myself a glass of water. Ingat na ingat ako at kinakabahan dahil hindi pa naman kami masyadong close ni Kei at kami lang dalawa ang narito sa kusina.
"Sereia, right?"
Muntik ko nang mabuga ang iniinom ko nang biglang magsalita si Kei. Napatingin tuloy ako sa kaniya. He gave me a polite smile.
"Sorry, not good with names."
Tumango ako at umiling, hindi alam kung anong dapat isagot sa kaniya.
"Uh... tama naman. Sereia ang pangalan ko."
"I was wondering what kind of person you are, since your friends have been talking nonstop about you." He nodded to himself. "Now, I know..."
Know? Know what? Kinakabahan ako dahil hindi ko mabasa ang ekspresyon sa mukha niya. Is he disappointed? Relieved? Have I lived up to his expectations since my friends have been "talking nonstop" about me?
"I'm sorry to eavesdrop, but I heard what you girls have been talking about yesterday. Sorry about your aunt, no one deserves a toxic relative like that."
Tumango-tango ako. Bumabagal ang utak ko dahil in-english ako ni Kei umagang-umaga! Hindi ko tuloy alam kung anong isasagot sa kaniya bukod sa mga tango at oo.
"Uh... gisingin ko na sila." Itinuro ko ang sala. Tumango naman si Kei at bumalik sa pagbabasa ng dyaryo niya.
Habang kumakain kami, may lumapit na kasambahay kay Yari at may ibinulong. Muntik nang mabuga ni Yari ang kinakain niya kaya napatingin kami sa kaniya.
"Uh... excuse me." She said and left the dining hall. Sinamahan niya ang kasambahay niya sa gate.
Bumalik sila pagkatapos ng ilang minuto. Yari turned to Avery.
"Av, may naghihintay sa 'yo sa labas."
"Huh? Sino?" nagtatakang tanong ni Avery.
Yari shrugged and signaled her to follow. Nang mawala sila sa paningin, nag-unahan pa kami nina Lulu at Celeste patungo sa bintana para sumilip. My eyes widened when I caught glimpse of a tall man in a military uniform.
"Holy shit, siya ba yung—" Celeste gasped and clamped her mouth when Avery turned to our direction, squinting her eyes.
"Ssh! Mabuking pa tayo, eh!" ani Lulu at kaagad na tinakpan ang bibig ni Celeste.
Yari stood awkwardly between the two while they seemed to be... fighting? I'm not sure but Avery looks mad. Si Yari naman, tuluyan na silang iniwan dahil mukhang hindi ata siya komportable. She laughed when she saw us eavesdropping on them.
"Kagabi pa daw yan, sabi ni Manang. Ayaw umalis..." she said with a teasing smile on her face.
"Siya yung commander ng ROTC noon, diba? Yung palaging nasa flag ceremony?" tanong kaagad ni Celeste.
Tumango si Lulu, pilit na inaalala kung anong pangalan niya. "Tumulong din siya sa SSG noon, eh. Ano nga ulit ang pangalan niya..."
Yari just smiled and left the three of us guessing for his name. Ayaw niya namang sabihin sa amin dahil baka daw magalit si Avery sa kaniya.
Bumalik din si Avery sa loob pagkatapos ng ilang minuto. None of us said a word about the military man outside. We kept our mouth shut when we bid goodbye to each other, and just exchanged silent looks when we saw Avery walking toward him after saying goodbye.
Ibinalik na din sa akin ni Celeste ang phone ko. All of them asked if I'm okay to drive alone and I had to assure them that I'm fine and that there's no reason to worry about me.
Nag-drive ako pabalik ng Pangasinan. Now that I'm alone with my thoughts, my temper is rising once again. Pinilit kong pakalmahin ang sarili. I was anxious when I caught glimpse of my phone and saw that there were already 67 missed calls from her and 36 text messages. Tumawag din si Ivo sa akin, pati na si Mama. I took a deep breath and finally opened my phone when I arrived home. Una kong binasa ang mga text galing kay Tita Belinda.
Tita Belinda:
TANDAAN MO RAYA AKO ANG NAG-ALAGA SA TATAY MO NUNG MGA PANAHONG KINALIMUTAN NIYO SIYA, WALA KANG KARAPATANG MAGALIT SA AKIN
Tita Belinda:
Ginawa ko lang yun para sa mga ANAK ko. Hindi mo ako maiintindihan DAHIL WALA KANG ANAK!
Tita Belinda:
Makonsensiya ka sana na titigil na sa pag-aaral si May Ann dahil sa iyo. OO DAHIL SA IYO. Pinaasa mo lang ang pinsan mo na patatapusin mo siya sa pag-aaral. Pwede namang hindi na gawin yung isyu, PINALAKI MO PA!
My hands were shaking as I exited all of her messages. Wala namang text galing kay Mama pero tumawag siya sa akin. Binasa ko nalang ang galing kay Ivo.
Ivo:
Sinabi sa akin ni Celeste ang nangyari.
Ivo:
Ayos ka lang? Pwede akong pumunta ng La Union pagkatapos ng meeting ko.
Ivo:
Anong gusto mo? Ice cream? Dagat?
Ivo:
Yakap? :(
And at a later time during the night, he sent me one last text.
Ivo:
Enjoy your girl's night, okay? I'll see you soon.
My anxiety lessened after reading his comforting text messages. At least there is one person here that doesn't blame me for what happened. Sinapo ko ang ulo at tinawagan si Mama.
Kanina, pinipigilan ko ang mga luha ko dahil ayaw kong mag-alala ang mga kaibigan ko pero nung makausap ko si Mama, tuluyan na akong naiyak. Umiyak din siya nung marinig niya ang side ko dahil tinawagan siya ni Tita Belinda at nagsumbong na minura-mura ko daw siya sa harap ng anak niya. Gusto kong maramdaman ang yakap ni Mama ngayon dahil pakiramdam ko, mag-isa ulit ako. She comforted me through her tears.
Naiiyak ako sa magkahalong galit, lungkot, at pagsisisi sa lahat ng nangyari. Pero siguro ito ang dahilan kung bakit sa loob ng sampung taon, may mabigat sa dibdib ko. Siguro dahil hindi ko talaga alam kung anong dahilan sa biglaang atake ni Papa.
Now that I know the reason, I can properly ask for his forgiveness.
Nag-file na ako ng leave at sinabi sa EIC namin na may family emergency akong dapat asikasuhin. I also contacted Ivo and told him about what I'm planning. Pumayag naman siya at sinabing susunduin niya ako bukas.
I was so tired but I couldn't sleep. Nag-kape nalang ako habang iniisip si Papa, naluluha ulit. Hindi ko na namalayan ang oras at inumaga ako sa sala, nakatulala. Agad akong nagbihis at nag-ayos para hindi na masayang ang oras namin ni Ivo. As soon as I threw the door open, he pulled me into a hug.
"Sorry..." he murmured, tightening his grip. I melted into his arms and my tears slipped from my eyes quietly. "I should've been there."
Dahan-dahan akong umiling at pinalis ang luha ko. Bumabalik ulit sa akin ang unang sakit ng pagkawala ni Papa dahil sa nalaman ko. Before, I was determined to get away from his grave as far as I can because of the guilt. Now, I am desperate to be as close to him because of regret.
Tahimik lang kaming dalawa ni Ivo habang nagmamaneho patungo sa La Union. Dumiretso kami sa sementeryo at bumili ulit ng bulaklak galing kay Lola Terry bago namin bisitahin si Papa.
As soon as I saw his tombstone, I broke into tears. Muntik ko pang mahulog ang dala kong bulaklak habang umiiyak ako sa harapan niya.
"Sorry... sorry, Papa... hindi ko alam... hindi ko sinasadya..." I sobbed while clutching the grass surrounding his grave.
Naramdaman ko nalang ang kamay ni Ivo na humahagod sa likuran ko habang patuloy ako sa pag-iyak. Paulit-ulit akong humingi ng tawad kahit na alam kong wala nang magbabago at matagal nang nangyari yun. But still, he needs to rest in peace. He must've been worried about me carrying the unknown weight of his sudden death. Now that I know, I could start finally healing myself and let him go.
"Papa, magpapakatatag ako para kay Mama, para sa mga kapatid ko... kaya patawarin mo ako dahil hindi man lang ako nakaramdam na may nangyayaring masama na pala sa 'yo noon. Sobrang naging abala ako sa pangarap ko na nakalimutan na kita. Sorry, Papa... sorry..."
Ivo pulled me into a hug while I cried harder. I want to let it all out so I could finally step forward. I didn't realize how stuck I was for the past ten years until I learned the ugly truth... that even family can betray you and push you to the edge.
Nagtagal kami dun ng ilang oras hanggang sa tuluyan na akong kumalma. I weakly followed Ivo out of the cemetery when my phone started buzzing again.
Tita Belinda calling...
I swiped the end call button and clicked on her contact information. Pinindot ko kaagad ang pulang button para tuluyan nang ma-block ang lahat ng mga tawag at text niya sa akin.
As soon as I did it, a dead weight from my chest is lifted. No more manipulations, abuse, and gaslighting. I was unlucky to have her as my family but I still have control over our parasitic relationship. I'm cutting her off from my life... forever.
-
#HanmariamDWTWChap43
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro