Chapter 40
Note: Unedited.
-
"So... what was that all about?"
I turned my head down in shame while my EIC watched me with what I hope is a look of concern instead of disappointment in her face.
"Alam kong may relasyon kayo ni Primitivo Escarra. I figured he'd want to keep it private so I shut my mouth."
Nag-angat ako ng tingin at nakitang seryoso siyang nakatingin sa akin.
"Tapos kanina, in-announce mo sa conference room na ikaw pala ang girlfriend niya..."
Gusto ko nalang magpalamon sa lupa. I can't believe I did it! Sobrang nilamon ako ng selos at hindi ako nakapag-isip nang maayos. Ngayon, halos hindi ko na matingnan sa mga mata ang mga katrabaho ko.
"You know I'd never meddle in a relationship as long as it's not between officemates..." she waved her hand dismissively. "Just make sure that it won't affect your work performance, or your relationship with your workmates, Sereia. I know there's only a month left, but I still believe in a non-toxic, friendly working environment. I don't want tension and drama in my working place, got it?"
"Yes, Ma'am." I said meekly and exited her office.
Alam kong tinitingnan ako ng iba ko pang mga katrabaho kaya yumuko nalang ako at dumiretso sa sariling opisina. I couldn't meet their eyes. Not now. I'd wallow in self-loathing first and then pick up myself and apologize for my behavior. But not now.
Naging abala na din ako sa sumunod na araw para sa birthday ng kambal. Sinamahan ako ni Ivo na bumili ng regalo para sa kanilang dalawa at nag-plano na din kaming kotse niya ang gagamitin patungo sa Elyu. He picked me up on Saturday shortly after the sun has set, and we drove to the city.
"Raya!"
Hindi pa ako tuluyang nakakalabas sa sasakyan ay dinamba na ako ni Avery. Natatawa ko siyang niyakap pabalik. Siya ata ang hindi ko madalas na makita simula nung nakabalik ako dahil masyado siyang busy sa trabaho.
"Buti naman nakapunta ka..." she grinned widely and glanced at Ivo. "Hayup, buhay pa pala 'to..."
Ivo glared at her. Simula nung magtrabaho siya sa kompanya, palagi siyang hindi nakakasama sa galaan ng barkada dahil sa sobrang busy. When everyone else can file their leaves, Ivo had to stay in the office and make sure everything is working well. Walang makakapalit ng posisyong iiwanan niya kahit pansamantala lang.
"Nandito na nga, eh!"
"Nandito ka lang kasi nandito si Raya..." Avery rolled her eyes and linked her arms with me. Si Ivo naman ang may dala ng regalo namin para sa kambal at nakasunod sa likuran namin.
"Dadalhin daw ni Lulu si Lottie ngayon?" tanong ko kay Avery habang naglalakad kami papasok ng bahay. Informal party ang birthday nilang dalawa at nag-set up lang sa garden. May nadaanan pa kaming nag-iihaw ng isda at liempo malapit sa buffet table.
"Oo..." Avery scanned the surroundings and pointed her finger to a table. "Ayun sila, oh!"
Naroon na pala silang lahat. They were crowding a small table because most of them brought their partners. Natigilan si Avery sa nakita. Kasama ni Lulu si Kael at ang anak niya. Si Ravi naman, sa tabi ni Celeste. A woman sat beside Karlo and a tall, Chinese man is talking to Yari. Kaming dalawa naman ni Ivo.
"Pucha, by partner ulit..." bulong ni Avery at parang ayaw nang lumapit sa table.
Hinigpitan ko ang hawak sa braso niya at nginitian siya nang malawak.
"Pwede mo akong partner!"
"Eh ako?" reklamo ni Ivo sa likuran na nakikinig pala sa usapan namin.
I laughed. "Pwede kang babysitter ni Lottie."
He protested while we walked towards the table. Unang nakakita sa amin si Celeste at kaagad kaming itinuro. Lulu waved her hand. Hindi siya makatayo dahil kandong niya ang anak. Yari's husband whispered something to her and left the table.
"Raya!" sinalubong ako ni Yari ng yakap at halik sa pisngi. "Buti naman nakapunta ka..."
"Oo naman. Happy birthday, Yari..."
She grinned at me. Panandaliang hinanap ng mga mata niya ang lalaking kasama kanina pero agad ding ibinalik sa akin ang tingin.
"Teka, kuha lang ako ng extrang upuan..."
"Ako na, Yar." Ani Ivo at inabot sa kaniya ang regalo. "Oh, regalo mo. Happy birthday."
"Ang sungit ni Ivo, parang nagme-menopause..." natatawang sagot ni Yari habang tinatanggap ang regalo.
Ivo just mumbled something under his breath and left us in the table.
"Lottie, mano ka kay Tita..." malambing na wika ni Lulu nang makalapit ako sa kanila. I laughed and gave Lottie my hand. Her head tilted at me and gave me a toothless grin before pressing my hand against her tiny forehead.
"Ang cute-cute..." pinigilan ko ang sariling pisilin ulit ang mga pisngi niya.
I nodded at Kael and waved at Ravi before going back to my seat. Siniguro kong tabi kami ni Avery para hindi siya ma-OP. Nang makaupo ako nang maayos, napatingin naman ako sa gawi nila Karlo.
Nagtama ang tingin namin ng babaeng katabi ni Karlo. She is tall, and had fair skin. Her hair flowed in waves, as if the sea itself has combed through it. Binigyan niya ako ng nahihiyang ngiti na kaagad ko namang ginantihan.
"Ah, Raya... oo ngapala. This is Nadia, my fiancée."
"Sereia." Nakangiti kong wika saka inabot ang kamay ko.
She shook my hand with a firm grip. "Nadia. I heard so much about you."
"Talaga? Anong pinagsasabi ni Karlo?"
"Na nagpagawa siya ng standee para sa hiking trip ninyo..." she chuckled and I almost want to disappear. Sinamaan ko ng tingin ang mapapangasawa niya.
"Nadia, kung di ka pa sure kay Karlo, pwede ka pang mag-backout..." ganti ko naman sa kaniya.
Tumawa lang si Karlo at inakbayan si Nadia. She just laughed easily at my jokes. I could tell she's been with the squad several times because of how at ease she is. Ganun din si Ravi. Noon, halos hindi siya nagsasalita pero ngayon nakikipagbangayan na siya kina Karlo at Ivo.
Nang makabalik si Ivo, dun ko siya pinaupo kina Lulu. Hindi na siya umangal nang makitang excited sa kaniya si Lottie. Avery gave me a grateful smile so I felt relieved.
"Ayokong mag-rice, babe... baka tumaba ulit ako." Narinig ko si Celeste habang nakapila kami sa buffet table. Ravi chuckled.
"Kailan ka ba tumaba?"
Sumimangot lang sa kaniya ang babae at pumili ng kakainin. Si Ivo naman, hawak ang kamay ni Lottie habang tinuturo ng bata ang gusto niyang kainin. He reminded me of how he used to hold Selena before when she was young.
"Fried chicken? Ano pa?" he asked patiently while filling her plate.
Pagkatapos naming kumuha ng pagkain, isa-isa na kaming bumalik sa table. Naghintay pa saglit sina Ivo doon dahil gusto din ng inihaw na liempo ni Lottie kaya nauna na kami.
"Kumusta trabaho mo, Avery?" tanong sa kaniya ni Karlo. "PsyInsight ka pa rin?"
"Yup. Nagtuturo din ako sa DMMMSU."
"Ah, ngapala. Nadaanan ko ang St. Agnes kahapon. Pinaayos na pala nila ang waiting shed, 'no? Tapos wala na din ang nagtitinda ng isawan sa harap." komento naman ni Karlo.
"Na-miss ko yun! Parang gusto ko ulit bumalik..." ani Yari. She sighed dreamily. "Nakakamiss din mag-volleyball."
"Diba si Lulu yung tinamaan ng bola sa gym?" natatawang wika ni Celeste. Binalingan niya si Lulu. "Na-clinic ka, diba?"
Ngumuso lang siya. "Oo, nagkabukol ako nun." Sinulyapan naman niya si Kael. "Dahil yun sa teammate mo, diba?"
Kael just chuckled and nodded. It felt good watching Celeste recalled the event she once otherwise considered as awful. Nagseselos pa siya dahil kay Kael noon.
"Nag-third year ka sa St. Agnes, Nadia, diba?" si Avery naman.
"Yup. Pero bumalik din ako saSMA pagka-fourth year..."
While we were eating, Yari's husband finally joined us. Nahihiya siyang humingi ng paumanhin. I noticed she was with Yari's parents the entire time. He flicked his gaze to me. Kinalabit naman siya ni Yari at tinuro ako.
"Sereia, this is my husband..." ani Yari habang nakatayo sa likod niya ang asawa. "His Chinese name is Xi Qin Hwan but just call him Kei."
"Hi." Lumapit siya sa akin at inabot ang kamay niya.
Napatitig ako sa kaniya. Mukha naman siyang mabait. But I recognize the mirth in his eyes. Ivo had the same look especially when he's dealing with his business. He's a man who makes calculated moves and often went with his logic in everything he does.
"Sereia..." ani ko habang nakikipagkamay sa kaniya. "Raya nalang."
"Nice to meet you." He said briefly and went back to his wife. Yari is wearing an elegant high slit black dress and her husband as an accessory. Family friend daw siya ng mga Chi Ong, at kinasal sila nung college pa kami. Yari never said why she kept it a secret but now that I see them together...
"Raya, oy, ba't andaming nag-a-add friend sa akin sa Facebook? Dahil ba 'to sa magazine?" kinalabit ako ni Ivo sa likuran at pinakita sa akin ang cellphone niya. Natawa ako nang makitang sumasabog na pala ang notification niya ngayon.
"Siguro..." I shrugged. "Mag-private ka nalang."
He mumbled something under his breath and did what was told. Na-kuryoso naman ang bata sa cellphone at gusto itong laruin kaya binilisan ni Ivo ang ginagawa.
"Oo nga pala, babe, nakita mo ba yung October issue ng Social Synergy? Si Ivo ang cover!" niyugyog pa ni Celeste si Ravi at excited na itinuro si Ivo.
"Yeah, I saw. It's everywhere." Ravi chuckled.
"Kasalanan 'to ni Raya, kahit saan ako lumingon, puro mukha ko ang nakikita ko..." reklamo ni Ivo. "Pareng Ravi, pasensiya na kung bigla nalang akong sumikat tapos maungusan kita. No hard feelings, bro."
Ravi laughed at him. Inirapan ko lang si Ivo. Pero totoo naman ang sinabi niya. We are currently having our second reprint of the issue because it's sold out everywhere. It must be his trending interview video, or the cover that drew the attention of many. Ilang araw na ding nagt-trend ang keywords niya sa social media at gaya nga ng sabi ni Ivo, mukhang nakita na din nila ang personal facebook account niya at ina-add siya ng karamihan.
I asked him if it's okay with him, and he didn't seem to mind it. Ivo is carrying the name of their company, so for him it was a good publicity. Win-win situation for both parties.
Pagkatapos ng party, nag-aya si Ivo sa dating resort na pinupuntahan namin noon. Halata namang wala pang gustong umuwi sa kanila at nang marinig nilang libre, nag-unahan pa sa sasakyan.
"Overnight?" I asked him while we were walking to his car.
Ivo nodded. "Minsan lang naman. Sulitin na natin."
Tumango ako at pumasok sa sasakyan. Karlo, Nadia, Yari, and Kei are in the same car. Si Kael naman, Lulu, at si Lottie ay sa sariling kotse. Ihahatid sina Celeste at Ravi ng driver ni Ravi habang si Avery naman ay makikisakay sa amin.
"Nakakainis. Kung alam ko lang na by partner 'to, sana naghanap ako ng macho dancer na dadalhin ko dito..." Avery said in a jokingly way but I could sense the hint of sadness in her voice.
Mabilis kaming nakarating sa resort nina Ivo. He talked to one of the staff in the lobby while we were wandering around, pointing out the changes ever since we last stepped here.
"Birthday mo diba yun, Avery?" siniko ni Celeste si Avery habang naghihintay kami kay Ivo. "Antagal na nun, ah."
"Oo, mga 10 years lang naman," Avery laughed and looked around.
Wala namang masyadong nagbago. Naroon pa rin ang maliit na rentahan ng mga surf board at ang pool. Sumikat na din ang resort dahil affordable pa rin ito sa karamihan. I saw some pictures in the lobby of celebrities who have been here.
"Babe, pa-picture ka tapos ipa-frame natin sa lobby!" biro ni Celeste kay Ravi. "Tingin mo tataas ang sales niyo, Ivo?"
"Huh?" napalingon si Ivo sa amin nang marinig ang pangalan niya. Tinawanan lang siya ni Celeste. He said something to the receptionist and finally joined us.
"Yung suite nalang pala ang natitirang available... dun nalang tayo. Ayos lang?"
"Oo naman!" ani Lulu. Kael and Karlo went away for a smoke, so she's been holding her daughter's hand. "Yun ba yung pinag-overnight-an natin noon, Ivo?"
Ivo nodded. Dinala niya kami dun sa dating kwarto. Nag-iba lang ang shade ng pintura sa loob pero ganitong-ganito pa rin ang hitsura sa alaala ko. My eyes zeroed in the bed where I slept, and I remembered the night when Ivo whispered to me when he thought I was sleeping. I chuckled.
"Ba't ka tumatawa mag-isa, Raya?" tinabihan ako ni Ivo nang mapansing may iniisip ako.
Umiling ako, nangingiti pa rin. "Wala, may naalala lang."
His brows knitted together in confusion. "Ano?"
"Wala, secret ko lang yun." I grinned at him mischievously and went to the same bed. Nilapag ko ang bag doon. Ang iba naman, naroon na sa terrace at nagpi-picture.
Dahil puro single bed lang naman ang narito, walang magkakatabi sa amin matulog bukod kay Lulu at sa anak niya. We made an unspoken rule not to sleep together with our partners in respect to Avery.
"Pwede ba tayong mag-inom? May bata, eh." Bulong sa akin ni Celeste.
I shrugged and glanced at Lulu. Sinusuklayan niya ang buhok ni Lottie.
"Psst! Lulu! Matutulog na ba si Lottie? Inom tayo!" si Avery naman.
Lulu laughed. "Una kayo... susunod lang ako."
They shrugged and went to the terrace to form a circle. Sina Karlo ang bumili ng alak dahil nasa labas naman na sila. Yari and Nadia were seated next to each other, talking in low voices and giggling. Napatingin ako kay Kei na kinakausap na pala ni Ivo. He seemed like a good guy.
Dahil dumoble ang dami namin ngayon, medyo siksikan kami sa terrace di tulad noon. Tumabi si Ivo sa akin, tapos si Celeste naman sa kabila at si Avery. Nasa kabilang banda ang mga lalaki, kasama na si Kei at Ravi. Lulu joined us after a little while. Sa may pintuan siya nakaupo dahil sakaling magising si Lottie sa ingay namin, mabilis siyang makakapunta sa anak.
I looked around us in silence. Ten years ago, we were in different positions in life... just mere high schoolers who were excited about our futures. Inisa-isa ko sila ng tingin.
Celeste is now a dental assistant, engaged to what could be the most famous singer in our generation, Ravi. Lulu is a blooming mother, married to her engineer husband, Kael. Yari and Kei runs their business together. Karlo is an aeronautical engineer, engaged to an elegant oil painting artist, Nadia. Avery works as a researcher and a professor, and her career is at the pinnacle of success. Ivo built an empire out of their family business and I ended up becoming a magazine journalist.
My heart swelled with pride and glory, watching all of them. Our dreams back then were so silly but now...
"Grabe, Cel, ang dami pa rin ng tagay mo!" reklamo ulit ni Karlo. "At huwag mong sasabihing ice lang yan dahil ang dami talaga!"
"Calm down, Cel..." Ravi chuckled, agreeing with Karlo.
"Eh di ikaw nalang tanggero!" naiinis na wika ni Celeste at ipinasa kay Karlo ang baso tsaka bote ng alak.
"Oh, we have something to say pala..." ani Lulu kaya napatingin kaming lahat sa kaniya. She smiled and her eyes twinkled with joy. "We're pregnant."
Kael reached for her hand and gave it a gentle squeeze while everyone cheered with joy.
"Gagi, ang bilis naman, pareng Kael..." biro ni Karlo sa kaniya.
"Oh, spin the bottle daw kung sinong magiging ninong at ninang ng bata!" pang-uusig naman ni Ivo sa tabi ko kaya nagtawanan ang lahat.
"Ilang months na?!" excited na tanong ni Celeste sa kaniya, nakatingin sa flat na tiyan ni Lulu.
"Hmm, 6 weeks? I've yet to visit my doctor. Kael will take my shots for me. Hindi na ako pwedeng uminom..."
"Gawin niyong ninang at ninong sina Yari at Kei para tiba-tiba kayo..." natatawang wika ni Avery.
"Galaw-galaw sa isang couple d'yan na hindi pa engaged!" pang-aasar naman ni Yari. "Nakakadalawa na sina Lulu, oh..."
Tumawa lang ako at hindi siya pinansin. Ayoko munang isipin ang ganung mga bagay gayong nagsisimula pa naman kami ni Ivo.
Karlo made a toast for Lulu's pregnancy. Nadia and the rest of the girls congratulated and gushed about the new baby.
"Sana lalaki!"
"Hindi, babae para may kalaro na si Lottie!"
"Gusto mo ng playmate sa anak mo? Hingi ka kina Yari!"
Siniko ni Yari si Karlo nang mapagtripan na naman nito ang kambal. Tumawa lang ito at binawi ang sinabi niya.
Napalingon ako kay Ivo nang bigla nalang itong sumandal sa balikat ko. Mabagal ang ikot ng alak dahil marami kami. Tulad ng dati, hindi ulit siya sumali sa inuman. He yawned.
"Gusto mo nang matulog?" bulong ko sa kaniya dahil sobrang ingay ng mga kaibigan namin.
He shook his head weakly. "Sabay na tayo."
"Mamaya pa 'to..."
"Ayos lang."
I gave his hand a gentle pat and returned to the conversation. They were talking about Nadia's upcoming exhibit. Aside from Ravi, she's sort of a celebrity due to her popularity not just for her paintings, but for her looks as well. It's rare to find an artist who looked like a muse. I discovered that she's a distant cousin of Lulu – a family of beauty queens and enchanting women.
"Hoy, Ivo, huwag mong gawing hapunan ang pulutan natin!" sita ni Karlo kay Ivo nang mapansing kinandong na niya ang bowl ng chips at kumakain dahil wala naman siyang ibang magawa habang umiinom kami.
Ivo ignored him and continued eating slowly. Wala siyang mabilhan ng chuckie sa lugar na 'to kaya naman pinagtitiyagaan nalang niya ang chips. Nadia laughed and whispered something to her fiancé. Karlo just tsk-ed and moved on to passing the glass.
"Alam niyo, ang bitter-bitter ko kanina kasi ako lang ang walang partner!" nagulat ako nang biglang tumayo si Avery. Her face is all red and she's slurring a bit, obviously drunk. "Hindi naman kasi ako na-inform na by partner 'to, eh!"
"Lasing yarn?" natatawang bulong sa akin ni Celeste. I giggled.
"Ano naman ngayon kung ako lang ang single dito?" she scoffed. "Mabubuhay naman ako ng walang lalaki! Mas nakakapag-focus ako sa career ko nang walang ibang inaalala..." a silly grin lit up her face. "Hindi naman kawalan ang pagiging single, diba?"
"True, true..." tumango-tango si Lulu kaya napatingin sa kaniya si Kael.
"Pero bakit ganun..." her voice broke. "Ilang taon na ang lumipas, nami-miss ko pa rin siya..."
"Mag-e-emote na yan..." Celeste reported with a giggle.
"Sino beh? Andami nun, eh." Biro naman ni Yari.
"Huwag mo kong inaasar, Karylle Jane, alam mo kung sinong tinutukoy ko!" Singhal naman niya sa kaibigan.
Patagong inabot ni Karlo ang baso kay Kael na katabi ni Avery. It seems he would skip her glasses from now on. Lasing na talaga 'to.
Avery started crying all of a sudden. "Pucha naman kasi, bakit pa bumabalik?" isinubsob niya ang mukha sa palad at talagang umiyak na. "Okay na ako, eh... nasanay na akong mag-isa. Kung kailan ayos na ako, saka pa ako guguluhin ulit?"
"Sinong tinutukoy niya? Si PMA boy ba?" bulong sa akin ni Celeste.
Tumango ako. "Mukhang siya nga..."
Umusog si Lulu patungo kay Avery at mahigpit itong niyakap.
"It's okay, Avery... time will come for you. Hindi mo naman kailangang madaliin. Ikaw na nga ang nagsabi, nakabuti para sa iyo ang paghihiwalay niyo. Look at you, you're the most successful here in our group. You have a stable job and your career is flourishing. Makakapaghintay naman ang mga bagay na yan, eh."
"Gusto ko pang magka-anak..." she cried.
"Magkaka-anak ka pa," Lulu said with a laugh. "You know I'm a menopausal baby, right?"
"Ayokong manganak ng singkwenta, Lulu!" mas lalo lang lumakas ang iyak niya sa sinabi ni Luanne. I think it demotivated her instead of inspiring. "Putek, hindi ko kaya yun!"
Nagtawanan lang sila. Nadia shot her a look of concern but said nothing. Umiiyak lang sa tabi si Avery at mayamaya pa, nakatulog na ito sa balikat ni Lulu.
"One down..." inikot ni Karlo ang tingin. "Ten more to go..."
Napailing ako nang tumayo ang mga lalaki para daw kumuha pa ng inumin sa restaurant ng resort. Mukhang balak talaga nilang maglasing ngayong gabi. Tumayo ako at tinulungan nalang si Lulu na akayin si Avery patungo sa kama niya. Nadia joined us.
"Sorry, na-witness mo pa talaga ng pagd-drama ni Avery..." hinging paumnahin ni Lulu sa pinsan.
Nadia laughed. "Ayos lang. Ganito din naman ang mga kaibigan ko..."
"Baka di na 'to sumama sa atin sa galaan!" si Celeste naman.
"Of course, I'll join! Magsasawa kayo sa mukha ko lalo na kapag kinasal kami ni Karlo..." she laughed.
Yari made a gagging sound. "Ang swerte ng hinayupak na yun sa iyo. Hindi niya deserve."
Nagtawanan lang sila. Lulu tucked Avery in bed and went back to the terrace. Sakto ding pagdating nila dala ang bagong inumin. Sumama si Ivo sa kanila para daw makapaglakad-lakad at mabawasan ang antok niya.
"Putek, nalalasing na yata ako..." pag-amin ni Karlo. I'm starting to get dizzy, too. Ang hindi lang ata naapektuhan dito ay sina Kei at Kael.
"Tara, dagat." Biglang tumayo si Celeste at pinagpagan ang suot niyang dress.
"Huh? Alas dos na ng madaling araw, Cel!"
"Kaya nga, para mahimasmasan ka..." she smirked. "Huwag mong sabihing takot kang maligo sa dilim?"
Karlo rolled his eyes and stood. Tinulungan niyang makatayo si Nadia. Sumunod na din kami sa kanila. Nagpaiwan si Lulu at Kael para bantayan ang anak at si Avery. The rest of us raced to the dark waters.
Tumili nang malakas si Nadia nang itulak siya ni Karlo sa dagat. He chuckled and joined her in the water. Napailing ako at nilingon si Ivo. He's removing his shoes one by one, clearly excited by the sudden change of mood.
Hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming lumusong. The water is cold yet soothing. The waves are gentle, lapping slowly at the shore while we break the silence with our laughter and squeals.
"Unang mahulog, magbabayad ng bill, ah!" ani Ivo habang pinapasakay ako sa likuran niya. Gusto daw nilang mag-piggyback game total may partner naman na kami.
I heard Ivo grunt when I swung my leg over his shoulders. Napatingin ako sa kaniya.
"Mabigat ba ako?"
Agad siyang umiling. "Hindi, ah! Nabigla lang ako..."
I just chuckled and got comfortable in his shoulders. Nakasakay na din si Yari kay Kei pati sina Celeste at Ravi. Nagtatalo pa sina Karlo at Nadia dahil nahuhulog si Nadia sa tuwing umaakyat siya sa balikat ni Karlo.
"I-disqualify nalang kaya natin sila?" natatawang wika ni Celeste.
Napailing si Yari. It took them a while to finally get up. Si Celeste ang kalaban ko at natakot agada ko dahil alam ko kung gaano siya ka-competitive pagdating sa mga laro. I swallowed and turned to the other side. Celeste grinned wickedly at me.
"Sorry, Raya, walang personalan..." she said in a warning before lunging to an attack.
I squealed and tried to fight back but Celeste is too strong and I fell into the water. Nakainom pa ako ng tubig-dagat dahil sa biglaang pagkahulog kaya naubo-ubo ako pagka-ahon. Ivo is laughing at me instead of helping me. My ears bled when I heard Yari's scream before she fell into the water, too.
I could barely see their faces while we were in the water. From afar, it would look like several shadows are playing with each other. Nang maka-recover ako, saka pa ako natawa sa nangyari.
Look at us, adults having fun like kids...
We're not even wearing swimsuits and shorts. Naka-dress pa kaming mga babae habang ang mga lalaki naman ay kung anong suot nila kanina. Other people who'd find us here will think we're crazy.
Hinawakan ni ivo ang baywang ko dahil muntik na akong matumba ulit. I could barely stand properly in the water with all the laughter and chaos. I looked up to him and smiled.
I don't mind being crazy as long as I am with them...
-
#HanmariamDWTWChap40
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro