Chapter 4
"Bakit hindi ka makasagot? Guilty ka?"
Nanlaki ang mga mata ko. Ano bang sinasabi niya? Hanggang ngayon, hindi ko pa rin kilala kung sino ang boyfriend ni Xandra tapos panibagong isyu na naman?! Humigpit ang hawak niya sa uniporme ko at unti-unti akong pinapalibutan ng mga kaibigan niya.
"Hindi kami..." mahina kong wika. "Wala naman akong boyfriend na inaagaw."
"Hala, tama nga yung sinabi nila tungkol sa iyo, ang galing mong magbait-baitan! Nasa loob talaga ang kulo!"
Naningkit ang mga mata niya sa akin. Ako naman, pilit na inaalis ang kamay niya sa uniporme ko dahil pakiramdam ko mapupunit niya iyon. Wala akong pambili ng bagong uniporme kung sakali.
"Kailangan ko nang bumalik. May klase pa ako..."
"Bastos pa! Kinakausap ka pa namin, eh!"
"Oo nga, akala mo kung sinong mabait—"
"Tama na yan." Napalingon kaming lahat nang biglang bumukas iyong isang cubicle at may lumabas na second year. Kulay dilaw kasi ang sling ng I.D. niya. Hindi ko alam kung anong ginagawa niya dito sa C.R. ng mga first year eh nasa kabilang building naman sila.
Agad akong binitawan ng babae at sinamaan ng tingin. Napatingin tuloy ako doon sa nagligtas sa akin. Pamilyar ang mukha niya at palagi ko siyang nakikita na kasama ni Lulu sa student council, kaya malamang ay officer din ito.
"Taga-Mabini kayo, diba? Ano sa tingin niyo ang mangyayari kapag sinumbong ko 'to sa teacher niyo? Bullying 'to, eh," malumanay ang boses niya pero nakakatakot. She looked so soft but her words can cut glass.
Hindi nagsalita iyong mga babae at bumulong-bulong pa na nagsialisan sa C.R. kaya naman nakahinga na ako nang maluwag. Napatingin ako doon sa babae at alanganing ngumiti.
"Ah, salamat po, Ate..." sinulyapan ko ang I.D. niya pero nakatalikod iyon kaya hindi ko makita kung anong pangalan.
"Don't mention it. Yung mga ganyan, dapat sinusumbong para magtanda," she tsk-ed while washing her hands.
Awkward lang akong nakatayo doon at hinintay siyang matapos saka pa kami lumabas. Inihatid pa niya ako sa classroom ko bago siya nagpunta sa sarili niyang building doon sa tapat. Nang maupo ako, bumulong kaagad si Lulu sa akin.
"Bakit magkasama kayo ni Avery? Friends ba kayo?"
Umiling ako. "Hindi. Nakita ko lang siya sa C.R."
"Huh?" naguguluhan niyang tanong sa akin. Naputol rin iyon nang pumasok na yung homeroom teacher namin at nagsimula na ang discussion.
Sinulyapan ko saglit si Ivo na nakikinig sa teacher namin. Dapat ay magle-lecture siya pero tinanong-tanong siya ni Ivo ng kung anu-ano kaya naman nahulog na nagkuwento siya ng talambuhay niya sa klase at hindi kami nakapag-discuss.
I sighed, looking down at my lap. Dalawang linggo ko pa lang siyang kakilala pero napapaaway na ako nang ganito. Bakit ba kasi dito siya umupo? Sana pala hindi nalang siya sumama sa akin sa chess club. May meeting ulit mamaya kaya nagdadalawang-isip na ako kung pupunta ako o hindi.
Hindi nalang ako pumunta kinahapunan. Bukod sa natatakot ako na baka abangan ako ng mga babae kanina sa C.R., may sakit din si Sonny kaya kailangan ko pa siyang alagaan. Naghihintay din si Papa sa akin dahil babiyahe siya kahit isang ikutan lang para may pang-hapunan kami.
Nakatanggap kaagad ako ng first warning sa hindi ko pagsipot ng meeting. Three consecutive absents ay tanggal kaagad ako. Iyon ang sinabi sa akin ni Ivo at tinanong ako kung bakit hindi ako nagpunta kahapon.
"May sakit ang kapatid ko," tipid ko lang na wika.
"Talaga? Valid excuse yun, ah? Gusto mong sabihin natin kay President Natalie? Mabait yun! Friends na kami..."
I turned to him. Of course, they're friends. Iyong meeting pala nila ay election ng new officers at si Ivo ay ang treasurer. I just shrugged. Bahala na. Hindi rin naman importante sa akin iyong club.
"Maglalaro daw tayo ngayong Friday," daldal niya ulit. Nakahalumbaba lang ako pero alam niya namang nakikinig ako sa kaniya kaya nagpatuloy siya. "Ikaw first game ko, ah?"
"Bakit ako?"
"Diba sabi mo marunong kang mag-chess? Papaturo ako!"
I turned to him, my eyes squinting in suspicion. "Sumali ka sa chess club, naging treasurer ka pa tapos hindi ka pala marunong maglaro?"
Tumawa si Ivo. "Marunong ako. Sakto lang."
Bahagyang sumama ang loob ko sa kaniya. Inaway-away pa ako ng mga babae sa kabilang section dahil palagi daw kaming magkasama ni Ivo tapos ito naman pala! Hindi rin siya seryoso sa club na ito. Nakakainis kasi gusto ko lang naman ng mapayapang high school pero itong lalaking ito, kakakilala ko pa lang pero ang dami ng nangyayari sa akin!
Sumapit ang Friday at talagang nauna ako dun sa meeting ng chess club. Iniwan ko si Ivo sa classroom kasi may kausap ulit siyang kaibigan at ayaw ko ding makita na naman kaming sabay pumasok. Hinintay namin ang iba pang members saka kami hinati-hati. Si Ivo, siya nga ang kalaban ko. Pangiti-ngiti pa siya habang nag-aayos ng mga piece niya sa chess board. Kulay puti iyong sa kaniya at ang akin naman ay itim.
"Ladies first..." aniya.
I sighed. "Ikaw ang white, Ivo. Ikaw ang first move."
"Huh? Ganun ba yun?" tumatawa pa rin siya pero inangat na niya ang bishop niya at umatake. Kumunot ang noo ko sa ginawa niya pero umabante din ako. When I realized what he's going to do, it only took me three moves to win the game.
"Ano yun?!" napatayo pa si Ivo, gulat na gulat. "Bakit ganun?! Teka..."
Napatingin tuloy ang iilan sa amin. Nag-request ng panibagong laro si Ivo kaya pinagbigyan ko siya. Talo na naman siya kaya nakipagpalit pa siya ng mga piece sa akin. Ako na yung white kaya ako ang nag-first move. Ivo tried to directly attack my king so I had to sacrifice my queen and won again.
"Puta..." bulong niya, nakatulala sa chess board.
"Ang galing mo, ah? First year ka, diba?" lumapit yung president namin na Natalie daw ang pangalan at nginitian ako.
"Hindi, pres! Maduga yang si Seraia! Ang sabi niya, "marunong" lang daw siya pero tatlong beses na akong tinalo!" sumbong naman ni Ivo.
"Pwede ba tayong maglaro?" tanong naman ni Natalie.
Hindi ko pinansin si Ivo at tumango nalang. Nasa tabi na siya ngayon at nanunuod. Compared to a beginner like Ivo, Natalie is more mature and can formulate strategies when it comes to playing chess. Pero iyong strategy niya, nakikita ko na rin kay Papa noon at naka-develop na ako ng plano kung paano siya tatalunin.
"Checkmate."
Namilog ang mga mata ni Natalie pero kalaunan ay napalitan iyon ng ngiti. Tiningnan niya ako.
"Ikaw ang representative ng first year sa intramurals, ah?"
Wala naman akong magawa kundi um-oo nalang. Mukhang wala rin silang makitang matinong maglalaro sa chess para sa intrams. Ang plano ko pa naman sana ay maging anino lang dito sa club na ito dahil alam kong kakain talaga iyon ng oras at hindi naman ako pwedeng magtagal sa eskwelahan.
"Classmate ko 'to!" inakbayan pa ako ni Ivo kaya agad kong tinanggal ang braso niya sa akin. Para akong napaso. Hindi lang sa hawak niyo kundi pati na rin sa masasamang tingin ng mga babaeng first year sa akin.
Nang matapos na ang meeting ay tumayo agad ako at nagpaalam na. Nagmamadali akong lumabas at naghanap ng tricyle. Malamang ay naghihintay na yun si Selena sa akin!
Mabilis na lumipas ang mga buwan dahil ang dami kong ginagawa. Nagpa-practice ako tatlong beses sa isang linggo doon sa club at si Ivo ay walang ibang ginawa kundi mangulit at mag-side comment. Siya din ang nangolekta ng babayaran naming isang daan at limampung piso para sa t-shirt namin ngayong intramurals. Si Avery na taga art club ang gumawa ng design sa shirt namin. Napag-alaman kong dalawa pala ang club na sinalihan ni Avery. Treasurer siya sa student council at miyembro naman ng art club. Ayos naman daw basta napagsasabay at hindi officer sa dalawang club mismo.
"Bagay sa iyo, Sereia!" tuwang-tuwa pa siya nang lumabas ako ng cubicle suot iyong itim na shirt. Hindi ko naman alam kung anong ini-expect niya sa akin eh t-shirt lang naman yun. Inayos ko ang buhok ko at itinali. First day of intramurals ngayon. Bukas pa ang laro ko kaya malaya akong makakapagliwaliw sa hinandang mga booth ng bawat klase.
Ang lahat na may laro sa sports at officers sa mga club ay hindi kasali doon sa maghahanda para sa booth. Kaya naman stress na stress si Lulu dahil konti nalang ang naiwan sa classroom namin. Tumutulong din ako kapag may bakante pa akong oras kasi mukhang maiiyak na talaga siya. Harry Potter themed na café ang itinayo ng classroom namin. Maliit lang iyon at konti lang din ang nasa menu dahil kami-kami lang naman. Ang alam ko, tumulong din si Ivo sa pangpanday noong maliit na stall tapos iyong mga babae ko namang kaklase ang nag-design.
Habang naglalakad kaming dalawa ni Avery patungo sa classroom ko ay natanaw kaagad namin si Lulu at Ivo doon sa stall na nagtatalo pa. Salitan kasi ang pagbabantay at sa tuwing si Ivo ang nagbabantay, dinadayo naman siya ng mga babae mula sa kabilang section.
The more I stare at them, the more I realized how good they looked together. Hanggang balikat lang kasi ni Ivo si Lulu kaya ang cute tingnan. Tsaka maganda at gwapo kaya bagay talaga. Matagal na silang magkaibigan kaya hindi na ako magugulat kung magkakagusto si Ivo sa kaniya. Baka nga totoo din ang tsismis na si Lulu ang dahilan kung bakit sumunod dito sa Elyu si Ivo.
"Bagay sila..." mahina kong sambit.
Avery chuckled. Napatingin tuloy ako sa kaniya, nagtataka.
"Hindi. May ibang gusto si Lulu. Hindi ko lang sure kay Ivo..." komento niya.
"Talaga? May gusto siyang iba?"
Tumango naman si Avery. "She doesn't know it yet, but I think she's starting to like the guy."
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Huh? Pwede ba yun?"
Avery just smiled at me. "Bata ka pa kasi, hindi mo pa naiintindihan."
"Bata ka rin naman, ah? Second-year ka lang," ganti ko naman.
Tumawa lang si Avery at nilapitan namin yung dalawa. May mga babae nang nakaupo doon sa maliliit na lamesa at si Ivo ang kumukuha ng mga order nila. Lumawak ang ngiti ni Lulu nang makita kaming dalawa na magkasama.
"Raya! Buti nalang nandito ka na. Kanina pa ako binu-bwisit ni Ivo!"
"Buong buhay mo akong binu-bwisit, Lulu. Quits lang tayo." Rinig ko namang sagot niya.
Umirap si Lulu at binalingan ako, nakangiti. "Maglalaro ka bukas?"
Tumango naman ako at naupo roon sa loob ng stall. Binigyan ako ng extra na pera ni Papa para daw pambili ko ng snacks kasi alam niyang intrams na namin pero wala naman akong balak na ubusin iyon. May pinag-iipunan akong bilhin na ayokong hingin kay Mama dahil pakiramdam ko... mawawalang iyon ng saysay kung hindi ako mismo ang bibili.
"Good luck, Raya! Ich-cheer kita. Si Ivo ang magbabantay dito!"
"Hoy, anong ako? Yung ibang classmates naman natin. Kailangan ako sa club bukas," protesta kaagad ni Ivo.
Nag-order si Avery ng milk tea sa café namin at nagtulakan pa ang dalawa kung sino ang gagawa. Nakasuot pa si Ivo ng kulay brown na apron. Itim ang t-shirt niya ngayon at nakapantalon kaya mukha talagang nagtatrabaho sa coffee shop.
Ivo ended up preparing the milk tea for Avery. Mas maraming pearls ang sa kaniya kasi daw kaibigan. Close na kaagad sila. Iniabot niya ito kay Avery at tinabihan ako.
"Kinakabahan ka bukas?" tanong niya sa akin.
Umiling ako. "Hindi naman..."
"Wow, ang confident. Gusto ko yan, Sereia..."
Napanguso ako. Wala naman talagang dapat kabahan dito, diba? Maglalaro lang naman ako dun ng larong noon ko pa alam. Wala ng bago dun. Atsaka, wala din akong pakialam kung manalo ako o matalo. Kung mananalo, magp-proceed ako sa inter-school competition. Kung hindi, okay lang din para makatulong ako dito sa café.
"Ah, oo nga pala..."
Napalingon ulit ako kay Ivo at nakitang tinatanggal na niya iyong suot niyang bracelet. Ibinigay niya ito sa akin kaya kumunot ang noo ko.
"Ano 'to?"
"Lucky charm ko yan," proud niya pang sabi. "Sa tuwing suot ko yan, nananalo ako sa surfing competitions noon. Isuot mo, malay mo gumana din sa iyo."
"Huwag na..." pagtanggi ko. Baka may makapansin kasi na ibinigay niya 'to sa akin at ma-isyu na naman ako.
"Hindi lang naman para sa iyo, eh. Part ako ng club kaya gusto kong manalo tayo. Sige na!"
Napaawang ang mga labi ko nang damputin niya ang kamay ko at isinuot sa akin iyong bracelet niya. Ini-lock niya ito at pinagmasdan pa bago niya bitawan ang kamay ko.
"Good luck, bukas."
Tumango nalang ako at umalis sa tabi niya. Natatakot akong baka sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko ay maririnig na niya ito.
Kinabukasan, nagpaalam ako kay Papa na baka ma-late ako ng uwi dahil may laro ako. Siya na ang nag-presentang sumundo sa mga kapatid ko. Dadaanan niya lang daw sa taxi kapag oras na ng uwian nila tapos babalik na naman siya sa biyahe.
Dalawang t-shirt iyong ibinigay sa amin para sa intramurals. Pareho lang ang design pero kulay puti at itim iyon. Yung puti ang isinuot ko ngayon. Naka-mom jeans ako kaya naka-tuck in iyong shirt. Nagsuot nalang din ako ng puting converse para komportable.
Nang makarating ako sa school, mas lalo pa atang dumami ang mga taong nagliliwaliw sa labas. May iba ding nanunuod ng basketball doon sa gym, kasama na si Celeste. Kulang nalang ay mag-split siya don para mapansin siya ng crush niya. Nakita niya kasi ako sa gate at hinila ako don sa gym para samahan siya sandali.
"Go Kael!" malakas niyang sigaw at tumalon-talon pa. Halos mabingi ako nang maka-shoot ulit yung Kael at tumili nang malakas si Celeste. She turned to me and shook my shoulders hard. "Nakita mo yun?! Nakita mo ba yun?!"
Tumango-tango ako at inalis ang kamay niya dahil pakiramdam ko nabali ang mga buto-buto ko sa ginawa niya. I looked around, helpless. Wala naman akong naiintindihan sa laro. Basta alam ko, pag naka-shoot, may puntos.
"Raya!"
I sighed in relief when I saw Lulu and Ivo in the crowd. Nakipagsiksikan sila hanggang sa makarating dun sa pwesto namin. Si Celeste naman ay excited na nag-update sa kanila tungkol sa laro.
"Mananalo ulit ang mahal ko! I'm so proud!"
Tumingin si Lulu doon sa gym pero wala namang kung anong ekspresyon sa mukha niya. Akala ko nga ay magchi-cheer din siya kagaya ni Celeste pero tahimik lang siya sa tabi. Si Ivo lang itong nakikisali.
"Go Kael!" sigaw niya rin kahit hindi naman niya kilala kung saan doon yung crush ni Celeste. Itinuro pa niya iyon. "Ah, yung may knee support? Sige, ich-cheer ko."
Habang tumatagal ang laro ay mas dumadami pa ang tao. May sumisingit na sa harapan kaya nakikipag-away na si Celeste sa mga babaeng first year din.
"Bakit kayo sumisingit, ha?! Ako ang nauna dito!"
"Chill ka lang, Cel." Natatawang wika ni Ivo sa kaniya. "Gusto mo buhatin kita? Para makita mo nang maayos si Kael."
"Oh my gosh! Hulog ka ng langit, Ivo! In love na ata ako sa iyo!"
"Parang mga ulol..." bulong ni Lulu pero natatawa din.
Akala ko ay nagbibiruan lang sila pero sumakay talaga si Celeste sa balikat ni Ivo at tumili nang malakas. Agaw-pansin na tuloy sila ngayon kasi pati si Ivo, nakiki-cheer din. Nagkatinginan kaming dalawa ni Lulu, hiyang-hiya.
"Hindi ko kilala ang mga 'to..." aniya.
"Ako rin." Bulong ko.
Lumayo kami nang konti sa kanilang dalawa. In the midst of the crowd, Avery found us. Tumawa-tawa pa siya nang makita sina Celeste at Ivo. Kinuhanan niya ito ng picture atsaka naki-cheer din doon sa team ni Kael.
They won. Klaro naman kasi magagaling sila. Hindi naman si Kael ang captain ng team pero sobrang pinagkakaguluhan siya. Siguro kapag tumungtong siya ng third year o fourth year ay magiging captain na siya.
Bumaba si Celeste kay Ivo at nakigulo doon sa mga gustong magpa-picture kay Kael. Kami naman, umalis na ng gym. Sinulyapan ko ang orasan ko. Alas onse pa naman ang una kong laro kaya may oras pa akong maglibot-libot.
"Grabe, ang sakit ng mga balikat ko." Reklamo ni Ivo, hawak-hawak pa ang dalawang balikat. "Ang liit ni Cel, pero ang bigat pala!"
Tinawanan lang siya ni Lulu at sinabing buti nga sa kaniya. Napagdesisyunan naming bumili ng cotton candy doon sa nagtitinda sa labas at pumasok ulit. Dumiretso kami sa gym para manuod ng volleyball dahil naroon raw ang mutual friend nina Lulu at Avery na si Karylle. Kilala ko na agad siya dahil sikat silang dalawa ng kambal niyang lalaki, lalo na sa volleyball. Hindi sila nilalagay sa iisang team dahil unfair daw kaya palaging magkalaban ang dalawa.
Pagsapit ng alas onse, nagpaalam na kaming dalawa sa kanila pero sumama naman sila sa amin. Hindi sila pwedeng makapasok doon sa classroom para manuod dahil daw kailangang mag-focus ng mga players. Yung mga officers lang ng club ang pwedeng pumasok kaya sa bintana nalang nakatingin sina Lulu at Avery.
Naupo ako dun sa assigned seat sa akin. Ang una kong kalaban ay second year student. Nakasalamin pa ito at seryoso ang mukha kaya kinabahan na din ako. Si Ivo ay kasama sa mga nagbabantay pero doon naman siya sa senior category kaya hindi ko siya nakikita. Nung lumingon ako sa bintana, naroon na si Celeste at binigyan ako ng thumbs up.
Nasa akin ang white kaya ako ang nauna. Hindi nagsasalita iyong kalaban ko at tahimik rin naman ako para hayaan siyang mag-isip. He looks calm but he's actually aggressive with his pieces. He's threatening one of my pieces so I made an even bigger threat. Gusto niyang atakihin ang queen ko, kaya ginalaw ko ang knight at kaagad na binlock ang check niya. Nag-angat siya ng tingin sa akin, medyo irita sa ginawa ko pero hindi ko nalang pinansin. I made a bait that would make him lose if he tries to attack my queen again and... he did.
Noon pa man ay alam ko na kung gaano ka-importante na usisahin ang attitude ng opponent mo sa chess para alam mo kung paano sila pababagsakin. For him, he was aggressive and reckless, always looking for an opportunity to attack without even building his defense. His strength became his weakness.
Hindi namin ginalaw ang chess board at hinayaang mag-tally iyong officer na nakabantay sa amin bago niya in-announce na panalo talaga ako. Wala namang sinabi iyong kalaban ko at lumabas na ng classroom.
"Ang boring, Lulu, wala akong naiintindihan..." rinig kong wika ni Celeste habang palabas ako ng classroom.
"Nanalo ka, diba?" tanong naman ni Lulu sa akin.
Tumango ako kaya nagsitilian sila. Sinita kaagad kami ng mga officers at pinaalis. Iti-text lang daw ako sa sunod na schedule ko ng laro. Inakbayan ako ni Celeste.
"Ang tahi-tahimik niyo roon sa loob! Akala ko may patay!"
Natawa ako sa sinabi niya. Ganun naman talaga ang chess. The peace and quiet will help the player to think. May mga tournament akong napapanuod na pinapalibutan sila ng ilang libong tao. Hindi ko ma-imagine ang sarili ko sa ganun. Pakiramdam ko, masisira ako dahil sa pressure at wala akong strategy na mabubuo. Natalo ko lang naman ang kalaban ko kanina kasi sobrang tahimik at nakapag-isip ako nang maayos. Nakatulong din na walang nanunuod sa amin doon sa loob.
Naglibot-libot ulit kaming apat habang hinihintay naming matapos si Ivo sa duty niya. Hindi kasi siya makakaalis hangga't hindi natatapos maglaro ang lahat. Kami ata kasi ang pinakaunang tapos kaya mabilis din akong nakalabas. Si Avery, nagpaalam muna at aasikasuhin niya ang booth nila. Kaming tatlo ni Celeste ay bumalik doon sa café namin at tumulong nalang sa pagsi-serve.
Sa pangatlong araw ng intrams ay nakapaglaro ulit ako. Third year naman ang kalaban ko. Maraming nagchi-cheer sa akin na mga club members dahil kung papalarin, ako daw ang pinakaunang first year na ipapadala sa inter-school competition. Pero iyong kalaban ko, mula pagkabata ay naglalaro na talaga ng chess. Kahit anong strategy ang gawin ko ay mayroon siyang lusot. Kami ang pinakamatagal natapos at... talo ako.
"Okay lang yan, Raya, may next year pa naman..." sabi sa akin ni Ivo habang naglilinis kami ng classroom. Tapos na kasi ang lahat ng laro at may napili na para sa inter-school competition kaya lahat ng club members ay required na tumulong maglinis. "Makakalaro ka pa."
I shrugged. Hindi naman yun big deal sa akin kaya ayos lang. May dalawa pang araw na natitira para sa intramurals kaya pwede akong makatulong sa café namin. Ayos na din yun at wala ng pressure sa dibdib ko. Makakahinga na ako nang maluwag.
"Huh? Hindi mo suot iyong bracelet?"
Napatingin ako sa kamay ko nang mapansing tama nga ang sinabi niya. Yarn kasi iyon na black and white at kapag nababasa, bumibigat. Hinubad ko iyon kaninang umaga bago ako maligo at nakalimutan ko atang isuot pagkatapos. Nagmamadali din kasi ako dahil late na...
"Ah, sorry. Nakalimutan ko sa bahay."
"Kaya ka ata hindi nanalo, eh! Lucky charm natin yun, bakit mo kinalimutan?!" reklamo naman ni Ivo.
Natawa ako sa reaksyon niya. Paniwalang-paniwala talaga siya na nagdadala ng swerte iyong bracelet, huh? Ibabalik ko na iyon sa kaniya bukas kasi mukhang mas kailangan niya yun kesa sa akin.
Pagkatapos ng intrams ay bumalik ulit sa normal ang klase namin. Nabalitaan kong iyong team nina Kael ang lalaban sa inter-school competition para sa basketball. Kilig na kilig naman si Celeste at sinabing pupunta daw siya sa ibang school para lang manuod. Sina Lulu at Avery ay required na magpunta kasi mga officers sila, para daw may mag-assist sa mga players.
"Raya, kailan ang birthday mo?" tanong naman ni Lulu sa akin habang naglilinis kami ng classroom.
"Ngayong bakasyon." Sagot ko naman habang inaayos yung upuan.
"Sayang naman! Hindi ka ba namin makikita sa bakasyon? Aalis ka?"
Umiling ako. Wala namang ganun sa amin. Hindi kami nagbabakasyon sa malalayong lugar. Isang beses pa nga lang ako nakakapunta ng Manila. Noong inihatid namin si Mama sa airport at karga-karga ko pa ang kapatid ko.
"Birthday ko sa Sabado! Punta ka, ha?"
Hindi kaagad ako sumagot. Wala namang klase sa Sabado pero baka kailanganin ako sa bahay. Hindi ako sigurado.
"Ivo, pilitin mo nga 'tong si Raya na magpunta sa birthday ko! Ayaw akong sagutin, eh!" sumbong naman niya nang dumaan si Ivo sa harapan namin.
Napatingin si Ivo sa akin. "Hindi ka pupunta?"
Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba iyon pero malungkot ang boses niya pagkatanong sa akin. Kinabahan tuloy ako.
"Magpapaalam muna ako kay Papa."
"Gusto mo ipaalam kita sa Papa mo?" kaswal niyang tanong.
Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. "H-Huwag na! Ako na. Babalitaan ko nalang kayo..."
"Beh, i-invite mo din si Kael sa birthday mo. Pupunta ako!" sabat naman ni Celeste.
"Hindi ka naman invited!" pang-aasar naman ni Lulu kaya nagbangayan ulit sila.
Tumahimik ako pero napatingin din kay Ivo nang bigla siyang tumikhim. May gusto ba 'tong sabihin? Mukhang wala naman kasi umalis din siya at pinagpatuloy ang ginagawa.
Pagkauwi ko sa bahay, nagluto ulit ako ng hapunan para sa mga kapatid ko at hinintay si Papa na makauwi. Madaling araw na iyon kaya naman nilibang ko nalang ang sarili sa paglalaro ng chess mag-isa sa balcon namin.
"Anak, madaling araw na, ah? Gising ka pa..."
Nagmano ako sa kaniya at inabot ang bitbit niyang plastic.
"Isda iyan, tsaka may karne rin. Bumili na ako kasi balita ko, magmamahal ulit ang presyo sa palengke..." he sighed. "Tumawag ba ang Mama mo kanina?"
"Opo..." mahina kong sagot habang hinuhugasan ang pinamili niya. Nang matapos ako ay inilagay ko ito sa loob ng ref.
"Papa..." tawag ko. Napalingon siya sa akin.
"Bakit?"
I bit my lower lip. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako. Wala naman sigurong masama na um-attend ng birthday party, diba? Hindi naman uso sa amin iyon pero susubukan ko pa rin dahil alam kong kukulitin nila ako bukas.
"Uh... yung kaibigan ko po kasi, birthday niya sa sabado. Pwede ba akong magpunta?"
Akala ko magagalit si Papa pero ngumiti siya at tumango-tango.
"Oo naman. May kaibigan ka na pala? Ipakilala mo naman sila sa akin. Hindi mo naman sinabi!"
Para akong nabunutan ng tinik sa sagot niya. I nodded.
"Sige po, dadalhin ko sila dito sa susunod."
Kahit na kinulang ang tulog ko ay excited akong nagising kinabukasan para sabihan si Lulu na oo, makakapunta ako sa birthday niya. Pero iyong excitement ko, nabawasan nang mapagtanto kong wala nga pala akong pera pambili ng regalo niya. Nahihiya naman akong pumunta na walang dala. Sinilip ko ang alkansiya ko at binilang ang naroon. Siguro ay kukuha nalang ako ng konti pambili ko ng regalo.
Nang makarating ako sa eskwelahan, may maliit na grupo ng mga estyudante ang nagkakagulo doon sa classroom namin. Papasok na sana ako pero hinarangan ako ng isa kong kaklase.
"Huwag ka munang pumasok, Raya, nagco-confess pa si Aileen kay Ivo!"
"Huh?"
Sumilip ako sa bintana at nakitang sila lang dalawa ang naroon sa loob ng classroom. Nasa pinakadulo sila at si Aileen, iyong magandang babae sa kabilang section, ay nakaupo pa sa upuan ko habang nakatayo naman sa harapan niya si Ivo. Hindi ko alam kung anong ginagawa nila pero napansin ko agad ang mabilis na pagtaas-baba ng balikat ni Aileen. May sinabi si Ivo sa kaniya at mabilis siyang tumayo at kinuha ang bag. Tumakbo siya palabas ng classroom, umiiyak.
Bumuhos kaagad ang mga kaklase ko sa loob ng classroom at nag-ingay. In-ambush nila si Ivo kung ano ba daw ang nangyari. Sila na ba ni Aileen? Bakit siya umiiyak? Hindi ba gusto ni Ivo si Aileen?
I stared at him across the room while he was being surrounded by my nosy classmates. Nakangiti naman siya pero alam kong hindi ito totoo. Tinitigan ko siya, umaasang titingin siya dito sa gawi ko.
And he did.
For the first time, when our eyes met, he was the one who looked away.
-
#HanmariamDWTWChap4
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro