Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 36

Ivo's eyes went wide, as if his brain stuttered and his thoughts are catching up while staring at me. Itinagilid ko ang ulo at pinagmasdan siya.

"Seryoso ka ba?"

"Bakit, ayaw mo?"

"Hindi ah!" sabi niya kaagad. "Wala nang bawian, no! Mahal mo pa ako?" Ivo reached for my hand.

He said it so casually that a wash of cold took over me. Ako naman ang nagulat. Pero mas lalo kong ikinagulat ang biglaang pagbukas ng pinto. Napatingin sa amin ang EIC namin at si Kaye na hindi inaasahang makikita kaming dalawa sa dressing room, magkahawak-kamay.

I tried to withdraw my hand from his grip but he wouldn't budge. Mas hinigpitan niya lang ang hawak sa akin habang nakatingin sa dalawa na para bang pagmamay-ari niya ang building na ito.

"Nakakadisturbo ba kami, Miss Montanez?" there was a hint of tease in my EIC's voice that made my blush like a teenager. Si Kaye naman, bukas-sara ang bibig at hindi makapagsalita nang maayos habang nakatingin sa amin.

"Hindi po, Ma'am!" hinila ko nang marahas ang kamay mula kay Ivo at sinamaan siya ng tingin. He pouted like a kid and stepped back.

Our EIC smirked at me, tapping Kaye's shoulders.

"We went here to see if Mr. Escarra needs any more assistance but I think our editorial assistant can handle him." her voice is teasing despite her poker face and they left.

My chest is about to explode. Binalingan ko si Ivo kaso bayolenteng tumunog ang phone niya. A shadow of worry crossed his face when he glanced at the screen.

"Sorry, sagutin ko lang 'to."

I nodded as Ivo stepped out of the room. I was pacing back and fourth, nervously glancing at myself in the big, vanity mirrors, trying to figure out how to say to him what I really feel at this moment.

Yes, the chase is not over. But unlike before, I think I'm ready to have him by my side while I realize my dreams. I'm no longer that little, weak girl who needs to depend on someone to take the leap.

Nagtagal ng ilang minuto si Ivo sa labas. When he came back, there was a sense of urgency in his face.

"Raya, kailangan ako sa office."

Tumango kaagad ako. It seems serious, whatever their problem is. Tuluyang lumapit si Ivo sa akin at hinawakan ulit ang kamay ko.

"Can we meet for dinner tonight?"

Tinaasan ko siya ng kilay. "You will be in Manila in a few hours, Ivo. Huwag ka nang bumiyahe dito sa Pangasinan."

He opened his mouth to protest, so I quickly butted him off.

"Dadalhan kita ng lunch bukas."

Ivo's face lit up like a Christmas tree. Nginisihan niya ako.

"Sabi mo yan, ah?"

Tumango-tango ako at bahagya pa siyang itinulak. Mukhang wala na kasing balak umalis dito, eh.

"Oo, sinabi ko yun. Alis na, baka ma-stuck ka pa sa traffic."

Ivo grinned and gently placed his hand at the back of my neck to pull me closer. Nagulat ako pero huli na nang siniil niya ako ng halik. My eyes were wide with shock, so I could see clearly how his ears are turning red while kissing me. I started melting at the softness of his lips, as if lulling me into a promise of comfort and healing. When he pulled away, he smiled at me.

"Tawag ako mamaya."

Tumango ako at ihinatid siya palabas. Ivo quickly got into his car and honked twice before leaving. When the car vanished from my line of sight, I touched my lips with the tips of my fingers, trying to catch the lingering moments of his kiss.

"Ma'am!" nagulat ako nang biglang may humampas sa akin nang mahina sa likod. When I turned, Kaye is looking at me like I committed a horrible crime. "Ang sabi mo hindi kayo close, ba't kayo naghahalikan sa dressing room?!"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Ang lakas-lakas pa ng boses niya kaya napalingon ang security guard sa amin. Pinandilatan ko siya ng mga mata. She reminded me of Celeste.

"Ikaw ba?! Ikaw ba yung babaeng kinukuwento niya?!"

I shrugged. "Hindi ako sure."

"Ikaw yun, eh!" halos magdabog na si Kaye habang naglalakad kami papasok sa building. "Kilig na kilig ang EIC sa inyo! Hindi mo naman sinabi na top 10 eligible bachelor pala ang jowa mo!"

Hindi ko nalang pinansin ang pang-aasar ni Kaye hanggang sa makabalik kami sa working space namin. Buti naman at inaasar niya lang ako tuwing kami lang dalawa ang magkasama. I could sense the curiosity of my other workmates but I'd rather have our relationship private first considering that we are just starting out.

My heart started beating wild in my chest again when I realized something. I'm in a relationship. Ivo is my boyfriend... my first boyfriend. Napahawak ulit ako sa labi ko at mukhang tangang nakangiti sa swivel chair. I never had any experience with relationships before so he would be my first...everything.

Pagkatapos ng shift ko, kaagad akong nag-drive patungo sa clinic kung saan nagtatrabaho si Celeste. I'd love to talk to Lulu, but she's on Manila right now. None of my friends are available as of the moment and Celeste is the closest to me. Plus, I feel like she's the one who could give me a real advice about relationships.

"Raya!" masaya akong sinalubong ni Celeste. I texted her ahead of time that I'm going to meet her. Nagi-guilty ako dahil katatapos lang ng shift niya pero mukhang wala namang problema sa kaniya. "Saglit, magbibihis lang ako."

I nodded and waited at the lobby of the dental clinic. Wala ng tao ngayon. The dentist also stepped out, yelling for Celeste to lock the clinic and smiled at me before leaving.

A few minutes later, Celeste came back, wearing a pair of denim jeans and a black knit top from her blue scrubs earlier. Hawak na niya ang bag at ang susi. Pinauna niya ako ng labas dahil il-lock pa daw niya ang office pati na rin ang front door. Nang matapos siya, lumapit na siya sa akin.

"Dinala mo ang kotse mo?" Celeste mouthed at me while talking to someone at the phone.

I nodded.

"Babe, huwag mo na akong sunduin. Si Raya na ang bahala sa akin..." narinig kong wika ni Celeste habang naglalakad palapit.

My eyes widened. Is she talking to Ravi?! Nakakahiya! Baka may date plans pala sila o ano tapos bigla ko nalang hinila si Celeste! I just saw her fiancé on an ad earlier for his recent tour so I'm sure he must be busy.

"May plano ba kayo ni Ravi? Uuwi nalang ako, Cel..."

Kumunot ang noo niya habang nakatingin sa akin. "Huh? Ba't ka uuwi? Ayos lang, 'no! Tsaka, ang layo ng binyahe mo tapos uuwi ka lang? Hayaan mo yun si Ravi, matanda na yun..."

Napailing ako sa sinabi ni Celeste. Tuluyan na kaming nagpunta sa parking lot. I brought the engine to life and turned to her.

"Kumakain ka pa rin ba ng street foods?"

"Oo naman! Alam mo, may bagong night market na gusto kong puntahan. Dun nalang tayo?"

I nodded and drove us to the night market. Maingay, mausok, at amoy barbeque ang buong paligid pagkarating namin roon. Mayroong kulay pulang plastic chairs ang nakalatag pati na rin mga lamesa para sa mga kumakain. Celeste picked the place to eat. Nag-order kami ng barbeque at inihaw na liempo. Habang naghihintay, bumili si Celeste ng kwek-kwek at dinala sa upuan namin.

"So, anong meron?" tanong niya kaagad pagkalapag ng kwek-kwek sa lamesa. Itinulak niya ang isang kwek-kwek patungo sa akin.

I stared at it and took a deep breath. Hindi ko alam kung saan o paano magsisimula pero ikinuwento ko sa kaniya ang nangyari.

"Kayo na?!" sigaw ni Celeste at napatayo pa. Napatingin tuloy sa kaniya ang nagpapaypay sa barbeque dahil sa sobrang lakas ng boses niya. Kaagad ko siyang hinila at pinandilatan ng mga mata.

"Ang lakas ng boses mo..." bulong ko sa kaniya.

"Gulat ako eh!" pagdadabog niya habang nauupo. Wala talaga siyang pakialam na pinagtitinginan kami habang ako naman ay hiyang-hiya na sa upuan ko. "Akala ko wala na talagang pag-asa yung lalaking yun, tapos biglang kayo na." tumawa si Celeste.

Hindi ako sumagot at ngumuso lang. Siniko-siko pa niya ako at nginisihan.

"Ready ka na ba sa mature roles, Raya?" makahulugan niyang tanong sa akin. Hinampas ko tuloy siya ng panyong hawak ko.

"Anong pinagsasabi mo?"

She laughed. "It's normal, given your age. Hindi na kayo mga bata, 'no. This is an adult relationship."

"Ugh. Cel." I grunted. Dapat sana si Lulu nalang ang kinausap ko? She would be able to give me a sound advice. Ayokong lumapit kay Avery dahil kaka-break lang ata niya sa bago niyang boyfriend at bitter siya sa mundo. Si Yari naman, may natitira pa ring tampo sa akin dahil ilang taon niyang itinago na kasal na pala siya noong college pa kami.

"Kidding aside, I'm really happy for the two of you." Sumeryoso ang mukha niya nang bahagya at ngumiti sa akin.

"Talaga?"

"Oo naman! Number one shipper niyo kaya ako!" pagmamalaki niya. "Alam mo bang crush na crush ka ni Ivo nung high school pa, diba? Tapos ikaw may sarili kang mundo, ni hindi mo mapansin yung tao." Tumawa si Celeste at napailing sa memorya.

Napanguso ako habang iniisip yung high school life namin. Sobrang abala ako nun sa pamilya ko at kontento din ako sa pagkakaibigan namin kaya wala talaga sa isipan ko ang pakikipag-relasyon sa mga lalaki. Nung tumungtong kami ng college, saka ko pa na-realize na nahulog na pala ako sa kaniya nang hindi ko namamalayan.

Until now, I'm still falling. But at this moment, knowing that I'll fall and land into his arms made my heart burst.

"Ilang beses ko siyang pinilit na umamin na sa iyo kaso naduduwag ang gago, ang dami mo pa daw responsibilidad at ayaw ka niyang guluhin."

Tumango-tango ako. "Sinabi niya sa akin yan."

"Alam mo, kung type ko lang si Ivo, matagal ko na yang jinowa, eh!" pagbibiro ni Celeste kaya sinamaan ko siya ng tingin. Agad siyang tumawa at dinugtungan ang sinabi niya. "Pero siyempre, 6-foot rockstar na marunong magluto at may alagang pusa ang type ko." She winked.

Napailing nalang ako. Celeste stretched her legs under the table and sighed dreamily.

"It was a nightmare... the past few years. I'm glad we're both here at our 'good part', don't you think?"

Natigilan ako. Hindi tulad noon na nakatali pa ako sa obligasyon ko sa bahay, ngayon ay malaya na akong gawin kung anong gusto ko. Siguro ito na yung kapalit sa lahat ng pagsasakripisyo ko para sa pamilya ko... siguro ito na yung naghihintay sa akin pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan ko.

"The engagement fizzled out..." I said absentmindedly and turned to Celeste. "It didn't work out, right?"

Tumango naman siya. "Parang sinuntok ata siya ng Papa niya nung sinabi niyang ayaw niyang magpakasal kay Elaina. He promised that he'd start from the scratch, without the support of the Cojuangco's, to scale their business and he really did. He no longer has to marry Elaina..."

"May balita ka ba sa kaniya?"

She shrugged. "Wala na, eh. Wag kang mag-alala, wala naman akong nakikitang ibang babae na umaaligid sa bebe mo. Yung bodyguard niya lang naman ang dikit nang dikit sa kaniya. Kilala mo yun, si Rock? Natatakot ako dun, parang nangangain ng tao yun eh!"

Natawa ako sa sinabi ni Celeste. Mas kinikilig pa ata siya para sa aming dalawa kesa sa akin. I'm happy, but at the back of my mind, the inevitable whispers. I'm going back to states after three months. What will happen, then?

Inignora ko nalang yun at piniling maging masaya sa ngayon. While we were in the middle of a conversation, ivo suddenly called me.

"Yiee!" sinundot-sundot ni Celeste ang tagiliran ko nang makita ang pangalan ni Ivo sa screen. I blushed like a teenage girl and looked away. Tumayo ako at sinagot ang tawag niya.

"Ivo..."

"San ka?" tanong niya agad.

"Nasa Elyu ako kasama si Celeste." Sagot ko naman at sinulyapan ang kaibigan ko na sobrang laki ng ngisi sa akin ngayon. "Bakit?"

"Nagc-check lang. Hindi naman guni-guni yung nangyari sa atin kanina, diba?"

I laughed. "Hindi."

"Tayo na?" he wanted to confirm.

A small smile touched my lips. I wanted to spell it out myself because it feels like I'm dreaming.

"Tayo na."

Ivo cursed. "Pucha, pakasal na tayo?"

I laughed as happiness slowly filled my chest. Even when I was chasing my dreams, life was bleak. It felt as if someone picked up a paint brush and started painting colors into my life right now.

"Atat mo, ah." I rolled my eyes happily.

"Sorry, nadala lang." he laughed on the other line, his deep, raspy voice vibrating like music in my ears.

Pagkatapos naming mag-usap saglit, ibinaba ko na ang tawag at hinarap si Celeste. Nagpipigil ito ng ngiti kaya nahiya kaagad ako. Narinig ba niya ang kalandian ni Ivo sa tawag?

"Para kayong mga teenagers na first time in a relationship..." komento niya. "Ay, first time nga."

Hindi ko pinansin ang pang-aasar sa akin ni Celeste. Nag-ikot ikot pa kami sa night market pagkatapos naming kumain bago ko siya inihatid sa kanila. She's still living with her mother, who smiled at me widely upon seeing me.

"Tagal kitang hindi nakita, ah!" hinila niya ako at niyakap nang mahigpit. "Kumusta?"

"Ayos lang po." Magalang kong sagot sa kaniya.

She still looked beautiful as ever but something about her changed. I couldn't point my finger on it. While I was away, she got terribly sick. Maybe the illness made her lose sleep, resulting to the lines around her eyes that made her look kinder when she's smiling. She's pale and thin, but still beautiful. Sobrang opposite nung una ko siyang makita.

Pinalabas din ni Celeste si Amy at pinag-bless pa sa akin. Sobrang laki na rin ng pamangkin niya at matangkad pa. She looked a bit like Celeste. Bumalik din kaagad siya sa kwarto niya pagkatapos.

"Dito ka nalang matulog, gabi na para bumiyahe pabalik ng Pangasinan." Ani Celeste. Nakaupo kaming dalawa sa hagdanan ng bahay nila sa labas, nakatingin sa langit sa taas.

"Ayos lang?"

"Oo naman. Slim ka naman, kasya tayo sa kama ko." Pagbibiro pa niya.

I nodded. Pagod na din akong mag-drive pauwi kaya mabuting dito nalang ako matulog. I thought she'd invite me inside the house already, but she suddenly started speaking about what happened to her when she went missing for a few years.

Nakinig ako habang nakasandal siya sa braso ko. Celeste never really talked about it, and we didn't ask. We wanted to wait for her to be ready to talk about it and now that she's pouring her heart out, I wanted to cry and hug her.

"Sorry, wala ako sa tabi mo nung mga panahong yun..." naiiyak kong bulong sa kaniya.

"Ayos lang, 'no!" pagak ang boses niya kahit na pinilit niya itong pasiglahin. "Sa tingin ko, kailangan ko ring maranasan yung nangyari sa akin dahil kung hindi, hindi ako matututo."

I sighed. "Kahit na... paano mo yun kinaya mag-isa, Cel?"

She chuckled bitterly. "Hindi namin isasapubliko ang kasal namin. Tama na yung nangyari noon."

I nodded, agreeing. "Tama. Hindi niyo naman obligasyon na ipaalam sa buong mundo kung anong nangyayari sa buhay niyo, eh."

Celeste took a deep breath. She discreetly wiped a tear that fell and stood. "Tara, pasok na tayo..."

Sumunod ako sa kaniya sa loob. Pinauna niya ako sa CR nila at binigyan din ng masusuot na damit. Celeste is petite, so her normal shirt looked like a crop top on me. Kahit anong hila ko pababa, kita pa rin ang tiyan ko. I grunted and stepped out.

Celeste whistled like a man when she saw me. Sinamaan ko tuloy siya ng tingin.

"Sexy, pahinging number!" biro pa niya.

"Sira." Hinampas ko siya ng unan habang abala siya sa paglalagay ng toner sa mukha niya. She just laughed at me and went inside the CR too.

Nauna akong nahiga sa kama. Cel turned off the lights and joined me. Iisang kumot lang ang meron kami kaya magkadikit ang mga katawan namin. Celeste suddenly spoke in the dark.

"Alam mo bang crush kita noon?"

"Huh?"

She laughed. "Girl crush. Normal lang naman yun, diba? Gandang-ganda ako sa 'yo, eh. Hindi yung gandang nakaka-insecure. Gusto kitang kaibiganin dahil sa mukha mo. Ang plastic ko ba?"

I chuckled. "Bakit hindi ka umamin sa akin noon? Eh di sana tayo nalang." Biro ko pa.

"Gagi, may fiancé na ako, 'no!" hinampas niya ako nang pabiro saka tumawa. "Tsaka, kawawa naman si Ivo kapag nilandi kita. Ano nalang mangyayari sa lalaking yun?"

I laughed. "Baka isumpa ka nun."

"No cap. Feeling ko ganun talaga mangyayari." Tumawa din si Celeste at niyakap ako. "Matulog ka na."

I nodded ang hugged her back.

"I'm happy for you, Raya..." she whispered before dozing to sleep.

Maaga akong nagising kinabukasan. Iniwan ko si Celeste sa kwarto niya at tumulong sa Mama niya na naghahanda ng agahan. Ipinakuwento niya sa akin ang naging buhay ko sa Amerika dahil ako lang daw ang palaging wala sa mga gala namin noon.

May isang hiking trip pa nga sila na nagpagawa ng standee si Karlo tapos binitbit niya hanggang sa peak ng bundok saka sila nagpa-picture. Sobrang inis ko sa kaniya nun at halos magtampo ako sa sobrang hiya. Sa picture, katabi pa ni Ivo ang standee ko. Hindi ko alam kung matutuwa ako sa ginawa nila o maaawa dahil mukha silang tanga sa ibang hikers.

"Cel, gising ka na pala..." I smiled when I saw her stepping into the kitchen.

Wala ang Ate ni Celeste kaya kaming apat lang ang nag-agahan. Pagkatapos kumain, pinaalis na ako sa kusina ni Celeste dahil baka daw bigla akong maghugas ng pinggan. I pouted and asked if I could at least have some of the food we cooked. Dadalhin ko kay Ivo sa Manila.

"Ma, may natira pa ba sa niluto niyo? Dadalhin daw ni Raya sa jowa niya."

"Pumapag-ibig na talaga!" her mother shouted joyously from the kitchen. "Kuha ka lang, Raya. Huwag kang mahiya."

Napailing ako at kahit na totoong nahihiya, kumuha ako ng pagkain at nilagay yun sa disposable tupperware. Matatagalan pa kasi ako kung dadaan ako sa Pangasinan tapos magluluto tapos babiyahe ulit patungong Manila.

"Ingat ka." Celeste hugged me before I got inside my car. I've already texted Ivo that I'm going to meet him for lunch but he hasn't replied yet. Nag-good morning lang siya kaninang alas singko pero ako naman ang hindi nakapag-reply dahil busy ako sa kusina.

I drove for three hours to the city. Pagkarating ko, inayos ko muna ang sarili at kinuha ang paper bag sa shotgun seat. Lumabas kaagad ako sa kotse at nagtungo sa lobby.

The receptionist back then raised a brow when she saw me. Nginitian ko siya.

"Hi, lunch na ba ni Iv—I mean, Mr. Escarra?"

"Appointment?" she asked in a monotone.

"Uh..."

She sighed. "Alam kong pinapasok kita noon kahit na wala kang appointment tapos bumalik ka na naman. Hindi ka nadadala, ano?"

Napanguso ako. Hindi ko naman alam na kailangan ko pa palang magkaroon ng appointment para mag-lunch kasama ang boyfriend ko.

She glanced at her computer for a bit. "He's busy. Balik ka nalang pag may appointment ka na."

"Pero—"

"If you don't leave, I'll call the security."

My shoulders dropped in disappointment. Dahan-dahan akong umatras mula sa desk at kinuha ang phone ko. Wala pa ring reply galing kay Ivo. Kung ipakita ko kaya ang good morning text niya sa akin, maniniwala kaya siya?

I got frustrated while walking back to the exit. Palingon-lingon ako sa paligid, nagbabakasakaling makita si Ivo. Alas dyez pa ng umaga kaya malamang hindi pa yun bababa para sa lunch niya.

Itinext ko nalang siya na maghihintay ako sa parking at payapang umalis sa building. Ayoko namang tawagin talaga ng receptionist ang security guard at guyurin ako palabas. Nakakahiya kapag nagkataon.

"—tangkad na, ah? Ilang taon na nga ulit siya?"

Nagulat ako nang makarinig ng pamilyar na boses sa parking lot. Agad akong napalingon sa pinanggalingan at natigilan nang makita si Ivo, nakaupo katabi ng janitor at masayang nakikipag-kuwentuhan. May tinitingnan sila sa cellphone nung janitor. May biscuit at kape pa sa tabi nila.

Ivo turned to me when he felt the weight of my stare. Napatayo siya at masaya akong tinawag.

"Raya!"

Gulong-gulo akong lumapit sa kaniya. "Ivo? Anong ginagawa mo dito?"

"Break." He grinned and turned to the janitor next to him. "Kuya, girlfriend ko nga pala. Ganda 'no?" pagmamalaki pa niya.

The janitor chuckled. Napatingin ako sa uniform niya, tapos sa breast pocket kung saan nakalagay ang apelyido niya. Ocampo.

"Hindi ko alam na may girlfriend ka na pala, Sir."

"Ay, Kuya, bago lang po kami. Mga isang araw pa. Happy day-sary, Raya!"

Napairap ako dahil mukhang sira si Ivo. I didn't know he talked to janitors on his break. Tumabi ako sa kaniya at inabot ang kamay ko sa janitor.

"Sereia, po."

"Kuya Justin." Ngumiti naman si Kuya at nakipag-kamay sa akin. "Siya ba yung kinuwento mo, Sir, o ibang babae din yun?" biro pa niya.

Sinamaan ng tingin ni Ivo si Kuya Justin kaya natawa ito.

"Huwag mo akong ipahamak, Kuya, sampung taon kong hinintay 'to..."

"Biro lang po."

"Nag-text ako sa iyo..." bulong ko kay Ivo.

"Huh? Hindi ko napansin..." kinapa niya ang bulsa niya. "Wala sa akin ang phone ko, naiwan ko ata. Sorry."

Umiling ako. Wala namang dapat ihingi ng sorry. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kaniya ang tungkol sa receptionist niyang ayaw akong papasukin dahil alam kong hindi naman ito ang huli na pupunta at bibisita ako.

"Sige, Kuya, balik muna ako sa trabaho..." ani Ivo at magalang na nagpaalam sa kaniya.

Hinawakan niya ang kamay ko at kinuha ang dala kong paper bag. We stepped inside the elevator in the parking lot. Kumaway naman si Kuya sa amin. Nang sumara ang pinto, hinarap ako ni Ivo at hinalikan sa pisngi.

"Galing ka pang Elyu?" malambing niyang tanong sa akin.

I nodded. Inilagay niya ang kamay niya sa beywang ko at hinila ako palapit kaya napatingin ako sa kaniya. He just grinned at me. Sa 60th floor pa kami kaya mahaba-habang biyahe 'to. The elevator stopped on the lobby.

Natigilan ang mga naghihintay na empleyado sa labas nang makita kaming dalawa sa loob. None of them dared to step inside. Ivo even invited them in but they shook their heads and scurried away. He chuckled. The doors closed again.

"Hey," Ivo tugged my hand. Napalingon ako sa kaniya. As soon as I turned to him, he placed his hand on my cheek and squatted a little so that our lips would touch. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. May CCTV pa naman sa loob ng elevator!

I wanted to protest but opening my mouth is an invitation for him to kiss me deeper. Instead of protesting, I just melted in his arms and closed my eyes. He's so damn good at this. My stomach is in knots while he's gently kissing me in the elevator.

We were so engrossed with each other when I heard a sound. The doors opened. It was followed by a series of gasps from the employees who saw us kissing. Humiwalay si Ivo sa akin nang konti at nilingon sila, may konting iritasyon sa mukha.

"Sa kabilang elevator kayo, busy kami." He said and pressed a button. Nagulat ako sa sinabi niya. The doors closed again. "Disturbo..." he murmured and kissed me again.

-

#HanmariamDWTWChap36

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro