Chapter 34
"Ewan ko, Lulu, parang masyadong maiksi..." mahina kong hinaing habang nagsusukat kaming dalawa ni Lulu ng isusuot para sa reunion mamaya.
Sinipat niya ako ng tingin. "Hindi, ah! Sexy ka nga tingnan, eh. I could never go back to that weight since I gave birth," bumuntong-hininga siya. "Nag-gym naman ako sa tuwing free time ko pero ang hirap pa din."
I tilted my head and watched her. Wala namang masyadong nagbago sa katawan niya. Her hips are wider and her chest is bigger. For me, she looked hotter in this body. Mas magandang tingnan kesa noon na sobrang payat niya.
"Maganda ka naman," I assured her.
"Thanks for the assurance babe, but my husband tells me that every night..." she winked. Kaagad akong namula dahil alam kong may iba pa yung meaning! Binato ko ng blouse si Lulu kaya tumawa-tawa siya.
Dito pa rin sa bahay nakatira ang Mommy ni Lulu hanggang ngayon. Puro mga kasambahay lang ang kasama niya kaya naman tuwang-tuwa ito kapag dinadala ni Lulu ang apo tuwing Sabado.
Humarap ako sa salamin para suriin ang dress na pinapasuot sa akin ni Lulu. Kulay black iyon na halter dress at flowy. She also made me wear heels para bagay daw.
Actually, mayroon talagang kulay lilac na personalized t-shirt na isusuot para sa reunion namin kaso ayaw isuot ni Luanne dahil baduy daw. Nag-promise din naman si Celeste na hindi niya yun susuotin kaya kung sakaling kami lang tatlo doon ang magd-dress, at least hindi lang ako ang mapapahiya.
Dumating na din si Celeste kinagabihan. Nagtilian pa ang dalawa na para bang ilang taong hindi nagkita at nagyakapan. Celeste is wearing a peach, glittery tube dress while Lulu is in her usual sunny, yellow summer dress. Si Lulu na ang nag-drive para sa amin patungo sa beach hotel kung saan gaganapin ang reunion.
"Hoy, napaka-eksenadora niyong tatlo!" sita sa amin ni Yari nang bumaba kaming puro naka-dress samantalang siya ay suot yung lilac shirt at naka-white na skirt.
Tumawa nang malakas si Celeste. "Sino ka d'yan, Karylle?"
Siya ang nauna sa aming magkakaibigan kaya inaya niya kami sa loob. Sobrang dami ng tao at halos lahat sila napapatingin nang makita ang suot namin. Nahihiya tuloy akong naglakad sa likuran ni Lulu at parang gusto nalang maglaho.
"Lulu!" may lumapit na matangkad na babae sa amin at ngumiti nang malawak. Pamilyar ang mukha niya dahil palagi 'tong kasama ni Lulu noong SSG officer pa siya noon.
Nahiwalay si Lulu sa amin para makipag-usap muna sa dati niyang kaibigan habang naghahanap naman kami ng mauupuan. A lot of people that I don't even remember greeted me. May isa akong babaeng kaklase na lumapit sa akin. Napatingin ako sa malaki niyang tiyan.
"Raya! Ikaw na ba yan?! Grabe, big time ka na! Balita ko nag-Amerika ka daw? Kuhanin kitang Ninang sa anak ko!" aniya sabay himas sa tiyan.
"Uh..."
"May apat na inaanak na si Raya, beh, sa susunod mo nalang na anak." Wika kaagad ni Celeste nang makita niyang hindi ako komportable sa sinabi nito. "Gawa nalang ulit kayo ng asawa mo next year."
Napanguso siya at bumulong-bulong bago umalis. Nagkatinginan tuloy kaming tatlo.
"Hindi nga kayo close tapos kukuhanin ka pang Ninang!" ani Yari. "Patawa siya."
Napailing din si Celeste. "Pagp-pyestahan ka talaga dito kapag nalaman nilang galing abroad ka."
Hindi na ako sumagot at naupo nalang. Iniwan muna ako nina Celeste at Yari dahil kukuha daw sila ng drinks.
"Lemonade, gusto mo?" tanong ni Celeste.
Tumango nalang ako dahil hindi ko naman alam kung anong drinks ang naroon. They left the table so I pretended to use my phone while I'm alone. Alam ko namang loner na ang tingin nila sa akin noong high school pa, lalo na kapag wala ang mga kaibigan ko.
"Raya?"
Napalingon ako at nagulat nang makita si Lenard. Suot din niya yung lilac t-shirt pero hindi bagay sa malaki niyang katawan. He looked cute yet ridiculous in it. He smiled when he saw me.
"Lenard, ikaw pala!" I tried to hide my enthusiasm when I saw him because the last time we met; things were going south. Tuluyan ko na talagang pinutol ang pagkakaibigan namin. Ni hindi man lang ako nakapagpaalam sa kaniya noong umalis ako ng Amerika.
"Pwede bang maupo?"
Tumango ako at umusog. He sat down and placed his hands on the table. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang wedding ring na suot niya. I smiled at him.
"Kumusta ka na? Balita ko nag-Amerika ka daw?"
"Ah, oo. Kakauwi ko lang."
"Permanently?"
Umiling ako. "Aalis din ako in three months."
Tumango si Lenard. "Ganun ba? You're just here for vacation, then?"
"Work." Tipid kong sagot.
Tumawa si Lenard. "Nagpapahinga ka pa ba, Raya?"
I chuckled. "Oo naman."
"Natatawa ako kapag naiisip ko yung nangyari sa atin dati... ang bata pa natin nun."
My cheeks reddened. Is he referring to the day I rejected him?
"Sorry—"
"Hindi mo naman kailangang mag-sorry, Raya. Buti nga nangyari sa atin yun, eh. Nakapag-focus tayong dalawa sa pag-aaral. Tingnan mo ngayon, successful ka na. Ako naman, may asawa't anak na."
"Pwede ko bang makita?"
"Ang ano?"
"Ang baby mo."
Lenard smiled and pulled out his wallet. Pinakita niya sa akin ang isang maliit na litrato ng batang lalaki. Kuha nito ang mga mata at labi ni Lenard. Napangiti ako.
"Hindi mo kamukha ang bata, Lenard."
"Grabe, ang sakit mo na ding magsalita. Ganyan ba ang nagagawa ng Amerika sa iyo?"
Tumawa lang ako at ibinalik sa kaniya ang picture. For some reason, I find comfort in watching people around me have their own children. Nung pinanganak si Lottie, palagi ko siyang hinahanap habang nagvi-video call kami ni Lulu. It's so fun seeing mini-me's of the people I know.
"Isa-isa nang kinakasal ang mga barkada mo, ikaw?" tanong sa akin ni Lenard.
I cleared my throat. "Anong ako?"
"Wag mong sabihing wala ka pang boyfriend? Binasted mo din si Ivo?"
"Hindi ah!" tanggi ko kaagad.
Lenard laughed. "Ayoko talaga sa lalaking yun, pero bilib ako dun kasi alam naman ng lahat na gusto ka niya bukod sa 'yo. Sana man lang nakaamin siya bago ka umalis, diba?"
Hindi ako nakasagot. Ganun na ba talaga ka-obvious si Ivo noon? Even Lenard noticed!
"Raya..."
Napalingon kaming dalawa nang may tumawag sa akin. Nagulat ako nang makita si Ivo. Nasa likuran niya si Karlo na suot din yung shirt. He's not wearing the shirt. Mukhang galing pa ata 'tong trabaho at dumiretso nalang dito. He's wearing a white polo shirt with a black coat. Mukha siyang MC ng event na 'to.
"Sige, alis na ako." Biglang tumayo si Lenard at tinanguan sina Ivo.
Kumaway ako sa kaniya bago ko nilingon si Ivo. "Dun ang mga MC, Ivo..." biro ko sa kaniya.
Sinamaan niya ako ng tingin. "Eh ikaw nga, hindi mo sinuot ang shirt! Ang baduy kaya."
"Gago, mga NFI kayo sa dress code..." ani Karlo habang nauupo sa tabi ni Ivo.
Natawa ako habang nakatingin kay Karlo. Ang brusko-brusko niya kasi tapos ganun ang shirt niya. Mukhang mapipigtas na ata 'to sa laki din ng katawan niya. May group picture pa kami doon tapos may nakalagay na St. Agnes batch 2012 reunion sa taas. Nakasulat pa 'to sa maarteng font kaya ang hirap basahin. May dove pa na design sa likuran kaya para kaming mga patay at a-attend ng funeral imbes na reunion.
"San naman nila pinagawa yan? Sa piso print ba?" pangungutya ni Ivo kaya sinamaan siya ng tingin ni Karlo.
Bumalik na sina Lulu, Yari, at Celeste sa table namin. Mayamaya pa, dumating na din si Avery kaya umingay na ang table.
"Gagi, nakakatatlong anak na si Mateo, single ka pa rin!" inasar-asar ni Karlo si Ivo nang makitang dumaan si Mateo at mga kaibigan niya sa table namin. I cringed.
"Ikaw naka-isang daang girlfriend ka muna bago ka nakahanap ng fiancée! Buti nam-memorize pa ng mga magulang mo ang mga pangalan ng babaeng dinadala mo sa bahay niyo?"
Tumawa lang si Karlo at hindi na sinagot si Ivo. Nang magsimula ang program, saka pa sila tumahimik sa table namin. Nagpa-games pa sila kaya halos maubos ang tao sa lamesa namin at dali-daling nagpunta sa harapan. Ivo stood, looking at me.
"Ayaw mo?"
Kaagad akong umiling. "Ang iksi ng dress ko, eh. Baka matumba ako o ano, nakakahiya..."
Ivo chuckled and pulled back the chair. "Alright then, I'll just stay with you."
Nanlaki kaagad ang mga mata ko sa sinabi niya. "Hoy, wag na. Baka gustong-gusto mong maglaro, eh."
"Ayos lang, nakikipag-plastikan lang ako kina Lulu kanina. Ayokong maglaro." Natatawang sabi ni Ivo.
Natahimik ako sa sinabi niya at hinayaan nalang siyang maupo sa tabi ko habang nanunuod kina Lulu doon na naglalaro ng trip to Jerusalem. Napaka-energetic niya at kulang nalang kainin niya yung ibang players dun hanggang silang dalawa nalang ni Celeste ang natira. They were both dancing happily around the chair while the music is playing. Nang huminto iyon, nag-agawan sila sa natitirang upuan. Sinabunutan pa ni Lulu si Celeste dahilan para mabitawan niya ang chair at makaupo siya dun. Nagtawanan ang lahat pati na rin kami sa ginawa ni Lulu.
"Baliw ka! FO na tayo!" sigaw ni Celeste habang inaayos ang buhok niya habang si Lulu naman ay kinukuha ang price niyang isang pack ng fudgee bar.
Napahawak ako sa tiyan ko dahil sumakit ito sa kakatawa. Even Ivo couldn't record properly in his phone. Nang bumalik sila sa table namin, hindi pa rin sila natapos sa kakatawa at nag-asaran pa. Ishinare din naman ni Lulu ang napanalunan niyang fudgee bar tapos kay Celeste na daw ang natira para may consolation prize.
"Si Eris, oh!" siniko ni Karlo si Ivo at itinuro ang bagong dating. Everyone swooned at the sight of Eris. Nakasuot siya ng shirt pero artistang-artista pa rin tingnan. Sa kaniya lang ata bumagay ang shirt dahil sa sobrang ganda niya. She paired it with maong shorts and a designer belt. Naka-boots din siya na puti at mukhang ang bango-bango. She waved at everyone.
"Para namang nangangampanya," Lulu chuckled while watching her interact with our high school batchmates.
"She's engaged, right? Nakita ko sa TV." Daldal naman ni Avery.
Tumango si Celeste. "Yup. Dun sa director."
Napatingin ako kay Ivo para makita kung anong reaksyon niya pero mukha naman itong walang pakialam at nagc-cellphone lang.
Wala naman akong ibang pinagsabihan ng ginawa niya sa akin noon bukod kay Ivo kaya gandang-ganda pa rin ang mga kaibigan ko sa kaniya. Ayos lang din naman kasi sobrang bata pa namin nun. Malamang nag-mature at nagbago na siya sa nakalipas na mga panahon.
Tumabi sa akin si Ivo habang pumipila kami ng pagkain sa buffet table. Nagtitingin ako sa mga ulam nang bigla siyang magsalita sa tabi ko.
"Diba paborito mo ang shrimp?" tanong niya nang lampasan ko iyon.
I shrugged. "Tinatamad akong maghimay. Masisira ang kuko ko, gawa pa naman 'to ni Lulu."
Tumawa si Ivo at kumuha sa plato niya. Ako naman, nag-salad lang at chicken. Bumalik din kaagad ako sa table bago pa ako matukso na kumuha ng maraming pagkain. Nagtagal pa ng ilang minuto si Ivo dun tapos bumalik na din.
Habang kumakain kami, panay ang puri nila kay Eris. Siya din naman kasi ang pinag-uusapan ng mga tao ngayon dahil sobrang sikat na niya. Naka-partner nga niya minsan si Ravi.
"Hindi ka ba nagselos nung pinag-partner sila sa MTV, Cel?" tanog naman ni Yari habang kumakain kami.
"Ba't ako magseselos? Ang ganda ko kaya, duh!" umirap siya kaya nagtawanan kami. Whatever happened to them before, I hope that both of them are healed or at least healing before they tie the knot. Ang hirap kasi kapag buong mundo ang kalaban mo. Sobrang sakit ng naranasan ni Celeste noon.
Habang kumakain kami, nagulat ako nang biglang maglagay si Ivo ng hinimay na shrimp sa plato ko. Napatingin tuloy ako sa kaniya. Kaya pala ang tahimik niya dahil busy siya sa pagbabalat ng shrimp kanina!
"Ay, may pa-ganun?" pang-aasar ni Karlo habang nakatingin sa amin. "Pare, ipaghimay mo din ako..."
"Ulol, may kamay ka naman..." masungit na sabi sa kaniya ni Ivo.
Nahiya tuloy ako dahil baka ang arte-arte ko na sa paningin niya. Ayoko lang kasing sirain ang pinaghirapan ni Lulu kanina kaya hindi na ako kumain. I wasn't expecting he'd peel shrimps for me, too.
"Salamat..." bulong ko.
Doon pa lang nakakain si Ivo pagkatapos niyang maghimay. Hinintay ko muna siya dahil nahihiya talaga ako saka pa ako kumain. Pagkatapos ng kainan, may mga nag-message dun sa harapan kaya nag-iyakan ang iba. Si Eris naman, nagsalita din. She thanked everyone for being her friends and being nice to her. Bagot akong nakaupo sa table namin.
"CR lang ako..." paalam ko sa kanila at naglakad na patungo sa ladies' room.
I entered the cubicle to empty my bladder. Lumabas din kaagad ako at nag-retouch sa makeup ko. Dahil ako lang naman mag-isa sa ladies' room, agad akong napatingin nang may pumasok.
Eris smirked when she saw me. "Well, if it isn't little miss perfect..." she mused.
Ibinaba ko ang hawak kong mascara at tinitigan siya. She chuckled when she saw my serious face while washing her hands in the sink.
"Chill, I'm not gonna bite," she rolled her eyes playfully at me. "I heard you've gone to America daw?"
I nodded.
"At least tell me that you got yourself a boyfriend while in there..."
Kumunot ang noo ko. "Boyfriend?"
She turned to me, her lips pursed. "What? You still don't have a boyfriend? How old are you, like 40?" tumawa si Eris.
"27 pa lang ako."
"And you still don't have a boyfriend?"
"Wala pa yun sa isip ko." Tipid kong sagot sa kaniya habang binabalik ang makeup sa purse ko.
Tumawa si Eris. "Ano ka, bata? Hindi ito ang ini-expect ko sa iyo, Raya. Nagawa mo nga noong ipagtanggol ang lalaking gusto mo, eh."
"Huh?" napatanga ako sa sinabi niya.
"You liked Ivo before, right?" tumaas ang kilay niya. "Kaya ka nagalit sa akin nung sinabi kong layuan mo siya?"
Namula kaagad ang mga pisngi ko sa sobrang hiya. "H-Hindi ko alam—"
She laughed out loud. "You really amuse me." Eris leaned her hip against the sink and turned her full attention into me. "Listen, are you single?"
Tumango ako.
"Is Ivo still single?"
I shrugged. "Hindi ko pa natatanong."
"Well, I've never seen him with a woman before. Let's assume he's single... do you still like him?"
Natahimik ako sa tanong ni Eris. Napaka-direct naman kasi! Hindi ko alam kung anong dapat kong isagot sa kaniya. I don't even know if I should confide in her in the first place.
"You don't have to like me to listen to my advice, Raya." Wika niya nang hindi kaagad ako nakasagot. "But if you ask me, if you still like the guy, I think you should just go for it. Life is too damn short to wait for him to come around, anyway. Some guys are dumb and scared. In this generation, girls are braver and wiser. You create your own fairytale, you know?"
"Sinasabi mo bang dapat akong umamin kay Ivo?"
"Oo," diretsong sagot sa akin ni Eris. "Seriously, what exactly are you waiting for? Naghihintay ka ba ng himala? Guys like him are rare to find. Kung ako sa iyo, itinali ko na siya sa kama!"
Namula ako sa sobrang bulgar ng pananalita ni Eris. It's a complete opposite from her good girl image in the television. Ngumisi siya nang makitang namumula ako.
"But I know that's not your style... why don't you start letting him know how you feel, hmm? And from then on, you give it a try. See how it will take you." She shrugged and turned towards the door. "Good luck."
Napabuntong-hininga ako nang lumabas na si Eris. I wasn't expecting a pep talk from her in a ladies' room in the middle of a high school reunion. Tinitigan ko ulit ang mukha ko sa salamin.
Aamin ako? Paano yun?
Nang makabalik ako sa table namin, siniko kaagad ako ni Celeste.
"Ang tagal mo sa CR, girl, ha? Na-meet mo ba ang fairy godmother mo dun?"
Umiling ako at sinulyapan si Ivo. He's talking animatedly to Karlo about something. Nakita kong inalok siya ni Karlo ng iniinom niyang brandy pero tumanggi kaagad si Ivo.
"Gago, magt-trenta ka nalang, hindi ka pa rin umiinom!" saway sa kaniya ni Karlo.
"Magt-trenta nalang ako, ang pangit pa rin ng lasa ng alak!" pambawi naman ni Ivo.
Nagtawanan sila habang ako ay nakatingin lang kay Ivo. Tumatanim sa isipan ko ang bawat salitang binitawan sa akin ni Eris sa ladies' room.
I vowed to myself before that I'm not going to get into relationship with him or anyone unless I came from a place of healing and comfort. Ayokong makasira ng ibang tao ng dahil sa sarili kong isyu.
But so many years have passed. Meron namang iilang nagtangkang makipag-date sa akin sa Amerika. But for some reason, I couldn't see myself dating them. I couldn't see myself being intimate with any other man if it's not him.
I wonder if his feelings have changed? Sobrang tagal na nun. Baka nasabi niya lang yun noon dahil mga bata pa kami. I don't even know if he's still single and yet he's the subject of my private daydreams.
Madaling araw na nang matapos ang party. Some of them are still going to an after-party, they're going to drink until they pass out. Kaagad akong humindi nang niyaya nila ako. Lulu's not going to come, Lottie will go wild if she wakes up in the middle of the night only to find that her mother is gone. Si Karlo at Yari, pupunta. Pati na rin si Celeste pero si Avery ay uuwi na.
"San ka uuwi, Raya?" tanong sa akin ni Celeste.
"Sa bahay namin. Masyado ng late para bumiyahe ako sa Pangasinan."
She nodded. "Sige, ingat ka!"
Naglakad ako patungo sa parking lot at natigilan nang makarinig ng mga yabag na sumusunod sa akin. I harshly turned around, my other hand on my pepper spray, when I saw it was Ivo. Napabuntong-hininga ako.
"Ano na naman?" maldita kong tanong sa kaniya.
"Huh? Bakit?" naguguluhan niyang sagot sa akin.
"May gusto ka bang sabihin? Sinunsundan mo ako dito sa parking lot, eh!"
"Ang feeling naman nito, narito ang sasakyan ko, oy!"
Sobra akong namula sa sinabi ni Ivo. Buti nalang talaga at madilim na kaya hindi niya kita ang pamumula ng mukha ko. I cleared my throat and looked away.
"Ah, ganun ba? Sige." I dismissed him and went to my company car.
Hinabol naman ako ni Ivo at hinawakan ang braso ko. Napatingin tuloy ako sa kaniya.
"Uh... binenta na kasi ang bahay namin dito sa La Union simula nang mawala si Lola..."
Marahan akong tumango. Alam kong nawala na ang Lola niya pero ni hindi man lang ako nagkaroon ng lakas ng loob para tawagan siya noon. I was still grieving over the death of my father, but it was still selfish. He was with me 'till his last breath and I couldn't much as show my shadow to him when he was sad. Nagi-guilty ako.
"Pwede ba akong makitulog sa inyo? Ayokong mag-hotel, eh. Sayang ang pera..." he tsk-ed.
Napaawang ang bibig ko. I was thinking of getting a hotel room myself—me, a mere corporate slave while this man who owns a multinational company doesn't want to book one?! Sinamaan ko siya ng tingin.
"Ginagawa mong hotel ang bahay namin, ah?"
"Magbabayad ako!" he grinned and pulled out his wallet. Proud na proud pa siyang naghahalughog kaso wala pala iyong laman kundi singkwenta pesos. "Fuck, nakalimutan kong mag-withdraw..." bulong niya.
Umirap ako at kinuha ang 50 pesos sa kaniya. "Ibibili natin 'to ng pandesal mamayang umaga..." wika ko saka nagpatuloy sa paglalakad patungo sa kotse.
Ivo followed me with his own car. Magkasunod namin iyong ipinark sa labas ng bahay. Kampante naman akong walang mangyayari dito dahil narito din naman ang sasakyan ni Ivo. I opened the gate and went inside. Ilang araw lang akong nawala pero ang dami na ulit alikabok. I sighed and put my bag down in the table. Nakasunod naman si Ivo sa akin na hinuhubad ang suot niyang coat.
Nauna si Ivo sa CR habang ako naman ay naghahanap ng pwedeng pantulog sa natira kong mga damit dito sa bahay. Wala naman kasi akong dinala dahil hindi ko inakalang aabutin pala kami ng madaling araw sa reunion. I thumbed through the clothes and pulled out a white shirt with a big Doraemon print in front.
Napangiti ako nang may maalala. I was wearing it one Christmas when Ivo went to my house to give me his gift. Hindi ko na alam kung nasaan ang pajamas na ka-partner nito pero sigurado akong hindi na yun kasya sa akin. Oversized naman ang shirt kaya kahit lumaki na ako ng konti, kasya pa naman. May shorts naman akong isinuot sa ilalim ng halter dress ko kaya yun nalang din ang ginamit ko. Itinali ko ang buhok at lumabas.
Ivo is now sitting at the sofa, wiping his face. He rolled the sleeves of his polo shirt, looking serious with what he's doing. Tahimik akong nagpunta patungo sa CR at naghilamos. Pagkalabas ko, wala na si Ivo sa sofa. Nag-panic ako saglit at kaagad na lumabas kaso agad akong napahinto nang makita ko siya sa balcon na may kausap sa cellphone. Napatingin siya sa akin at tinaasan ako ng kilay. Embarrassed, I shook my head and quickly went inside.
Napahawak ako sa dibdib ko habang nakasandal sa saradong pinto. What was that?! That was so stupid of me! Anong akala ko, iiwanan niya ako basta-basta dito? Bakit para ulit akong teenager ngayon?
Napasigaw ako sa gulat nang biglang kumatok si Ivo. I fumbled through the door knob with trembling hands and threw the door open. Alanganin akong ngumiti sa kaniya.
"Uh... ayos ka lang?" nagtataka niyang tanong sa akin.
Kaagad akong tumango. "Ayos lang!" I laughed awkwardly. Pinaypayan ko pa ang sarili ko. "Ang init 'no?"
Ivo nodded, still looking at me suspiciously. "May sasabihin ka?"
"Huh? Ikaw ang narito sa kwarto ko?"
Itinuro ni Ivo ang balcon. "Nakita kitang lumabas kanina, hinanahap mo ba ako—"
"Hindi, ah! Feeling ka!" tinulak-tulak ko siya palabas. "Sige na, good night na. Matutulog na ako." Kinakabahan kong wika.
Tumawa si Ivo habang tinutulak ko siya. "Pwede mo namang sabihing nami-miss mo ako, Raya, promise hindi ako magagalit..." biro niya.
"Napaka-feeling mo, Primitivo! Bakit kita mami-miss, ha?!"
"Na-miss kita." Seryoso niyang wika.
Natigilan ako sa pagsuntok-suntok sa likuran niya nang biglang nag-iba ang tono ng boses niya. I swallowed, my heart beating wildly in my chest. Kinuha ni Ivo ang isang kamay ko. Ni hindi ko alam ang isasagot. Nanginig ang mga tuhod ko nang humarap sa akin si Ivo at seryoso akong tiningnan.
"Seryoso ako, na-miss kita..." bulong niya.
Patingin-tingin ako sa kung saan, hindi alam kung ano ang isasagot. Nakatingin lang sa akin si Ivo habang ang isang kamay ay nakahawak sa hinuli niyang kamay ko kanina.
Yumuko nalang ako dahil hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin sa kaniya. There were thousands of thoughts running inside my head. Hindi ko alam kung anong una kong sasabihin sa kaniya.
"Raya..."
I bit back a gasp when he jerked my chin to make me look at him. Napaawang ang bibig ko sa ginawa niya.
"Ivo—"
Before I could protest, Ivo leaned closer and planted a kiss on my forehead. The words died in my mouth, but something ignited instead while his lips touched my skin.
"Matulog ka na." bulong niya at tumalikod.
I stared at him, dumbfounded and trembling as I slowly realized something.
The young love that lived and died between us slowly caught flames, reminding me that even though years have passed, I really did nothing to move on from him.
-
#HanmariamDWTWChap34
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro