Chapter 32
"Miss Montanez? Good morning. Your mother called me. Nakauwi ka na pala sa Pilipinas?"
Pinigilan kong humikab bago ko sagutin ang tanong sa akin ni attorney.
"Temporarily po. 3 months lang ako dito."
"Then we should get started with the paperwork. How soon do you think we can meet up to personally check the condition of the house?"
Napaisip ako saglit. Day-off ko naman ngayon at bukas. Nasa karatig probinsya lang ang La Union kaya pwede kong puntahan.
"Lilinisin ko muna, Attorney. Nakakahiya naman," I laughed awkwardly. "Siguro po next week?"
"Sure, just call me." He said and ended the call.
I sighed and stretched. Inabot ako ng madaling araw kaka-research sa mga prospects namin pero ni isa, wala akong mahagilap na kahit anong contact information. Karamihan sa kanila, walang mga social media accounts at talagang mailap sa publiko. Nakikita lang ang mga pangalan nila kapag sini-search ang surname pati na rin ang mga picture. Kinakabahan ulit ako dahil hindi ko pa alam kung paano kami magsisimula dito.
Pinilit ko ang sarili na bumangon at gumalaw. I changed into a pair of black leggings and a pink athletic shirt. Nagsuot din ako ng running shoes at itinali ang buhok ko. Na-impluwensiyahan ako ni Sonny na mag-workout at mag-jogging nung nasa Amerika kami. Dahil si Mama naman ang nag-aalaga sa aming tatlo, nawala ang responsibilidad ko sa kanilang dalawa at marami na akong free time para sa sarili kaya sinasabayan ko si Sonny kapag nagj-jogging siya o di kaya'y nagpupunta sa gym. I didn't have to worry about being a girl in a gym because my brother was with me.
Naalala kong kailangan ko nga palang maghanap ng malapit na gym dito dahil mag-i-isang linggo na akong hindi nakakapag-workout sa sobrang busy ng transition.
I went outside and jogged for about two hours. Pawis na pawis ako pagbalik. Kaagad akong naligo. Wala naman akong ganang kumain ng heavy breakfast kaya nag-fruit shake nalang ako gamit ang binili kong single blender kahapon sa clearance sale ng mall.
Nag-ayos na din ako at lumabas, suot ang simpleng white dress na may bukas ang likuran at may tali sa dulo. Sobrang init ng panahon at komportable na din akong magsuot ng ganitong mga damit kaya ayos lang.
Na-release na din sa akin ang company car. Dati ko na 'tong ni-request bago nila ako nilipat sa sister company. Marunong na din naman akong mag-drive at inasikaso na ni Mama ang lisensiya ko dito sa Pilipinas para magamit ko ito pagkarating ko.
I turned on the GPS and started driving to La Union. Mabagal ang pagpapatakbo ko, halatang ayaw makarating sa pupuntahan. I stopped twice to eat and drink coffee, to ponder and think for myself. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin nakikita ang sariling bumabalik sa lugar na iyon. Umaatras ang sarili kong paa sa tuwing iniisip ko kung saan ako papunta.
Napabuntong-hininga ako. It's okay, Raya. Hindi ka naman babalik dun para tumira ulit. Babalik ka dun para putulin ang huling bagay na kumukonekta sa iyo sa lugar na iyon.
Once the house is sold, there will be no reason for me to go back to La Union.
Ang dapat na dalawang oras kong biyahe ay naging lima sa dami kong detour. Nang makarating ako sa San Juan, inignora ko ang ganda ng bayan at tuloy-tuloy na nag-drive patungo sa address namin. Nagulat pa ako nang makitang pinalakihan pala ang kalsada sa amin kaya nakakapasok na ang mga sasakyan kaso lumiit ang bakuran namin at nagbago ang gate.
Impossibleng mapasok ko ang sasakyan sa loob ng gate at ayaw ko namang iwan nalang ito sa labas kaya naghanap ako ng tumatanggap ng overnight parking at iniwan dun ang sasakyan. Hindi ko yun pwedeng masira kasi hindi naman akin yun. Nilakad ko nalang pabalik sa bahay namin dahil malapit lang naman.
Nanginginig pa ang mga kamay ko habang kinukuha ang susi mula sa bag ko. I opened the gate and it made a rusty, creaking sound as I stepped inside. Napatingin kaagad ako sa lamesang nasa ilalim ng punong mangga. Gawa iyon sa kahoy at nabubulok na sa tagal na hindi ginamit.
My heart clenched painfully while I remembered all those times we were happy together and eating in that table. Yung mga panahong pinagluluto ko pa ang mga kaibigan ko sa tuwing nagpupunta sila dito sa bahay. Lumapit ako sa lamesa at marahan iyong dinama. Parang bibigay na ata ito anumang oras.
I sighed and looked at the house.
Sobrang luma na nitong tingnan. Tama nga ang sinabi ni Tita Belinda na dapat ay ipa-renovate muna ito kung may balak kaming ibenta para mabilis itong mabili.
I had so much memories of this house. Both the good and the bad. But just like my mother, I'm willing to let go of this so easily if it means freeing myself from the pain that's encaging me all these years.
Tuluyan na akong pumasok sa bahay. Naroon pa rin ang sofa pero wala na ang TV, speaker, at iilang electric fan. Halatang walang nakatira dito dahil maalikabok. Nagpunta ako sa kusina para tingnan kung naroon pa ba ang mga gamit ko pero wala na rin.
Nagtungo ako sa kwarto ko. Wala iyong pinagbago at naroon pa lahat ng mga gamit. Nakakandado kasi iyon at hindi pinapapasukan kahit na si Tita Belinda. Ganun din ang kay Papa. Tanging kwarto lang nina Sonny at Selena ang pinapagamit sa kanila sa tuwing dito sila natutulog pagkatapos maglinis.
I looked around my room and smiled. The nostalgia of my childhood sunsetting before my eyes. The place that witnessed all my tears and pains.
Tuluyan akong pumasok at tiningnan-tingnan ang mga gamit na iniwan ko doon. Nabalot na ata lahat sa alikabok. I smiled when I saw a picture of us when we were still in high school. Intrams iyon at si Ivo ang nagbabantay ng Harry Potter themed coffee shop namin. Nakatayo kami ni Lulu at Avery sa tabi niya.
Itinago ko ang picture sa drawer at naupo sa kama ko. Naubo-ubo pa ako nang umusbong ang mga alikabok mula sa bed sheet. I sighed and went out to get my bag. Nagbihis ako ng pambahay dahil maglilinis naman ako at baka marumihan lang iyon. Naka-dolphin shorts lang ako at tank top dahil sa sobrang init. Itinali ko din ang buhok ko at kinuha ang walis sa labas.
Una kong nilinis ang sala tsaka kusina bago ako nagpunta sa kwarto ko. Pinalitan ko din ang bed sheets dahil balak kong matulog dito mamaya pagkatapos kong maglinis. Pinunasan ko lahat ng mga alikabok at pinalitan na din ang kurtina. Inilabas ko na din ang mga lumang furniture na nabubulok na at kailangang i-dispose. Pagkatapos, nagtungo ako sa kwarto ni Papa.
Hindi pa man ako nakakapasok sa kwarot niya, parang gusto ko nang maluha. I took a deep breath and unlocked the door. Ganun pa rin ang hitsura pero agad na nahuli ng tingin ko ang patong-patong na mga regalo na naroon sa kama niya.
I walked towards it and picked up a random box. Nakabalot pa iyon sa pink wrapper at may malaking ribbon. May card din doon kaya binuksan ko na.
To: Sereia
Happy birthday, anak! Hindi ko alam kung paano magpadala sa inyo d'yan sa Amerika, kaya dito na muna 'to hanggang sa umuwi kayo. Mag-iingat ka!
-Papa
Tumulo kaagad ang mga luha ko sa nabasa. Dali-dali kong kinuha ang iba pang mga card para tingnan kung tama nga ang iniisip ko.
To: Selena
Happy 18th birthday, prinsesa ko! Legal ka na. Maging mabuti kang nanay kay Wesley. Hayaan mo, magkikita ulit tayo.
-Papa
To: Sonny
Happy Valentine's Day, anak! Hindi lang mga babae ang dapat makatanggap ng regalo sa araw na ito. Deserve mo din ito sa lahat ng mga paghihirap mo. Alagaan mo ang mga kapatid mong babae, ah? Mahal ko kayo.
-Papa
By then, I was bawling in the floor while clutching the cards to my chest. Wala na akong pakialam kung rinig ng mga kapitbahay ang mga iyak ko o kung akalain nilang may multo rito.
Sobrang sakit ng dibdib ko habang iniisip si Papa na matiyagang nagsusulat ng card para sa amin pero hindi man lang maipadala dahil hindi niya alam kung paano.
Nagpapadala naman kami sa kaniya ng mga regalo at mga sulat, pero ni minsan hindi kami nakatanggap sa kaniya. Ito pala ang dahilan. Gusto kong magwala sa sobrang sakit ng dibdib ko. Walang nakakapasok sa kwarto ni Papa kaya walang nakakaalam na ginagawa niya pala ito. Natigil lang ang mga regalo noong kasagsagan ng atake niya sa puso hanggang sa tuluyan siyang mawala.
"Miss na miss na kita, Papa..." I sobbed while reading the cards over and over again. Pakiramdam ko masisira ko pa 'to dahil natuluan na ng mga luha ko.
It took me a while to calm myself after that mental breakdown. Ngayon lang ata ako umiyak nang ganito simula nang mawala si Papa. Nagpakatatag ako para sa mga kapatid ko dahil ayokong makita nila akong umiiyak at naghihina. Ngayong wala sila rito, malaya akong ilabas ang sakit na nararamdaman ko.
Buong buhay ko, hindi ko pinili ang sarili ko at mas inuna ko sila. Pero isang beses ko lang sinubukang habulin ang pangarap ko, nawala pa si Papa sa akin.
Choosing myself is a curse.
It was getting dark when I dragged myself out of the room. In-on ko ang mga ilaw at tumambay sa labas kahit na nilalamok ako. Patingin-tingin naman ang mga kapitbahay sa akin pero wala namang nagtangkang lumapit. Nag-order nalang ako ng pagkain dahil alam kong wala naman akong maluluto dito.
Hindi ko kayang pumasok ulit sa kwarto ni Papa kaya nilibang ko nalang ang sarili sa pag-lilinis ng balcon hanggang sa dumating ang order ko. Naghapunan ako mag-isa at naligo. I went inside my childhood room and curled in my bed.
Tumulo ulit ang mga luha ko. Kung maibabalik ko ang panahon, siguro hindi ako aalis. Siguro dito nalang ako para maalagaan ko pa si Papa. Siguro narito pa rin siya ngayon kung hindi kami umalis. I can't help but blame myself for what happened to him. I was so foolish to think that he can take care of himself alone.
I stared at the ceiling while I think about my father. Hindi na siguro ako makakakahon sa hinagpis ng pagkawala niya. Dekada na ang lumipas pero ang sakit-sakit pa rin.
Nagulat ako nang makarinig ng kaluskos sa labas. Napatayo kaagad ako dahil wala naman akong ini-expect na kung sino. Si Tita Belinda, bukas pa siya pupunta rito kaya ako lang mag-isa. I heard a grunt outside. Kaagad kong kinuha ang pamalo na palaging tinatago ni Papa sa likod ng pintuan namin at kahit na kinakabahan, naghintay ako sa mismong pintuan hanggang sa bumukas ito.
Napasigaw ako sa gulat nang tumambad ang isang matangkad na bulto sa pintuan. Dalawa kaming nagsigawan nang makita namin ang isa't isa. When the realization dawned on me, I dropped the weapon down and stared at Ivo in shock.
"A-Anong ginagawa mo rito?" nauutal kong tanong sa kaniya.
Gulat na gulat si Ivo at nakahawak pa sa dibdib niya. Nabitawan niya din ang dala niyang plastic bag kaya nahulog ang laman nung mga panlinis. Dali-dali niya itong pinulot at ibinalik sa plastic.
"Pucha, ikaw dapat tanungin ko n'yan, eh!" reklamo niya. "Anong ginagawa mo dito?!"
"Huh? Bahay ko 'to?" nagdadalawang isip pa ako sa sagot ko sa kaniya. Natanga ako bigla.
His lips went into a thin line as he stared at me. Na-conscious tuloy ako dahil mukha siyang tao samantalang mukha naman akong victim ng domestic violence dahil sa hitsura ko ngayon. Sigurado akong maga ang mga mata ko at magulo ang buhok kong basa pa. Napamura si Ivo nang may makita sa akin at kaagad na tumalikod.
"Wala kang suot na bra, Raya."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at kaagad na napatingin sa suot kong white shirt! Wala nga! Ako lang naman kasi mag-isa kaya bakit ako magsusuot ng bra tapos ang init-init pa?! I cursed and quickly went inside my room to put on a bra. Hingal na hingal ako. Napatingin ako sa salamin at napamura ulit nang makita ang hitsura ko.
I took a deep breath to compose myself. Hindi ako lalabas dito hangga't hindi ko naaayos ang sarili ko. Bahala na si Ivo na mabulok d'yan sa sala, hindi ko naman siya inaasahan dito! Atsaka, bakit may susi siya ng bahay? Wala namang nabanggit sa akin si Tita Belinda na binigyan niya ng susi si Ivo.
Kinuha ko ang suklay at inayos ang buhok ko. I put on some tint to color my lips and slowly went out. Wala na si Ivo sa sala kaya dahan-dahan akong lumabas. Nakita ko siyang tahimik na nakaupo dun sa may lamesa, malalim ang iniisip.
My heart started beating wildly while I stare at him, noticing all of the changes from the last I saw him. Sobrang laki ng pinagbago niya sa pisikal na hitsura. Naka-buzz cut ang buhok niya ngayon at mukhang galing pa ng trabaho dahil sa suot na navy-blue polo shirt at slacks. He stretched his long legs in front of him, his face is in a serious gloom. All the versions of him inside of my head suddenly vanished and this image of him right now, I know I will hold unto it for years to come if we never see each other again.
I cleared my throat to get his attention. Napalingon sa akin si Ivo at mabilis na tumayo. Nahihiya siyang lumapit sa akin, nakahawak ang kamay sa batok. I smiled.
At least this adorable habit of his never changed.
"Sorry kanina," bulong niya. "Hindi ko naman napansin kaagad na wala kang bra—"
"Yes, I know." Namumula ang mga pisngi ko at sinamaan ko siya ng tingin. Nakakahiya na nga, inuulit pa! Ivo smiled cheekily. May itinaas siyang plastic bag.
"Kumain ka na? Nagdala ako ng pagkain."
Kumunot ang noo ko habang pilit na iniintindi kung anong ginagawa niya dito. Bakit may panlinis at pagkain siya? Dito ba siya natutulog?
Ivo must've read my mind because he immediately explained his presence in our house.
"Nandito ako kasi nililinisan ko ang bahay tuwing day off ko..." he played with his fingers like a child. "Yun kasi ang habilin ng Papa mo sa akin."
"Oh..."
"Nasa akin ang susi niya," kinuha niya iyon mula sa bulsa niya at ipinakita sa akin. "See? Baka akalain mo kasi akyat-bahay ako,"
Natawa ako sa sinabi niya. I pushed the keys back to him.
"Itago mo na yan, bigay yan ni Papa sa iyo."
Tumango si Ivo at sumilip sa kusina. "Nakapaglinis ka na pala?"
I nodded. "I was here the entire afternoon," I shrugged and went inside. Sumunod naman siya sa akin. "Sobrang dami ng alikabok kaya pinunasan ko na."
"Sorry, hindi ako nakapaglinis last week, eh," he said in an apologetic tone.
Napakunot ulit ang noo ko. "Hindi mo naman obligasyon, Ivo. Kung alam lang namin, sana nagpadala kami kahit allowance mo nalang sa paglilinis dito... pero alam ko namang hindi mo na kailangan yun."
Ivo laughed. "Hindi nga. Ginawa ko na ding stress-reliever ang paglilinis dito, lalo na kapag sobrang busy..."
Tumango ako saka kami binalot ng katahimikan. Ilang taon ko ding inisip kung anong gagawin ko kapag nakita ko siya ulit tapos ngayong narito na ako sa sitwasyong ito, hindi ko alam ang gagawin. Nakatayo lang ako at nakatingin sa kaniya.
"Are you comfortable with me here?" Ivo asked slowly. "I can give you space... if you want. I can leave after cleaning."
I went silent, thinking. Kapag iniwan ako ni Ivo mag-isa dito, alam kong papasok na naman ako sa kwarto ni Papa at iiyak nang iiyak hanggang sa makatulog ako. My chest clenched just at the thought of it.
Humigit ako ng malalim na hininga at umiling.
"Hindi... ayos lang. Dito ka lang, Ivo."
He nodded and gave me a small smile. Inaya niya ako sa kusina.
"Nag-take out nalang ako kasi nagmamadali ako kanina, eh," kwento niya habang nilalabas niya ang pinamili. Naupo naman ako sa lamesa at pinanuod siya. "Ang traffic pa minsan."
"Alam mo bang nakauwi na ako?" tanong ko sa kaniya.
Ivo nodded. "Alam ko..."
Tumango ako. "Napaka-stalker mo daw sa IG sabi ni Cel..." biro ko naman sa kaniya.
"Hoy, hindi ah! Nagkataon lang na nauuna parati ang mukha niya sa IG story ko kaya nac-click ko! Ang feeler naman!" tanggi niya kaagad.
I chuckled and started to relax. I don't know why I was being nervous. Is it because I'm around him again? Is it because I was expecting him to change, to turn into some ruthless, cold man because of what happened? Wala naman kasing nagbago sa kaniya, kung itong pagkikita lang namin ang pagbabasehan.
Nakaugalian na ata niyang ipagsandok ako kaya tumahimik nalang ako habang busy siya sa paglalabas ng mga pagkaing binili niya. Hindi ko naman masabi sa kaniya na busog na ako dahil mukhang nag-effort pa talaga siya para rito.
"Kumusta?" tanong niya sa akin habang kumakain kami. Napaangat ako ng tingin sa kaniya. He smiled at me. "Ang tagal mong nawala, ah?"
I nodded. "Ayos lang naman. Malaki na si Wesley, ang tangkad pa!" pagkukuwento ko tungkol sa pamangkin ko. "Baka mas maging matangkad na din siya sa akin kapag nagkataon."
Ivo laughed. "Talaga? Pinapakita sa akin ni Lulu ang mga pictures niya, eh. Mana kay Selena."
"Yung mata at ilong niya, 'no?" I agreed immediately. "Yun nga ang palaging sinasabi ko, hindi naman sila naniniwala. Mana daw kay Kit." Napairap ako sa ere.
The fear that is pooling in my stomach slowly vanished as we picked up where we left off like old friends who were apart for a while. Tama din siguro ang naging desisyon naming dalawa na walang communication dahil alam kong mas lalo lang naming masasaktan ang isa't isa at kapag nagkita ulit kami, siguradong hindi kami aakto ng ganito.
Niligpit namin ni Ivo ang pinagkainan namin at nilinis na din ang lamesa. Sa sofa daw siya natutulog kapag narito siya kaya pumasok ako para maghanap ng extrang kumot at unan para sa kaniya. I didn't know he followed me inside so I jumped when I heard his voice.
"Nilinis mo rin 'to kanina?"
I turned to him and nodded. Nakakahiya dahil naroon pa ang mga poster na idinikit ko noong teenager pa ako! Ang baduy pa ng taste ko noon. Ivo chuckled when he saw an old Slam Dunk poster with Rukawa's face on it.
"Crush mo pa rin si Rukawa hanggang ngayon?"
Napanguso ako. "Eh ang gwapo niya!" depensa ko naman. Hanggang ngayong 27 years old na ako, crush na crush ko pa rin ang anime character na yun.
"Basketball player na pala ang mga type mo ngayon, Raya," he tsk-ed.
Umirap ako at inabutan siya ng mga unan saka kumot. Sinundan ko si Ivo sa labas.
"Walang electric fan dito, pagp-pyestahan ka ng mga lamok," sita ko sa kaniya nang makitang binubuksan niya ang bintana pati na rin ang pinto. Tanging screen door lang ang nakasara.
"Ayos lang, sanay naman na ako. Nagdadala ako ng portable electric fan dati kaso nakalimutan ko ngayon," he shrugged while making himself comfortable on the sofa. Tinapik-tapik pa niya iyon saka ako nilingon. "Matutulog ka na?"
Itinuro ko ang CR. "I'll just wash and then I'll go to sleep."
"Ganyan ka ba kapag inaantok? Nag-e-english?"
Muntik ko nang masipa si Ivo sa sinabi niya sa akin. Tinawanan lang ako ng lalaki habang hinuhubad ang relo niya.
"Iba na talaga kapag galing states," bulong niya.
"Ewan ko sa 'yo, hanap ka ng kausap mo..." inirapan ko siya at pumasok sa kwarto ko para kunin ang dinala kong skincare products. Nauna ako sa CR at naghilamos ulit. Naligo naman na ako kanina pero nalalagkitan pa rin ako dahil grabeng linis ang ginawa ko ngayong araw. When I was done, I saw Ivo waiting for his turn at the kitchen.
"Matutulog na ako..." paalam ko sa kaniya habang pinapatuyo ang buhok ko gamit ang towel.
He nodded. "Good night."
I went inside my room and slipped into my old bed. Masyado na akong malaki para dito kaya medyo lampas na rin ang mga paa ko. Natawa ako dahil akala ko hihinto na ako sa pagtangkad pagtungtong ko ng dise otso. Hindi naman ganun ang nangyari. Mas lalo kaming tumangkad magkakapatid, lalo na si Sonny. Kung malaki ang ipinagbago ko sa height, mas lalo na si Ivo. Nakita ko pa siyang yumuko kanina pagpasok niya sa bahay.
Nakapikit na ako nang may marealize ako sa sitwasyon naming dalawa ngayon. We're complete alone together in a house! Napabangon ako ng wala sa oras at napahawak sa dibdib ko. Ano na naman?! Nakakainis, kung anu-ano na ang pumapasok sa isipan ko!
I grunted. I wanted to slap myself because this is so ridiculous. Eh ano ngayon kung kami lang dalawa ang narito? Kahit na wala pa akong kahit na anong experience sa pagbo-boyfriend, alam ko naman ang madalas na nangyayari sa kanila kapag napapag-isa. Pero hindi ko naman boyfriend si Ivo at alam kong hindi rin siya ang klase ng lalaki na gagawa ng kung anong kalokohan. Dapat mapanatag ako.
Inis na inis ako sa sarili ko dahil kahi na sobrang pagod ko na, hindi ko magawang makatulog. Pabaling-baling lang ako sa hinihigaan ko, hindi mapakali. I couldn't hear a sound outside, so maybe he's already sleeping?
"Pucha naman, Raya," bulong ko habang dahan-dahang tumatayo at naglalakad patungo sa pintuan. Patay na ang ilaw at wala na ring kung anong ingay. I slowly opened the door just to see what he's up to but the sofa is empty. Napakunot ang noo ko. Umalis na ba siya?
"Anong ginagawa mo?"
Muntik na akong mapasigaw sa sobrang gulat nang biglang magsalita si Ivo sa tabi ko. Napalingon ako sa kaniya, nanlalaki ang mga mata. May hawak siyang baso ng tubig at inosenteng nakatingin sa akin.
"Hindi ka ba makatulog?"
I opened my mouth to speak, but I couldn't find the right words to say. Gusto kong sabunutan na lang ang sarili dahil kung kailan ako tumanda, ngayon naman ako umaakto ng ganito! Parang mas mature pa ata ako nung bata ako, eh.
"Babalik na—"
"Gusto mong dito na muna?" Ivo pointed at the sofa that made me halt. Napatingin ako sa seryoso niyang mukha, tapos dun sa sofa na itinuro niya. Humigpit tuloy ang hawak ko sa door knob habang nag-iisip kung anong dapat isagot.
"Uh..."
"Hindi rin ako makatulog," he sighed and put down the glass on the coffee table. Naupo siya sa sofa at sumandal, nakatingin sa akin.
"Ako rin..." pag-amin ko nalang sa wakas.
"Gusto ko lang namang mag-emote ngayong gabi, kaso nandito ka pala kaya..." he laughed a little. "Mag-usap nalang tayo. Ang dami mong dapat ikwento sa akin. Sampung taon din yun, ah?"
Napanguso ako at dahan-dahang lumapit sa kaniya. Magsasampung-taon ngayong Hulyo, gusto kong sabihin sa kaniya pero pinigilan ko ang sarili ko. Doon ako naupo sa pang-isahang sofa. Tanging ilaw nalang galing sa kwarto ko ang liwanag namin dito. I curled in the sofa and hugged my knees.
"Nakita ko ang company building niyo sa Manila," ani ko sa mahinang boses. "Sobrang layo na ng narating mo."
He shrugged. "Hindi ko naman gusto ang ginagawa ko."
Sinilip ko ang mukha niya. Ivo sighed.
"Ginagawa mo pa rin 'to... dahil sa mga magulang mo?"
He nodded. "Alam mo yung toxic filipino culture na 'utang na loob'? Ito yun, eh." He laughed humorlessly.
Napakagat ako sa ibabang labi. How am I supposed to bring up the October issue that we are working on? He was included in the list because he is one of the youngest business tycoons in the real estate industry only to find out that he doesn't love what he's doing.
Isa pa, malabong pumayag siya na interview-hin tungkol sa buhay niya.
"Akala ko gino-good time lang ako nina Celeste nang sinabi nilang nakabalik ka na," Ivo rested his elbows on his knees and glanced at me. "Totoo pala..."
"Hindi naman nakabalik talaga kasi aalis din naman ako," sabi ko kaagad. I don't know why I'm being so defensive about this. Maybe because he heard me cursing this place before and vowing I will never step foot here again. "I'm on a 3-month contract."
"Ah, ganun ba? Aalis ka rin..."
I smiled at him sadly.
"Hindi naman ako para sa La Union, Ivo... alam mo yun." Bulong ko sa kaniya.
He chuckled. "Alam ko. Kaya nga hindi kita pinigilan na umalis, diba?"
"Bakit, sa tingin mo magpapapigil ako?" panghahamon ko sa kaniya.
Ivo looked at me and gave me a lazy boyish grin. "Try me, Sereia."
-
#HanmariamDWTWChap32
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro