Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 30

"Say Lolo! Can you say Lolo?" malambing na wika ni Selena sa anak.

Umiling si Wesley at isinubo sa bibig ang laruang hawak niya. Kaagad na nanlaki ang mga mata ni Selena at inagaw sa bata ang laruan. Tumawa naman si Papa habang nanunuod.

"Ang taba-taba na ng apo ko, ah? Baka kung anu-ano na ang pinapakain mo d'yan, Selena..."

"Hindi naman po, Pa. Macho lang talaga si Wesley," tumawa si Selena at ipinunas sa damit niya ang laruang may laway. Napangiwi si Sonny na nanunuod sa dalawa.

"Raya, ano pang ginagawa mo r'yan? Mali-late ka na sa klase mo!" sinita ako ni Mama dahil nakatunganga pa ako sa kusina at pilit na nakikinig sa pag-uusap nina Papa at Selena sa video call.

Ngumuso ako at lumapit sa kapatid. Inagaw ko sa kaniya ang cellphone niya at kinawayan si Papa.

"Pa, alis na po ako! Ba-bye!" ani ko. Tumawa naman si Papa at kinawayan din ako. Ibinalik ko na ang phone kay Selena at kinuha ang bag ko sa couch. Dali-dali akong lumabas ng bahay.

Napamura ako nang sampalin ako ng malamig na hangin pagkalabas ko. March na pero may snow pa rin. Kaagad akong pumasok at kinuha ang scarf ko sa coat hanger. Ipinulupot ko iyon sa leeg ko at nagsuot na din ng gloves dahil sobrang lamig pa rin ng panahon at hindi na kinakaya ng katawan ko.

"Mag-iingat ka!" sigaw ni Mama sa bahay. Nakapang-nurse na siya na uniform pero mamaya pa naman ang duty niya kaya naroon pa siya sa bahay.

Sa tuwing may morning shift si Mama, hindi ko dinadala ang sasakyan sa NYU. Nags-subway ako patungo roon kaya kailangan kong agahan ngayon kundi mali-late na naman ako sa klase ko.

Bumabaon ang boots ko sa snow sa bawat tapak ko. Naalala ko ang sinabi sa akin ni Karlo na ilagay ko daw ang snow sa garapon at ipadala sa kaniya kaya para akong tanga na tumatawa sa kalsada. Pinagtitinginan tuloy ako ng mga tao.

I cleared my throat and fought off the smile from my face. Kaka-video call lang namin last week, Nagpunta kasi silang lahat sa bahay ni Avery para icelebrate ang graduation nila. Nakakainggit dahil tapos na silang mag-aral samantalang ako, second year pa lang. Ni wala man lang maski isang subject ang na-credit nang mag-enroll ako rito.

Hinanda ko na ang MetroCard ko para sa subway. Si Mama naman ang nagde-deposit doon ng pera para makapunta ako kung saan ko gusto kapag wala ang kotse.

Morning rush kaya maraming tao doon at siksikan. I tried to stay away from the platform edge. Hindi rin ako tumititig sa ibang mga pasahero na naroon. I learned my lesson before when I got into a fight just because I zoned out while I was riding the subway and didn't realize I was staring at a random person the entire time. Palaging mainit ang ulo ng mga tao dito at nagmamadali. Everyone here seems like they're wildly chasing their dreams... katulad ko.

Sa dalawang taon ko dito, unti-unti na akong nasasanay. Hindi naman ganoong kahirap mag-adjust lalo pa't naiintindihan ko naman sila. Hindi rin katulad sa mga movies na binubully ang foreigner na estyudante sa mga international school. Walang pakialaman ang mga tao rito kaya wala rin akong naging kaibigan kahit dalawang taon na akong nag-aaral. Ayos lang din naman sa akin dahil gusto ko lang mag-focus at makapagtapos.

"Hey, watch it chink!" Singhal sa akin ng isang babae nang matabig ko siya.

Nag-iwas kaagad ako ng tingin. I didn't even bother correcting her that I am not Chinese. Ang paningin kasi nilang lahat, kapag galing ka sa Asia, Chinese ka kaagad.

Nang makarating ako sa NYU, mabilis akong naglakad patungo sa lecture hall ko. Dahil malaki ang NYU, iba-iba ang uniform at dress code ng bawat college. May ibang wala talagang uniform kaya ID lang ang sinusuot kapag pumapasok. When I reached the lecture hall, I sat at the far end of the room and stared at the huge projector.

Lasik surgery ang una kong ginawa nang makarating ako sa Amerika. Araw lang naman ang ginugol ko sa pagre-recover kaya hindi ako nahirapan pagkatapos kong mag-enroll. Hindi na sumasakit ang ulo ko at malinaw ko na ring nakikita ang mga bagay-bagay kahit na sa malayo. I pulled out my iPad and started scrolling through my notes.

Nakarinig ako ng ingay habang nagi-iPad ako kaya hindi ko maiwasang mapatingin. My heart stopped beating when I saw a tall guy with tanned skin. Nakatalikod siya sa akin at nakikipagtawanan sa mga kaibigan niya. For a moment, I thought I was seeing Ivo until he turned to my direction. Binasag ako ng sariling disappointment dahil ibang mukha ang nakita ko. I cursed myself and looked away.

Parang tanga naman, Raya. Paano mapupunta si Ivo rito?

Bumuntong-hininga ako at nag-focus nalang. Iyon naman ang palagi kong ginagawa para libangin ang sarili ko at hindi na mag-overthink. I have to busy myself to stop my mind from wandering into dark places.

Nang makauwi ako sa bahay, nilaro ko ang pamangkin ko para naman makapagpahinga si Selena. She started going to school last year, too. Pagkatapos niyang manganak kay Wesley, tinutukan niya ito ng isang taon tapos bumalik na ulit sa pag-aaral. Tourism ang kinuha niyang kurso. Simula nung pumasok siya, salitan na kaming apat sa pagbabantay kay Wesley dahil hindi naman nila gustong kumuha ng kasambahay at ayaw rin ni Rick, ang bagong asawa ni Mama.

Ka-edad lang ni Selena ang anak ni Rick, si Taylor. Mula noon, hanggang ngayon, hindi namin magawang maging close. Siguro dahil sa cultural differences na din namin. Tipid na mga ngiti lang ang binibigay niya sa amin kahit na anong gawin naming reach out sa kaniya. Sinabihan na din kami ni Mama na intindihin lang namin si Taylor dahil only child lang siya at noon pa man, hindi nasanay na may ibang tao sa bahay nila.

"Ate, tumatawag ulit si Kit," sumilip si Sonny sa kwarto ko at itinaas ang cellphone niya. Napairap ako sa ere. Hindi siguro sinasagot ni Selena kaya kami ang kinukulit niya. "Ano, ib-block ko na ba 'to? Ang kulit, eh!"

"Huwag mo nang sagutin, Sonny. Pagsasabihan ko nalang si Selena mamaya na kausapin si Kit."

Tumango naman si Sonny at umalis. Hindi ata siya tumitigil sa pagtangkad. He's towering over his sisters now, even my mother's husband. Nakapasok din siya sa basketball team ng eskwelahang pinapasukan niya kaya tuwang-tuwa siya at talagang sineryoso na ang pagba-basketball.

"I've always wanted a son..." palaging sinasabi ni Rick sa akin kapag nagpapahinga siya pagkatapos nilang mag-basketball. Marami siyang tinuturo kay Sonny at yun ang naging bonding nilang dalawa. "I'm glad Sonny opens up to me easily. It's not hard to like him."

Mabait naman si Rick sa amin, mapagbigay. Palagi niya kaming tinatanong kung anong gusto namin at minsan, nilalabas niya din kaming magkakapatid. Kapag narito ang mga kaibigan niya, o di kaya kasama niya kami sa labas, he's very proud to say that we are his children kahit na tinataasan siya ng kilay ng mga kausap. Kapag naman hindi namamansin si Taylor, siya na mismo ang humihingi ng paumanhin dahil hindi lang daw sanay ang anak niya. Ayos naman din ang relasyon nilang dalawa ni Mama, pero sinabi na nila sa amin na wala na silang balak magka-anak pa. Banker si Rick kaya naman madalas wala ito sa bahay at palaging nago-overtime. Si Mama naman, graveyard shift sa ospital na pinagtatrabahuan niya bilang nurse.

Binaba ko ulit si Wesley dahil nakikiusap itong maglaro ng toys niya. Habang nasa living room kami, biglang tumunog ang door bell. Iniwan ko muna ang bata sa playmat at dali-daling binuksan ang pinto.

"Rayacakes!"

Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Lulu sa harapan. Pulang-pula ang mga pisngi niya dahil sa lamig. Nakasuot siya ng trench coat, bonnet, at gloves. Kinusot-kusot ko ang mga mata dahil baka pinaglalaruan lang ako ng imahinasyon ko.

"Lulu...?"

"It's me! I'm back!" sigaw niya at kaagad akong niyakap. Naguguluhan akong tumingin sa kaniya. I had to pinch her cheeks just to convince myself that she's real. "Aray, beh! Walang kurutan!" mahina niyang sinampal ang kamay ko palayo. "Totoo ako, 'no!"

"Anong ginagawa mo dito?" I was so confused. Mabilis na tumibok ang puso ko nang may maisip ako. Kaagad akong napatingin sa labas, sa likuran niya, kung may kasama ba siyang iba. May nakapark na kotse sa tapat ng bahay namin pero tinted naman ang salamin kaya hindi ko makita kung sino ang nasa loob.

"Nandito ako para bisitahin ka! Duh!" pumasok si Lulu sa bahay at tumili nang makita si Wesley. "Omg! Ito na ba si Wesley?! Ang laki-laki na!"

Natakot ata si Wesley at napatingin sa akin.

"Tita!" sigaw ng bata at tumakbo pa palayo nang makitang papalapit si Lulu sa kaniya. Napanguso si Lulu at huminto para hindi na matakot si Wesley. Ako naman, sinara ko kaagad ang pinto para hindi pumasok ang lamig at sinundan si Lulu.

"Gino-good time mo ba ako? Ba't nandito ka? Prank ba 'to?"

"Anong prank?!" mahina akong tinulak ni Lulu saka tumawa. "Graduate na ako, 'no. Tinanong ako ni Mommy kung anong gusto kong graduation gift. Sabi ko, gusto kong mag-solo travel sa America so here I am!" she opened her arms dramatically and lifted her chin proudly.

Napaawang ang mga labi ko sa gulat.

"Ikaw lang mag-isa?!"

"Ilang beses naman na akong nakapunta dito," she shrugged. "Buti nalang hindi mahirap hanapin ang address niyo. Dito pala kayo nakatira?" inilibot niya ang paningin sa bahay.

"San ka tumutuloy ngayon?"

"I'm staying in a hotel," she grinned while taking off her scarf. "Pero kung sasabihin mo, Lulu, dito ka na sa bahay namin tumuloy kasi miss na miss na kita, ica-cancel ko ang hotel reservations ko!"

Malalagutan ata ako ng hininga dahil ginugulat ako ni Lulu sa bawat lumalabas sa bibig niya. I picked Wesley up and sat on the couch. Tumabi naman si Lulu sa akin at nilaro-laro ang bata.

"Kumusta ka naman dito? Wala kang paramdam sa social media, ah? Yung profile picture mo, magt-two years na!" reklamo niya sa akin.

Napanguso lang ako. I actually wanted to delete my social media but I couldn't bring myself to do it. Halos araw-araw ko atang in-stalk si Ivo sa social media. Nahihiya kasi akong magtanong sa mga kaibigan ko kung anong balita sa kaniya. I may no longer be part of his world, but I still want to see him from afar.

"Ayos lang ako. Second year na ako," proud kong wika sa kaniya.

"Heck, yeah! Mabilis nalang ang two years, tapos graduate ka na. May kaibigan na kaming NYU graduate, nakaka-proud!"

Dahil parinig nang parinig si Lulu na dito siya matutulog, at dahil miss na miss ko na rin siya, ako na mismo ang nag-alok na dito siya matulog. Nagulat sina Mama pagkauwi nila nang makita si Lulu sa bahay. Wala namang problema sa kanila nang sinabi kong dito siya mags-stay ng ilang araw.

"Na-miss ko ang luto mo, Raya! Pwede ba akong mag-take home good for 1 month para pag-uwi ko sa Pinas?" biro niya sa akin sa hapagkainan.

"What the heck is she talking about?" narinig kong bulong ni Taylor.

Lulu ignored her comment. Alam na din niya ang sitwasyon namin dito at ang pagiging mailap ni Taylor sa amin. Si Rick naman, pilit na iniintindi ang mga sinasabi ni Lulu. Marunong naman siyang mag-tagalog pero konti lang. Nage-effort siya dahil sa tuwing galit si Mama, nagtatagalog ito at hindi niya maintindihan.

"Na-miss ko ding mag-sleep over sa inyo!" daldal ni Lulu habang naglalatag kami ng foam sa sahig. Maliit ang kama ko kaya sa sahig kaming dalawa matutulog. Nilagyan lang namin yun ng heat pad para hindi kami manigas sa ginaw, lalo na mamayang madaling araw.

"Kumusta sila doon?"

"Hmm, ayos naman. Si Karlo, magt-take ng licensure exams pagkatapos ng graduation niya. Si Yari naman, may isang year pang tatapusin. Si Avery, luma-love life na! Nakita mo ba yung bebe niyang PMA cadete? Dati natin yung ROTC commander. Ang macho, grabe!"

Natawa ako sa mga sinabi ni Lulu. In my first year here in America, something happened to Celeste and Ravi. Hindi ko maintindihan ang buong kwento dahil nag-trending nalang bigla na hiwalay na sila. I wanted to comfort Celeste but she just shut down all of a sudden. Ilang buwan siyang hindi nagparamdam sa akin. Hanggang ngayon, mailap pa rin siya. Nagsi-seen na siya sa GC namin at sumasagot paminsan-minsan pero nawala ang energy niya noon.

"Kumusta si Kael?" I asked softly.

Lulu shrugged. Something happened to him, too. Alam kong naapektuhan din si Lulu nang malaman ng publiko kung sino talaga ang totoong tatay ni Kael. Mukhang nagkalabuan din sila dahil doon.

"He's... good." Alanganin niyang sagot sa akin. "We're on a break." Lulu shrugged.

Tumango ako at hindi na nagtanong pa. Whenever she's comfortable telling me about what happened to them, I'll be ready to listen. But right now, I could see that she only wants to escape for a while and forget her problems.

One week ding nag-stay sa amin sina Lulu. Ipinasyal ko siya sa NYU dahil nabo-bored siya kakahintay sa akin sa bahay. Namasyal din kami sa mga mall at tumulong ako sa pamimili ng mga souvenirs na dadalhin niya pag-uwi ng Pilipinas.

"Hala, ang cute!" sinunggaban ni Lulu ang isang surf board keychain na gawa sa resin. Kaagad niya 'tong ipinakita sa akin. "Sa tingin mo magugustuhan 'to ni Ivo—" natigilan kaagad siya at napatakip sa bibig. "I mean... uh..."

I smiled at her. Dalawang taon na din naman ang nakakalipas. Gaya nga ng pakiusap ni Ivo sa akin, hindi ko siya kinontak. Maraming mga pagkakataon na gusto ko siyang kausapin pero hindi ko magawa dahil natatakot akong baka masaktan ko lang siya. Sa mga panahong hirap na hirap pa akong mag-adjust dito, gusto ko siyang kausapin at marinig ang boses niya pero pinigilan ko ang sarili ko.

He deserves to heal in peace.

"Tingin ko magugustuhan niya 'to..." kinuha ko ang keychain at tinitigan.

Lulu let out a sigh of relief. Pansin kong sa bawat kwento niya, hindi niya sinasali si Ivo. Palagi pa rin siyang nag-iingat sa akin pagdating sa kaniya. Hindi naman yun kailangan dahil matagal ko nang tanggap na wala talaga kaming pag-asa dalawa. Hindi pa man kami nagsisimula, tinuldukan na ng tadhana.

Pagkatapos naming mamili ng mga regalo, umuwi na kami sa bahay. Nag-iimpake na si Lulu ng mga gamit niya. Bukas na ang flight niya kaya a-absent ako sa isa kong subject para ihatid siya sa airport.

"Anak! Busy ka ba?" tanong kaagad sa akin ni Papa nang sagutin ko ang tawag niya. Hindi ko kasi 'to nasagot kanina dahil nasa labas kami ni Lulu.

Umiling ako. "Hindi naman, Pa. lumabas lang kami saglit."

Si Papa nalang mag-isa sa bahay. Palagi namang nagpupunta doon ang kapatid niya, si Tita Belinda para bantayan siya at dalhan ng pagkain. May maintenance na din siyang gamot para sa puso niya. Si Mama ang nagpapadala ng pera para dun. Kahit na hiwalay na sila, palagi pa ring tinatanong ni Mama kung kumusta na ang kalusugan ni Papa dahil kahit papaano, nag-aalala pa rin siya.

"Ganun ba? Balita ko bumisita si Luanne d'yan." Humiga si Papa sa sofa at ginawang unan ang isa niyang kamay.

"Yes po, Tito! Nandito ako, shout out naman!" sigaw ni Lulu nang marinig ang pangalan niya.

Natawa si Papa. "Nand'yan nga. Nagpunta si Primitivo dito kanina."

Nagkatinginan kaming dalawa ni Lulu. Sa loob ng dalawang taon simula nung umalis ako, iilang beses ko pa lang nakita si Papa. Umuwi naman kami noong Pasko at New Year para makasama namin siya. Ngayon, pinag-iipunan na naman niya ang gastos sa pagbisita sa amin dahil gusto niya, siya naman daw ang pumunta.

Ilang beses niya na ding nabanggit sa amin na nagpupunta si Ivo sa bahay. Palagi daw siyang dinadalhan ng pagkain at dinadaldal para daw hindi siya malungkot. Noong birthday ni Papa at hindi kami nakauwi, si Ivo ang nag-surpresa sa kaniya. Palagi ding sinasabi ni Ivo kay Papa na huwag daw sabihin na nagpupunta pa siya roon. It's so like him.

"Ano daw gusto?" kunwari ay wala akong pakialam pero gusto ko ring malaman kung anong ginagawa niya, kung tinatanong niya ba ako kay Papa. Ang tanging alam ko lang sa kaniya ngayon, graduate na din siya sa business administration.

"Wala, nakikipagkuwentuhan lang. Alam mo bang—" natigilan si Papa sa pagsasalita. Bigla siyang napabangon at hiningal. He clutched his chest tightly.

"Pa...?" nanginig ang boses ko dahil hindi ko na siya makita sa camera. Tanging mga ingay lang ng paghihingalo niya ang naririnig ko. "Papa, ayos ka lang ba?!"

"Anong nangyari?" kaagad na lumapit sa akin si Lulu nang mapansin niyang nagpapanic na ako.

"Papa!" tawag ko ulit sa kaniya pero hindi na siya sumagot. Horror crept into me when I heard a loud thud, as if he fell.

Napaiyak na ako at nagsisigaw dahil hindi na sumasagot si Papa. Lulu tried to calm me down but I couldn't, because I felt so helpless. Nanginginig pa ang mga kamay ko nang i-end ko ang videocall namin at di-nial ko ang number ni Ivo.

"Sagutin mo, please..." umiiyak kong wika.

He answered in the second ring.

"Raya—"

"Si Papa!" umiiyak kong wika. "Si Papa, Ivo, may nangyaring masama sa kaniya! Nag-uusap kami tapos... tapos bigla nalang siyang inatake... please, Ivo, alam kong ang laki ng atraso ko sa iyo pero si Papa, siya lang mag-isa sa bahay—" pagmamakaawa ko sa kaniya habang humihikbi.

"Papunta na ako." Diretso niyang wika at in-end ang call. Nag-iyakan kaming dalawa ni Lulu sa kwarto habang naghihintay sa tawag ulit ni Ivo.

It felt like an eternity of waiting for him to call me back. Halos mawala ako sa sarili kakaisip kung ano na ang nangyari kay Papa. Tinawagan ko din si Tita Belinda para ipaalam sa kaniya kung anong nangyari, pati na rin si Mama. Dali-dali siyang umuwi galing sa ospital at nakitang umiiyak kami sa sahig.

"Ssh, tahan na, anak..." inalo niya ako at niyakap. "Tatawag din si Ivo."

He called after an hour. Hindi ako makausap nang maayos kaya si Mama ang sumagot sa tawag niya. Isinugod na daw nila sa ospital si Papa. Hindi namin alam kung bakit bigla nalang siyang inatake gayong iniinom niya naman nang maayos ang mga gamot niya. Matagal silang nag-usap sa tawag hanggang sa ibinaba na ito ni Mama at binalingan ako.

She sighed. "Stable na ang Papa mo, anak, pero hindi pa rin siya nagigising. Hintayin nalang ulit natin ang tawag ni Ivo."

Tumango ako at pinunasan ang mga luha. I have never been shaken like this in my entire life. Walang maikukumpara ang takot ko sa mga sandaling iyon. Hanggang ngayon ay nanginginig pa rin ang mga kamay ko.

"Raya, huwag kang mag-alala, bibisitahin ko si Tito pagka-uwi ko. Sa ospital ako didiretso." Wika naman ni Lulu.

Tumango ako. I tried to compose myself again. Hindi muna namin sinabi sa mga kapatid ko dahil baka mag-panic rin sila katulad ko. Kahit na wala ako sa sarili, pinilit ko pa ring ihatid si Lulu sa airport kinabukasan.

She hugged me tightly.

"Magpakatatag ka, Raya... nandito lang ako, kami."

Pagkatapos sa airport, umuwi kaagad ako dahil hindi ko magawang pumasok sa klase na hindi pa rin alam kung anong update kay Papa. Wala pa si Mama sa bahay kaya ako na mismo ang tumawag kay Ivo. Sinagot niya din naman ito.

"Hey, I was about to call..."

I could hear the apology in his voice and I felt so guilty because he doesn't need to apologize! If anything, I should be the one on my knees for what he had done. Ni hindi man lang siya nag-alinlangan na puntahan si Papa at dalhin siya sa ospital.

"Kumusta si Papa?" tanong ko kaagad.

"He's okay, now. Stable na, pero unconscious pa rin. Ang sabi ng doktor, baka mamayang gabi o bukas, magkamalay na siya."

I let out a sigh of relief.

"Salamat, Ivo..." I said in a cracked voice.

"Ayos lang, kahit na hindi mo sabihin, gagawin ko pa rin 'to. Nangako ako noon, diba? Aalagaan ko si Tito..."

Hindi ako nakaimik. Sino naman kasing magbibitiw ng ganun kabigat na pangako sa isang tao na hindi naman niya kaanu-ano?

Inipit ko ang pang-ibabang labi. For two years, I've always wanted to hear his voice but I didn't want to hear it in this situation. Nakakalungkot lang dahil kailangan pang may mangyari na ganito bago ko siya makausap ulit.

Dahil wala din naman kaming sasabihin o masabi sa isa't isa, nagpaalam na ako at pinatay ang tawag. Hinintay ko din si Mama kinagabihan at kinausap siya.

"Ilang linggo?" tanong niya kaagad sa akin nang sabihin kong gusto kong umuwi ng Pilipinas.

"Hindi ko pa alam, Mama. Gusto ko lang masigurado na ayos si Papa."

"Sige, basta mag-iingat ka doon, ha? Tapos tatawag palagi. Ako na magb-book sa flight mo. Sabihan mo na din ang mga professor mo na mawawala ka saglit, baka bigla kang i-drop sa mga subjects mo."

Tumango ako at sinunod ang gusto niya. Whether I drop out of my subjects or not is the least of my worries. Nagkamalay na si Papa at nakakapagsalita na rin pero hindi pa rin maibsan ang kaba ko. Nagpunta rin si Lulu sa ospital para siguruhing ayos na siya. Kailangan ko siyang makita sa personal at kailangan niya akong kumbinsihin na ayos lang talaga siya bago ko siya iwan ulit.

Sinabi na din namin sa mga kapatid ko ang nangyari dahil nagtataka sila nang makita ang maleta ko sa living room. Alalang-alala si Selena at gusto pang sumama sa akin pero hindi naman pwede. Kasagsagan ng mga exams nila ngayon kaya hindi siya pwedeng lumiban. Si Sonny naman, susunod daw sa akin pagkatapos niyang mag-book ng sariling flight dahil ang alam ni Mama, ako lang naman ang pupunta.

I went to the airport with a heavy heart and almost lost it when Ivo called again just to say that Papa had a minor attack again today. Nasa ospital siya kaya madaling naagapan ng mga doktor. Iyak ako nang iyak habang nasa departure area ako. Kung pwede pa lang liparan ang Pilipinas galing dito, ginawa ko na.

It was a connecting flight that took the entire day. It was the worst 20 hours of my life. Knowing that Ivo couldn't call me in the plane, my anxiety soared to the roof. Halos hindi ako kumakain at umiiyak lang habang iniisip kung ano na ang nangyayari sa ospital.

Pagkarating ko ng airport, iniwan ko na ang maleta ko sa kung saan at natatarantang naghanap ng taxi palabas. Nag-ring ang phone ko at nakitang tumatawag si Ivo.

"Ivo—"

"Nasaan ka?" tanong niya kaagad. I could hear the background noise on his end.

"Nasa terminal 1..." I said, looking around and found him. Kaagad akong tumakbo patungo sa kaniya.

Ivo wasted no time. He didn't even bother asking where my luggage is. Basta niya nalang akong hinila patungo sa parking lot. Sumunod naman ako at dali-dali niyang pinaandar ang sasakyan.

Tinawagan ko si Tita Belinda habang bumabiyahe kami pero umiiyak na siya sa phone at sinabing kasalukuyang inaatake si Papa ngayon at marami na daw doktor ang nakapalibot sa kaniya. I was crying the whole time while Ivo almost fled to La Union. His knuckles were turning white from gripping the steering wheel too hard.

Hindi pa nakakapag-park nang maayos si Ivo pagdating namin sa ospital pero kaagad na akong lumabas at tinakbo ang ospital. Halos masira ko na ang button sa elevator kakapindot para lang sumara ang pinto at umakyat ito pataas.

Pagkarating ko sa 5th floor, tumakbo kaagad ako patungo sa ICU. Nakita ko si Tita Belinda sa labas na umiiyak. Mabilis ko siyang hinawi at pumasok sa kwarto. Saka ko pa nakita si Papa. He was surrounded by the doctors but our eyes met for a brief moment. Despite the tube in his mouth, he managed to give me a painful smile and then he was gone.

A screeching sound escaped from my throat—almost beastly and unhuman as I cried out loud and gripped his lifeless hand with mine.

"Hinintay ka lang ng Papa mo, Raya..." umiiyak na wika sa akin ni Tita Belinda.

Halos hindi ako makahinga sa pag-iyak ko kasabay ng panginginig ng buong katawan ko sa biglaan niyang pagkawala.

Anong nangyari, Papa? Bakit biglaan? Bakit hindi mo man lang ako kinausap?

My mind went blank with what happened. All I know is that this is the last time I'm going to feel the warmth from my father's hand, and that I am cursing this place for every bad memory it gave me.

Hinding-hindi na ako babalik ng La Union...

-

#HanmariamDWTWChap30

NOTE: 3 pm daily updates will be back soon. For my peace of mind, anyone asking/demanding for updates will be muted. Thank you. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro