Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 3

"Okay, group 1, pwede nang mag-present..."

Kinakabahan ako kahit na hindi naman ako aakto sa harapan. Magbabasa lang ako ng script ko bilang narrator at iyon lang. Sina Lulu, Jed, at ang iba ko pang mga ka-grupo ang talagang aarte kaya naman mas sila ang dapat kabahan.

Nagpunta kami sa harapan at inayos-ayos pa ni Lulu iyong mga backdrop bago kami nagsimula. Ako ang nagpunta sa gitna, hawak-hawak ang script at bahagya pa akong nanginginig. Nang i-angat ko ang tingin ko, agad kong nakita si Ivo.

Nakaupo pa rin siya dun sa likuran, pero may mga lalaki na niyang kaibigan ang nakaupo sa upuan ko at kay Lulu. Nagdadaldalan sila roon sa likod pero hindi naman nakikinig si Ivo at nanunuod sa amin.

I cleared my throat and tried to soothe my nerves.

"Florante at Laura, Kabanata 9..." panimula ko. "Dalawang Leon."

Nagpalakpakan naman ang mga kaklase ko. It was my cue to start reading.

"Habang nag-uusap si Florante at Aladin ay may dalawang leon hangos nang paglakad. Ngunit kahit ang mga leon ay nahabag sa kalunos-lunos na sinapit, kahit ang bangis ay hindi na maaninag sa mga mukha nito..."

Tumabi ako para kina Jed at ang isa pa naming ka-grupo na gaganap bilang Aladin at hinayaan na sila. May iba pang kaklase ko na nagtatawanan kasi nga hindi naman seryoso sa pag-arte iyong isa kong ka-grupo at patawa-tawa lang. Nawala na rin ng paunti-unti ang kaba ko. Nag-focus nalang ako sa pagbabasa ng mga parts ko bilang narrator hanggang sa matapos kami. Nagpalakpakan silang lahat at ang iba'y nagrereklamo na ayaw na daw nilang mag-present kasi may nanalo na...

"Ibibigay ang mga marka ninyo pagkatapos makapag-presenta ang lahat. Salamat, group 1." Wika ng teacher naming atsaka namili ng estyudante para sa closing prayer. Pagkatapos noon ay maaga niya na kaming iniwan.

Ang mga ka-grupo kong naka-costume ay nagpunta ng C.R. para magbihis. Ako, dahil narrator lang, ay naka-uniform pa rin kaya bumalik nalang ako sa upuan ko.

"Bakit hindi ikaw si Laura?" tanong kaagad sa akin ni Ivo pagka-upo ko.

"Huh?" hindi ko maintindihan ang tanong niya.

Itinungkod ni Ivo ang siko sa arm desk at humalumbaba, nakatingin sa akin.

"Kako, bakit hindi ikaw ang gumanap na Laura?" pag-uulit niya saka ngumiti sa akin. "Bagay sa iyo."

Hindi ko alam kung puri iyon o insulto pero uminit ang pisngi ko. Hindi ko nalang pinansin si Ivo at kunwaring may hinahanap ako sa bag ko para hindi na niya ako kausapin. My plan to ignore him failed when I heard him talk again.

"Hindi mo sinagot yung tanong ko kanina." Paalala niya.

"Anong tanong?" I tried playing dumb, but he just grinned boyishly.

"Can I call you Raya?"

Nilingon ko siya. Nakangisi siya at naghihintay ng sagot ko habang ako naman ay kinakabahan ulit. Bakit... bakit iba ang dating ng pangalan ko sa kaniya? Lahat naman ng tao ay tinatawag akong Raya. Sa bahay, sa eskwelahan, pati na rin ang mga kakilala ko sa purok namin. Wala namang kaso sa akin iyon. Mas naninibago pa nga ako kapag buong pangalan ang tawag nila sa akin.

But the way he spoke my name made me feel something. It's my first time to hear someone spoke every letter of my name with such tenderness, as if savoring every syllable when there's only two. Parang ingat na ingat ang pagkakasabi niya sa pangalan ko kaya hindi tuloy ako mapakali.

"Uh... oo naman!" sagot ko nalang para tantanan na niya ako. Bata pa ako. Bata pa ang puso ko. Ayokong palaging kinakabahan nang ganito.

"Raya..." he said again and I almost lost my breath. Buti nalang biglang dumating si Lulu na maingay at ginulo kami kaagad.

"Huwag na kayong mag-present, Ivo! Talo na kayo kaagad!" tumatawa pa ito habang nilalagay ang damit niya sa bag. Ako ang nahihiya para sa kaniya pero hindi ako nagsalita kasi close naman talaga sila ni Ivo para yabangan niya nang ganito.

"Ang yabang, Lulu. Grabe ka na talaga."

They just started bickering with each other again. Iginala ko ang tingin sa paligid nang ma-OP ako sa kanilang dalawa at nagtama ang tingin naming dalawa ni Celeste. Nakamasid pala siya sa amin at nakahalumbaba. She smiled and looked away. Hindi na ako nakaganti ng ngiti sa kaniya.

Bago nag-uwian ay binisita ang class room namin ng president ng student council at pinaalalahanan kami na pumili na ng club. Kailangan naming sumali sa isang club dahil sisingilin kami nun pagka fourth year namin, bago gumraduate. Ang alam ko, si Lulu, automatic na sa student council kasi siya naman ang first yearrepresentative doon. Si Celeste naman, miyembro ng Tanikala, iyong dance club sa paaralan namin. Yung mga lalaking maiingay sa likuran, lahat sila sa basketball club. May book club, history club, at badminton club. Hindi ko pa alam kung saan ako sasali dahil di tulad ng iba,wala naman akong talent.

"Psst, anong club mo?" pangungulit na naman sa akin ni Ivo. Bakit ba ako ang tinatanong niya sa mga bagay-bagay na ganito eh hindi ko rin naman alam ang gusto ko!

I shrugged. "Booklovers club nalang siguro," wika ko habang nakatitig sa list of club na isinulat nila sa black board. "Magbabasa lang naman dun ng libro, diba?"

Narinig kong tumawa si Ivo. "Hindi ko alam. Siguro?"

Inisa-isa ko iyong nasa listahan at nakitang may chess club pala. Siguro ay dito nalang ako sasali? Marunog naman akong mag-chess. Iyon ang pampalipas oras namin ni Papa noong bata pa ako. Pati si Mama ay naglalaro din noong nagbubuntis siya kay Selena. Salitan kami kung sinong matatalo. Hindi naman siguro seryoso ang mga club na ito at kung may meeting man, sana madali lang matapos para hindi ako nasasabit sa school.

"Anong club ang sasalihan mo, Ivo?" tanong naman ni Lulu sa kaniya. "Walang surfing club dito, eh."

"Wala nga," natawa siya habang pinagmamasdan din ang black board. Parang nakikita ko ang sarili ko sa kaniya. Pareho ata kaming walang plano sa buhay. "Mag cantapella club kaya ako?"

Binato siya ni Lulu ng nilukot na papel at tinawanan. "Ulol. Ang pangit ng boses mo, Ivo! Huwag na!"

Ivo laughed and picked up the paper. Akala ko ay ihahagis niya iyon pabalik pero ibinulsa niya lang ito. Binalik ko ang tingin sa black board at napag-desisyunang isulat nalang ang chess club doon sa form na ibinigay nila sa amin. Ipinasa ko na iyon sa harapan at nagpaalam na kina Lulu dahil kailangan pang sunduin ang mga kapatid ko.

Nung turn na ng group 2 na mag-present kinabukasan, nagulat ako nang makita si Ivo na naka-costume. Iyong pang-prinsipe talagang costume. Bagay sa kaniya kasi nga matangkad at yung description ni Florante sa libro na "mala-Adonis ang pangangatawan", kuhang-kuha niya rin. My female classmates are wildly swooning over him. Si Lulu naman, nakataas lang ang kilay. Napaka-competitive kasi nito.

Nang magsimula na sila, sobrang invested ni Ivo sa pag-arte na akala ko ay nasa theater kami. Yung babaeng kaklase namin na gumanap bilang Laura, kilig na kilig naman. Si Celeste ang narrator nila at mukhang natutuwa din ito kasi todo hiyawan kapag sila ng dalawa ang nag-uusap. Hindi naman ganito ka-hype ang klase noong nag-perform kami kahapon.

"Tsk, nadala lang ni Ivo. Ampangit. Mas maganda ang script mo, Raya," komento pa ni Lulu.

Napailing nalang din ako. Maganda naman talaga iyong sa kanila. Tsaka si Ivo, alam na alam niya ang ginagawa niya at kuhang-kuha niya din ang atensyon ng mga tao kaya naman may pa-standing ovation pa nung matapos silang mag-perform.

Nag-komento ang teacher namin na maganda raw ang performance at sinabing sa susunod na araw na magpe-perform ang group 3 kasi wala raw siya bukas. Dismissed ulit kami ng maaga sa Filipino. Yung mga ka-grupo ni Ivo, naroon na sa C.R. at nagbibihis pero siya, nasabit sa mga babae kong kaklase na gustong magpa-picture sa kaniya.

"Tingnan mo 'tong ugok na 'to, parang celebrity!" tumatawang wika ni Lulu. "Tingnan natin kung magugustuhan pa nila ang lalaking yan pag nalaman nilang iyakin yan nung bata pa."

"Childhood friends kayo?" hindi ko na napigilan ang sarili kong magtanong.

Tumango naman si Lulu. "Oo. Iyong mama ko atsaka mama niya, magkaibigan. Lumaki na din kaming magkasama kaya kilala ko na yan. Mas matangkad pa nga ako sa kaniya noong elementary kami, eh! Ewan ko ba bakit bigla siyang tumangkad nang ganyan..." natigilan siya nang may maisip.

"Alam mo ang sinasabi nila sa lalaking mabilis tumangkad, Lulu?"

Kaming dalawa ang nagulat nang biglang magsalita si Celeste sa likuran. Nakikinig pala siya sa usapan at ngiting-ngiti sa amin.

"Ano?" tanong naman ni Lulu.

Lumapit si Celeste sa kaniya at may ibinulong. Namula ang buong mukha ni Lulu at pinaghahampas siya ng notebook.

"Baliw ka! Bumalik ka nga sa upuan mo!" pulang-pula pa rin ang mukha niya at parang na-eskandalo.

I tilted my head, curious as to what they're talking about. Celeste must've noticed it because she turned to me and grinned widely.

"Gusto mong sabihin ko din sa iyo?"

"Hindi! Huwag!" awat kaagad sa kaniya ni Lulu. "Baby pa yan si Sereia, huwag mong dinadamay sa kalokohan mo,"

Tumawa lang si Celeste at bumalik nalang sa upuan niya. Ako naman, curious pa rin pero pinigilan ko nalang ang sariling magtanong dahil mukha namang wala akong balak sagutin ni Lulu.

Nang bumalik si Ivo ay nagkulitan ulit silang dalawa ni Lulu. Naghintay kami ng ilang minuto para sa history teacher namin pero hindi naman dumating kaya maaga ang dismissal. Kinuha ko agad ang bag ko pero natigilan nang bigla akong tinawag ni Ivo.

"Raya, tara, kain muna tayo..."

I blinked, looking at him. Kasama na niya ngayon sina Lulu at Celeste, at silang dalawa, nakatingin sa akin sa nagpapaawang mga mata.

"Maaga pa naman, Raya, tsaka ihahatid kita sa elementary school mamaya pagkatapos kumain," dagdag ulit ni Ivo.

"Huh? Huwag na!" tanggi ko naman kaagad. "Pero... sasama akong kumain." Mahinang wika ko nang makita na mukhang disappointed ang dalawa.

Nagsaya naman kaagad sina Lulu at Celeste nang sinabi kong sasama ako. Nauna kaming tatlo na babae at nakasunod naman si Ivo sa amin. Sa labas ng paaralan namin, tuwing hapon ay nagpapakita ang mga nagtitinda ng street foods. Wala sila sa umaga at tanghali kaya naman dinudumog talaga ng mga estyudante kinahapunan.

"Anong sa iyo, Raya?" tanong sa akin ni Celeste habang sumisilip sa kung anong meron doon. Hindi ata niya makita kasi ang liit niya.

"Uh... fishball nalang," tugon ko kasi iyon naman ang bago pang luto.

Tumango si Celeste at ang lakas ng boses nitong nagsabi kay kuya kung anong gusto niya. Napaatras tuloy ang iba pang first year na kumakain din doon.

"Kuya, fish ball, isang baso! Kikiam din tsaka gulaman!" sigaw ni Celeste. Nilingon niya sina Lulu at Ivo. "Anong sa inyo?"

Natawa sina Lulu at Ivo pero sinabi din naman iyong gusto nila. Si Ivo, nag-isaw at si Lulu naman, betamax ang kinakain. Nang makuha na namin ang mga pagkain namin ay naupo kami doon sa gutter habang pinapanuod ang buhos ng mga estyudanteng papalabas din ng high school.

"Totoo bang maraming gwapo dun sa Ateneo, Ivo?" tanong kaagad ni Celeste habang kumakain siya ng kikiam.

Natawa ulit si Ivo sa tanong niya. "Siguro? Naroon ako, eh."

"Ang yabang! Mas gwapo pa rin ang asawa ko kesa sa iyo..."

"May asawa ka?!" gulat kong tanong kay Celeste.

She grinned and pointed to someone in a distance. Sinundan ng mga mata ko ang tingin niya at dumako iyon sa second year na si Kael. Naka-basketball uniform pa at may dalang duffel bag at tubig. Naglalakad siya kasama iyong team nila sa basketball at nagbibiruan. Mukhang kakagaling pa ata nila sa practice dahil pawisan sila.

Lulu laughed upon seeing him.

"Crush mo yan? Eh puro hangin lang ang laman ng utak n'yan, eh!"

Sinapak ni Celeste si Lulu dahil napalakas ang boses nito. Buti naman at hindi lumingon sina Kael at dire-diretsong naglakad patungo doon sa sakayan ng tricycle.

"Eh ano?! Gwapo naman siya, atsaka may utak naman ako para sa aming dalawa! Pwede na yun!" Singhal niya naman. Binalingan niya ako, parang maiiyak na. "Gwapo naman siya, diba, Raya?"

"Huh?" nag-panic kaagad ako at binalingan ulit si Kael. Matangkad din siya, pero mas matangkad pa rin nang kaunti si Ivo sa kaniya. Atsaka, maputi ang balat niya gaya ng sa akin. Pero siya, namumula lang kapag naiinitan. Ako ay nas-sunburn talaga at hindi nagpapantay ang balat lalo na kapag summer! Malakas din ang sex appeal niya at hindi ko maipagkakailang gwapo naman talaga. Kaso... "Hindi ko type."

Nalaglag ni Celeste ang hawak niyang baso ng kikiam habang nakaawang ang bibig. Mas lalo pa akong nag-panic.

"P-Pero gwapo naman siya, Cel! Hindi ko lang talaga type," dugtong ko kaagad.

Tumawa si Ivo at pinulot iyong basong nahulog sa kalsada. Tumayo siya at itinapon iyon sa basurahan habang si Celeste naman ay naninigas pa rin.

"Ano bang type mo, Raya?" tanong ni Ivo, nakatingin sa akin.

Hindi agad ako nakasagot. Ano nga ba? Wala naman akong naiisip. Hindi ko rin iyon iniisip dahil nga bata pa ako. Dapat na ba iyong pag-isipan ngayon pa lang? Hindi man ako sigurado kung ano ang type ko, alam kong hindi si Kael iyon.

In the end, I shrugged. "Hindi ko pa talaga alam..."

Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na ako sa kanila. Si Celeste ay sa ibang rota ng tricycle sasakay habang sina Lulu at Ivo naman, sasabay sa akin.

"Pupunta ulit kami sa dagat," sabi ni Lulu sa akin habang naghihintay kami ng tricycle. "Ayaw mo ba talagang sumama, Raya? Nabo-bored ako roon sa buhanginan na ako lang mag-isa."

Umiling ako. "Walang susundo sa mga kapatid ko."

"Eh nasaan ba ang Mama mo?"

Natahimik ako sa tanong niya. Mukhang napansin ata ni Lulu na sensitive subject iyon dahil nanlaki ang mga mata niya at napatakip ng bibig. Umiling lang ako.

"Wala siya rito..." mahina kong wika.

Hindi na ako kinulit pa ni Lulu tungkol doon at pumara nalang ng tricycle. Kaming dalawa ni Lulu sa harapan habang sa likod naman ng driver si Ivo. Ako, sa San Juan elementary school bumaba habang sila naman ay nagpahatid pa roon sa kanto kung saan nakatira si Ivo. Nagrereklamo kasi si Lulu na malayo pa raw ang lalakarin kung dito sa elementary school bababa kaya nagtataka akong napatingin kay Ivo. Ibig bang sabihin, naglakad din siya patungo sa kanila nung sabay kaming sumakay kahapon?

"Bye-bye, Raya! Ingat ka!" sigaw ni Lulu nang bumaba na ako sa tricycle. Si Ivo naman ay bumaba at lumipat sa tabi niya. He smiled at me when our eyes met. Kaagad na akong kumaway at dali-daling naglakad patungo sa eskwelahan.

Isang linggo atang madaling araw nang umuuwi si Papa pagkatapos nun. Hindi naman ako nagtatanong sa kaniya kung bakit dahil alam ko naman ang isasagot niya. Nag-iipon siya ng pera para makauwi na si Mama dito. Pinag-iipunan niya rin ang pang-college ko kaya kumakayod siya nang todo. Suma-sideline din si Papa sa pagtitinda sa palengke tuwing linggo dahil ibang driver naman ang bumabiyahe sa taxi na nirerentahan niya.

Minsan ay hinihintay ko siyang umuwi, pero pinagsasabihan niya akong huwag nang magpuyat dahil palagi na akong late sa school namin. Puro na din ako absent sa flag ceremony kaya inagahan ko talaga ngayon. Nagluto ako para sa mga kapatid ko at inilagay ang mga baon nila sa bag saka ihinatid silang dalawa sa eskwelahan nila. Pagkatapos nun ay sumakay na din ako ng tricycle patungo sa amin.

Naabutan ko naman ang flag ceremony pero nasa pinakalikuran na ako nakatayo. Katabi ko ang boys sa ibang section at sa kabilang banda naman, ang boys sa section namin. Si Ivo, dahil siguro matangkad siya, ay nasa pinakahuli rin. Nginitian niya ako nang magtama ang mga mata namin.

"Good morning. Ang aga mo ngayon, ah?" komento niya. "Nakaabot ka sa flag ceremony,"

Tumango nalang ako kasi nakakahiyang napansin niya pala. Iyong transferee sa amin pa ang mas may magandang attendance sa flag ceremony kesa sa akin! Tapos ng kantahin ang national anthem kaya iyong school hymn nalang ang kinakanta namin. Pagkatapos nun ay may announcement ang principal namin na maaga ang dismissal mamaya para bigyang oras ang orientation meeting ng mga club. Hindi ko pa natitingnan kung saang classroom ang meeting ng chess club kaya hahanapin ko pa yun mamaya.

"Balita ko crush daw ni Aileen iyong bagong lipat sa Mabini," narinig kong usapan ng dalawang lalaki sa kabilang section. "Ano, popormahan mo pa ba?"

"Sino?"

Itinuro ng lalaki si Ivo na walang kamalay-malay at sumusunod lang sa nagsasayaw ng zumba sa harapan. Kasali pa doon si Celeste at ang taas-taas ng energy niya. Hindi naman ako gumagalaw kasi nahihiya ako at marami ring hindi nakikinig sa kanila.

"Anong pangalan n'yan?"

"Hindi ko matandaan, Ivo ata o ano..."

"Badtrip naman. Hindi nalang ako manliligaw. Parang wala namang pag-asa."

"Huwag ka namang mawalan agad ng pag-asa. Balita ko kasi mag-syota silang dalawa ni Luanne, yung first-year representative? Siya daw ang sinundan niya dito sa Elyu."

"Talaga?"

Napatingin na ako nang tuluyan sa kanila. Masama na ang tingin nila ngayon kay Ivo samantalang siya naman, mukhang natutuwa pa kakasayaw ng zumba. Napatingin siya sa gawi ko at nginisihan ako.

"Mag-exercise ka, Raya! Ang tamlay mo!" kantyaw niya naman.

Hindi nalang ako umimik at sinubukang sundan ang mga galaw ni Celeste pero masyado iyong mabilis. Grabe, hindi ba siya nauubusan ng energy? Pawis na pawis na siya pero ang laki pa rin ng ngiti. Passion niya ata talaga ang pagsasayaw.

Nang matapos ang flag ceremony ay pinabalik na kami sa classroom namin. Kaso pagbalik, kailangan mong pumulot ng basura. Hindi ka makakapasok kung wala kang basurang dala kaya naman naghanap-hanap ako. Yung maiingay kong kaklase, dumiretso sa basurahan at doon nanguha kasi nga wala naman daw silang mahanap.

A shadow fell over me while I'm picking up a crumpled piece of paper. Alam ko kaagad na si Ivo yun dahil amoy ko na ang pabango niya. Isang linggo pa lang kaming magkakilala pero kabisado ko na agad ang pabango niya. Paano naman kasi, siya lang ata ang gumagamit nun sa classroom namin. Puro bench naman na matatapang ang pabango ng mga lalaking katabi ko sa likuran.

"Raya, sumali din ako sa chess club..."

"Huh? Bakit?" tanong ko agad sa kaniya.

Ngumisi si Ivo at nagkamot sa batok niya. "Trip ko lang. Wala naman kasing surfing club dito kaya dun nalang ako. Tsaka, nandun ka naman."

Bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi niya. Ano naman kung nandun ako? Eh hindi naman kami close! Gusto kong sabihin sa kaniya na si Lulu ang sundan niya pero hindi naman niya magagawa iyon dahil sa student council naman siya at hindi naman officer itong si Ivo.

Hindi ko na siya sinagot at naglakad na patungo sa classroom. Nakabantay si Lulu sa pintuan, tabi ng basurahan at pinapatapon iyong napulot namin bago kami makapasok. Pinagsabihan niya pa sina Migs dahil alam niyang galing din naman sa basurahan mismo ang dala nila.

"Hindi! Itapon niyo yan saka maghanap ulit kayo ng basura! Hindi pwede!" naningkit ang mga mata niya.

Napailing nalang ako habang panay naman ang reklamo ng mga lalaki. Nauna ako doon sa upuan ko at agad na nag-spray ng alcohol sa kamay. Maingay dahil hindi pa dumarating ang homeroom teacher namin at si Lulu ay busy pa rin sa pangongolekta ng basura.

Si Ivo naman ay lumabas nang may dumalaw sa kaniyang mga kaibigan galing sa ibang section. Nakaramdam ako ng bahagyang inggit kasi ang dali lang sa kaniyang makipag-kaibigan sa iba samantalang ako na mas matagal na rito ay bilang pa rin ang mga kakilala. I stared at him while he's talking to his new friends. He's like a ray of sunshine, spreading light and goodness. Attracting other people is so easy for him. I wonder what it would be like to be him?

"Huwag mong titigan, malulusaw yan..."

Napakurap ako nang biglang magsalita si Lulu. Namula kaagad ang pisngi ko dahil mapang-asar na ang ngiti niya sa akin ngayon.

"Hindi naman—"

"Normal lang na magka-crush ka kay Ivo, kasi aaminin ko, gwapo naman talaga ang ugok na yun. Hindi kita masisisi." Tumawa siya habang naga-alcohol din ng kamay.

Gusto kong makipagtalo na hindi ko nga siya crush pero lumapit na si Ivo sa upuan namin. Ayaw kong marinig niya ang pinag-uusapan namin dahil sobrang nakakahiya kaya tumahimik nalang ako.

Pagkatapos ng klase namin ay nagpunta ako roon sa classroom kung saan ang orientation meeting ng chess club. Naroon naghihintay ang mga officers at iba pang miyembro ng club. First year ata ang pinakamarami dito at lahat sila maiingay. Yung mga officers naman, nagsusulat sa black board ng kung ano. Nakaupo sa tabi ko si Ivo at kanina pa ako kinukulit.

"Raya, Raya, anong sagot mo sa number 4 kanina sa quiz?"

Sinulyapan ko siya at inisip kung ano ang tanong doon sa number 4. Saan daw binaril si Jose Rizal. "Bagumbayan." Tipid kong sagot. Hindi kasi iyon multiple choices kaya kailangan talagang isulat ang sagot.

"Huh?! Hindi ba sa likod?!"

Nagulantang ako sa lakas ng boses ni Ivo. Alam kong pinagtitinginan na kami ng ibang estyudante at mas lalo pa iyong lumala dahil sa lakas ng boses niya. Yung mga babaeng first year din, kanina pa nakatingin dito.

"Ang dami kong mali! Zero ba ako dun?"

Napailing nalang ako at nagsulat sa notebook ko para tantanan na ako ni Ivo. Nag-start na ang orientation meeting namin kaya tumahimik na din siya. Yung president ng club, si Natalie, ay fourth year student na. Wala naman siyang gaanong sinabi bukod sa house rules at schedule din ng monthly meetings namin. Meron din kaming time na maglalaro kami ng chess para malaman kung sino ang pwedeng ipanlaban pagdating ng intramurals. Kailangan nila ng representative mula sa first year, second year, third year, at fourth year.

Si Ivo, napaghahalataan mong bored na. Hindi ko nga alam kung marunong bang mag-chess ang lalaking ito o trip lang din niyang magpunta rito kasi chill lang naman ang club na 'to. May kinawayan siyang kaibigan ulit mula sa kabilang section at pagkatapos ng meeting, agad siyang pinuntahan nito. Tumayo nalang ako dahil mabilis nang pinalibutan ng mga tao si Ivo na para bang artista ito. Iyong mga babaeng first year na kanina pa tingin nang tingin, nagkalakas din ng loob na lumapit at ipakilala ang mga sarili nila.

"Sereia! Iniwan mo ako kahapon!"

Nagulat ulit ako sa malakas na boses ni Ivo at napalingon. Hawak ko pa ang kamay ng kapatid ko at nasa gate kami ng eskwelahan niya ngayon. Napatingin tuloy sa akin si Selena.

"Ate, yung pogi mong classmate!"

"Shush!" pinanlakihan ko siya ng mga mata. Pogi? Saan niya napulot ang salitang yun? Ang bata pa niya, ah!

Ivo was panting by the time he reached me. Nakatingin lang ako sa kaniya pero sumimangot siya.

"Kinausap lang ako saglit ng mga kaibigan ko, paglingon ko, wala ka na!"

I tilted my head, not sure what to answer. Bakit ba? Kailangan ko ba siyang hintayin? Wala naman kaming pinag-usapan na ganun, ah?

"Uh, ihahatid ko lang sa classroom si Selena." Turo ko sa kapatid ko. Mukhang maghihintay siya, eh.

"Sige, dito lang ako." Aniya at naupo doon sa maliit na upuan sa may waiting shed.

Pumasok na kaming dalawa ni Selena. Si Sonny naman, absent ngayong araw dahil nilalagnat. Sinisipon na kasi pero nag-basketball pa kaya natuluyan! Hindi tuloy nakapag-biyahe si Papa ngayon dahil walang magbabantay kay Sonny doon sa bahay. Kailangan kong umuwi ulit nang maaga.

Pagkalabas ko ng elementary, nakita ko si Ivo na matiyagang naghihintay. May hawak siyang tinapay na mukhang binili niya sa katapat na bakery. Nang makita niya ako ay agad siyang tumayo at inalok sa akin yung kinakain niya.

"Gusto mo? Hindi ako nag-breakfast kaya bumili nalang ako dito,"

Umiling ako. "Hindi na, sa iyo na yan..."

"Grabe ka, Raya, wala namang laway 'to."

My cheeks reddened. Hindi naman iyon ang ibig kong sabihin! Tsaka, busog din ako kasi nag-almusal naman ako kanina. Imbes na sagutin siya ay pumara nalang ako ng tricycle.

"Tara na," mahina kong tawag sa kaniya at sumakay doon sa loob.

Tinapos ni Ivo ang kinakain niya habang umaandar ang tricycle. Nang makarating kami sa eskwelahan namin, binayaran niya pa ang pamasahe ko. Kumunot ang noo ko.

"Hindi mo naman kailangang bayaran—"

"Minsan lang ako manglibre, Raya, tanggapin mo na." he patted my head and went ahead. I sighed and followed.

Nang makarating kami sa classroom, marami ng tao sa loob. Naroon na rin si Lulu at mukhang nagulat pa ito nang makita kaming magkasamang pumasok. Si Celeste naman, malaki ang ngisi at kaagad akong inasar-asar.

"Kayo ha! Bakit kayo sabay pumasok?! Live-in kayo, no?!"

Nagulantang ako sa sobrang bulgar ng biro niya pati na rin ang mga babae kong kaklase. Parang gusto kong batuhin si Celeste dahil sa sinabi niya pero tawa lang siya nang tawa lalo pa't namumula ang buong mukha ko. Si Ivo naman, tumawa lang din at naupo doon sa likuran. Nakayuko akong sumunod at naupo na rin.

Mukhang late ata ulit yung homeroom teacher namin kaya lumabas muna ako para mag-C.R. Nasa dulo pa ng hallway ang C.R. namin kaya binilisan ko ang paglalakad. Pagpasok ko, may grupo ng mga babaeng naroon sa tapat ng salamin at mukhang nagmi-makeup. Sila yung panay ang tingin kay Ivo kahapon sa chess club. I murmured an excuse and went to the nearest cubicle. Naguusap-usap sila sa labas hanggang sa matapos ako.

Hinugasan ko agad ang mga kamay at aalis na sana pero biglang hinigit nung isang babae ang uniporme ko, dahilan upang mapatingin ako sa kaniya.

"May tanong ako," she said in a catty voice. Hindi ko agad nagustuhan ang tono ng boses niya at sa totoo lang, medyo natatakot din ako kasi parang galit siya. "Kayo ba ni Ivo?"

"Huh?"

"Ikaw iyong nang-agaw ng boyfriend ni Xandra, diba? Aagawin mo rin ba si Ivo mula kay Lulu?"

-

#HanmariamDWTWChap2

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro